August's POVIsang lingo din akong nagpahinga. The first three days was hell. Ang sakit umihi at maglakad. Palagi lang akong nakahiga dahil natatakot akong maimpeksyon. Hirap pa akong maligo dahil masakit siya kung hahawakan.Araw-araw kong sinisisi si Cayden at ang bakulaw naman ay todo alaga sa akin, bumabawi daw siya dahil siya daw may kasalanan. Tinatanggap nito lahat ng sama ng loob ko sa kanya dahil sa nangyari sa akin. Ang awkward pa tuwing chinecheck ako ng doctor dahil may kakaibang ngiti ito! Jusko, nakakahiya! Nakakahiya yung nagkasakit ka dahil dun!Hindi ako lumalabas ng kuwarto dahil sa kahihiyan. Ni hindi ako tumatanggap ng bisita. Kailangan ko munang kalimutan ang nangyari pero peste, paano ko makakalimutan yun kung ganoon ang impact sa akin? Forever na yun nakatatak sa utak ko.Buti na lang ngayon at hindi na siya masakit. Hindi na rin namamaga. I'm healed. I should avoid being alone with Cayden in a room. Dahil sigurado ako, since nasimulan na namin ito, masusundan a
Magbasa pa