CEO'S OFFER
"Ano?!" Gulat niyang tanong."Kasalukuyan pang hinahanap ng mga tauhan ko ang nagpakalat ng video and in no time mahuhuli ko rin kung sino man iyon and I'll make sure that the person will be in jail at kasama ka na doon. And because you were involved in this case, kailangan mong pagbayaran ang kasalanan mo.""At ano namang ibabayad ko sayo? Wala akong pera Mr.Lee," nag-aalala niyang saad."I don't need your money but your cooperation instead. You need to do something for me," anito na nagpasibol ng kanyang kuryosidad.Marahil ay nabasa nito ang iniisip niya kaya itinuro nito ang visitor's chair na inalok nito kanina. Wala naman siyang nagawa kundi ang umupo doon para makapag-usap na sila ng maayos."Ano ba ang ipapagawa mo sa'kin?""Can you act? I mean are you good at acting?"Ilang beses siyang kumurap. Magkakatotoo ba ang iniisip niya kanina? Gagawin ba siya nitong artista?"Miss Fallorina?" Pukaw nito sa kanya at pumitik pa sa hangin."H—huh? Ah… Kung gagawin mo akong extra sa pelikula kaya ko naman siguro pero kung gagawin mo akong bida, naku mukhang hindi pa po ako handa sa ganun," natatawa niyang tugon."I will give you money Miss Fallorina, hindi lang pera kundi sasakyan, bahay, alahas o kahit ano pa ang magustuhan mo basta magampanan mo ng maayos ang ipapagawa ko sayo," seryoso nitong wika.Pumalakpak ang kanyang tenga sa narinig. Sino ba ang aayaw sa mga binanggit nito? Kapag nangyari yun, napakalaking tulong na nun sa pagpapagamot niya kay Kreios. Hindi niya aakalaing ang lalaki palang pinakaayaw niyang makita ang makakatulong sa kanya.Hanep din ang lalaking to. Pang sugar daddy lang ang peg! Pero maya maya pa, napakunot ang kanyang noo. Sa telenobela niya lang madalas na naririnig ang mga bagay na iyon. Yung tipong tigang na lalaking kayang magbayad sa babae para lang sipingan siya. Dumiretso ang tingin niya sa mga mata nito. Totoo ba ang unang impression niya sa lalaki? Na isa itong manyak?"Ano ba ang kailangan kong gawin?" Kunwari ay matapang niyang tanong pero sa totoo lang kinakabahan siya sa kung anong ipapagawa nito. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito lalo pa at hindi niya ito kakilala.Naglabas ang lalaki ng isang itim na folder at binuksan iyon bago inilapag sa kanyang harapan. Isa iyong kontrata. Astig naman! May kontrata agad?"I'm already married, Miss Fallorina but my wife is divorcing me. That's why I want her to be jealous.""T—tapos?""Be my mistress.. Mistress for a show.""Sa teleserye po ba?" Inosente niyang tanong. Grabe naman yung role na ibinigay nito. Siguradong magagalit sa kanya ang mga manonood."No Miss Fallorina. You will act as my mistress for real," walang gatol nitong wika.Nawindang siya sa kanyang narinig. Akala pa naman niya ay makakatulong ito sa pangangailangan niya at akala niya maayos ang takbo ng utak nito pero hindi pala. Sino bang nasa tamang pag-iisip ang maghihire ng kabit? Siguro yung mga baliw lang na gaya nito. Porke't ba waitress lang siya sa club ay aalukin na siya nito ng ganung klaseng trabaho?"Siraulo ka talaga eh no," kuyom ang kamaong asik niya."Listen first.. It's just for a show, okay? Wal—""Show or hindi pareho lang yun. Tingin mo sakin masamang babae na papatol na lang sa inooffer mo porket babayaran mo ako ng malaki? Wala kana yata sa tamang pag-iisip. Sayo na yang mga bagay na inaalok mo. I*****k mo sa atay mo wala kang kwentang kausap!"Agad siyang tumayo at malalaki ang hakbang na tinungo ang pintuan. Laking pasasalamat lang niya at agad itong bumukas."At isa pa! Wag na wag kana ulit magkakamaling ipadampot ako dahil tatamaan ka talaga saking kupal ka!"Dagdag pa niya bago naglakad palabas. Nakita pa niya ang mga lalaking dumukot sa kanya kanina. Dahil sa labis na inis at perwisyong dulot ng mga ito—binangga niya sa balikat ang lalaking may hikaw sa kilay at walang likod lingon na nagtungo sa elevator. Habang lulan siya ng elevator naiinis niyang pinahid ang luha na naglandas sa kanyang mga pisngi. Alam niyang kailangan niya ng pera pero hindi niya maatim na gawin ang ipinapagawa nito sa kanya.Nang makalabas siya sa establishment ay siya namang pagtunog ng kanyang mumurahing cellphone. Dahil sa marami siyang gastusin, tanging lumang keypad lang ang naafford niya pero ayos lang naman sa kanya. Ang importante ay gumana pa."Hello, Betty?""M—mari…Si Kreios kasi," humihikbing saad ng kabilang linya.Kumabog ng husto ang kanyang dibdib. "A—anong nangyari sa anak ko, Bet?""Inatake na naman siya ng pananakit sa kanyang dibdib. Kailangan ka daw makausap ng doktor tungkol sa kalagayan ni Kreios"Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon. Mabilis siyang sumakay ng jeep para pumunta ng ospital. Pagkarating niya doon ay agad siyang kinausap ng doktor. Dahil sa paglala ng kondisyon ng kanyang anak, inilipat na ang schedule ng surgery nito sa mas lalong madaling panahon.Pagkalabas niya ng opisina, agad niyang pinuntahan ang silid ng anak. Tulog ito kaya naman si Betty na ang kinausap niya. Laking pasasalamat lang niya at lagi itong nandyan sa tabi niya. Maging ang asawa nito ay napakamaunawain din. Hindi man siya sinuwerte sa pamilya niya, may mga tapat naman siyang kaibigan na handang dumamay sa kanya."Anong sabi ng doktor Mari?" Pabulong na tanong ni Betty para iwasang magising si Kreios.""Kailangan na niyang maoperahan bukas na bukas din," problemado niyang tugon."Naku, paano yan? May pera ka na ba?"Naiiling siyang napayuko at itinukod ang mga kamay sa kanyang mukha. "Betty pwede bang pakibantayan ulit si Kreios, pupunta ako sa club at sa bakery para manghiram ng pera at tsaka baka umuwi ako sa amin para subukang makahingi ng tulong sa mga magulang ko."Tuamngo naman ito at tinapik siya sa balikat. "Gawin mo na ang dapat mong gawin Mari. Ako na munang bahala kay Kreios. Asahan mong babantayan ko siyang mabuti."Yumakap siya dito bago lumapit kay Kreios. Maingat niyang hinalikan ang noo ng anak. "Hintayin mo ako anak. Hahanap lang ng pera si Mama para sa mga pagpapagamot mo.……Ilang minuto ng nakatitig sa nakasaradong pinto si Vincent. Bilib talaga siya kung saan kumuha ng lakas ng babaeng iyon at ganun ito katapang. There is something with her that made him feel so annoyed at hindi niya matukoy kung bakit ganun na lang ang nararamdaman niya.But then on the other hand, her attitude and the way he deals with him was his benefit. Wala dapat siyang plano na sundin ang ipinayo sa kanya ni Zeus pero ang pagkakataon na ang nagtulak sa kanyang makitang muli ang babae.She was the perfect candidate to play as his mistress. Why? Because he doesn't like her and she doesn't like him either. Everything will be pure work, no feelings involved and money will be their only connection. Hindi rin siya mahihirapan pang ipagpag ang babae sa buhay niya kapag nagtagumpay ang plano niya dahil walang mamagitan sa kanilang dalawa. Hindi gaya ng karamihan na halos maghubad na sa harap niya para lang mapansin.Aside from that, she really amazed him. Dalawang beses na siya nitong tinanggihan patungkol sa pera which made him excited to know her backgrounds more. Habang inaayawan siya ng babae ay mas lalo lang siyang nakaramdam ng determinasyon na paluhurin ito sa harap niya. He has money which means he has all the resources to take that snooty woman down on her knees.'Just wait and see Mari Ysabela Fallorina, makikita mo talaga ang hinahanap mo!'"What's with that smirk?" Puna ni Isaac na kakapasok lang ng opisina niya. Kasunod nito si Damon at Rain na siyang kasama ni Isaac sa paghuli kay Mari Ysabela kanina. Kasunod din nitong pumasok si Zion na siyang tinawagan niya bago paman makarating sila Isaac sa opisina niya."What urgent matter are you going to tackle with me?" Tanong ni Zion bago umupo sa kanyang harapan."I need you to do something about Mari Ysabela Fallorina's workplace," aniya habang may naglalarong ngiti sa mga labi. Tingnan lang natin kung hindi ito gagapang pabalik sa kanya."You are so engaged with that woman Vincent. May chismis ba kaming hindi alam? Dati si Grace lang naman ang laging laman ng utak mo," puna ni Isaac.Isa-isa niyang tiningnan ang mga kaibigan. May mga nanunuksong ngiti at tingin ang mga ito."It's not what you think it is," depensa niya sa sarili."Ah, okay," ani naman ni Damon kahit na halata sa mukha nito na hindi naman naniniwala sa sinabi niya."Hmm, so what do you want me to do with her workplace?" Tanong ulit ni Zion."Do something to fire her.""Nah, that's against the labor code dude," tutol nito."C'mon man. Fire her or buy all her workplace and ban her wherever she applies. I want her to come to me and accept my offer…"LUCKLESS DAYUnang pinuntahan ni Mari ang club ni Ma'am Lanie kung saan siya namamasukan. Ang sabi kasi ng kasamahan niya kanina nang tawagan niya ito, naroon daw ang ginang ngayon dahil may importante itong katrasaksyon. Habang lulan siya ng pampasaherong jeep, panay ang kanyang dasal na sana makahiram siya ng malaking halaga. Kahit na pagtrabahuhan pa niya iyon ng walang bayad sa susunod na pagkakataon. Ang importante ay mailigtas si Kreios bukas.Pagkatapos ng dalawampung minuto, narating na niya ang club. Habang papalapit siya sa establisyimento nagtaka siya kung bakit maraming mga kalalakihan ang naroon. Ipinagsawalang bahala na lamang niya ang kanyang kuryosidad at tumuloy na sa club."Excuse me, makikiraan po," aniya sa lalaking nakaharang sa kanyang harapan."Bawal po kayong pumasok," malamig nitong tugon.Kunot noo siyang nag-angat ng tingin. "Bakit po? May problema po ba?""Ipinagbabawal po ng may-ari na pumasok kayo sa loob.""Diyan po ako nagtatrabaho Kuya kaya papasukin mo
THE TRUTH BEHIND THAT HURTSIlang minuto ng nakatitig si Mari sa gate ng dati niyang bahay. Alas syete na ng gabi nang makarating siya sa Baguio mula Metro Manila. Abot langit ang kanyang kaba habang nagdadalawang isip na pindutin ang doorbell ng bahay.Paano kung galit parin sa kanya ang mga magulang niya. Balita niya'y natalo sa eleksyon ang kanyang ama noong umalis siya sa poder nila pero hindi niya alam ang dahilan. Hindi na rin siya nag-usisa pa. Ang importante sa kanya buhay at nasa maayos na kalagayan ang mga ito, sapat na sa kanya iyon.Humugot siya ng malalim na hininga at nilakasan ang loob. Nanginginig ang kanyang mga kamay na pumindot ng doorbell. Hindi nagtagal ay bumukas ang gate at sumilip ang isang pamilyar na mukha—si Nanay Minda. Nanlaki ang mga mata nito nang mapagsino siya."Ysabela!" Bulalas ng matanda at nilakihan ang pagkakabukas ng gate.Agad siyang yumakap sa dating kasambahay. Noon pa mang maliit siya ay ito na ang namataan niyang nag alaga sa kanya dahil halo
ACCEPTING HER FATEBinalingan niya si Nanay Minda na puno ng lungkot ang mga mata nitong nakatingin sa kanya habang humihikbi.."Aalis na po ako Nay.." Nanghihina niyang paalam."Ihahatid na kita sa labas Ysabela."Nang makarating sa labas ay muli niyang niyakap si Nanay Minda ng mahigpit."A—ang batang ipinagbuntis mo noon Ysabela, nasaan na? Malaki na ba?" Bigla nitong tanong.Marahan siyang tumango at tumingin sa malayo. "Opo. Malaki na at saka kamukhang kamukha ko po.""Sana man lang makita ko ang batang iyon balang araw," anito na mas ikinalungkot niya."Sana nga po, Nay. Balang araw…" Darating pa kaya ang balang araw na iyon kung ngayon pa lang wala ng kasiguraduhan ang buhay ni Kreios sa malupit niyang mundo?"Mag ingat ka Ysabela. Pasensya ka na talaga at wala akong magagawa sa sitwasyon mo ngayon," malungkot nitong turan.Pilit siyang ngumiti. "Ayos lang po Nay.. Nay? P—pwede po bang malaman ang… Ang pangalan ng totoong nanay ko?" Atubili niyang tanong."Erlinda, Erlinda Reyes
CHOOSING THE LESSER EVIL'Choose the lesser evil..' Yun na lang ang iniisip niya nang pirmahan ang kontrata. Sa pagitan ni Vincent at Sir Kyle, mukhang mas ligtas siya kay Vincent dahil mukhang wala naman itong interes sa kanya.Matapos niyang pumirma ay kinuha iyon ni Vincent ng may matagumpay na ngiti sa mga labi. Masayang masaya siguro ito dahil nasunod ang gusto. Ibinigay iyon ng lalaki kay Zion. Nauna naman itong nagpaalam habang naiwan silang dalawa ni Vincent sa loob ng opisina."I've already wired my half payment Miss Fallorina," anito at ipinakita pa sa kanya ang online receipt. "Congratulations, you're officially hired.Tumango siya at lihim na nagpasalamat. Unang beses niyang magkaroon ng ganun kalaking pera buong buhay niya. Dapat ay masaya siyang marinig ang salitang hired na siya pero ngayon hindi niya magawang magbunyi. "Kailan pala ako magsisimula?""Hmm, you can start by tomorrow. Remember our deal Mari, everything is confidential. Wala kang pagsasabihan ng mga ito kun
GRUMPY BOSSSa wari niya ay nakilala din siya ng lalaki base sa tingin nito. Nakaramdam siya ng labis na kaba. Nakita niya itong kasama ni Vincent noong gabing nasaggi ng lalaki ang kanyang bisikleta. Sa katunayan ito pa nga ang umawat at pumagitna sa bangayan nilang dalawa."You look familiar. I think I saw you a few nights ago," anito sa kanya.Hilaw siyang natawa. Mukhang matalas ang memorya ng isang 'to at hindi yata siya makakapagsinungaling kaya hahanap na lang siya ng kasinungalingan kung magtatanong ito sa kanya."Ahhh.. O—oo. Nagkita na tayo noong nakaraang gabi," kunwari ay magiliw niyang sagot."Right! Ikaw yung nakasagutan ni Vincent. Ano nga palang ginagawa mo dito?" Tanong nito."Ahm, m—may binisita ako na…na kaibigan ko. Oo, kaibigan ko nagkasakit kasi kaya yun, pinuntahan ko."Tumango naman ito. Gaya ni Vincent, matangkad din ang lalaki at maputi. Kung itsura ang pagbabasehan, hindi nagkakalayo ang dalawa. Mukha itong may lahing Chinese gaya ng mga nakikita niyang pinap
MAJOR MAKEOVERMatapos ang mahigit kalahating oras na byahe huminto ang sasakyan ni Vincent sa isang malaking building. Agad siyang bumaba at baka sungitan na naman siya ng lalaki. Nang makalabas ay inilibot niya ang tingin sa paligid."Wow, ang ganda," aniya habang pinagmamasdan ang labas ng boutique. Psyche Chic ang pangalan nito."You want to have something like this?" Lumingon siya kay Vincent ng magsalita ito at naglalakad palapit sa kanya.Infairness sobrang gwapo ng lalaki ngayon sa suot nitong dark blue na polo, tinupi nito hanggang siko at pinaresan ng itim na jeans at boots. Mukha itong model sa billboard, idagdag pang sobrang tangkad nito. Ang kinis din ng kutis at daig pa yata siya. Kung hindi lang arrogante ang lalaki ay pwede pa siyang humanga dito.Humalukipkip siya at tiningnan itong maigi "...bakit? Bibigyan mo ba ako ng ganito?"Mayabang na ngumisi si Vincent sa kanya habang pinaglalaruan nito ang susi ng sasakyan. "I told you already that I can give you anything you
DINNER DATEKumportable siyang naupo sa passenger's seat habang hinihintay si Vincent na pumasok. Napakagentlemen kuno ng loko dahil matapos siyang ipagbukas ng pintuan sa sasakyan ay ito pa ang nag asikaso ng mga pinamili nila sa compartment ng kotse. Napatingin siya sa labas ng bintana at nakita ang ilang panauhin na panay kuha ng larawan kay Vincent.So ito pala ang dahilan kaya may pa PDA kuno sila. Maya maya pa ay pumasok na ito sa sasakyan. Lumingon ito sa gawi niya kaya pasimple siyang umiwas ng tingin sa lalaki. Hindi nagtagal ay binabaybay na ulit nila ang matraffic na kalsada. Humilab ang kanyang tiyan kaya nilingon niya ang tahimik na si Vincent."Boss wala po ba kayong planong pakainin ako?" Maktol niya.Nagrereklamo na ang mga bulate niya sa tiyan dahil napagod siya sa pinapagawa nito kanina."You're hungry?""Naman! Di moko pinakain ng tanghalian kaya malamang gutom na gutom na ako," nakasimangot niyang turan."I'm sorry, I'm used to women who don't eat lunch," buntong hi
SECRET KEEPERPinalamigan siya ng kamay habang kaharap ang nakapamulsang lalaki. Kilala niya ito sa mukha subalit hindi sa pangalan. Tandang tanda pa niya na isa ito sa dumampot sa kanya sa pag-uutos ni Vincent noong nakaraan. Nakapagtataka na naririto ngayon ang lalaki sa harapan niya. Pinapasundan kaya siya ng kanyang boss?"S—sino ka? At…anong ginagawa mo dito?" Nahintakutan niyang tanong. Humigpit ang hawak niya sa doorknob ng kwarto ni Kreios dahil sa tensyong nararamdaman."I should be the one asking you that. What are you doing here? You're supposed to be in your condo that Vincent provided you with," malamig nitong tugon.Napalunok siya ng ilang beses at hindi alam ang sasabihin. Aamin ba siya? Pero paano kung bawiin ng mga ito ang pera at pagbayarin pa siya sa nagastos niya? Paano na ang anak niya?"Based on the look in your eyes, I see that the kid lying in there is so important to you. He's your son.."Hindi na siya nakaimik. Masyadong intimidating ang dating ng lalaki. Paki
"Himala! What brought you here Vincent? Parang noong nakaraang buwan lang takot na takot kang sumabay samin magbar. Hindi ka na ba under de saya?" Pangbubuska ni Xerxes sa kanya.It was still nine in the evening. Nagpaalam naman siya kay Mari na sasama sa mga kaibigan niya. It's been months mula ng makipagbonding siya sa mga ito. Hindi naman siya pinagabawalan ni Mari but he's just excited to go home lalo na at naghihintay ito sa kanya."Hindi ako under de saya tukmol. 'Tamo darating din ang araw na ikaw naman ang magkukumahog na umuwi dahil may magandang asawang naghihintay sayo pauwi," tugon niya dito.Xerxes chuckled. Sa lahat ng nasa mesa ay mukhang siya at ito lang ang walang problema. Zeus and Tristan are facing crisis on their hearts kaya parang pinagsakluban ang mga mukha nito ng langit at lupa."Tsk. So anong meron at nandito ka ngayon?"He released a deep sigh. "I'm bored. Mari's spending her quality time with her siblings. Hindi siya tumatabi sakin sa pagtulog. And my son w
Nagmamadali siyang umuwi ng villa galing sa construction site kung saan siya isinama ni Tristan. Kung bakit ba kasi walang signal ang lugar na iyon! Hindi niya tuloy nasagot ang tawag ni Mari. Nang makarating siya sa syudad ay tinawagan niya ito pero hindi na ito sumagot pa, maging sa telepono ay ayaw siyang kausapin ng asawa.Kakapasok pa lang niya sa bahay nang bigla na lang may lumipad patungo sa direksyon niya. Mabuti na lang at mabilis siyang nakailag kung hindi ay baka dumugo na ang ilong niya. Tumama iyon sa isa sa mga interior pillar ng bahay. Nakita niyang remote control iyon ng TV nila."Bakit ka umiwas ha?!" Galit na boses ni Mari.Mariin siyang pumikit. His pregnant wife was now in furious. Bahagya ng namula ang magandang mukha nito tanda na naiinis ito sa kanya. Mari is five months pregnant. Kung gaano siya katapang noon, mukhang triple yata ngayon. But he understands that it's her pregnancy hormones kaya siya ganyan."Dahil matatamaan mo'ko. Jagi naman—""Eh kaya nga kit
EPILOGUEMari was staring at her wedding picture. Ilang buwan na ang nakalipas magmula ng magpakasal sila ni Vincent. A night before he confessed his sin to her, nauna na niyang nakausap ang nanay nito.She remembered how Madam Charlotte kneeled and begged for her forgiveness. She told her the story behind what happened. Noong una ay nagalit siya. Wwll, ganun naman talaga ang unang reaksyon ng taong naagrabyado pero kalaunan ay natanggap niya rin. She knew that Vincent isn't a bad person at isa pa, mas gumaan ang pakiramdam niyang ito ang tunay na ama ni Kreios.Nang gabi ding iyon, pormal niyang pinakilala kay Kreios si Vincent bilang tunay nitong ama. Naalala pa niyang grabe ang iyak ng dalawa.Grace came too and told her about Vincent's secret but she knew her too well. She's doing it for her own benefit dahil gusto jitong makuhang muli si Vincent na hindi niya hinayaan. If you let people control your relationship and get swayed, hindi magtatagal ang relasyon ninyo.Hinaplos niya a
UNRAVELING II"Where are you Vincent?" Tanong ng nasa kabilang linya."I'm still at Connoisseur Deluxe Ice," tugon niya kay Isaac.Bumuntong hininga ito ng malalim. "I have all the information you asked me to gather, Vince. I think you need to see this asap. This is very important and very confidencial dude."Frustrated niyang sinuklay ang kanyang buhok. "I know dude. I'm coming." Sa tono ng pananalita ni Isaac, mukhang alam na niya ang nadiskubre nito. It was the information that Grace also had. Tumayo na siya sa mesang pinag-iwanan ni Grace sa kanya. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nanatiling nakaupo doon. All he knew is that she left him after threatening him.Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan patungo sa condo ni Isaac. Hindi siya nag-aksaya ng oras at agad na nagtungo sa loob ng lungga ng kanyang kaibigan."Look at this," inilahad ni Isaac sa kanya ang lahat ng mga files na nakalap nito.Isa isa niya iyong tiningnan. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang iniisip
UNRAVELING"Are you really sure na gusto mong hanapin ang lalaking gumawa nun sa fiance mo? Para saan pa dude? Ayos lang ba yan sa kanya?" Kunot noong tanong ni Isaac sa kanya.Kasalukuyan siyang nasa condong tinutuluyan nito pagkatapos niyang makausap ang kapatid ni Mari. He wanted to know who the bastard did it to Mari. Gusto niyang maging handa kung sakaling darating ang araw na guguluhin sila ng lalaking iyon."Yes dude and please make it a secret for now. I don't wanna upset Mari at baka isipin niyang pinangungunahan ko siya sa mga desisyon niya."Isaac heave a deep sigh. "Okay if that's what you wanted. Pero paano kapag nakilala na natin ang lalaking iyon? What are you gonna do? Are you going to sue him?"Umiling siya. "I'll asked Mari first. Siya ang magdedesisyon niyan kung sakali, dude." It's Mari's battle anyway. Naroon lang siya para sumuporta sa babae kung saka-sakali man.Tinapik ni Isaac ang kanyang balikat. "I will call you right away kapag may impormasyon na ako."Hind
MAN OF THE DAY"Bakit mo nga pala naisipang tanggihan ang marriage proposal ko? Is it the sole reason or meron pang iba?" Tanong ni Vincent sa kanya habang tinutuyo nito ang kanyang buhok.Napasimangot siya. From his eyes, kahit na maglihim siya, alam niyang malalaman at malalaman parin nito dahil pati nga ang pag-iyak niya sa telepono alam ng lalaki. He got his eyes and ears everywhere."Tinakot kasi ako ni Grace," pagtatapat niya.Umangat ang sulok ng labi nito. "I knew it.""Paano mo nalaman?""I traced the phone number who called here nang itawag ni Manang na umiiyak ka. What else did she tell you?" Masuyo nitong tanong."She wants you back."Naiiling nitong ipinagpatuloy ang pagtutuyo ng kanyang mahabang buhok. "She can't have me back. That chapter of my life already ended. You are now my present, my priority and my future. Kayong dalawa ng anak natin."Napangiti siya. Talagang inari na nito si Kreios. Ang swerte nilang dalawa kay Vincent kaya nanganako siya sa sarili niya na gag
KDRAMA VERSIONMariin siyang napapikit. God know how much she longed for this day to happen in her entire life. This is what she exactly wished for pero alam niya sa sarili niyang hindi niya deserve kung anuman ang pagmamahal binibigay nito sa kanya. She was a dirty woman with a dirty past. Vincent's pure love and intention deserves a pure woman.Nagmulat siya ng mga mata. Vincent was still on his knees while waiting for her answer with a big hope in his eyes. Ang sakit! Ayaw niyang tumanggi pero hindi niya rin ito kayang sagutin.Marahan niyang hinawakan ang singsing bago dahan dahang isinara ang kahita. Puno ng pagtataka ang mga mata nito. Malungkot siyang ngumiti."I-I'm...I'm sorry Vince...Pero hindi ako magpapakasal sa iyo."Mula sa pagkakaluhod ay mabilis itong tumayo. Hinawakan nito ang kanyang balikat at marahan siyang pinaharap ng lalaki. "Why? What's wrong? Hindi mo ba nagustuhan ang proposal ko or you still don't wanna get engage? Tell me, hmm?"Walang tigil sa pagpatak ng
UNWIND"Hindi ka ba papasok?" Puna niya nang makita si Vincent na nakapambahay lang at umiinom ng kape sa kusina.Nakangiti itong umiling. Lumapit siya sa lalaki at tumabi dito. Vincent gave her a soft kiss on her temple. "Mamamasyal tayo today," anito na ikinalingon niya."Hindi ka busy?""Nope. I cancelled all my meetings today."Kumunot ang kanyang noo. "At bakit naman?""Because I want to spend time with the both of you today," he grinned as he gave her a peck on her lips."All of a sudden?" Nagtataka niyang tanong. They have a plan this weekend kaya't nalilito siya kung bakit bigla nitong naisip na mamasyal sila."I just thought maybe we could unwind for the time being. Ayaw mo ba?"Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. "Sino bang may ayaw basta ikaw ang kasama ko pero ang inaalala ko lang, paano na yung mga meetings mo? Diba sabi mo noong nakaraan tatapusin mo lahat ng trabaho mo para walang istorbo sa weekend?""Works could wait, Jagi..." Paungol nitong sabi at muli s
NIGHTMAREKahit na nag-aalangan siya, sinunod niya pa rin ang sinasabi sa sulat at nagmaneho patungo sa address na ibinigay ng hindi niya kilalang tao kaysa pumunta ng cafe. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Wala namang ibang nakakaalam ng kanyang sikreto bukod sa kanya at sa pamilya niya. Pati rin si Tristan. Pero naniniwala siyang hindi siya ipagkakanulo ng lalaki dahil hindi ito ganoong klaseng tao.Hindi nagtagal, narating na niya ang isang tagong restaurant na sinasabi nito. Agad siyang bumaba ng kotse at nagtungo sa loob. Halos walang tao sa loob ng restaurant nang makapasok na siya. Inilibot niya ang tingin sa paligid hanggang sa makita na niya ang number eleven na table na sinasabi ng may-ari ng sulat kung saan nasa isang sulok iyon na parte ng restaurant.Mula sa mesa ay may isang taong nakasuot ng itim hoodie jacket at nakatalikod sa gawi niya. Marahil ito ang nagpadala sa kanya ng sulat kaya hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon at agad na nilapitan ang estranghero.Na