ICE “Hindi kaya pulis ‘yan?” pabulong na tanong ng isang lalaki sa mga kasama. I remained calm. Hindi ako pulis pero may isa sa kanila na gumana ang utak at nakaisip pagdudahan ako. Sinulyapan ko ito at tinantya. “Pulis?” Tinitigan ako ng lalaking nag-utos kanina kay Johnny na kausapin ako. Ang lider nila. “Malabo,” sabi nito, “walang pulis na gan’yang lahi sa Pilipinas. Kung pulis sa bansa nila, na nagbabakasyon dito sa Pilipinas, ay ‘yon pwede pa.” “Sabagay…” sang-ayon ng kanina naghinala na pulis ako. “Guwapo masyado, eh! Mga gan’yang itsura sa bansa natin ay pag-aartista nga pala ang pangarap.” “Do you know this address?” singit kong tanong para naman mapaniwala ko sila na naliligaw nga lang ako at hindi maintindihan ang sinasabi nila. “This…” Lumapit iyong Johnny sa akin, binasa ang address naa pinakita ko, at pagkatapos ay napatingin sa mga kasama. Napakamot. “Ano?” tanong ng lider nila kay Johnny. “Ituro mo na kung saan ang lugar para makaalis na ‘yan!” “Taguig man,”
Huling Na-update : 2024-05-08 Magbasa pa