AMIRAHALOS MABINGI na ako sa lakas ng kalabog ng puso ko habang nakaupo ako sa elaganteng sofa sa sala. Hindi ko matingnan ang mga magulang kong matiim na nakatingin sa akin. Si inay ay katabi ko na may hawak na baso ng tubig habang hinahagod ni manang Flor ang likod nya. Iiling iling na tinitingnan nya ako. Si itay naman ay nakatayo at matalim ang mga matang nakatingin sa akin. Habang ang señor ay hawak ang tungkod na nakaupo din sa pang isahang sofa. Ang mga kasambahay naman ay napansin kong pasilip silip mula sa kusina. Kinagat ko ang labi ko at yumuko habang kinukurot kurot ang mga daliri. "Lo, Mang Carlitos, Manang Esme.." Nag angat ako ng tingin. Pababa ng hagdan si señorito Yñigo at bihis na sya. Nagsalubong ang aming tingin. Naging mapungay ang kanyang mga mata. Para namang may insektong kumikiliti sa tiyan ko dahil sa tingin nya na iyon. Pero agad din akong nagbawi ng tingin at muling yumuko.Narinig ko naman ang marahas na paghinga ni itay at hinarap si señorito. Napasin
Magbasa pa