“Ma’am Ivy, ayos ka lang po?”Wala sa sarili akong napakurap-kurap. Muli kong binalik ang phone ni Sheeha sa kanya at ramdam na ramdam ko ang panlalamig ng aking mga kamay. I gulped to clear the lump on my throat and forced a smile.“Y-yeah. Nahilo lang ako,” saad ko.“Ah ganun po ba?” She nodded her head and looked at her phone. “Pero grabe, ang ganda pala ng dati niyang fiancée, Ma’am, no? Hindi nakakapagtakang papakasalan niya kaagad. Naku, kung hindi lang dahil doon sa tarantadong wedding intruder nila rati, baka may anak na sila ni Sir Pogi ngayon.”Hindi ako nagsalita at hinilot na lamang ang aking sintido. Hindi ko maintindihan kung bakit at kung ano ang dahilan ngunit parang may kung anong dumagan sa dibdib ko at sobrang bigat.“Sheeha,” I called her. “Could you please get me a bottle of water?”“S-sige po, Ma’am.”Humugot ako ng malalim na hininga at hinilot ang aking sintido. Paulit-ulit na nagpi-play sa ‘king isipan ang aking mga nabasa kanina. Ang mukha ni Fox kasama ang b
Huling Na-update : 2023-01-17 Magbasa pa