Home / Romance / Nilimot Na Alaala / Chapter 61 - Chapter 70

All Chapters of Nilimot Na Alaala: Chapter 61 - Chapter 70

82 Chapters

Kabanata 60

NELSON POV Isang buwan na rin ang lumipas mula no'ng nadukot sina Diego at Mia sa isla. Hanggang ngayon, nandito pa rin ang sakit, ang hinanakit ko sa sarili dahil wala man lang ako'ng nagawa. Hindi ko man lang sila natulugan.Nang makita ko ang ginawang hand signal ni Diego, kaagad ako'ng umalis para tumawag ng tulong, ngunit pagbalik namin ay wala na sila. Pumalaot na.Hinabol namin sila sa abot ng aming makakaya, pero anong laban ng pump boat sa yate. Kahit sabayan pa namin ng sagwan para mas bumilis pa kami, wala rin. Talagang napaka-hayop ng Romeo na 'yon. Hindi pa siya nakuntento sa ginawang pambububog sa kaibigan ko. Tinapon pa nila sa dagat. Mga walang puso.Kung nakapaghanda lang sana ako. Hindi sila mapapahamak. May nagawa sana ako. Nakatulong sana ako.Natigil ako sa pag-iisip nang matanaw ang pagparada ng itim na sasakyan. Nilapag ko muna ang hawak na bulaklak sa puntod. Bago ko nilapitan ang sasakyan. Lumabas mula roon ang limang mga lalaki na pawang nakangiti lahat. "
last updateLast Updated : 2022-12-30
Read more

Kabanata 61

"P're, gumising ka na naman, oh! Napagkamalan na tayong magsyota. Nasisira na ang emahe ko!"Niyugyog ko siya, baka sakaling magising, pero hindi talaga."Kapag hindi ako napag-asawa, ikaw talaga ang may kasalanan, P're!" Pukaw ko pa ulit sa kan'ya. Bumuntong-hininga ako. Buhay nga siya. Humihinga ng maayos, pero hanggang ngayon, ayaw pa rin niyang magising. Comatose pa rin. Maski ang mga doktor, hindi alam kung bakit hindi pa rin siya magising. Wala na namang ibang komplekasyon sa katawan niya. Ilang araw din siyang nanatili sa ICU, dahil nga nag-stop ang puso niya, pero lumaban pa rin siya. Tumibok pa rin ang puso, kahit katawan niya ay halos bumigay na at lantang-lanta na dahil sa gagawan ng hayop na si Romeo. Sinuwerte lamang itong kaibigan ko at nagkataon na may mga diver na nakakita sa kan'ya. Dahil kung wala, sigurado akong tuluyan na siyang naglaho sa mundong ito. Wala kasing nagawa ang paghabol namin dahil hindi pa rin kami umabot. Ni hindi na nga namin nakita ang yate kun
last updateLast Updated : 2022-12-30
Read more

Kabanata 62

Wala akong ibang masabi sa kaibigan ko, kun'di iyon lang. Talagang wala kaming ibang magagawa kun'di ang umasa at manalangin na sana buhay pa nga si Mia. Sapo na naman nito ang mukha at yumuyugyog pa rin ang balikat. Heto ako, walang ibang magawa kun'di ang pagtapik at paghaplos lamang sa likod niya nagagawa."P're, tama na 'yan. Makasasama sa'yo ang laging malungkot. Alalahanin mo'ng kakagising mo lang. Baka paano ka pa. Tatagan mo ang loob." "Gusto kong magpakatatag, P're, gusto kong isipin na maayos ang lagay ng asawa ko, ngunit sa tuwing maisip ko na kasama niya si Romeo, hindi ko mapigil ang mag-isip ng masama. Nagawa na niyang saktan ang asawa ko noon, at naulit pa iyon no'ng dinukot niya kami!" Kasunod ng mga sinabi niya ang pigil na paghagulgol. Nadantay ko na lamang ang noo ko sa balikat niya. Hindi ko na kasi alam kung paano siya aluin. Kung paano siya patatahanin. Yakapin ko kaya."Tahan na, P're, bago tuluyang bumigay ang pagkamaton ko at mayakap kita ng wala sa oras!"
last updateLast Updated : 2022-12-30
Read more

Kabanata 63

DIEGO POV Takip ang palad sa bibig ni Danica habang pigil ang paghagulgol."Diego... anong nangyari sa'yo? Nasaan si Vianna May?" tanong ni Danica, habang yakap na ako. Hindi kaagad ako nakasagot. Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Bumaling ang tingin ko kay Nelson na pasimpleng nagpunas ng mga luha kasabay ng pag-iwas ng tingin. Gusto ko sanang magtanong kung bakit nandito ang pinsan ko? Kung bakit niya sinabi na nandito ako? Alam naman niya na ayokong mag-alala ang pamilya ko. Ayokong sabihin sa kanila ang kalagayan ko. Ang kalagayan namin ng asawa ko. Gusto kong makuha ang sagot niya, mabasa man lang sana sa mga mata niya ang kasagutan, pero agad siyang nag-iwas ng tingin. Niyakap ko na lamang ang pinsan kong humahagulgol pa rin at ayaw na akong pakawalan. Kasabay din no'n ang pagpatak ng luha ko na agad ko namang pinahid. Hangga't maari ayokong makita niya ang hinagpis ko. Ang sakit na nararamdaman ko, pero hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ba na magtapang-tapangan. "D
last updateLast Updated : 2022-12-30
Read more

Kabanata 64

Ang sikip ng dibdib ko habang minamasdan si Aling Violy na abala sa pag-asikaso ng mga costumer niya. Tanaw ko lang siya mula rito sa loob ng sasakyan. Kating-kati na nga ang mga paa ko. Gusto ko na siyang lapitan at magpakilala bilang manugang niya. Pero hindi kasi ganoon ka dali. Naisip ko pa nga kung magkakaroon pa ba ako ng pagkakataon na matawag siyang Mama. Baka kasi kamuhian niya ako dahil sa nangyari kay Vianna May."Handa ka ba, P're, buo na ba talaga ang desisyon mo na kausapin si Aling Voily?" Sumulyap ako sandali sa kaibigan ko saka mapait na ngumiti habang tanaw na naman si Aling Violy. Bumuntong-hininga ako at sumandal sa backrest. Tinatantya ang sarili kung talaga ba'ng kaya ko nang harapin si Aling Violy. Halos dalawang linggo na rin kasi kaming pabalik-balik dito. Pero sa tuwing makita siya, umuurong ang buntot ko. Nagbabago ang isip ko. "P're, nagbago na naman ba ang isip mo? Bukas na ang huling therapy mo. Malakas ka na, sigurado ako na kakayanin na ng puso mo, an
last updateLast Updated : 2022-12-30
Read more

Kabanata 65

Panay ang paghinga ko ng malalim habang nakatingin kay Aling Violy na mahimbing pa rin na natutulog. Hawak ko ang kamay niya at bahagyang minamasahe iyon. Sobrang pagsisisi ang nararamdaman ko. Ako ang may kasalanan kung bakit nandito siya. Sa tuwing maisip ko ang reaksyon niya no'ng sinabi ko sa kan'ya ang dapat nitong malaman. Parang kinuyumos ang puso ko. "Aling Violy, sorry..." Mahigpit ang hawak ko sa kamay niya. Kung nagawa ko lang sanang protektahan ang asawa ko, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito. Hindi nawalay sa akin ang asawa ko at lalong hindi nakataray ngayon si Aling Violy dito. Paulit-ulit ang pahingi ko ng tawad sa kan'ya. Pauli-ulit ang pangakong hahanapin ang asawa ko. Kung dumating man ang panahong 'yon, sisiguraduhin kong hinding-hindi na ulit kami maghihiwalay. Gagawin ko ang lahat maging masaya lang kami. "P're.... magpahinga ka naman muna. Kanina ka pa nakatunganga d'yan. Alalahin mong masama pa rin ang loob ni Aling Violy sa'yo. Paano kung magising siya
last updateLast Updated : 2022-12-30
Read more

Kabanata 66

Nanlaki ang mata ni Doktora Jessa nang makita ako. Bumakas ang gulat at ang takot. Nanatili lamang siya na nakatingin sa akin. Animo nanigas at 'di na makagalaw. Humakbang ako palapit. Sinundan niya lamang ng tingin ang kada-hakbang ko. Hanggang sa ilang hakbang na lang ang layo ko mula sa kan'ya saka siya animo'y nahimasmasan. Tumayo ng maayos at tumikhim. "Mr. Fabriano," bigkas niya, pinipilit maging kalmado pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang nanginginig niyang mga labi at mga matang mapagkunwari." 'Vianna May?" patanong na bigkas ko sa pangalan ng asawa ko."Po... " nasambit niya, kasabay ang paghawak sa backrest ng link chairs. Tila doon siya kumukuha ng lakas para hindi tuluyang bumagsak. "Nasaan ang asawa ko?" walang paligoy-ligoy kong tanong. Hindi na naman nakaligtas sa akin ang paglunok niya na animo may bara sa lalamunan."M-Mr. Fabriano..." utal niyang tugon. "Doktora... Kanina ka pa po, pinapatawag ng director!" biglang singit ng nurse. Walang tanong na kaagad l
last updateLast Updated : 2022-12-30
Read more

Kabanata 67

Putok ng baril ang sumalubong sa amin hindi pa man kami tuluyang nakapasok sa gubat. Talagang hindi basta-basta si Romeo, pati na ang mga tauhan niya na handang sumalo ng bala maprotektahan lamang ang hayop na gaya niya. Pero sa pagkakataong 'to wala na siyang kawala. Wala na silang kawala. Sisiguraduhin kong ililigtas at mabawi ang asawa ko mula sa mga kamay niya, kahit na anong mangyari. Sa dami ng mga pulis na sumama sa operasyon, kampanti akong hindi na makakatakas si Romeo. Nakapalibot na sa buong resort ang mga pulis. Wala na silang mapagtataguan o mapupuntahan, sa dagat man o sa gubat. Ang ikinatatakot ko lang ay ang kaligtasan ng asawa ko. Hindi ko mapagil ang kabahan, ang mag-alala. Paano kung madamay siya? Paano kung hindi pa rin siya pakawalan ng demonyong si Romeo? Paano kung gagawin niya lahat hindi lamang siya mahuli at paano kung gawin niya ang lahat hindi ko lamang maagaw mula sa kan'ya ang asawa ko?Ang daming tanong, ang daming pumapasok sa isip ko na posibleng ma
last updateLast Updated : 2022-12-30
Read more

Kabanata 68

Matalim na titig ang pinukol ko kay Romeo na hanggang ngayon hindi pa rin nakakatayo matapos tumama ang kamao ko sa bibig niya.Matagal kong hinintay ang panahong ito. Ang muling makaharap ang taong dahilan ng paghihirap ko. Paghihirap namin ng asawa ko."Diego!" muli niyang bigkas sa pangalan ko, kasunod ang pagdura.Bakas ang pagkagulat sa mukha niya. Pero nakuha pa rin niya ang tumawa."Ako nga!" Madiin ang bigkas ko sa mga katagang 'yon. Gusto kong ipamukha sa kan'ya, na oo buhay ako. Buhay na buhay para pagbayarin siya sa lahat ng kawalang-hiyaan niya. Para ipalasap sa kan'ya ang lahat ng kahayopan niya.Kung anong talim ng tingin na pinukol ko sa kan'ya gano'n din ang ginawa niya. Pinahid nito ang dugo sa labi, kasabay ang pagtagis ng bagang."May sa pusa ka pala!" nakangising bigkas niya. Akmang tatayo, ngunit hindi ko siya hinayaan.Sunod-sunod na sipa ang ginawa ko. Kada sipa, bumabalik sa alaala ko ang ginawa niya sa akin. Gusto kung ipatikim sa kan'ya ang nararamdaman ko noo
last updateLast Updated : 2022-12-31
Read more

Kabanata 69

"Sir Nelson," sigaw ng mga tauhan ni Nelson. Habang alerto nang nakaharang sa likod nila.Rinig ko pa ang pagwawala at pagsisigaw ni Romeo. Pero wala na kan'ya ang atensyon ko. Nasa asawa ko na at sa kaibigan kong mahigpit na yumakap sa asawa ko. Nakatayo lamang sila na animo napako sa kinatatayuan nila. Gaya ko na hinto rin sa paghakbang. Kita ko pa ang pagbaba ng kamay ni Nelson mula sa ulo papunta sa balikat ng asawa ko. Kumawala ang hagulgol ko kasabay din ang paghagulgol ng asawa ko. Ang kaninang ngiti sa aming mga labi napalitan na naman ng nginig at takot. Mabilis kong tinawid ang aming agwat at kaagad niyakap ang asawa ko. Habang yakap pa rin ito ni Nelson mula sa likod. Kumapit ang isa kong kamay sa balikat ng kaibigan ko na hindi pa rin gumagalaw hanggang ngayon. "P're," mahinang tawag ko sa kan'ya. Nangungusap ang mga matang tumitig sa kan'ya. Tipid na ngiti at matiim na titig lamang ang naging tugon niya kasabay ang pagdaosdos niya hanggang sa tuluyan na siyang bumagsa
last updateLast Updated : 2022-12-31
Read more
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status