" Welcome back to the Philippines, sir" salubong sa kaniya ni Tiara, isa sa mga tauhan niya, tulad ng dati. Sa tuwing umuuwi si Demetri, si Tiara ang palaging naroon, ngunit kahit na matagal na silang magkatrabaho, hindi pa niya ito nasilayan na ngumiti o narinig na tumawa. "How's Italy, sir?" tanong ni Tiara, sa kanyang karaniwang seryosong tono. " Boring..." Sagot ni Demetri habang papunta na sa sasakyan na naghihintay upang ihatid siya sa penthouse. Bagamat dapat ay dalawang linggo siya sa Italy, nagpasya siyang umuwi nang mas maaga. Hindi na siya ang dating Demetri na aliw na aliw sa kagandahan ng mga Italiana. Na dati nagpupunta doon upang makipaglaro ng apoy sa mga Italiana. Ngayon, si Snow lamang ang nasa isip niya, ang kanyang asawa na labis niyang kinasasabikan. Dahil sa matinding pangungulila, nagpasiya siyang bumalik agad ng Pilipinas. Ngunit higit pa sa pangungulila, naroon din ang tampo at inis niya kay Snow. Bihira itong sumagot sa kanyang mga tawag at mensahe, kaya’
Huling Na-update : 2025-01-18 Magbasa pa