YÑIGO"AMIRA!" Agad ko syang nilapitan at kinalong. Tiningnan ko ang bandang balikat nya na may umaagos na dugo. Hinawakan ko ang kanyang mukha at tinapik tapik ang pisngi. "Baby wake up!" Gumagaralgal ang boses na tawag ko sa kanya. Parang may nakabara sa lalamunan ko at malakas ang kalabog ng dibdib ko na masakit na sa loob. Pero hindi sya natitinag at nakapikit lang. Hinawakan ko naman ang pulsuhan nya. Pumipintig pa. Mabilis kong hinugot ang cellphone sa bulsa at tinawagan si ninong. Sinagot naman nya ito agad. "Ninong may tama ang asawa ko. Kailangan ko syang dalhin sa hospital." Nagmura ang nasa kabilang linya. ["Sige lumabas kayo, ico-cover kayo ng mga pulis para makalabas."] Aniya. Pinatay ko na ang cellphone at agad kong binuhat ang duguang asawa ko. "Hold on baby! Dadalhin kita sa hospital." Pagkalabas ko ng silid ay sumalubong sa akin sila itay at inay. Nagaalang tiningnan nila si Amira na duguan sa bisig ko."Diyos ko ang anak ko!" Bulalas ni inay at lumapit sila ni
YÑIGONAGDIDILIM ANG paningin na parang torong sinugod ko ang ex ni Amira at inundayan ng malakas na suntok. Pumalakda sya sa semento. Hindi pa sya nakakabangon ng hablutin ko sya sa kanyang kwelyo at hinila patayo sabay suntok sa kanyang sikmura. Napaubo naman sya sabay sapo sa kanyang sikmura. Nanlilisik ang mata at nagtatagis ang bagang na kinuwelyuhan ko sya at halos ibalibag sa pader. Napaigik sya ng tumama ang kanyang likod sa pader. Duguan na rin ang kanyang bibig pero ni katiting na awa ay wala akong naramdaman sa kanya. "Ang kapal ng apog mong magpakita pa dito pagkatapos ng ginawa ng hayop mong ina." Nanggagalaiting sabi ko. "G-Gusto ko lang makita si Amira." Inuubo ubo pang sabi nya. "Si Amira. Ang asawa ko. Hayun, muntik nang mag agaw buhay dahil sa kriminal mong ina! Kaya wala kang karapatang makita sya!" Gigil na asik ko sa kanya at mas idiniin pa sya sa pader. Halos umangat na sya dahil sa higpit ng pagkakahawak ko sa kayang kwelyo."P-Pakiusap.. gusto kong makita si
AMIRA"AW." NAPAIGIK ako ng sumakit ang balikat ko nang itaas ko ang kaliwang braso para maisuot ang sleeve ng dress. "Careful." Agad naman akong dinaluhan ni Yñigo at tinulungan maipasok ang braso ko sa sleeve. Nang matugampay na naipasok ang braso ko ay napabuntong hininga naman sya. "Dapat pala yung de tali na lang sa balikat mo yung dress na isusuot mo para hindi mapwersa ang balikat mo." Aniya na para bang problemadong problemado. "Ayos na to. Nabigla ko lang igalaw yung braso ko kaya sumakit yung balikat ko." Sabi ko. Ngayong araw kasi ang labas ko sa hospital. Hinihintay lang namin ang discharge paper bago umuwi. Masuyo nya akong hinapit sa bewang at nilapat ang labi sa noo ko. Napahawak naman ko sa kanyang dibdib at napapikit. Hinalik halikan din nya ang buhok ko at hinaplos haplos.Dumilat ako at tumingala sa kanya. "Bakit? May problema ba?" Umiling naman sya at ngumiti. "Masaya lang ako makakauwi ka na." Ang pisngi ko naman ang hinaplos nya. Ngumiti naman ako. "Naiini
AMIRA"WHAT? AKO ba pinagloloko mo?" Asik ng babae kay ate Mona at nakapamewang na dinuro duro sya. "Naku hindi po ma'am! Totoo po ang sinabi ko. Di ba Amira? Asawa ka talaga ni señorito?" Kinalabit pa ako ni ate Mona. Hindi ko naman alam kung tatango ako o ano. Hanggang ngayon kasi ay parang may trauma pa rin ako sa babae. Hindi ako komportable sa presensya nya. Parang may dala na naman syang gulo. "That's impossible! Paanong magiging asawa ni Yñigo ang hampaslupang uhugin na ito?" Singhal ng babae na maarteng tinuro pa ako. Nakakatakot ang haba ng kuko nya. Parang kayang kayang gulanitin ang katawan ko. "Grabe naman kayo ma'am! Ang ganda ganda ni Amira para tawagin nyo lang na uhugin. Kung tutuusin mas maganda pa sya sa inyo. Hindi pa retokada." Taklesang sabi ni ate Mona. Parang gusto kong takpan ang bibig nya. "What did you say?" Mataas na boses na sabi ng babae. Namumula na ang mukha nya sa inis. "Ate Mona!" Hinawakan ko na sa braso si ate Mona. "Ay sorry po ma'am. Nagsasa
AMIRANAPATANGA NA lang ako ng haklitin ni Yñigo sa braso ang babae. Napaigik naman ang huli. Galit na galit ang hitsura nya at halos kaladkarin na ang babae palabas ng mansion. Nakaawang na lang ang labi naming lahat. "Aray babe, n-nasasaktan ako!" Nakangiwi at mangiyak ngiyak nang sabi ng babae habang nagpupumiglas sa mahigpit na hawak ni Yñigo. "Shut up! Matagal na akong nagtitimpi sayo. Hinding hindi ko na mapapalampas ang pananakit mo sa asawa ko!" Bulyaw ni Yñigo sa babae. Namutla naman ang mukha ng babae."Y-Yñigo." Tawag ko sa asawa ko. Nagalala ako baka kung ano ang gawin nya sa babae. Nakakatakot kasi ang galit na nakikita ko sa mukha nya. "Stay there baby." Ani Yñigo nang sulyapan ako. "Pero -- ""Hayaan mo sya iha, alam ni Yñigo ang ginagawa nya." Anang lolo Arsenio. Napakagat labi na lang ako. Lumapit naman sa akin si inay at inabutan ako ng isang basong tubig. Agad ko naman iyon ininom para mabawasan ang kaba sa dibdib ko."Mabuti na lang at wala ang itay mo." Ani
AMIRANATAWA NA lang ako sa sinabi ni manang Flor. "Kumain lang ng mangga buntis na? Kayo po talaga manang Flor." Umiling iling na sabi ko. "At saka paborito ko po talaga ang manggang hilaw lalo na kung ang sawsawan ay bagoong. Nakaka isang kilo nga ako sa isang upuan lang. Di ba nay?" Binalingan ko pa si inay. Tumango tango lang si inay at bumuntong hininga. "Ah akala ko buntis ka na eh, sayang naman." May himig panghihinayang na sabi ni manang Flor. "Darating din ang mga bata dyan, mag antay antay lang tayo." Ani inay at hinarap na ang naudlot na gawain. Bahagya naman akong natigilan ng maisip ang sinabi nila. May umusbong na excitement sa puso ko sa isiping mabubuntis ako at magkakaanak. Wala sa sariling napangiti ako at tinuloy ang pagkain ng mangga. YÑIGONAKATIIM BAGANG ako habang papasok ng barn house. Sumalubong sa akin ang mga tauhan ko at ilang mga pulis. Umigtig ang panga ko ng makaharap ang magsasakang espiya sa hacienda. Nakaupo sya sa bangko habang nilalamukos sa
AMIRANATIGILAN AKO sa sinabi ni inay at mas kumalabog sa kaba ang dibdib ko. Galing na mismo sa kanyang bibig ang kanina pa umuukilkil sa isip ko. Napalunok ako. "Hindi pa naman sigurado iho. Pero pwede naman kayong mag pregnancy test para nakumpirma natin at kung sakaling positive bukas makapag pa check up na kayo." Suhestyon ni inay sa amin. Umupo naman sa harap ko si Yñigo at hinawakan ang aking kamay. May nabanaag akong kakaibang kislap sa mga mata nya. Tuwa at pagkasabik. "Baby ok lang ba kung mag pi-pregnancy test ka? Para lang makasiguro tayo?" Tila excited pang sabi nya. Napakagat labi ako at tumingin pa kay inay. Tumango naman sya sa akin na parang sinasabing ako ang bahala. Parang bigla rin akong naexcite. Paano nga kaya kung buntis na talaga ako. Tumingin akong muli kay Yñigo. Mapupungay ang kanyang mga matang nakatingin sa akin na naghihintay ng sagot ko. Tumango ako.Ngumiti sya at hinalik halikan ako sa noo bago tumayo. "Lalabas lang ako, bibili ako ng pregnancy t
ALVINTINUNGGA KO ang bote ng beer habang nakatingin ako sa puting kisame. Isinandal ko ang ulo sa head rest ng sofa. Bumuntong hininga ako at pumikit. Lumitaw ang mukha ni Amira ng makita ko sya kanina sa fast food. Tumulo ang luha ko. I missed her. I missed her so much..Gustong gusto kong lapitan sya kanina at yakapin. Pero natatakot ako. Alam kong galit lang ang isasalubong nya sa akin. Pero masaya ako na makitang ok na sya. Sobrang nagalala talaga ako ng malamang nabaril sya. Galit na galit din ako kay mommy ng malamang isa sya sa mga nasa likod ng pagbaril sa bahay nila Amira at tinamaan nga sya. Alam kong ayaw nya kay Amira pero hindi ako makapaniwalang magagawa nya yun. Pinahid ko ang luha kong naglandas sa pisngi ko. Nawawalan na ako ng pag asa kay Amira. Siguro nga ay dapat ko na syang isuko. Kasal na sya ngayon at ako naman ay magkakaanak na sa ibang babae. Nakakapanghinayang lang ang mga pangarap na binuo namin. Kung sana lang pwede kong ibalik ang lahat sa dati. Araw ar