MR.ARROGANT MEETS LITTLE FEARLESSWala sa sarili siyang lumabas sa opisina ng doktor. Kung hindi pa nakaalalay si Betty sa kanya, baka nabuwal na siya dahil sa kawalang lakas ng kanyang mga binti. Nang makapasok siya sa silid ni Kreios, dahan dahan siyang naglakad papalapit sa kanyang anak. Hinaplos niya ang mga pisngi nito habang mahimbing na natutulog."Huwag kang mag alala anak. Gagawin ni Mama ang lahat para gumaling ka, kaya kailangan lakasan mo ang loob mo ha, lalaban tayong dalawa okay?" Aniya sa nanginginig na boses. Kahit anong pigil niya ay kusa paring umaagos ang kanyang mga luha."Mahal na mahal ka ni mama anak…"Kinabukasan agad na inilipat si Kreios sa mas malaking hospital. Doble kayod naman ang ginawa ni Mari para sa anak. Lahat ng klase ng pangungutang ay papasukin niya, mapagkasya lang ang perang pampagamot dito. Hinding hindi niya susukuan ang nag-iisang nilalang na nagbibigay sa kanya ng ibayong lakas para lumaban."Mari pinapatawag ka ni Boss sa opisina," pukaw ni
Last Updated : 2022-10-17 Read more