“Aya, buksan mo ang pinto,” sikmat ni Ancel na sinabayan ng malakas na katok. “Mag-usap naman tayo ng maayos, please,” buntong-hininga ang tumapos sa pagsasalita niya. Hindi ako sumagot. Sinikap ko rin na tumigil na sa pag-iyak. Ayoko nga na isipin niya palagi na mahina ako. Na iiyak lang ako kapag nasasaktan at hindi na lalaban. "Aya, papasukin mo na ako, please. Kausapin mo ako, sigawan mo ako o hindi kaya sampalin mo ako para mawala ang galit mo. 'Wag ganito, Aya."Sira-ulo siya! Maayos nga kaming nag-usap kanina, pero dahil sa makitid ang utak niya, nauwi kami sa away. Tapos ngayon, lungkot-lungkutan na siya. Manigas siya sa labas. "Aya, sorry na, hindi ko naman intention na magalit." Hampas sa pinto na ang kasabay ng pagsasalita niya. "Pero hindi mo rin maalis sa akin na magtaka—na maghinala. Lagi tayong magkasama sa tuwing aalis ka. Bakit biglang ayaw mo na ngayon?" Kung kanina ay galit siya at halos sirain na pinto, ngayon ay bakas na ang lungkot at tampo sa boses niya. Nili
"Ancel, halika na," sabay kaming dumungaw sa bintana nang marinig ang pagtawag mula sa labas. Kasamahan sa trabaho ni Ancel ang tumawag sa kanya, may motor siya kaya sinasabay na lang niya Ancel sa trabaho. "Alis na ako, mamaya na lang natin pag-usapan ang bagay na 'yan pag-uwi ko," matamlay niyang sabi, sabay hawak sa kamay ko. Tipid akong ngumiti, sabay sabing, "mag-iingat ka.” Kahit pinipilit kong ngumiti, alam ko, ramdam pa rin niya ang lungkot ko. Kahit naman ako, ramdam ko rin na malungkot pa rin siya, kahit pa medyo nagkaayos na kami. "Ikaw rin, ingat sa trabaho. Sorry ulit, ha," matamis siyang ngumiti sabay ang mabilis na halik sa labi ko. Hinatid ko lang siya sa may pinto at kumaway na rin ako sa kapitbahay namin na kakaiba na nga kung ngumiti, kakaiba pa tumingin. Hindi ko alam kung nagpaparamdam sa akin o may naamoy siya sa amin ni Ancel. Napabuga ako ng hangin nang hindi ko na tanaw sila Ancel, mas ramdam ko na kasi ang lungkot ngayong mag-isa na lang ako. At hindi ko
Hindi kaagad ako nakapagsalita. Nagulat kasi ako sa biglang pagsasalita ni Ancel. Akala ko rin ay nasa trabaho pa siya, kasi sarado pa lahat ang bintana pero nasa loob na pala siya ng kwarto. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. “A-ancel… sa bayan, sumama ako kay Belle,” pag-amin ko kahit kabadong-kabado ako.Nakakakaba kasi ang tingin niya. Ang lamig at ang dilim. Hindi ko na nakikita at maramdaman ang malambing na si Ancel. Ang dating hayop at bato na ang nakikita at nararamdaman ko ngayon. Napayuko ako, hindi ko na kasi matagalan ang klase ng mga titig niya. Alam kong hindi ako dapat umakto ng ganito, kasi wala naman akong ginawang masama—wala akong kalokohang ginawa. Kaya lang, alam ko nga kung anong utak mayro’n ‘to si Ancel, seloso at mabilis magduda. "Ancel, sorry may—” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Walang salitang umalis kasi siya sa harap ko at dumiretso sa pinto. Napahikbi ako habang sinusundan siya ng tingin. Ang lamig na nga niya. Hindi man lang niya ako hinayaan
“Ancel, ang gusto ko, mamuhay tayo ng normal at masaya, hindi ko kailanman naiisip na iiwan ka,” sagot ko, saka kumawala na rin mula sa paghawak niya at tinakpan uli ang motor. Hinarap ko naman siya pagkatapos. Natahimik na lang din kasi siya at pinapanood lang ang ginagawa ko. “Kaya nga ako gumagawa ng paraan para mas maging maganda ang pamumuhay natin at makapagsimula ng maayos," dagdag sabi ko pa, at hindi ko na siya nilubayan ng tingin habang sinasabi ‘yon. Gusto kong maramdaman niya na mahal na mahal ko siya kaya ko ‘to ginagawa, at mali ‘ang iniisip niya—maling-mali. Hindi ko siya iiwan at kailanman, hindi ako magsasawa na mahalin at makasama siya. “Bakit kailangan pa natin na magsimula uli, Aya? Okay naman tayo rito sa El Canto, masaya pa rin naman tayo kahit simple lang ang buhay natin, hindi ba? Bakit mo pa gustong umalis dito?” Hinawakan niya ang kamay ko, at hindi na rin niya ako nilubayan ng tingin. Sandali kong nakagat ang labi ko, saka mapait na ngumiti. “Oo, masaya
Ang sikip-sikip ng dibdib ko habang nakatingin kay Aya. Tulog nga siya, pero bakas pa rin ang lungkot sa mukha niya.Gustong-gusto ko na siyang yakapin. Gusto ko ulit mag-sorry sa kanya. Ayoko naman kasi sanang masaktan siya, at hindi ko gustong umiyak o maging malungkot siya, kaya lang, ‘yong hinihingi at gusto niyang mangyari, hindi ko pwedeng ibigay. Hindi ko pwede e-sakripisyo ang kaligtasan niya para lang sa sinasabi niyang bubuo kami ng pamilya na malayo sa mga taong mapanghusga. Naalarma ako nang magpaling-paling ang ulo niya kasabay ang paghikbi. “Aya," pukaw ko sa kanya pero ayaw niyang magising.“Ancel, ‘wag— ‘wag mo akong iwanan, please—”“Aya… gising—” Umupo ako sa tabi niya; pinabangon siya at hinaplos ang pisngi niya. "Ancel—” sabi niya kasabay ang hagulgol at mahigpit na yumakap sa akin. "Ancel, ‘wag mo akong iiwan—” Sinubsub niya ang mukha sa dibdib ko. Hinaplos-haplos ko na lang ang buhok niya. "Aya, hindi kita iiwan. Hinding-hindi mangyayari ‘yon. Tahan na, na nana
“Anong sabi mo?" tanong ni Aya, na sumabay sa mga ungol niya. Pero ramdam ko naman ang pagngiti niya, at maya maya ay kinulong niya ang pisngi ko sa mga palad niya.“Ulitin mo…" seryosong tumigtig siya sa mga mata ko habang nilalasap ang sarap ng bawat hagod ko. Mabilis kong nilapat ang labi ko sa kanya, sabay sabi, “spend the rest of your life with me, Aya, hindi ko man maibigay ang buhay na gusto mo, sisiguruhin ko naman na hindi ako magkukulang na ibigay sa’yo ang buong pagmamahal ko," malambing kong sabi na sumabay pa rin sa hagod ko. Alam kong wala sa ayos itong proposal ko. Wala ako sa lugar, pero ewan ko ba, bakit ganito ako kasabik sa kanya ngayon? Parang miss na miss ko siya at lagi siyang hanap nitong alaga ko na hindi pa rin mamatay-matay kahit nakailang putok na. “Ancel… ibang klase ka rin mag-propose ‘no? Ang saya ko na nga, nasasarapan pa…”Sandali akong huminto sa ginawa ko, at ngumiti ng pagkatamis-tamis na nagpapangiti rin sa kanya. “Wala ka na bang ibang sasabihin?
CAHAYA POV“Aya, nandito ka lang pala. Kanina ka pa hinahanap nila Nanay," mahinahong sabi ni Belle sa akin. Pero gaya ng lagi kong ginagawa, malungkot at matamlay na tingin lang ang sagot ko. “Ano ba naman, Aya, walang mangyayari kung puro lang pagmumukmok ang ginagawa mo. Hindi pa naman katapusan ng mundo," dagdag pa nito sabay upo sa tabi ko. Buntong-hininga lang ang sagot ko. Paano akong hindi magmumukmok, hindi ko pa kasama si Ancel. Miss na miss ko na siya. Gusto ko na siyang makasama; gustong makita. Pakiramdam ko parang may pumipigil sa hinga ko. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko, ngayong hindi ko kasama si Ancel. “Aya naman, mas malala pa ang inaakto mo ngayon kaysa noong bago ka pa lang dito. Umayos ka naman oh. Nawala nga si Ancel sa buhay mo, ‘wag mo naman hayaan na pati buhay mo ay mawala rin.” Napapikit ako. Gusto kong sabihin kay Belle na ngayong wala si Ancel sa piling ko, parang nawalan na rin ako ng buhay. Wala na akong gana sa lahat. Pero ayoko naman na lalo silang
Pagod na pagod at nanghihina ako na umupo sa gutter ng daan. Nanginginig na rin ang mga paa ko sa kalalakad. Ilang araw na kasi akong naglilibot sa bayan. Sinusuyod ang bawat sulok ng lugar na ‘to mahanap ko lang si Ancel. Lahat ng police station, hospital, clinic, pati morgue ay pinuntahan ko na. Wala na nga rin akong pakialam, mapagkamalan man akong baliw. Pero walang bakas ni Ancel sa mga lugar na pinuntahan ko. Wala ni isang nakakakilala sa kanya. Hindi ko alam kung saan ko pa siya hahanapin. Ayoko na rin sana munang umuwi sa El Canto, dahil ayaw na akong payagan nila Nanay na umalis. Kulang na nga lang ay ikulong na nila ako, hindi lang ako makaalis. Kahit ayaw ko pa sana na umuwi, hindi naman pwede, ayaw ko naman kasi na mag-alala sila, lalo’t hindi ako nagpaalam na aalis na naman ako. Sumalisi lang ako ngayon, kaya alam ko sermon na naman ang sasalubong sa akin mamaya. Naintindihan ko naman kung bakit ayaw nila na umalis pa ako. Nag-aalala lang sila sa akin. Inaalala lang
Pawis at nag-iinit na ang magkahawak naming kamay ni Ancel. Ayoko kasing bitiwan dahil kung saan-saan na lang dumadapo ang kamay nitong pilyo kong asawa. Dumidilim na rin kasi, baka maisipan pa nitong sumuot kung saan mailabas lang ang init ng katawan. Hindi ko na nga muna siya nilingon. Bahala siyang pumisil-pisil sa kamay ko. Sa paligid ko na muna tinuon ang atensyon ko. Kasalukuyan na kasi naming binabaybay ang daan papunta ng El Canto, at ilang minuto na lang ay masisilayan na naming muli ang bahay-kubo na naging saksi ng pagmamahalan namin ni Ancel. Dito nga kasi niya gustong mag-honeymoon. No’ng una ay nagdalawang-isip ako. Iniisip ko kasi ang iisipin ng mga taga baryo. Bukod sa ang alam nila ay magkadugo kami. Ang alam ng lahat ay nawala ako dahil sumama sa ibang lalaki. Wala ni isang nakakaalam kung ano ba talaga ang nangyari sa akin. At malamang wala rin ni isang nakakaalam na mag-asawa na kami. Hindi naman kasi ugali ni nanay at tatay na makipagtsismisan sa mga kapitb
“Anak, hindi ka na nanaginip,” pabulong na sabi ni mama, napapangiti pa. Sakto naman kasing lumingon siya sa akin habang napangiwi ako. Kinurot ko kasi ang sarili ko. Sinisigurado ko nga kung hindi ba ako na nanaginip. “Totoo ang lahat ng ‘to, anak, hindi panaginip at hindi gunuguni.” Natiim ko ang labi ko. Nagpipigil maiyak. Pero wala eh, talagang hindi ko kayang pigilin ang mga luha ko. Luha ng saya. “Mahal na mahal ka ni Ancel, anak. Hindi pa naman siya nakalabas ng kulungan ay pinaplano na niya ang lahat.” Bumuga ng hangin si mama. “Hindi ka man naging ma swerte sa amin ng papa mo, naging maswerte ka naman sa lalaking minahal mo. Ang swerte ni Baby Anaya dahil kayo ang mga magulang niya,” madamdamin na sabi ni mama, sabay ang banayad na haplos sa kamay kong nakahawak na sa braso niya.Tipid akong ngumiti at saka, bumuga din ng hangin. Luha ko ay nag-uunahan ng pumatak sa pisngi ko. Halo-halo na kasi ang nararamdaman ko. Saya, lito, basta, para lang naman akong nakalutang sa ere
“Belle, bilisan mo na! Bakit ba ang tagal mo?” Apura ko sa kaibigan ko na kanina pa nagmumokmok sa kwarto kasama si Baby Anaya. First birthday kasi ni Baby Anaya ngayon, at plano namin ay bibisitahin muna namin si Ancel, saka kami pupunta sa venue ng party. Pero dahil sa kabagalan nitong si Belle ay parang hindi na namin mapupuntahan si Ancel. Thirty minutes na lang kasi ay magsisimula na ang party at hindi kami pwedeng ma-late. Hindi rin pwedeng e-extend ang oras ng paggamit namin sa venue dahil may susunod pa na gagamit. “Ano ba, Belle!” Padabog akong nagpunta sa kwarto, at siya namang pagbukas ng pinto. Bumungad agad sa akin ang napaka-cute na mukha ni Baby Anaya at nakakainis na mukha ni Belle. “Akin na nga si Baby.” Binawi ko kay Belle si Baby. Hindi naman nagreklamo si Belle. Ngiting-ngiti pa nga ito habang sinusundan ako. “Sila Mama at papa?” tanong ko kay Camille. “Nauna na sila sa venue, kasama nila si nanay at tatay,” sagot naman ni Camille, sabay bukas ng pinto ng kotse
Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o iiyak habang nakatitig kay Ancel na mahimbing na natutulog. Sa wakas ay nagkamalay na siya— sa wakas ay tapos na ang paghihintay ko. Kaya lang, matapos niyang ma-check ng doctor kanina ay nakatulog ulit siya. Hindi niya ako kinausap o ngumiti man lang, tumingin lang siya at saka pumikit ulit. Pero hinayaan naman niya ako na hawakan ang kamay niya hanggang sa makatulog siya. ‘Yon lang ay sapat na sa akin. Kasi naiintindihan ko naman kung bakit siya gano’n, kagagaling nga lang niya sa coma. At ang sabi nga ng doctor, pwedeng maging iritable siya o confused; normal lang daw na magpakita ng ibang emotion—ibang ugali ang mga taong galing sa coma. “Matulog ka lang, mahal ko. Dito lang ako sa tabi mo, hindi kita iiwan, kahit maging hayop o kahit maging demonyo pa ulit ang ugali mo, mamahalin pa rin kita. Alam ko kasi—” Nilapat ko ang palad ko sa dibdib niya. “Na itong puso mo ay mala-anghel naman at ako lang ang tinitibok. Napatunayan ko na kung gaan
Namali po ako ng update nito. In review na po ang edited chapter nito, baka bukas pa maayos. "Kabanata 57" kulang-kulang na chapter ang na update ko. Sa mga gustong mabasa ang complete na kabanata 57, paki delete muna sa library n'yo ang story na 'to then add n'yo na lang ulit. Pasensya na po. Malapit na sana matapos, saka naman nagkamali. Maraming salamat sa mga nagbabasa nito, kahit konti lang kayo ay ayos lang, at least may bumabasa. Sana mabasa n'yo rin ang ibang stories ko. May mga completed stories na rin po ako, may ongoing din po, pero slow update. Maraming salamat!
“Aya, heto na ang maligamgam na tubig at towel,” nakangiting sabi ni Belle, sabay lapag niyon sa bedside table. “Salamat, Belle,” nakangiti ko namang sagot, pero mga mata ko ay hindi na maalis sa kaibigan kong titig na titig sa lantad na katawan ni Ancel. Yes, Ancel survived. Pero in coma pa rin, magdalawang linggo na siyang ganito, at hindi ako nawawalan ng pag-asa. Hindi ko siya susukuan. No’ng araw nga na akala ko ay mawawala na siya ng tuluyan sa buhay ko, hindi ako sumuko, ngayon pa kaya na nakakahinga na siya na walang vintelator—walang life support. Alam ko, nararamdaman at naririnig niya ako, kaya hindi ako nagsasawang kausapin siya. Kinuwento ko sa kanya ang mga nangyayari sa buhay ko nitong mga nag-daang araw. Hindi lang naman kasi si Ancel ang nagpapagaling. Ako rin, nagpapagaling din ako mentally at emotionally. Hindi ko pa rin kasi nakakalimutan ang mga nangyari sa amin. Kahit struggling pa rin ako sa araw-araw kong buhay. Nilalakasan ko naman ang loob ko. Alam ko,
“Ibaba ang baril!” Sunod–sunod na putok ng baril pa ang narinig ko kasabay ang mga sigaw at mga utos. Bumagal ang galaw ng paligid ko nang makita ang mga pulis na pinaghuhuli ang mga tauhan ni Jax. At si Jax—nasa harapan ko, dilat ang mga mata at naliligo sa sariling dugo. “Ancel… ligtas na tayo!” Hagulgol ang kasabay ng sinabi ko. Dumating na rin ang medics at kasalukuyan nang inaasikaso si Ancel. “Ancel, lumaban ka… huminga ka!” Tuloy-tuloy ang patak ng luha ko habang pinapanood ang mga medics na ginagawa ang lahat maisalba lang ang lalaking mahal ko. Ramdam ko na may umalalay sa akin. May umasikaso na rin sa akin, pero wala sa kanila ang pansin ko. Nakatutok ang paningin ko kay Ancel. “He’s back!” Napatakip ako ng bibig kasabay ang impit na iyak nang marinig ang salitang ‘yon. Lumaban siya. Maya maya ay inilipat na siya sa streacher. Hanggang tanaw lang ako habang nilalayo nila sa akin si Ancel. Gusto kong sundan siya; gusto kong samahan siya, pero ubos na ang lakas ko, nahihi
“Ancel!” Nagsabay ang sigaw ko at hagulgol nang makita ang bakas ng dugo sa t-shirt niya. “Ancel…” Hindi agad ako nakagalaw; hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nanginginig ang mga kamay ko na hinawakan ang sugat niya. Hinawakan naman niya ang kamay ko. “Aya, umalis ka na! Tumakbo ka na! Iwanan mo ako; tumakas ka na!” putol-putol na sabi ni Ancel. At sa kada salita niya ay may kasabay na da¡ng. “Sige na, Aya! Umalis ka na!" Sinubukan niya pa akong itulak, pero nagmatigas ako. Umiling-iling at muling itinakip ang mga palad ko sa sugat niya. “Aya, iligtas mo ang sarili mo, please…”Sa kada taboy niya sa akin ay paulit-ulit akong umiling at hindi nagpatinag sa mga tulak niya.”Ayaw kong umalis… Ancel. Hindi kita iiwan!” Hagulgol ang tumapos sa pagsasalita ko.“Ano ba, Aya, umalis ka na bago ka pa nila maabutan!” Pinilit niyang umupo at sumandal sa puno. Hawak na ng isang kamay niya ang sugat at baril naman ang hawak ng isa. Umiling-iling na naman ako. “Hindi, Ancel! Hindi kita iiw
Napasalampak ako sa mga tuyong dahon matapos ang putok na ‘yon. Akala ko, katapusan ko na. Akala ko mamamatay na ako sa kamay ng lalaking mahal ko, pero dalawang sunod-sunod pa na putok ang narinig ko. Rinig ko rin ang sunod-sunod na lagabog sa harapan ko. At hindi ko magawang tingnan kung ano ‘yon. Humagulgol ako habang nakatakip sa tainga ang mga kamay kong nanginginig. Hindi ko rin magawang idilat ang mga mata ko kahit naririnig ko pa na may papalapit sa akin. “Aya, tumayo ka na." Napabalikwas ako nang nararamdaman kong may humawak sa akin at niyakap ako. Narinig ko ang sinabi niya. Alam kong si Ancel ang yumakap sa akin ngayon, pero hindi ko magawang tingnan siya. Hindi ko magawang hawakan siya. “Aya, sorry…natakot ka, but I have no choice, kailangan kong gawin ‘yon. Iyon lang ang paraan para maligtas ka,” parang maiiyak na sabi ni Ancel. Haplos-haplos na rin niya likod ko. Hagulgol pa rin ang sagot ko. Pero kamay ko ay mahina nang sinuntok-suntok ang dibdib niya. Ni ang sab