"Shawn, Hainna," tawag ng Mama ni Shawn na nasa di kalayuan nila. Sabay pa silang napalingon ni Shawn sa Mama nito. Napansin n'ya ang mabigat na pahinga ni Shawn, tila may nangyayaring hindi n'ya alam."Sumunod kayo sa akin sa library," utos ng Mama ni Shawn, sabay talikod at naglakad na papuntang library. Habang si Shawn naman ay hindi pa rin kumikilos at s'ya naman ay walang kaalam-alam sa mga nangyayari. At hindi alam ang gagawin. Hindi rin s'ya makakilos, hinihintay ang pagkilos ni Shawn."Let's go!" Anyaya ni Shawn at hinila s'ya sa braso. Napangiwi s'ya dahil mahigpit ang pagkakahawak nito sa braso n'ya, at kanina pa masakit ang braso n'ya sa mahigpit na pagkakahawak ni Shawn."Shawn sandali," pigil n'ya."Shut up!" He shouted at her. Napapitlag s'ya sa biglang pagsigaw ni Shawn sa kanya. Nanlalaki ang mga matang napatingin kay Shawn."You have to explain na walang nangyari sa atin Hainna, my Mom freaked out ng malaman isa kang Dela Serna! And now your parents are on their way
Last Updated : 2022-12-29 Read more