Share

Chapter 35

AMIRA

NATAWA NA lang ako sa sinabi ni manang Flor.

"Kumain lang ng mangga buntis na? Kayo po talaga manang Flor." Umiling iling na sabi ko. "At saka paborito ko po talaga ang manggang hilaw lalo na kung ang sawsawan ay bagoong. Nakaka isang kilo nga ako sa isang upuan lang. Di ba nay?" Binalingan ko pa si inay.

Tumango tango lang si inay at bumuntong hininga.

"Ah akala ko buntis ka na eh, sayang naman." May himig panghihinayang na sabi ni manang Flor.

"Darating din ang mga bata dyan, mag antay antay lang tayo." Ani inay at hinarap na ang naudlot na gawain.

Bahagya naman akong natigilan ng maisip ang sinabi nila. May umusbong na excitement sa puso ko sa isiping mabubuntis ako at magkakaanak.

Wala sa sariling napangiti ako at tinuloy ang pagkain ng mangga.

YÑIGO

NAKATIIM BAGANG ako habang papasok ng barn house. Sumalubong sa akin ang mga tauhan ko at ilang mga pulis. Umigtig ang panga ko ng makaharap ang magsasakang espiya sa hacienda. Nakaupo sya sa bangko habang nilalamukos sa
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status