Long updates will start tomorrow soon. Bakbakan na naman tayo kay Mareng Ivy at Pareng Fox. Anyways, see you tomorrow!
“Ivy…”Napatingin ako sa tumawag sa ‘kin at agad kong ipinakita ang aking ngiti. Hindi ko siya kilala, okay? Hindi ko rin alam paano niya ako nakilala. Strangers calling me with just my name feels so weird. Hindi ako nasanay.“Yes, Sir? How may I help you with?” I politely replied.Ngumiti ito sa ‘king naging sagot at umiling. “No need to be polite. Anyway, I am Arnold, the groom’s brother.”Tumango-tango ako. That makes him look very familiar. Medyo kamukha niya si Mr. Alejo. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit niya ako tinawag at kung paano niya ako nakilala. Known enough for him to confidently call me by my name.“Ano pong maipaglilingkod ko? Is there any problem?” mahinahon kong tanong.“Nothing. I just came here to personally meet you,” he said. “Lagi ka kasing bukambibig ni Floryn at nabanggit din sa ‘kin ni Cris na isa kang magaling na wedding planner so I came here to see it for myself. And my brother was right.”Hindi ko alam kung ano ang tamang words na sabihin dahi
“Ano ba kasing pumasok sa isip mo at nagpaulan ka, ha? At sa gitna pa talaga ng sementeryo? Are you crazy? Paano kung magkasakit ka bukas? Ivy, nakikinig ka ba?”Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Mas lalo pa yatang sumikip ang aking dibdib dahil sa mga nangyayari. Lalo na nang masilayan ko ang malaking picture frame naming tatlo ni Mommy at Daddy.A single tear fell on my cheek while looking at the picture frame. Hindi ko alam kung paanong hindi pa rin nauubos ang luha ko dahil kanina pa ako umiiyak. Tila isa itong gripo na patuloy lamang sa pag-agos.Mariin kong pinikit ang aking mga mata at bumuntong hininga. Umupo ako sa isang couch at hindi ko na pinansin pa si April na kanina pa ako pinagsasabihan. Mabuti na lamang at available siya kaya agad niya akong pinuntahan sa sementeryo kanina. Dahil kung hindi ay siguro nanginginig na ako roon sa lamig.“Puro pa basa ang mga damit mo. Anong susuotin mo ngayon?”“He knows,” I said. “Alam na niya…”Alam kong gusto ni April na magt
“No. Hindi pwede. H’wag ka nang babalik doon,” saad ni April sa ‘kin sabay abot ng isang jacket dahil nanlalamig na ako.I looked at her and forced a smile. “Hindi ko alam, April. I think it’s an important matter na kinakailangan ko pang bumalik doon.”Kahit ako ay nagdadalawang-isip kung pupunta sa Batangas. Pakiramdam ko kasi ay isang malaking pagkakamali pa kung babalik ako sa lugar na nilisan ko dahil sa sobrang sakit. At kung sakali mang babalik pa ako roon, para saan pa? Para magpasampal dahil mukhang alam na ni Jessica ang katotohanan?Mariin kong hinilot ang aking sintido at bumuntong hinga. Niyakap ko ang aking sarili at muling umupo sa couch. Dala ni April ngayon ang maid niya na linggo-linggo niyang pinapalinis sa bahay ko. Ito na ang nagsaayos ng aking silid na aking tutulugan ngayong gabi.“Kung babalik ka roon at alam n ani Jessica ang totoo, ano na ang ang mangyayari sa ‘yo? Paano kung ipahiya ka niya? Paano kung… Jesus. Maraming what if sa isipan ko, Ivy. Hindi mo man
“A-ano?” My lips parted. “Anong pangalan niya?”“Fox Madrid po, Ma’am Ivy.” She then bit her lower lip. “Hinahan pka po niya. Nakakatakot po siya magsalita, Ma’am. Feeling ko po may galit siya sa ‘kin, e.”“Who’s here, Love?”Wala sa sarili akong napatingin sa ‘king anak na ngayon ay nagtatakang nakikinig sa usapan namin ni Candy. Pilit ko itong nginitian saka ako tumingin kay Candy.“Nasaan siya ngayon?” I asked.“Na sa lobby po, Ma’am. Hindi ko muna pinaakyat dahil sinabi ko sa kanyang baka hindi po muna kayo tatanggap ng kliyente,” she replied.Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi at bumuntong hininga. Nilingon ko ang aking anak at lumapit dito. I squatted on the floor and caressed his cheeks.“Do you want to go to mall and buy your favorite toy with Tita Candy?” I asked.Ang pagbanggit ko sa salitang ‘toy’ ay siyang nagpaliwanag ng kanyang mga mata. Kahit naman sobrang mature ng anak ko na magsalita at mag-isip ay isa pa rin siyang bata. He’s still a child and it’s normal fo
“Anong ginagawa mo rito?” I asked. “Napadpad ka yata rito?” Umupo ako sa couch at bumuntong hininga. Naupo naman si Hansel sa kung saan nakaupo si Fox kanina at niyakap ang isang throw pillow saka ako nito sinagot. “Well, I thought your son was here. I want to meet him,” aniya. Hindi ko maiwasang matigilan. Hansel is really eager to see my son, to know him, and even meet him. Sa halos tatlong linggo niyang pagbibisita rito ay hindi niya pa nakikita si Finn. I don’t want them to meet each other anyway. Dahil sa oras na magkita sila at mamukhaan ni Hansel si Finn ay marami akong magiging eksplenasyon na sasabihin nito. And knowing Hansel, I can still recall the old times where he used to ask me stupid questions and even detailed questions. At hindi ka niya titigilan hangga’t sa makontento siya sa mga impormasyong nalalaman niya. “Bad timing. Kaaalis lang ni Finn,” I said. “Anyway, can I ask why the hell did you tell Fox that I am your fiancée?” Ngumiwi ito sa naging tanong ko. “I j
“Where the hell are you taking me?” sikmat ko rito. “Shut your mouth up,” he said. Sinamaan ko lang ito ng tingin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. He’s obviously kidnapping me! Pinilit niya akong sumakay sa sasakyan niya kanina at ngayon ay heto ako, nakaupo sa shotgun seat at may posas ang kamay. Yes, you read it right. Nakaposas ako at para akong presong itinakas niya mula sa kakatapos lang na court trial. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Taga-Boracay ako pero hindi naman ibig sabihin nun ay kabisado ko na ang mga lugar na ito. Pinili ko na lang itikom ang aking bibig at binaling ang aking tingin sa labas ng bintana. Hindi ko maipaliwanag nag nararamdaman ko. Malakas ang kabog ng aking dibdib habang kasama siya. Naglikot ang aking mga mata at napapasulyap ako sa kanyang pwesto na agad ko ring namang iniiwas. He can’t just catch me looking at him. Nakakahiya ‘yon! Hindi nagtagal ay huminto na rin ang sasakyan. Sinilip ko ang labas ngunit hindi ko masyadong
Silence is filling the whole place. Hindi ko alam kung paano kami nakarating dito. Hindi ko alam kung paanong pareho kaming walang saplot sa ilalim ng manipis na kumot. Both of us are catching our breath after that climax we just reached.Yes, we did it again.Ngayon ay alam ko na talaga kung gaano ako kamakasalanan. Na pumatol ako sa taong ikakasal na. Pumatol ako sa taong itatali na sa iba. And what frustrates me most is the fact that I am very submissive. Sobrang rupok ko pagdating sa kanya. Hindi naman ako ganito dahil kay Joshua, e. Hindi ako marupok at alam ko kung ano ang halaga ko.Pero ano ba ang nangyayari sa ‘kin? What the hell is happening to me for me to change this much? Alam kong hindi excuse and katotohanang siya ang ama ng anak ko. Ni hindi niya nga alam na may anak siya sa ‘kin.“I hate your silence,” pagpuputol nito sa katahimikan. “What are you thinking now?”Hindi ako kumibo. Sa halip ay bumangon ako kahit na sobra pa akong nahihilo at medyo mahapdi pa ang kaselan
“Ma’am Ivy, your next appointment will be here in ten minutes,” anunsyo sa ‘kin ni Candy. “Okay. Thank you, Candy.” I smiled. It’s been what? Two weeks? But up until now, hindi pa rin nagpaparamdam si Fox sa ‘kin. Unti-unti ay nawawalan na ako ng pag-asa. Hindi ko alam kung maghihintay pa ba ako. Kung may hinihintay pa ba ako o naghihintay lamang ako sa wala. Hindi ko alam. Hindi ko na alam. Inayos ko ang aking sarili at itinali nang maigi ang aking buhok dahil sobrang kalat na nito. I am planning to cut my hair next week. O kapag hindi na puno ang aking schedule. Matagal-tagal na rin magmula nang magkita kami ng paborito kong salon. Napatingin ako sa ‘king phone na nasa ibabaw ng mesa nang bigla itong mag-ring. Sinilip ko kung sino ang caller at nabasa ang pangalan ni Hansel. Hindi ko maiwasang mapangiwi. Ilang tawag na rin ni Hansel ang ini-ignore ko. Hindi dahil sa naghihintay ako kay Fox. Kundi dahil hinahanda ko ang aking sarili sa paparating na galit niya sa ‘kin kung sakali
The Sequel: Epilogue IVY SHANE BARTOLOME’s point of view “Do you want me to sing a song for you? I will gladly do that, baby.” Then next thing I heard was a strumming of a guitar. “We were as one, baby. For a moment in time. And it seemed everlasting that you will always be mine. Now you wanna be free, so I’m letting you fly. Cause you know in my heart, girl. Our love will never die, no.” His voice suddenly cracked in the middle of singing and it’s kinda weird because… because I like his voice. Bumibilis ang tibok ng dibdib ko sa naririnig ko. “You’ll always be a part of me, and I’m part of you indefinitely. Girl, don’t you know you can’t shake me. Oh, Darling, cause you’ll always be my baby.” Narinig ko ang paghagugol nito kaya naman kusang tumulo ang luha sa ‘king mga mata. I looked at my parents confusedly. I don’t understand what exactly is happening right now. “Why am I crying?” Ngunit hindi sumagot si Mommy. Hanggang sa isang tinig na naman ang aking narinig ko. “Mommy, w
The Sequel: Chapter 25FOX MADRID’s point of viewPeople used to say that you can’t give up on someone because the situation’s not ideal. Great relationships aren’t great because they have no problems. They’re great because both people care enough about the other person to find a way to make it work. And that’s how our love is. We’re trying to make it work no matter how hard it is.Not because we have our children, but because both of us can’t imagine surviving the future without one another. Both of us wanted to spend each other’s lifetime. We are each other’s strength. And as I watched how the burning car fell into the cliff, I lost all my strength.“Fox, no!”Mabilis akong hinawakan ni Stone sa balikat para hindi ko takbuhin ang distansya ng bangin. Napuno ng luha ang aking mga mata at nandidilim ang aking paningin. The anger inside me flamed up and now I can feel myself moving into their own, it’s as if they have their own mind to control.I pushed Stone hard and walked towards Li
The Sequel: Chapter 24“Grabe!” April exclaimed with a teary eyes. “Hindi ako makapaniwalang ikakasal ka na. I mean, is this real? Are you for real?”I looked at her and smiled. Gustuhin ko mang umiyak ay hindi pwede dahil kasalukuyan pa akong nilalagyan ng make up habang ang iba naman ay inaayos ang aking buhok para sa paglalagyang ng veil.“Stop being so dramatic, April. Ikakasal lang ako, hindi ako mamamatay,” natatawang tugon ko.Paano ba naman kasi? Kung umiyak siya ay parang ano mang oras ay kukunin na ako ni Lord. Kaya naman ay nginingitian ko na lang siya.“But seriously, Ivy. I’m really happy for you. Finally, hindi na jinx ang kasal mo ngayon. Paglabas mo ng simbahan mamaya, hindi ka na si Ms. Bartolome. You will be Mrs. Madrid and that is making me cry. I am so happy for you.”Hinawakan nito ang kamay ko kaya naman pinisil ko lang ito para pakalamahin siya. She’s getting emotional kahit may make up na ito.“Don’t cry or you’ll ruin your make up.”The day has finally come, a
The Sequel: Chapter 23FOX MADRID’S Point of viewI knocked on my son’s room but no one answered. Kaya naman ang ginawa ko ay tinulak ko pabukas ang pinto at doon ko nasilayan si Finn, nakahiga sa kama at mayroon suot na headset. Nakapikit ang mga mat anito na tila ba natutulog. But I am not dumb not to know he’s just acting.Humugot ako ng malalim na hininga at umupo sa kama. I looked at his walls full of anime strips. He designed his room. Mayroon din siyang personal computer sa gilid na sinadya ko para sa kanya. I want to spoil him so much. Baka sa ganitong paraan ay malaman niyang mahal na mahal ko siya.“I know you can hear me,” I said. “Can we talk?”Doon ko lang naramdaman ang pagbangon ng anak ko. Nilingon ko ito at nakita ko ang pagtangal nito ng headphones. Finn looked at me. Walang emosyon sa mga mat anito at parang hindi siya interesado. O sadyang pinapakita niya lang sa ‘kin na hindi ako interesanteng kausap.“Are you still mad at me?” tanong ko sa kanya.“No,” diretsong
The Sequel: Chapter 22 Hindi maalis ni Fox ang titig niya sa ‘min ni Heather. Parang hindi pa rin siya makapaniwala sa nakikita niya. Hindi yata siya makapaniwalang nandito kami at hindi kami umalis nang tuluyan. Kahit naman ako. Lalo na’t desidong- desidido ang hitsura ko nang magtalo kami ni Fox tungkol dito kaya naman hindi na ako nagtataka sa klase ng patingin niya sa ‘kin ngayon.“Kain ka ng marami,” I said. “Nasabi sa ‘kin ni Lucifer na hindi ka kumain buong araw kahapon at puro alak lang iniinom mo. Are you trying to end your life, Fox. Dapat sinabi mo at nang makahanap ako ng hitman na titira sa ‘yo.”Hindi ito umimik. Nang nanahimik na si Heather ay maingat ko itong nilagay sa kanyang baby crib na pwedeng dalhin kahit saan. Sinadya ko kasi na mayroong gulong ang crib nito para matutulak ko lang sa kung saan ko man gusto. At nang matapos ay napatingin ako kay Fox saka ko ito nilapitan.Ako na mismo ang naglagay ng pagkain sa kanyang plato dahil mukhang wala siyang planong gaw
The Sequel: Chapter 21 Inilibot ko ang aking panigin sa buong paligid at hindi ko maiwasang ngumiwi sa sobrang gulo ng paligid. Ang mga flower vase ay basag. Napaawang naman ang labi ko nang makita ko ang basag na malaking tv flatscreen. Then my eyes landed on Fox. Nakaupo ito sa sahig at nakapatong ang siko nito sa kanyang tuhod, takip takip ang mukha. He was leaning against the sofa. Ang sofa na bumaliktad din. “Fox…” I chanted. Agad itong napatingin sa ‘kin. At ang mapula nitong mga mata ang sumalubong sa ‘kn. His red and swollen eyes are looking at me and telling me how tired he is right now. Nakaramdam ako ng guilt habang nakatitig sa mga mata niya. Lucy called me, nagbabakasakali raw siya na baka hindi ako umalis. And I didn’t leave. Hindi ko kayang umalis dahil ayokong lisanin si Fox. Kaya naman nang tinawagan ako ni Lucy ay agad kong sinagot ang tawag. And when he told me that Fox was driving drunk, I was damn worried. Nalaman ko rin kay Lucy na hindi pumasok sa trabaho si
The Sequel: Chapter 20 Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi at bumuntong hininga. Hinilot ko ang aking sintido at tinitigan si Fox na ngayon ay tulog sa aking kandungan. Paulit- ulit na bumabalik sa ‘king alaala ang nangyari kani- kanina lang. Kung hindi pa siya nawalan ng malay ay hindi ito titigil. Mabuti na lang din at nagising ang yaya ni Finn kaya naman ito muna ang tinugon kong bantayan si Heather. I run my fingers through his hair while looking at his face. Sobrang himbing ng tulog nito. Hindi maalis sa isip ko kung paano nabasag ang tinig niya kanina. And I was totally lost for words. Hindi ko alam kung paano ko kakausapin si Fox tungkol dito dahil mukhang may nakapagsabi sa kanya ang plano ko. Pinikit ko ang aking mga mata. And I’m starting to think my decisions all over again. Ngayon ay naiisip ko na naman kung tama ba itong pinaggagawa ko sa buhay? Kung tamang desisyon ba ang umalis na lang kaysa ang ayusin ang lahat ng ito ngayon. His phone suddenly rang, creating
The Sequel: Chapter 19Nang sabihin ng doctor na pwede na akong umalis ay sinamahan ako ni Fox na umalis maghanda na para sa aming pag-alis. Ang crib at ibang gamit ni Heather ay pinadala na namin sa bahay. Ang natitira na lang dito sa loob ng silid ay ako at si Fox na karga ang baby namin. Ngumingiti lamang ito sa ‘kin dahil busy ako sa pagtutupi ng mga sheets.“Are you sure you’re fine now?”Napatingin ako rito at tipid na ngumiti. “Yes, I am.”“What if ipa-check up natin ang─”“Fox, I said I’m fine,” pagpuputol ko rito. “Don’t worry about me. Kaya ko na ang sarili ko.”“Why are you talking as if you’re fine without me and you don’t want to be dependent to me?” mahinang tanong nito.Bahagya akong natigilan sa pagtutupi ngunit hindi ko siya nilingon. Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi saka ako muling nagpatuloy sa pagtutupi ng aking mga gamit. Wala rin naman akong mapapala kung sasagutin ko ang tanong niya. Baka mauwi lamang kami sa pagtatalo.Isang kumot na lang sana ang tut
The Sequel: Chapter 18 Kusang dumilat ang aking mga mata at inilibot ito sa buong paligid. Dumapo ang aking paningin sa ‘king tiyan. Namilog ang aking mga mata nang hindi ko na makita ang umbok nito kaya naman wala sa sarili akong bumangon. Nakaramdam naman ako ng paninibago dahil sa sobrang gaan ng katawan ko. “Ma’am, dahan- dahan po sa paggalaw.” I looked to my side and frowned. “Nasaan ang anak ko? Anong nangyayari?” “Ma’am─” “Kakagising mo pa lang,natataranta ka na agad.” Wala sa sarili akong napatingin sa nagsalita at nangunot ang aking noo nang makita kung sino ito. “Lia?” wala sa sarili kong tanong. Ngumisi siya sa ‘kin at tumayo sa gilid ng aking kama. Nakaramdam ako ng kaba lalo na’t nang umalis ang nurse para siguro ay bigyan kami ng pribadong sandali. And this is not what I wanted. “Relax,” she said. “I won’t harm you. Not now.” My forehead knotted and she smirked at me. “What do you mean?” Umupo ito sa isang stool at tumingin sa ‘kin. Nagtaka ako nang bigla itong