"Ancel, halika na," sabay kaming dumungaw sa bintana nang marinig ang pagtawag mula sa labas. Kasamahan sa trabaho ni Ancel ang tumawag sa kanya, may motor siya kaya sinasabay na lang niya Ancel sa trabaho. "Alis na ako, mamaya na lang natin pag-usapan ang bagay na 'yan pag-uwi ko," matamlay niyang sabi, sabay hawak sa kamay ko. Tipid akong ngumiti, sabay sabing, "mag-iingat ka.” Kahit pinipilit kong ngumiti, alam ko, ramdam pa rin niya ang lungkot ko. Kahit naman ako, ramdam ko rin na malungkot pa rin siya, kahit pa medyo nagkaayos na kami. "Ikaw rin, ingat sa trabaho. Sorry ulit, ha," matamis siyang ngumiti sabay ang mabilis na halik sa labi ko. Hinatid ko lang siya sa may pinto at kumaway na rin ako sa kapitbahay namin na kakaiba na nga kung ngumiti, kakaiba pa tumingin. Hindi ko alam kung nagpaparamdam sa akin o may naamoy siya sa amin ni Ancel. Napabuga ako ng hangin nang hindi ko na tanaw sila Ancel, mas ramdam ko na kasi ang lungkot ngayong mag-isa na lang ako. At hindi ko
Last Updated : 2023-11-06 Read more