August's POVHalos magtago na kami sa likod ng puno ng maglaban laban na ang mga knights at iba pang kasama namin sa mga demons.Mga hindi kapanipaniwalang bilis ang nakikita ko. Kung sa ordinaryong mata ng tao ang makakakita nito ay talagang hindi makikita ang mga galaw nila. Kahit ako ay nahihirapan na sabayan ang mga galaw nila. They are blurred in my eyes.Tama nga ang sinabi ni Sephira sa akin na dapat, pag-aralan muna namin, kami na hindi pa nakakalaban ang isang actual na demon dahil baka kakasimula pa lang ng laban ay namatay na kami dahil sa gulat."Fuck, lahat ba ng demon ganito kabilis?" Kinakabahang tanong ko rito habang nakalapat ang isang kamay ko sa kahoy ay mahigpit naman ang hawak ng kanan ko sa aking espada."If my hunch is correct, this is the slowest speed they got. This is this first line of defense, kaya malamang mahihina ang mga ito." Sagot nito sa akin na ikinalunok ko naman.Pucha, mahina pa ang mga ito? Sa tingin ko nga ay ang lakas lakas na ng mga ito. Pero
최신 업데이트 : 2022-11-11 더 보기