KasalukuyanKanina pa s'ya nakatitig sa salamin at naramdaman ang pagluha ng mga mata sa ala-ala ng nakaraan. Pag akyat n'ya kanina mula sa pool area kung saan hinalikan s'ya ng asawa, tatlong taon na din n'yang inaasam na muling mahalikan ni Shawn at nangyari 'yon kanina. At pag akyat sa itaas hindi n'ya maiwasan na sariwain ang nakaraan kung paano s'ya naging Mrs. Alvarez, kung paano n'ya napagtagumpayan ang pangalang Mrs. Alvarez at kung paano s'ya pinaalis ng bansa ni Shawn, sa gabi mismo ng kasal nila. Ang gabing hinding-hindi n'ya makakalimutan."Ready ka na ba?" tanong ni Shawn sa may pintuan ng silid. Nagulat s'ya, at tila noon palang s'ya nakabalik sa kasalukuyan. "Ah?" Tanging sabi n'ya at nagkatinginan sila ni Shawn mula sa salamin. "Ah, eh," kumurap-kurap s'ya at tumango. "Tapos na ko," sagot n'ya at tumayo mula sa kinauupuan. "Let's go then," sabi nito at tumalikod na nauna ng lumabas ng pintuan. Napasimangot s'ya at nagkibit balikat. "Kaya mo 'yan Hainna, kaya mo 'y
"What?" Gulat na tanong n'ya sa sinabi ni Shawn sa kanya. "You think hindi ko alam kung ano ang mga ginagawa mo sa Canada," mariing sagot nito, habang nakatunghay sa kanya.Kumunot ang noo n'ya at mabilis na tinulak ang asawa mula sa ibabaw n'ya. Hindi n'ya nagawa dahil mabigat ang asawa. Sinubukan muling itulak pero ni hindi man natinag ang asawa."Shawn! get off!" Inis na hiyaw n'ya. Nais n'yang pag-usapan nila ang sinasabi nitong alam nito ang ginagawa n'ya Canada. Bakit ano bang ginawa n'ya sa Canada? Muli sinubukan n'yang itong itulak pero lalo lang nitong diniin ang katawan sa katawan n'ya."Shawn," impit na sabi n'ya. Nararamdaman na n'ya ang bigat ng asawa sa katawan n'ya, at nasasaktan na s'ya."I know na iba't-ibang lalake ang mga nakasama mo sa Canada," sabi nito at matalim s'yang tinignan."Anong sinasabi mo?" Gulat na tanong n'ya sa sinabi ng asawa."Huwag ka nang magsinungaling pa!" Sagot nito at mula sa pagkakaibabaw sa kanya ay tumayo ito. Naiwan s'yang nakahiga sa k
Kanina pa s'ya nakatitig sa brown evelope na nakalagay sa kama. Wala na si Shawn lumabas na ito, iniwan na s'yang mag-isa ng asawa sa silid. Natatakot s'yang malaman kung ano ang nasa evelope, dahil nakakasigurado s'yang kung ano man ang laman ng envelope ay 'yon ang dahilan ng mga binibintang ng asawa sa kanya. She never cheated on her husband, hindi n'ya magagawa ang bagay na binibintang sa kanya ng asawa. Pero dahil sa kung ano mang laman ng envelope na 'yan, ay tila naypapatunay sa asawa na niloko n'ya ito habang nasa Canada s'ya."Kung inakala mo Hainna ikaw lang ang marunong mag surprise sa asawa mo, ayan may surprise din sa iyo ang asawa mo" bulong n'ya sa sarili.Dahan-dahan s'yang lumapit sa kama, kailangan n'yang ihanda ang sarili sa kung ano man ang laman ng envelope. Naupo s'ya sa kama at hinawakan ang envelope. Humugot muna s'ya ng malalim na paghinga bago binuksan 'yon. Kinapa n-ya ang laman sa loob, mga papel yon or tila mga larawan. Kinabahan s'ya at tinaas ang unang
Gaya ng sinabi ng Mama ni Shawn, pinagluto n'ya si Shawn ng menudo. Isa sa paborito n'yang lutuin nang nasa Canada s'ya sa tuwing namimiss ang pagkain sa pinas. Dahil na rin mag-isa s'yang naninirahan sa Canada kaya natuto s'ya sa mga gawaing bahay.Matapos maayos ang mga pagkain na dadalhin sa opisina ng asawa ay agad na s'yang nag-ayos. Kailangan maganda s'ya dahil makikita s'ya ng mga katrabaho ng asawa. Teka alam ba ng mga katrabaho ni Shawn na may asawa na ito? Bigla n'yang natanong sa sarili. Malamang hindi, Shawn's hate her so much.Isang spaghetti dress na above the knee ang suot n'ya at sandals, naglagay din s'ya ng konting make up at nag-ayos ng buhok. Ilang beses pa n'yang sinuri ang sarili sa salamin, para siguraduhing maganda s'ya, naapangiti s'ya sa sarili. At biglang alala ang mga larawan n'ya kasama ang iba't- ibang lalake. Kailangan n'yang maipaliwanag ang lahat sa asawa, kailangan n'yang linisin ang pangalan n'ya sa asawa, para mawala ang ano mang masamang iniisip ni
Lumayo s'ya ng ilang hakbang mula sa asawa. Marami silang dapat pag-usapan ng asawa, pero hindi n'ya alam kung saan magsisimula. Nais sana n'yang simulan sa tanong na kung ano ang ginagawa ni Patricia sa kompanya ng asawa at bakit ito nagtatrabaho bilang sekretarya sa asawa? "Ano bang pag-uusapan natin?" Walang emosyong tanong nito at kinuha ang envelope na pinadala ng Mama nito. Sinilip ang loob at pagkatapos hinihagis sa mesa. "About-about-" hindi n'ya magawang magsalita. Alin ba dapat ang una nilang pag-usapan?"About what Hainna?" May iritasyong tanong nito at sinunod namang tinignan ang dala n'yang pagkain. Ngumuso lang ito at tinabi ang paper bag, lningon s'ya ng asawa at lumakad sa may gilid ng mesa paharap sa kinatatayuan n'ya. Sumandal ito sa mesa at naupo ng kaunti habang nakatingin sa kanya, hinihintay ang sasabihin n'ya."I hope you'll listen to me, when I explain my side about those pictures," pigil hiningang sabi n'ya. Nagtaas ng kilay ang asawa habang hindi nag-aalis
Nahinto ang asawa sa ginagawa. Nagangat ito ng ulo at sinulyapan s'ya, habol ang hiningang nakatitig sa napakagwapong asawa, pagkatapos nalipat ang atensyon ni Shawn sa mga katok sa pinto.Maya-maya pa narinig n'yang bumukas ang pintuan, nananatiling nasa ibabaw n'ya ang asawa at s'ya naman ay nakahiga sa sofa, hindi n'ya nakikita ang pumasok sa loob. Kung bakit naman kasi hindi naka lock ang pintuan at kung anu-ano na ang ginagawa nila ng asawa."Shawn ipag re-reserve ba kita sa restaurant for your lunch?" Tanong ng tinig. Nakakasigurado s'yang si Patricia ang nasa may pintuan. Nagtaas s'ya ng kilay habang nananatili sa awkward na posisyon. Hindi naman s'ya nakikita ni Patricia, tanging si Shawn lang naman ang nakikita nito sa sofa, kaya marahil hindi alam ni Patricia na nakahiga s'ya sa sofa bed at nakapatong sa kanya ang asawa. "Huwag na dito na ko sa opisina kakakain," sagot ni Shawn at liningon s'ya. May kapilyaan s'yang naisip kaya kinawit naman n'ya ang mga kamay sa batok ng
Kanina pa wala sa loob ng opisina n'ya si Hainna, pero amoy na amoy parin n'ya ang mabangong pabango ng asawa na napuno sa buong opisina n'ya. "Damn it!" Mura n'ya at nilamukos ang mukha sa mga palad. Mula ng bumalik ang asawa kahapon ay hindi na ito nawala sa isip n'ya, ewan n'ya pero nag masilayan n'ya ang asawa ay may kakaiba s'yang naramdaman. Tatlong taong nawala sa San Miguel ang asawa dahil sa kanya. Pinaalis n'ya ito ng bansa para pasakitan ito sa ginawa nitong pamimikot sa kanya. Alam n'yang kung magmamatigas s'ya at ipipilit na huwag pakasalan si Hainna noon ay walang magagawa ang Mama n'ya at ang mga Dela Serna, pero dahil nasagi ang ego n'ya at nais turuan ng leksyon si Hainna na sanay na nakukuha ang lahat ng gustuin nito, kaya nagpakasal s'ya kay Hainna at pinagplanuhan na paalisin ito ng bansa pagkatapos ng kasal nila. Nagawa naman n'ya lahat ng plano n'ya, nagtagumpay naman s'ya. Ang hindi lang nya napaghandaan ay ang biglaang pagbabalik ng asawa sa San Miguel, inaak
"Nakakainis," maktol n'ya nang makasakay na sa kotse."Ihahatid ko na po ba kayo sa bahay?" Tanong ng driver na, nagkukunwaring hindi narinig ang pagmamaktol n'ya. "Ihatid mo muna ako sa bahay ng mga magulang ko," utos n'ya. Agad naman tumango ang driver at pinaandar na ang sasakyan.Tiningala n'ya ang mataas na building ng mga Alvarez, at nainis lalo ng maalalang nasa loob din ng building na 'yan si Patricia. Nais tuloy n'yang pagsisihan ang pagpunta n'ya sa opisina ng asawa, nalaman tuloy n'yang sekretarya ng asawa si Patricia. Anong malay n'ya kung ano ang ginagawa ng mga ito pagkatapos ng trabaho, kung ano mga kahayupan ang ginagawa ng mga ito sa loob ng opisina ng asawa. Kug anu-ano na ang pumapasok sa isip n'ya, at lalo lang s'yang naiinis sa mga naiisip."Pwede bang ihatid mo nalang ako muna sa Tragora Mall," sabi n'ya sa driver.Hindi s'ya pwedeng pumunta sa bahay nila na magulo ang isip, baka kung ano ang masabi n'ya sa mga magulang at baka mag-alalala pa ang mga ito. Maglal
Makalipas ang dalawang linggo. Naisaayos na nila lahat ang mga kailangan para sa kasal nila ni Shawn. Dumating na rin ang Mama ni Shawn para tumulomg sa pag-aasikaso. Pagkatapos ng kasal nila ay lilipad din daw ito pabalik ng ibang bansan. Nasanay na daw kasi roon ang Mama ni Shawn, at isa pa nais daw nitong sila lang muna ni Shawn ang manirahan sa Mansion ng mga Alvarez. Para daw maasikaso n'ya ng husto ang asawa.Sa pangalawang pagkakataon ihaharap s'yang muli sa altar ni Shawn at mangangako muli ng pag-ibig na wagas sa kanya, at sa pagkakataong ito, ay mahal na s'ya ni Shawn, kaya iba ang pakiramdam na excitement at kaba sa araw na ito.Sa Alvarez beach gaganapin ang kasal nila. Tanging malalapit na kaibigan at mga kamag-anak lang ang invited. Ayaw na din naman kasi n'ya ng masyadong crowded, lalo na't buntis s'ya iniiwasan n'yang mapagod ng husto."I can't believe na ikakasal ka na naman Hainna," tinig ng Kuya Harvey n'ya, ang napabalikwas sa kanya, mula sa pagtanaw sa malawak na
"Hindi naman siguro natin masasaktan si baby diba?" Tanong ni Shawn nang makarating na sila sa loob, napangiti s'ya at hinaplos ang pisngi ng asawa, saka iniling ang ulo."Our baby will be safe," nakangiting sagot n'ya."Good," nakangiting sagot nito at nagyuko ng ulo para halikan s'ya sa mga labi. Pinikit n'ya ang mga mata at buong pusong sinalubong ang mga halik ni Shawn sa kanya.Dahan-dahan humakbang si Shawn, at pag atras naman sa kanya patungo sa malaking kama, kung saan unang beses n'yang pinagkaloob kay Shawn ang sarili."I love you Hainna," bulong nito, nang makahiga na sila ng asawa sa kama at nakaibabaw na ito sa kanya."How much do you love me Shawn?" Ewan n'ya kung bakit n'ya natanong, basta nais n'yang malaman kung gaano s'ya kamahal nito."Why you are asking that?" Kunot noong tanong nito at hinawi ang hibla ng buhok na kumakalat sa pisngi n'ya."Gusto ko lang malaman Shawn, gusto kong marinig mula sa iyo,""I love you Hainna more than anything, I realized now I can't l
Taranta n'yang buhat-buhat ang asawa habang tumutulo ang dugo nito sa braso. "Hold on Hainna, hold on," sabi n'ya sa asawa.Halos sigawan n'ya ang mga staff n'ya para ihanda ang sasakyan n'ya at dadalhin sa ospital ang asawa. Mamaya na n'ya haharapin si Patricia, ang mahalaga ngayon ay ang kaligtasan ni Hainna. Sinakay n'ya sa likuran ng kotse ang asawa at s'ya na rin mismo ang nagmaneho. Malapit lang naman ang Donya Feliza Hospital rito wala man limang minuto mararating na nila ang ospital."Hainna are you ok?" Tanong n'ya sa asawa at panay sulyap sa salamin para makita kung ok pa ba ito."Shawn," tawag nito sa kanya."Eto na nasa ospital na tayo," sabi n'ya at dali-daling bumaba ng driver seat at tumawag ng emergency sa Nurse na nakatayo roon na agad naman kumilos."Are you ok?" Muli n'yang tanong asawa."I am," sagot ni Hainna at binuhat ang duguan na asawa. May sumalubong sa kanilang mga nurse at maya-maya pa napansin n'yang nawalan ng malay ang asawa."Hainna?! Hainna!" "Nawa
Kinabukasan pinilit n'ya si Shawn na isama sa opisina nito. Ngayon kasi kokomprontahin ng asawa si Patricia. Nangako si Shawn na dahil sa ginawang pagbabanta ni Patricia sa kanya ay paaalisin na nito si Patricia.Inamin kasi n'ya kay Shawn ang mga pagbabantang sinabi ni Patricia sa kanya.Patricia wants to kill her, kaya naalarma na ang asawa at paaalisin na nito si Patricia ngayon din."Ayokong ma stress ka Hainna, kaya mas gusto kong maiwan ka na lang muna sa bahay," sabi ni Shawn ng pareho na silang makasakay sa kotse nito. May inis n'yang sinulyapan si Shawn at hinila ang seat belt, sinuot 'yon habang nakatingin rito.Bumuntong hininga si Shawn at binuhay na ang makina, sinumulan ng magmaneho. Nais n'yang sumama para makita si Patricia, kahit sa huling sandali man ay makahingi din s'ya ng tawad kay Patricia, aminin man n'ya o hindi may kasalanan pa din s'ya kay Patricia. Pagdating sa kompanya sabay na silang umakyat ni Shawn patungo sa opisina nito. Agad na tumayo si Patricia para
"Are you ok?" Tanong ni Shawn sa kanya ng makalabas ng comfort roomHindi n'ya alam kung paano s'ya nakalabas ng comfort room, nanginginig ang buong katawan n'ya sa takot sa pagbabanta sa kanya ni Patricia."Shawn," anas n'ya at liningon ang pinanggalingan, hindi na n'ya makita si Patricia.Kung magsusumbong s'ya kay Shawn ngayon, baka isipin ng asawa na masyado s'yang na o-obsessed kang Patricia, baka isipin ni Shawn na pinapapadali n'ya rito ang pagtanggal kay Patricia sa trabaho."Namumutla ka Hainna, may nangyari ba?" Nag-aalalang tanong ni Shawn sa kanya.Napatitig s'ya sa mga mata ng asawa. Paano ba n'ya sasabihin kay Shawn na pinagbantaan s'ya ni Patricia, at sinusundan sila ni Patricia."Wa- wala," utal na sagot n'ya. "Umuwi na tayo Shawn, baka pagod lang to," sabi n'ya."Yeah, sure let's go," sagot ni Shawn at hinawakan s'ya sa kamay at naglakad na sila.Niningon n'ya muli ang loob ng restaurant at nakita si Patricia na masamang nakatingin sa kanila. Sa nakikitang pagkilos
Pagdating sa opisina nakita nanaman n'ya si Patricia. Hindi talaga s'ya kumportable kay Patricia. Isipin pa lang na ilang taon ng kasama ni Patricia ang asawa n'ya sa trabaho ay naiinis na s'ya, dahil kung anu-ano ang pumapasok sa isip n'ya.Pagpasok sa loob ng opisina ni Shawn pabagsak n'yang iniupo ang sarili sa sofa."Hainna," tawag ni Shawn sa kanya na marahil nakita ang ginawa, sinulyapan n'ya ang asawa."Why?" Taas kilay na tanong n'ya rito."Let's talk about Patricia," sabi nito."Shawn isa lang ang gusto ko, ang palitan mo si Patricia," agad na sabi n'ya."Hainna kung ang dahilan mo sa pagpapaalis kay Patricia ay selos, hindi magandang dahilan 'yan," sagot nito at naupo sa swivel chair nito. Sumimangot s'ya at sinandal sa sofa ang likod. Pinagsalikop ang mga kamay sa dibdib."What if ex ko ang makatrabaho ko Shawn ok lang ba sa iyo 'yon?" Tanong n'ya sa asawa."Hell no!" Mabilis na sagot nito."Exactly Shawn," at tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa, lumakad palapit sa mesa ng
Iniharap s'ya ni Shawn rito at hinawakan ang mukha n'ya."I'm so sorry for everything Hainna. For all the pain I've cause you. I'm really sorry," bulong ni Shawn sa kanya, habang nakatitig sa mga mata nito na puno ng pagsisisi."Hayaan mo kong makabawi sa lahat ng pagkukulang ko, sa lahat ng nagawa kong mali sa pagsasama natin," patuloy nito habang hinahaplos ang pisngi n'ya.Napapikit s'ya at dinama ang bawat haplos nito sa kanya at ninamnam ang bawat salita nito."Let me make it up to you Hainna," he said. She opened her eyes at look at his eyes."Yes Shawn, we can make it up, maaayos natin lahat ng mga mali natin noon," sagot n'ya at hinawakan ang kamay nito.Ngumiti si Shawn sa kanya at dahan-dahang lumapit ang mga labi nito sa mga labi n'ya. Pinikit ang mga mata at sinalubong ang mga labi nito.Naramdaman n'ya ang bahagyang pagtulak ni Shawn sa kanya sa salamin at napasandal s'ya roon, kasabay ang pagdikit ng katawan ni Shawn sa kanya. Unti-unti na ring naglalakbay ang mga kamay
Pagdating sa bahay naunang bumaba ng sasakyan si Shawn at mabilis itong umikot para pagbuksan s'ya ng pintuan. Pigil ang kilig n'ya ng buksan ni Shawn ang pintuan, inalalayan pa s'ya nito sa pagbaba."Salamat," pasalamat n'ya. Hawak kamay silang naglalakad papasok ng mapatingin s'ya sa malinis na dagat. May mangilan-ilan na naglalakad para mamasyal. Bukas ang Alvarez Beach para sa mga tao sa San Miguel, kaya hindi nakakapagtaka kung laging maraming tao sa Beach. Huminto s'ya sa paglalakad, nilingon s'ya ni Shawn."Pwede ba tayong maglakad sa tabing dagat?" Anyaya n'ya kay Shawn, ngumiti ito sa kanya at humigpit ang hawak sa kamay n'ya sabay tango.Ngumiti s'ya sa asawa, at naglakad na sila pababa sa mahabang hagdan pababa sa tabing dagat. Magkahawak kamay silang naglakad ni Shawn sa tabing sa dagat. Ito ang unang beses na nakapamasyal silang mag-asawa sa tabing dagat."Ang ganda," bulalas n'ya. Habang pinanoood ang pag hampas ng tubig palapit sa nilalakaran nila, sinulyapan n'ya si S
Pagdating sa G. Saavedra Airlines binigyan muna n'ya ng space ang mag-ina para makapag-usap ng maayos ay makapagpaalam sa isat-isa.Pansin n'ya ang panay sulyap sa kanya ng byenan kaya duda n'ya s'ya ang pinag-uusapan ng mga ito. Baka sinasabi ng byenan kay Shawn ang sinabi nito kanina sa kanya kanina.Maya-maya pa ay tinawag s'ya ng byenan at sinenyasang lumapit. Naglakad s'ya palapit sa mag-ina. Sinulyapan s'ya ni Shawn, bahagya s'yang ngumiti kay Shawn, pansin n'yang naiilang sa kanya ang asawa. Marahil dahil sa mga nangyari sa kanila kagabi. Hindi pa kasi nila napapag-usapan ni Shawn ang tungkol sa bagay na 'yon, at tiyak mamaya 'yon ang pag-uusapan nilang mag-asawa."Take care to my son hija ah," sabi ng byenan. Tumango s'ya at ngumiti rito"Thank you Hainna," sabay yakap ng byenan sa kanya."Do everything for your marriage," bulong ng byenan sa kanya. "Yes po," sagot n'ya agad. Aayusin talaga n'ya ang lahat sa kanila ni Shawn. Aayusin n'ya ang pagsasama nila ng asawa.Pagsakay