AMIRA PALAKAS NG palakas ang kalabog ng dibdib ko habang hinihintay ang sasabihin ng doctor at piping nagdadasal. Maging si inay ay nanginginig pa ang mga kamay. "Nakuha na namin ang bala sa dibdib nya pero kailangan pa rin syang obserbahan. Ililipat na sya sa ICU." Para naman kaming nabunutan ng malaking tinik sa dibdib at nakahinga ng maluwag. Umiiyak na nagpasalamat si inay sa butihing doctor. Hinawakan naman ako sa balikat ni Yñigo at hinalikan sa ulo. Nilingon ko naman sya at nginitian, nagpasalamat dahil hindi sya umalis sa tabi namin ni inay. "Salamat mahabaging Panginoon. Sana ay magtuloy tuloy na maging mabuti ang lagay ni Carlitos." Mangiyak ngiyak na sabi ni inay. Nang nailipat na si itay sa ICU ay saka lang namin sya pinuntahan. Pinasuot kami ng surgery gown bago pinayagan makapasok. Tulog na tulog si itay at may mga swerong nakakabit sa kanya. Lumapit kami ni inay. Hinaplos ni inay ang noo at buhok ni itay habang maingat ko namang hawak ang kanyang kamay. Halos tatlu
AMIRA ISANG LINGGO na ang nakalipas mula ng mabaril si itay. Naging maayos na rin ang kalagayan nya at nagpapagaling na lang ng sugat. Maayos din ang lahat ng laboratory nya. Bukas ay maaari na rin syang lumabas. Sa mga nagdaang araw ay marami ang nangyari. Dinalaw sya ng mga kapitbahay namin at mga kasamahan nya sa sakahan. Dumalaw din sila Tonio pati ang tatay nya. Nakatulong ang pagdalaw nila sa mabilis na recovery ni itay. Ang malungkot lang ay patay na ang tauhan nila Alvin na bumaril kay itay. Natagpuan daw ito na wala ng buhay sa isang talahiban at may tama daw sa ulo. Pumunta pa nga sa mansion ang mga pulis para kunan kami ng salaysay. Dahil baka may kinalaman daw si Yñigo sa pagkamatay ng tauhan. Pero malinis ang konsensya ng asawa ko. Sa huli ay natukoy din kung sino ang utak sa pamamaril kay itay at sa tauhan na bumaril. Walang iba kundi ang mommy ni Alvin na si ma'am Melissa. Hindi ko akalain na ganun pala kaitim ang budhi nya at nakaya nyang magpapatay ng tao. Pinaghaha
[WARNING SPG] AMIRATAHIMIK AKONG umuungol habang ang kamay ni Yñigo ay nasa pagkababae ko at nilalaro ito. Malalim na ang gabi at tahimik na. Kanina pa malamang tulog si itay at inay kaya tahimik lang kaming dito sa kwarto ko. Nakakahiya kapag narinig kami ni itay at inay."Hmm Yñigo.." Bulong na ungol ko ng pagtuunan ng daliri ni Yñigo ang cl*t ko. Minamasahe nya ito ng daliri nya at pinipisil kung minsan na nakakapag paikot tlaga ng aking mata.Dito kami sa lapag humiga dahil hindi kami kakasya sa katre. Naglatag lang kami ng banig at kutson. Nakahiga ako at nakabukaka. Habang nasa tabi ko si Yñigo at heto nga pinagpapala ng malaki, magaspang at mainit nyang kamay ang pagkababae kong basang basa na. "Basang basa ka na baby.." Bulong nya sa tenga ko at hinahalik halikan ako don. Hindi ako sumagot at kumagat labi lang at humawak sa braso nya. Hinila naman nya ang isa kong hita at dinantay sa hita nya. Bukang buka na ang hita ko ngayon. Nakadagdag pa sa init na nararamdaman ko ang
AMIRA"TAY NAY, may gusto ho sana akong sabihin sa inyo." Untag ni Yñigo habang nasa gitna kami ng hapunan. Magkasabay na nag angat ng tingin si itay at inay sa kanya. Ganun din ako na nasa tabi nya. "Ano yun iho?" Tanong ni inay. Tumikhim muna si Yñigo at nilingon ako. Hinawakan nya ang kamay kong nakapatong sa lamesa."Gusto ko ho sanang pormal na hingiin ang kamay ni Amira sa inyo. Gusto ko ho syang pakasalan sa simbahan." Napasinghap ako sa sinabi nya. Tila may naghabulang daga sa dibdib ko sa lakas ng pintig nito. Natigilan naman si itay at inay pero agad ding nakabawi. "Napagusapan nyo na bang dalawa yan?" Tanong ni itay. Nilingon naman ako ni Yñigo, binigyan nya ako ng tingin na nanghihingi ng permiso. "Kasal na tayo di ba?" Sabi ko. Mapupungay ang mata nyang nakatitig sa akin. "Pero gusto kong ikasal tayo sa simbahan. Will you marry me?" Napakagat labi ko dahil mas lalong lumala ang kalabog ng puso ko. Walang dahilan para tanggihan ko ang alok nya. Kasal na kami sa ba
THIRD POVHACIENDA NOBRALES"NAKAHANDA NA ba ang lahat?" Tanong ni Abel sa mga tauhan nyang nagtipon tipon sa malawak na front porch ng mansion. Sinukbit nya ang baril sa tagiliran ng jacket. May sa sampung tao na armado ang susugod sa kabilang hacienda partikular sa bahay ng mga Capalad. "Yes boss!" Halos sabay sabay na sabi ng mga tauhan at sinukbit na rin sa kani kanilang bewang ang mga baril. "Magaling! Siguraduhin nyo lang mapupuruhan nyo lalo na yang apo ni Señior Arsenio. Masyadong pabida. Tingnan lang natin ang tapang nya kapag pinaulanan sya ng bala." Nakapamewang na asik ni Abel."Siguraduhin nyo rin na mapapatay nyo ang pamilya ni Carlitos, lalo na yung mag ama." Segunda ni Melissa at humithit ng sigarilyo habang nakahalukipkip. May ngisi sa kanyang labi. Ngayon pa lang nalalasahan na nya ang tamis ng tagumpay sa plano nila. At bukas na bukas ay may puputok na magandang balita sa buong lalawigan. Lalong lumawak ang ngisi nya. Kung nanahimik ka lang sana Carlitos at hind
YÑIGO"AMIRA!" Agad ko syang nilapitan at kinalong. Tiningnan ko ang bandang balikat nya na may umaagos na dugo. Hinawakan ko ang kanyang mukha at tinapik tapik ang pisngi. "Baby wake up!" Gumagaralgal ang boses na tawag ko sa kanya. Parang may nakabara sa lalamunan ko at malakas ang kalabog ng dibdib ko na masakit na sa loob. Pero hindi sya natitinag at nakapikit lang. Hinawakan ko naman ang pulsuhan nya. Pumipintig pa. Mabilis kong hinugot ang cellphone sa bulsa at tinawagan si ninong. Sinagot naman nya ito agad. "Ninong may tama ang asawa ko. Kailangan ko syang dalhin sa hospital." Nagmura ang nasa kabilang linya. ["Sige lumabas kayo, ico-cover kayo ng mga pulis para makalabas."] Aniya. Pinatay ko na ang cellphone at agad kong binuhat ang duguang asawa ko. "Hold on baby! Dadalhin kita sa hospital." Pagkalabas ko ng silid ay sumalubong sa akin sila itay at inay. Nagaalang tiningnan nila si Amira na duguan sa bisig ko."Diyos ko ang anak ko!" Bulalas ni inay at lumapit sila ni
YÑIGONAGDIDILIM ANG paningin na parang torong sinugod ko ang ex ni Amira at inundayan ng malakas na suntok. Pumalakda sya sa semento. Hindi pa sya nakakabangon ng hablutin ko sya sa kanyang kwelyo at hinila patayo sabay suntok sa kanyang sikmura. Napaubo naman sya sabay sapo sa kanyang sikmura. Nanlilisik ang mata at nagtatagis ang bagang na kinuwelyuhan ko sya at halos ibalibag sa pader. Napaigik sya ng tumama ang kanyang likod sa pader. Duguan na rin ang kanyang bibig pero ni katiting na awa ay wala akong naramdaman sa kanya. "Ang kapal ng apog mong magpakita pa dito pagkatapos ng ginawa ng hayop mong ina." Nanggagalaiting sabi ko. "G-Gusto ko lang makita si Amira." Inuubo ubo pang sabi nya. "Si Amira. Ang asawa ko. Hayun, muntik nang mag agaw buhay dahil sa kriminal mong ina! Kaya wala kang karapatang makita sya!" Gigil na asik ko sa kanya at mas idiniin pa sya sa pader. Halos umangat na sya dahil sa higpit ng pagkakahawak ko sa kayang kwelyo."P-Pakiusap.. gusto kong makita si
AMIRA"AW." NAPAIGIK ako ng sumakit ang balikat ko nang itaas ko ang kaliwang braso para maisuot ang sleeve ng dress. "Careful." Agad naman akong dinaluhan ni Yñigo at tinulungan maipasok ang braso ko sa sleeve. Nang matugampay na naipasok ang braso ko ay napabuntong hininga naman sya. "Dapat pala yung de tali na lang sa balikat mo yung dress na isusuot mo para hindi mapwersa ang balikat mo." Aniya na para bang problemadong problemado. "Ayos na to. Nabigla ko lang igalaw yung braso ko kaya sumakit yung balikat ko." Sabi ko. Ngayong araw kasi ang labas ko sa hospital. Hinihintay lang namin ang discharge paper bago umuwi. Masuyo nya akong hinapit sa bewang at nilapat ang labi sa noo ko. Napahawak naman ko sa kanyang dibdib at napapikit. Hinalik halikan din nya ang buhok ko at hinaplos haplos.Dumilat ako at tumingala sa kanya. "Bakit? May problema ba?" Umiling naman sya at ngumiti. "Masaya lang ako makakauwi ka na." Ang pisngi ko naman ang hinaplos nya. Ngumiti naman ako. "Naiini
YAGOMABILIS AKONG tumakbo sa malaking gate kasunod ang aso kong si Pepito ng matanaw ko na ang batang anak ng magsasaka na paborito kong asarin. Nakakatawa ang suot nya. Neon green na dress. Akala mo naman bagay sa kanya eh ang negrita nya. Glow in the dark yarn? "Alicia Negrita!" Tawag ko sa kanya. Hindi nya ako pinansin at tuloy tuloy lang sa paglalakad habang hila hila ang panungkit. Malamang manunungkit na naman sya ng bayabas sa bukid. "Alicia Negrita. Yuhoo!" Pakantang tawag ko pa sa kanya. Tinatahulan din sya ni Pepito. Pero di pa rin nya ako pinapansin. Alam kong naririnig nya ako di nya lang ako pinapansin. "Mangunguha ka ng bayabas no? Mukha ka talagang bayabas kaya ka umiitim eh. Pati damit mo kulay bayabas." Pang aasar ko sa kanya. Pero di pa rin nya ako pinapansin o kahit tingnan man lang. "Aba't! Isnabera ka na ha." Naiinis na sabi ko. Akala mo naman ang ganda ganda. Negrita na nga isnabera pa. Napangisi ako at tumingin kay Pepito na tumingin din sa akin. Parang n
ALONZO"MA, MALAKI na ako." Natatawang sabi ko habang inaayos ni mama ang kwelyo ng polo uniform ko. "Kahit malaki ka na at tumanda ka baby pa rin kita. Kayo ng kambal mo at ni bunso." Sabi ni mama at pinisil pa ang pisngi ko. Natawa na lang ako. 16 years old na ako pero baby pa rin ako kung ituring nya, kami ng mga kapatid ko. Hindi naman sa ayaw ko kung paano ako itrato ni mama, natutuwa pa nga ako dahil ramdam kong mahal na mahal nya kami, sila ni papa. "Let's go na brother." Nilingon ko si Ynna na patakbong bumaba ng hagdan. "Ynna anak halika muna rito." Tawag ni mama sa kambal ko. "Yes ma?" Lumapit naman si Ynna kay mama. "Bakit naman ganyan kapula ang labi mo anak?" Ani mama na inayos din ang uniporme ni Ynna. "May pictorial kasi kami mamaya sa school ma. Isa ako sa mga model." Sabi ni Ynna. "Talaga ba? Baka naman may pinapagandahan ka na?"Nilingon namin si papa na pababa din ng hagdan. "Wala po pa. Sadyang maganda lang ako." Nakangusong sabi ni Ynna. Tumawa naman si
YÑIGO"PAPA I WANT moby yung chocolate." Malambing na ungot ni Ynna ang limang taong gulang kong anak na babae habang tinuturo ang malaking pack ng paboritong tsitsirya sa estante. "Me too papa, pero yung caramel flavor ang gusto ko." Ungot din ni Alonzo ang limang taong gulang kong anak na lalaki na kambal ni Ynna na nakaturo din ang daliri. "Alright, pero tig isa lang kayo ha. Magagalit si mama." Sabi ko sa kanila at inabot ang tig isang flavor ng moby sa estante at nilagay sa cart. Tuwang tuwa naman ang dalawa. Napangiti ako. Kay sarap lang nilang tingnan na masaya sila. Nandito kami sa supermarket sa bayan at nag go-grocery. Dito muna kami pumunta bago sunduin si Amira sa hospital. Dapat ako lang susundo pero mapilit ang kambal na sumama kaya wala na akong nagawa. Isa nang ganap na nurse si Amira. At sa hospital sya ng San Agustin nagtatrabaho. Syempre suportado ko sya. Kinuha ko sa kamay ni Ynna ang tatlong pakete ng chocolate na dinampot nito. "No baby, may chocolate ka pa s
AMIRANATATAWA AKO habang pinapanood si Yñigo na tinuturuan ni inay ng tamang pagsuot ng diaper kay baby Alonzo. Seryosong seryoso ang mukha nya at napapakunot noo pa. Napapakamot pa sya ng ulo dahil medyo may kalikutan na si baby Alonzo.Napangiwi naman ako ng medyo dumiin ang sipsip ni baby Ynna sa utong ko. Matapos kong padedehen si baby Alonzo ay sya naman. Kung noong una ay halos mangiyak ngiyak ako kapag nagpapadede sa kanilang kambal dahil masakit. Pero ngayon ay nasasanay na ako. Ang suhestiyon kasi ni doctora ay mas mainam kung magpapabreastfeed ako. Makakabuti yun sa kambal. Mas masustansya ang gatas ng ina kesa sa formula. "Ah ganun lang ho pala yun." Tumatangong sabi ni Yñigo. "Pero lagi mo ring titingnan ang diaper nila kung puno na o may dumi na. Hindi komportable ang baby kapag ganoon dahil naiirata sila kaya iiyak sila." Paliwanag ni inay. Dahil sa wala pa kaming alam ni Yñigo kung paano ang tamang pagaalaga ng baby ay matiyaga kaming tinuturuan ni inay at nila mana
AMIRA"KAMUSTA MGA anak? Anong balita sa check up?" Bungad ni inay sa amin ni Yñigo pagpasok pa lang namin ng mansion. Nasa sala sila ni itay kasama si lolo Arsenio habang nagtsatsaa. Mukhang may pinaguusapan sila bago kami dumating. Inalalayan naman akong maupo ni Yñigo sa sofa at tumabi sya sa akin. Nakangiting hinarap namin sila na nakatingin din sa amin at naghihintay ng sasabihin. "Kamusta? Nalaman na ba ang gender ng unang apo ko sa tuhod? Lalaki ba?" Nakangiting sunod sunod na tanong ni lolo Arsenio. Nagkatinginan pa kami ni Yñigo at nagngitian. Nilapag namin ang ultrasound sa lamesita sa harap nila. Gusto namin sila mismo ang makaalam. Nagtataka namang tiningnan nila ang mahabang papel na nakalapag sa lamesita. Si lolo Arsenio ang unang dumampot at in-adjust ang suot na salamin para makita ang nasa papel. Ilang sandali pa nya itong pinakatitigan. "Teka, bakit parang dalawa itong hugis patani na ito?" Tanong nya ng hindi inaalis ang tingin sa papel. "Dalawa? Bakit dalawa
AMIRAHUMUGOT AKO ng malalim na hininga ng makababa na kami ni Tonio ng sasakyan. Nadito kami sa harap ng restaurant kung saan magkikita at maguusap kami ni Alvin at Suzette. Nakikita ko na nga sila sa loob at tila masayang nag uusap. "Sure ka ba talaga acla? Kung hindi ka sure pwede namang hindi na lang tayo tumuloy." Nagaalalang tanong ni Tonio. Nag aalala kasi sya na baka magkagulo lang kaming tatlo lalo na dahil kasama si Suzette. Tumango ako sa kanya. "Tara na sa loob baka naiinip na sila. Kuya, pahintay na lang kami dito." Sabi ko sa bodyguard ko at driver. Tumango naman sila. Pumasok na kami ni Tonio sa loob ng restaurant. Binati kami ng guard at in-assist ng isang staff. Tinuro ko naman ang pwesto nila Alvin na pang apatan ang mesa. Lumapit na kami sa kanila. Natigilan naman sa paguusap ang dalawa at parehas na nawala ang ngiti. Si Alvin ay titig na titig pa sa akin na parang hindi makapaniwala na nakikita nya ako. Bahagya ng nanunumbalik ang katawan nya. Noong huling kita
ALVINHINDI AKO makapaniwala sa sinabi ni dad sa akin. Imposible ang sinasabi nya. Tumingin ako sa salamin sa pinto kung saan nakikita ko sa loob ng silid ang isang lalaking nakaratay at may kung ano anong nakakabit na aparato at tubo sa bibig at katawan. Sya ang lalaking kalaguyo ni mommy at utak sa mga kaguluhan sa bayan ng San Agustin. Sya ang sinasabi ni dad na tunay kong ama. Tumingin ako kay daddy. "Dad, hindi totoo ang sinasabi mo. He's not my biological father." Bumuntong hininga si daddy. "I'm telling the truth son, he is your biological father. Bago naging kami ng mommy mo nobyo nya noon ang tunay mong ama, si Abel. Hindi sila nagkatuluyan dahil tutol ang kanilang mga magulang para sa kanilang dalawa. Pinagkasundo naman kami ng mga magulang namin ng mommy mo. Sa una hindi naging maganda ang pagsasama namin ng mommy mo. Lagi kaming nag aaway. Lagi kasi syang umaalis. Hanggang sa lumipas na mga buwan naging ok kami at nabuntis sya. Labis ang tuwa ko lalo na ng ipinanganak ka
AMIRA NAALIMPUNGATAN ako dahil sa ginaw. Nilingon ko ang tabi ko pero wala si Yñigo. Kaya pala ang lamig. Sanay na kasi ako na sya ang yakap ko kapag giniginaw ako. Bumangon ako habang kipkip ang kumot. Nasaan kaya sya? Tiningnan ko ang nakasaradong pinto ng banyo. Mukhang wala naman sya doon. Malamang ay bumaba. Napangiti na lang ako. Napansin ko namang suot ko na ang t-shirt nya. Malamang ay sinuot nya sa akin ito. Hindi ko man lang naramdaman. Akmang babangon ako sa kama ng bumukas ang pinto at humahangos na pumasok si inay at itay. Nilock pa nila ang pinto."Nay, tay, bakit po kayo nandito? Si Yñigo po nakita nyo sa ibaba?" Tanong ko kay inay. Nagtataka ako kung bakit sila pumasok dito sa kwarto namin ni Yñigo. At saka madaling araw na. Narinig ko pang humugot ng mabigat na hininga si itay at parang hindi sila mapakali. Lumapit sa akin si inay at umupo sa gilid ko. "Gising ka na pala anak, dapat matulog ka pa. Mag a-alas tres pa lang ng madaling araw." Sabi nya at hinaplos
[WARNING SPG]YÑIGO"OHH HMMM.." Ungol ni Amira habang nakasubsob ako sa pagkababae nya. Ang sarap sa tenga ng mga ungol nya. Lalong tumataas ang lib*g na nararamdaman ko. Hindi ko iniinda ang mahigpit na sabunot nya dahil gusto kong lalo pa syang mag enjoy at masarapan sa ginagawa ko. Gusto kong suklian ang ligayang binigay nya sa akin. Kaya ngayong gabi sisiguraduhin kong mamamaos sya kakaungol sa sarap at kakaungol sa pangalan ko. Malikot ang paggalaw ng balakang nya na tila ayaw malayo sa dila ko. Mas lumakas pa ang ungol nya ng bahagya kong kagatin ang cl*t nya sabay sipsip. "Ahh Yñigo!" Daing nya habang lumiliyad. "Hmm.." Ungol ko sa pagitan ng pagsipsip at pagdila sa cl*t nya. Pinaikot ko ang mga braso ko sa mga hita nya para maipirming nakabuka. Gustong gusto ko ang lasa ng katas nyang manamis namis, nakakadarang. Tiningnan ko saglit ang pagkababae nyang mamula mula at nangingintab dahil sa katas nya. Kiniskis ko ito ng kamay at bahagyang tinapik tapik na ikinaungol na n