Share

Chapter 7

last update Huling Na-update: 2022-11-10 20:17:39

LUCKLESS DAY

Unang pinuntahan ni Mari ang club ni Ma'am Lanie kung saan siya namamasukan. Ang sabi kasi ng kasamahan niya kanina nang tawagan niya ito, naroon daw ang ginang ngayon dahil may importante itong katrasaksyon. Habang lulan siya ng pampasaherong jeep, panay ang kanyang dasal na sana makahiram siya ng malaking halaga. Kahit na pagtrabahuhan pa niya iyon ng walang bayad sa susunod na pagkakataon. Ang importante ay mailigtas si Kreios bukas.

Pagkatapos ng dalawampung minuto, narating na niya ang club. Habang papalapit siya sa establisyimento nagtaka siya kung bakit maraming mga kalalakihan ang naroon. Ipinagsawalang bahala na lamang niya ang kanyang kuryosidad at tumuloy na sa club.

"Excuse me, makikiraan po," aniya sa lalaking nakaharang sa kanyang harapan.

"Bawal po kayong pumasok," malamig nitong tugon.

Kunot noo siyang nag-angat ng tingin. "Bakit po? May problema po ba?"

"Ipinagbabawal po ng may-ari na pumasok kayo sa loob."

"Diyan po ako nagtatrabaho Kuya kaya papasukin mo ako. Kailangan kong makausap si Ma'am Lanie dahil hihingi ako ng tulong sa kanya," aniya at pilit na nagsumiksik subalit hindi naman siya nagtagumpay dahil sa malaki na ang katawan ng nakaharang at malakas din ito.

Tuluyan na siyang napikon sa inasta ng lalaki. Hindi ngayon ang panahon para makipagbiruan siya sa mga ito. "Ano bang problema mo ha?! Gusto ko lang makausap ang amo ko. Bakit ba ayaw mo akong papasukin."

"Sabi ngang bawal ka pumasok diba. Bago na ang may-ari ng club kaya umalis ka na."

Hilaw siyang natawa. "Pinagloloko mo ba ako Kuya? Ano bang trip mo ha? Papasukin mo na ako kailangan ko talagang makausap si Ma'am Lanie para sa anak ko," pagsusumamo niya.

Nanatiling walang ekspresyon ang mukha ng lalaki kahit na anong pakiusap niya.

"Mari…"

Napalingon siya at eksakto namang nakita niya si Jeny, isa sa kasamahan niyang waitress sa club. Nagmamadali siyang lumapit sa babae para maliwanagan sa nangyayari.

"Jen, anong nangyari? Bakit ayaw akong papasukin sa club?"

"Naku Mari. May mayamang lalaki ang dumating dito kanina, binili ang club ni Madam Lanie ng sampung milyon!" Bulalas ni Jeny.

Nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi ng babae. Maliit lang ang club ni Ma'am Lanie kaya nakapagtataka na ang laki ng pagkakabili ng sinuman dito.

"Paano na tayo nito?" Nalulungkot niyang tanong.

"Ayos naman kami Mari. Patuloy parin ang operasyon sa club pati ang trabaho namin maliban lang sayo," anito na ikinagulat niya.

"Papanong ako lang ang nasisante? Galit ba si Ma'am Lanie sakin? Wala naman akong nagawang mali ah," naiiyak niyang reklamo.

"Walang galit sayo si Ma'am Lanie. Sa katunayan ikaw nga ang paborito niya at nakiusap din siya sa bumili na kasali ka sa makakabalik pero tumanggi ang lalaki at binantaan si Ma'am na tatanggalin kami lahat. Hindi rin naman siya makakaalkontra kasi sangkot si Ma'am sa tax evasion. Idedemanda daw siya kapag hindi niya ibebenta ang club at susuway sa gusto ng buyer."

Nanlumo siya ng tuluyan. Paano na siya ngayong nasisante na lang siya bigla? Puno ng awa ang mga mata ni Jeny na nakatingin sa kanya. Pinalis niya ang tumulong luha sa kanyang pisngi at pilit na ngumiti sa babae.

"S—sige Jen. Aalis na lang ako at pupunta pa ako sa bakery," paalam niya sa babae.

"Mag-iingat ka Mari at pasensya na talaga kung wala kaming magagawa para sayo. Maysakit pa naman si Kreios ngayon," malungkot nitong turan.

"Naiintindihan ko Jeny. Lahat naman tayo nangangailangan sa panahon ngayon."

Nagtaka siya nang kunin ni Jeny ang kanyang kamay pagkatapos ay may inilagay sa kanyang palad. "Alam kong maliit lang ang halaga ng limang daan pero pwede mong magamit yan pamasahe at pangkain."

"Maraming salamat, Jen."

Matapos magpaalam sa kaibigan, muli siyang sumakay ng jeep patungong bakeshop. Malayo pa lang siya ay kinakabahan na siya pero napawi ang lahat ng iyon nang makita niyang normal naman ang paligid. Pagkababa niya ng jeep, agad siyang nagtungo sa bakeshop para kausapin si Sir Kyle.

"Ana nandyan ba si Sir Kyle?"

Nag-angat ng tingin si Ana sa kanya mula sa inaayos nitong mga loaf bread. Kita niyang ilang beses pang napalunok ang babae at saka alanganing ngumiti.

"N—nandito ka na pala Mari…"

Tumango siya. "Si Sir Kyle ba nandyan?"

Tanaw niya mula sa labas na bumukas ang pintuan ng opisina ni Sir Kyle at naglakad ito patungo sa kinaroroonan niya.

"Have a seat Mari, may sasabihin ako sayo," anito bago siya nilagpasan at naglakad patungo sa isang sulok ng bakeshop.

Nilingon niya si Ana pero yumuko lang ito at umalis kaya naman pinuntahan na lang niya si Sir Kyle na naghihintay sa kanya. Nang makaupo siya ay tensyonado siyang napatingin sa kanyang amo.

"A—ano pong sasabihin niyo sakin, Sir?"

"You are fired from my bakeshop, Mari," anito na halos ikalaglag ng kanyang panga.

"P—po? Bakit po?"

Hindi niya lubos aakalain na mamalasin siya buong araw. Mula sa club pati ba naman sa pinagtatrabahuhan niyang bakeshop ay ganun rin?

"Tsss…Sa tingin mo ba pagbibigyan kita sa ginawa mong pagsampal sa'kin kahapon?" Sarkastiko nitong tanong.

Ilang beses siyang napalunok. Kung ito ang dahilan ng pagkakatanggal niya, bakit hindi nito sinabi agad kahapon? Bakit ngayon lang ito nagdesisyon gayong pwede naman siya nitong sisantehin ng diretso?

"Sir… N—nagmamakaawa po ako sa inyo. Bigyan pa po ninyo ako ng isa pang pagkakataon… Kailangan na kailangan ko po talaga ng pera ngayon. Parang awa niyo na po," pagsusumamo niya.

Gumuhit ang isang mapaglarong ngisi sa labi nito. "You are too bold for a poor person Mari. Kaya yan ang naging resulta. Hindi kita mapagbibigyan sa hiling mo ngayon but then my offer to you from yesterday was still open. Kailangan mo ng pera diba? This is your chance…"

Hindi siya agad nakasagot. Kaya ba niyang ibenta ang kanyang katawan para sa pera? Pero kung hindi niya gagawin ang bagay na iyon, paano na si Kreios gayong wala na siyang trabaho?

"I can see that you are hesitating. Pero wag kang mag-alala," anito saka marahang pinisil ang kanyang kamay. Hindi maiwasang manindig ang kanyang balahibo sa ginawa nito. "...I can wait for your answer at kung nakapagdesisyon ka na, you know how to call me."

Pagkatapos nito ay agad ng tumayo ang lalaki at iniwan siya sa mesang kinaroroonan nila.  Wala sa sarili siyang naglakad palabas ng bakeshop at naupo sa gilid ng kalsada. Mainit ang sikat ng araw. Ngayon niya lang din naalala na hindi pa pala siya kumain ngayong araw. Frustrated siyang napahilamos ng mukha. Isa na lang ang natatanging pag-asa niya. Yun ay ang umuwi ng Baguio—sa lugar ng mga magulang niya.

Dahil ilang oras ang gugugulin niya bago makarating doon, naisip niyang daanan muna si Kreios at tingnan ang lagay ng anak para kahit papaano, mapanatag ang loob niya sa byahe.

Tulog ang kanyang anak nang pumasok siya sa silid nito. Lumabas muna si Betty sandali para kumain kaya't silang dalawa lang ang naiwan sa loob. Sobrang bigat ng kanyang dibdib ng mga oras na iyon dahil sa mga nangyari. Marahan niyang hinaplos ang maputlang pisngi ni Kreios. Umungol ang kanyang anak kaya naging alerto siya dahil baka sakaling magising ito at makaramdam ulit ng pananakit sa dibdib.

"P—papa.."

Parang tinusok ng milyon milyong karayom ang puso niya sa narinig. Hindi magtatagal ay lalaki si Kreios at magtatanong ito kung sino ang tatay niya. Paano niya kaya sasabihin sa anak na bunga ito ng panggagahasa sa kanya. Sigurado siyang hindi magiging maganda iyon sa pandinig ng bata.

"I'm sorry anak.. I'm so sorry kung hindi natin makakasama ang papa mo," humihikbi niyang bulong habang walang patid sa pagtulo ang luha sa kanyang mata.

Itinago niya sa lahat maliban sa kanyang pamilya ang nangyari sa kanya, maging kay Betty ay hindi niya ito sinabi. Hinayaan niyang isipin ng lahat na nabuntis siya sa murang edad at iniwanan sila ng tatay ng anak niya. Hindi siya papayag na darating ang araw na magiging katatawanan ang anak niya.

Ibabaon niya hanggang hukay ang nangyari sa kanya hangga't maaari.

"Mama, iyak ka po?"

Natigilan si Mari nang maramdaman ang mumunting palad ni Kreios na pinapahid ang luha sa kanyang pisngi. Kahit na pilit ay sinubukan niyang ngumiti upang ipakita sa anak na ayos lang siya. Kinuha niya ang kamay nito at mariing hinalikan para ipadama ang labis niyang pagmamahal sa anak.

"Sabi po ng doctor sick daw po ako pero nagpromise ako sa kanya na gagaling ako para di kana sad.."

Mas lalo lang lumakas ang hagulgol niya sa narinig. Napakatalino talaga ng baby boy niya.

"Talaga? Promise mo kay Mama magiging strong ka ha? Kasi magiging sad si Mama kapag hindi agad gagaling si Little Bossing ko.."

"Promise po gagaling ako basta ibili mo po ako ng maraming chickenjoy pag okay na ako.."

Hilam sa luha ang kanyang mukhang tumango sa hiling ng anak.

"Kahit araw araw pa kitang ibili ng chickenjoy ayos lang basta gagaling ka lang anak," saad niya habang hinaplos ang noo nito.

Humikab si Kreios kaya inayos niya ang kumot ng anak.

"Sleepy ka parin ba?" Malumanay niyang tanong.

Tumango si Kreios at unti unting ipinikit ang mata.

"Wav you Mama.." Bulong nito sa gitna ng antok.

Napangiti siya at hinalikan ito sa noo bago tuluyang lumabas ng silid.

Kaugnay na kabanata

  • For Hire: MISTRESS for the BILLIONAIRE   Chapter 8

    THE TRUTH BEHIND THAT HURTSIlang minuto ng nakatitig si Mari sa gate ng dati niyang bahay. Alas syete na ng gabi nang makarating siya sa Baguio mula Metro Manila. Abot langit ang kanyang kaba habang nagdadalawang isip na pindutin ang doorbell ng bahay.Paano kung galit parin sa kanya ang mga magulang niya. Balita niya'y natalo sa eleksyon ang kanyang ama noong umalis siya sa poder nila pero hindi niya alam ang dahilan. Hindi na rin siya nag-usisa pa. Ang importante sa kanya buhay at nasa maayos na kalagayan ang mga ito, sapat na sa kanya iyon.Humugot siya ng malalim na hininga at nilakasan ang loob. Nanginginig ang kanyang mga kamay na pumindot ng doorbell. Hindi nagtagal ay bumukas ang gate at sumilip ang isang pamilyar na mukha—si Nanay Minda. Nanlaki ang mga mata nito nang mapagsino siya."Ysabela!" Bulalas ng matanda at nilakihan ang pagkakabukas ng gate.Agad siyang yumakap sa dating kasambahay. Noon pa mang maliit siya ay ito na ang namataan niyang nag alaga sa kanya dahil halo

    Huling Na-update : 2022-11-11
  • For Hire: MISTRESS for the BILLIONAIRE   Chapter 9

    ACCEPTING HER FATEBinalingan niya si Nanay Minda na puno ng lungkot ang mga mata nitong nakatingin sa kanya habang humihikbi.."Aalis na po ako Nay.." Nanghihina niyang paalam."Ihahatid na kita sa labas Ysabela."Nang makarating sa labas ay muli niyang niyakap si Nanay Minda ng mahigpit."A—ang batang ipinagbuntis mo noon Ysabela, nasaan na? Malaki na ba?" Bigla nitong tanong.Marahan siyang tumango at tumingin sa malayo. "Opo. Malaki na at saka kamukhang kamukha ko po.""Sana man lang makita ko ang batang iyon balang araw," anito na mas ikinalungkot niya."Sana nga po, Nay. Balang araw…" Darating pa kaya ang balang araw na iyon kung ngayon pa lang wala ng kasiguraduhan ang buhay ni Kreios sa malupit niyang mundo?"Mag ingat ka Ysabela. Pasensya ka na talaga at wala akong magagawa sa sitwasyon mo ngayon," malungkot nitong turan.Pilit siyang ngumiti. "Ayos lang po Nay.. Nay? P—pwede po bang malaman ang… Ang pangalan ng totoong nanay ko?" Atubili niyang tanong."Erlinda, Erlinda Reyes

    Huling Na-update : 2022-11-14
  • For Hire: MISTRESS for the BILLIONAIRE   Chapter 10

    CHOOSING THE LESSER EVIL'Choose the lesser evil..' Yun na lang ang iniisip niya nang pirmahan ang kontrata. Sa pagitan ni Vincent at Sir Kyle, mukhang mas ligtas siya kay Vincent dahil mukhang wala naman itong interes sa kanya.Matapos niyang pumirma ay kinuha iyon ni Vincent ng may matagumpay na ngiti sa mga labi. Masayang masaya siguro ito dahil nasunod ang gusto. Ibinigay iyon ng lalaki kay Zion. Nauna naman itong nagpaalam habang naiwan silang dalawa ni Vincent sa loob ng opisina."I've already wired my half payment Miss Fallorina," anito at ipinakita pa sa kanya ang online receipt. "Congratulations, you're officially hired.Tumango siya at lihim na nagpasalamat. Unang beses niyang magkaroon ng ganun kalaking pera buong buhay niya. Dapat ay masaya siyang marinig ang salitang hired na siya pero ngayon hindi niya magawang magbunyi. "Kailan pala ako magsisimula?""Hmm, you can start by tomorrow. Remember our deal Mari, everything is confidential. Wala kang pagsasabihan ng mga ito kun

    Huling Na-update : 2022-11-15
  • For Hire: MISTRESS for the BILLIONAIRE   Chapter 11

    GRUMPY BOSSSa wari niya ay nakilala din siya ng lalaki base sa tingin nito. Nakaramdam siya ng labis na kaba. Nakita niya itong kasama ni Vincent noong gabing nasaggi ng lalaki ang kanyang bisikleta. Sa katunayan ito pa nga ang umawat at pumagitna sa bangayan nilang dalawa."You look familiar. I think I saw you a few nights ago," anito sa kanya.Hilaw siyang natawa. Mukhang matalas ang memorya ng isang 'to at hindi yata siya makakapagsinungaling kaya hahanap na lang siya ng kasinungalingan kung magtatanong ito sa kanya."Ahhh.. O—oo. Nagkita na tayo noong nakaraang gabi," kunwari ay magiliw niyang sagot."Right! Ikaw yung nakasagutan ni Vincent. Ano nga palang ginagawa mo dito?" Tanong nito."Ahm, m—may binisita ako na…na kaibigan ko. Oo, kaibigan ko nagkasakit kasi kaya yun, pinuntahan ko."Tumango naman ito. Gaya ni Vincent, matangkad din ang lalaki at maputi. Kung itsura ang pagbabasehan, hindi nagkakalayo ang dalawa. Mukha itong may lahing Chinese gaya ng mga nakikita niyang pinap

    Huling Na-update : 2022-11-16
  • For Hire: MISTRESS for the BILLIONAIRE   Chapter 12

    MAJOR MAKEOVERMatapos ang mahigit kalahating oras na byahe huminto ang sasakyan ni Vincent sa isang malaking building. Agad siyang bumaba at baka sungitan na naman siya ng lalaki. Nang makalabas ay inilibot niya ang tingin sa paligid."Wow, ang ganda," aniya habang pinagmamasdan ang labas ng boutique. Psyche Chic ang pangalan nito."You want to have something like this?" Lumingon siya kay Vincent ng magsalita ito at naglalakad palapit sa kanya.Infairness sobrang gwapo ng lalaki ngayon sa suot nitong dark blue na polo, tinupi nito hanggang siko at pinaresan ng itim na jeans at boots. Mukha itong model sa billboard, idagdag pang sobrang tangkad nito. Ang kinis din ng kutis at daig pa yata siya. Kung hindi lang arrogante ang lalaki ay pwede pa siyang humanga dito.Humalukipkip siya at tiningnan itong maigi "...bakit? Bibigyan mo ba ako ng ganito?"Mayabang na ngumisi si Vincent sa kanya habang pinaglalaruan nito ang susi ng sasakyan. "I told you already that I can give you anything you

    Huling Na-update : 2022-11-18
  • For Hire: MISTRESS for the BILLIONAIRE   Chapter 13

    DINNER DATEKumportable siyang naupo sa passenger's seat habang hinihintay si Vincent na pumasok. Napakagentlemen kuno ng loko dahil matapos siyang ipagbukas ng pintuan sa sasakyan ay ito pa ang nag asikaso ng mga pinamili nila sa compartment ng kotse. Napatingin siya sa labas ng bintana at nakita ang ilang panauhin na panay kuha ng larawan kay Vincent.So ito pala ang dahilan kaya may pa PDA kuno sila. Maya maya pa ay pumasok na ito sa sasakyan. Lumingon ito sa gawi niya kaya pasimple siyang umiwas ng tingin sa lalaki. Hindi nagtagal ay binabaybay na ulit nila ang matraffic na kalsada. Humilab ang kanyang tiyan kaya nilingon niya ang tahimik na si Vincent."Boss wala po ba kayong planong pakainin ako?" Maktol niya.Nagrereklamo na ang mga bulate niya sa tiyan dahil napagod siya sa pinapagawa nito kanina."You're hungry?""Naman! Di moko pinakain ng tanghalian kaya malamang gutom na gutom na ako," nakasimangot niyang turan."I'm sorry, I'm used to women who don't eat lunch," buntong hi

    Huling Na-update : 2022-11-19
  • For Hire: MISTRESS for the BILLIONAIRE   Chapter 14

    SECRET KEEPERPinalamigan siya ng kamay habang kaharap ang nakapamulsang lalaki. Kilala niya ito sa mukha subalit hindi sa pangalan. Tandang tanda pa niya na isa ito sa dumampot sa kanya sa pag-uutos ni Vincent noong nakaraan. Nakapagtataka na naririto ngayon ang lalaki sa harapan niya. Pinapasundan kaya siya ng kanyang boss?"S—sino ka? At…anong ginagawa mo dito?" Nahintakutan niyang tanong. Humigpit ang hawak niya sa doorknob ng kwarto ni Kreios dahil sa tensyong nararamdaman."I should be the one asking you that. What are you doing here? You're supposed to be in your condo that Vincent provided you with," malamig nitong tugon.Napalunok siya ng ilang beses at hindi alam ang sasabihin. Aamin ba siya? Pero paano kung bawiin ng mga ito ang pera at pagbayarin pa siya sa nagastos niya? Paano na ang anak niya?"Based on the look in your eyes, I see that the kid lying in there is so important to you. He's your son.."Hindi na siya nakaimik. Masyadong intimidating ang dating ng lalaki. Paki

    Huling Na-update : 2022-11-19
  • For Hire: MISTRESS for the BILLIONAIRE   Chapter 15

    DON'T FALL INLOVENagmamadali siyang bumalik sa loob. Nagulat naman ang dalawa sa kanyang inasta."Anong nangyari sayo Mari?""Kailangan ko ng umalis. Tinatawag na kasi ako ng boss ko," nakangiwi niyang tugon habang papalapit sa anak."Ang aga pa ah. Ala sais pa lang ng umaga may duty ka na?" Kunot noong puna ni Betty."Ahm…O—oncall kasi yung pagkasecretary ko kaya walang definite na oras ang duty ko."Hindi parin naalis ang pagkakakunot sa noo ni Betty kaya kinabahan siya. "Mayroon palang ganun?""Oo naman no!""Siya, sige, humayo ka na a baka mapagalitan ka na ng boss mo. Ako ng bahala kay Kreios dahil wala naman akong gagawin sa bahay ngayon," anito sa kanya.Nagpaalam na siya sa dalawa bago patakbong lumabas ng ospital. Mabuti na lang at may nagkapark ng taxi sa di kalayuan at hindi na niya kailangan pang maghintay ng matagal."Manong, pwede bang pakibilisan ng konti ang takbo?"Tiningnan siya ng driver sa rearview mirror bago umiling. "Ito na ang pinakamabilis ineng at tsaka nagsi

    Huling Na-update : 2022-11-21

Pinakabagong kabanata

  • For Hire: MISTRESS for the BILLIONAIRE   Special Chapter 2

    "Himala! What brought you here Vincent? Parang noong nakaraang buwan lang takot na takot kang sumabay samin magbar. Hindi ka na ba under de saya?" Pangbubuska ni Xerxes sa kanya.It was still nine in the evening. Nagpaalam naman siya kay Mari na sasama sa mga kaibigan niya. It's been months mula ng makipagbonding siya sa mga ito. Hindi naman siya pinagabawalan ni Mari but he's just excited to go home lalo na at naghihintay ito sa kanya."Hindi ako under de saya tukmol. 'Tamo darating din ang araw na ikaw naman ang magkukumahog na umuwi dahil may magandang asawang naghihintay sayo pauwi," tugon niya dito.Xerxes chuckled. Sa lahat ng nasa mesa ay mukhang siya at ito lang ang walang problema. Zeus and Tristan are facing crisis on their hearts kaya parang pinagsakluban ang mga mukha nito ng langit at lupa."Tsk. So anong meron at nandito ka ngayon?"He released a deep sigh. "I'm bored. Mari's spending her quality time with her siblings. Hindi siya tumatabi sakin sa pagtulog. And my son w

  • For Hire: MISTRESS for the BILLIONAIRE   Special Chapter 1

    Nagmamadali siyang umuwi ng villa galing sa construction site kung saan siya isinama ni Tristan. Kung bakit ba kasi walang signal ang lugar na iyon! Hindi niya tuloy nasagot ang tawag ni Mari. Nang makarating siya sa syudad ay tinawagan niya ito pero hindi na ito sumagot pa, maging sa telepono ay ayaw siyang kausapin ng asawa.Kakapasok pa lang niya sa bahay nang bigla na lang may lumipad patungo sa direksyon niya. Mabuti na lang at mabilis siyang nakailag kung hindi ay baka dumugo na ang ilong niya. Tumama iyon sa isa sa mga interior pillar ng bahay. Nakita niyang remote control iyon ng TV nila."Bakit ka umiwas ha?!" Galit na boses ni Mari.Mariin siyang pumikit. His pregnant wife was now in furious. Bahagya ng namula ang magandang mukha nito tanda na naiinis ito sa kanya. Mari is five months pregnant. Kung gaano siya katapang noon, mukhang triple yata ngayon. But he understands that it's her pregnancy hormones kaya siya ganyan."Dahil matatamaan mo'ko. Jagi naman—""Eh kaya nga kit

  • For Hire: MISTRESS for the BILLIONAIRE   Chapter 72

    EPILOGUEMari was staring at her wedding picture. Ilang buwan na ang nakalipas magmula ng magpakasal sila ni Vincent. A night before he confessed his sin to her, nauna na niyang nakausap ang nanay nito.She remembered how Madam Charlotte kneeled and begged for her forgiveness. She told her the story behind what happened. Noong una ay nagalit siya. Wwll, ganun naman talaga ang unang reaksyon ng taong naagrabyado pero kalaunan ay natanggap niya rin. She knew that Vincent isn't a bad person at isa pa, mas gumaan ang pakiramdam niyang ito ang tunay na ama ni Kreios.Nang gabi ding iyon, pormal niyang pinakilala kay Kreios si Vincent bilang tunay nitong ama. Naalala pa niyang grabe ang iyak ng dalawa.Grace came too and told her about Vincent's secret but she knew her too well. She's doing it for her own benefit dahil gusto jitong makuhang muli si Vincent na hindi niya hinayaan. If you let people control your relationship and get swayed, hindi magtatagal ang relasyon ninyo.Hinaplos niya a

  • For Hire: MISTRESS for the BILLIONAIRE   Chapter 71

    UNRAVELING II"Where are you Vincent?" Tanong ng nasa kabilang linya."I'm still at Connoisseur Deluxe Ice," tugon niya kay Isaac.Bumuntong hininga ito ng malalim. "I have all the information you asked me to gather, Vince. I think you need to see this asap. This is very important and very confidencial dude."Frustrated niyang sinuklay ang kanyang buhok. "I know dude. I'm coming." Sa tono ng pananalita ni Isaac, mukhang alam na niya ang nadiskubre nito. It was the information that Grace also had. Tumayo na siya sa mesang pinag-iwanan ni Grace sa kanya. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nanatiling nakaupo doon. All he knew is that she left him after threatening him.Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan patungo sa condo ni Isaac. Hindi siya nag-aksaya ng oras at agad na nagtungo sa loob ng lungga ng kanyang kaibigan."Look at this," inilahad ni Isaac sa kanya ang lahat ng mga files na nakalap nito.Isa isa niya iyong tiningnan. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang iniisip

  • For Hire: MISTRESS for the BILLIONAIRE   Chapter 70

    UNRAVELING"Are you really sure na gusto mong hanapin ang lalaking gumawa nun sa fiance mo? Para saan pa dude? Ayos lang ba yan sa kanya?" Kunot noong tanong ni Isaac sa kanya.Kasalukuyan siyang nasa condong tinutuluyan nito pagkatapos niyang makausap ang kapatid ni Mari. He wanted to know who the bastard did it to Mari. Gusto niyang maging handa kung sakaling darating ang araw na guguluhin sila ng lalaking iyon."Yes dude and please make it a secret for now. I don't wanna upset Mari at baka isipin niyang pinangungunahan ko siya sa mga desisyon niya."Isaac heave a deep sigh. "Okay if that's what you wanted. Pero paano kapag nakilala na natin ang lalaking iyon? What are you gonna do? Are you going to sue him?"Umiling siya. "I'll asked Mari first. Siya ang magdedesisyon niyan kung sakali, dude." It's Mari's battle anyway. Naroon lang siya para sumuporta sa babae kung saka-sakali man.Tinapik ni Isaac ang kanyang balikat. "I will call you right away kapag may impormasyon na ako."Hind

  • For Hire: MISTRESS for the BILLIONAIRE   Chapter 69

    MAN OF THE DAY"Bakit mo nga pala naisipang tanggihan ang marriage proposal ko? Is it the sole reason or meron pang iba?" Tanong ni Vincent sa kanya habang tinutuyo nito ang kanyang buhok.Napasimangot siya. From his eyes, kahit na maglihim siya, alam niyang malalaman at malalaman parin nito dahil pati nga ang pag-iyak niya sa telepono alam ng lalaki. He got his eyes and ears everywhere."Tinakot kasi ako ni Grace," pagtatapat niya.Umangat ang sulok ng labi nito. "I knew it.""Paano mo nalaman?""I traced the phone number who called here nang itawag ni Manang na umiiyak ka. What else did she tell you?" Masuyo nitong tanong."She wants you back."Naiiling nitong ipinagpatuloy ang pagtutuyo ng kanyang mahabang buhok. "She can't have me back. That chapter of my life already ended. You are now my present, my priority and my future. Kayong dalawa ng anak natin."Napangiti siya. Talagang inari na nito si Kreios. Ang swerte nilang dalawa kay Vincent kaya nanganako siya sa sarili niya na gag

  • For Hire: MISTRESS for the BILLIONAIRE   Chapter 68

    KDRAMA VERSIONMariin siyang napapikit. God know how much she longed for this day to happen in her entire life. This is what she exactly wished for pero alam niya sa sarili niyang hindi niya deserve kung anuman ang pagmamahal binibigay nito sa kanya. She was a dirty woman with a dirty past. Vincent's pure love and intention deserves a pure woman.Nagmulat siya ng mga mata. Vincent was still on his knees while waiting for her answer with a big hope in his eyes. Ang sakit! Ayaw niyang tumanggi pero hindi niya rin ito kayang sagutin.Marahan niyang hinawakan ang singsing bago dahan dahang isinara ang kahita. Puno ng pagtataka ang mga mata nito. Malungkot siyang ngumiti."I-I'm...I'm sorry Vince...Pero hindi ako magpapakasal sa iyo."Mula sa pagkakaluhod ay mabilis itong tumayo. Hinawakan nito ang kanyang balikat at marahan siyang pinaharap ng lalaki. "Why? What's wrong? Hindi mo ba nagustuhan ang proposal ko or you still don't wanna get engage? Tell me, hmm?"Walang tigil sa pagpatak ng

  • For Hire: MISTRESS for the BILLIONAIRE   Chapter 67

    UNWIND"Hindi ka ba papasok?" Puna niya nang makita si Vincent na nakapambahay lang at umiinom ng kape sa kusina.Nakangiti itong umiling. Lumapit siya sa lalaki at tumabi dito. Vincent gave her a soft kiss on her temple. "Mamamasyal tayo today," anito na ikinalingon niya."Hindi ka busy?""Nope. I cancelled all my meetings today."Kumunot ang kanyang noo. "At bakit naman?""Because I want to spend time with the both of you today," he grinned as he gave her a peck on her lips."All of a sudden?" Nagtataka niyang tanong. They have a plan this weekend kaya't nalilito siya kung bakit bigla nitong naisip na mamasyal sila."I just thought maybe we could unwind for the time being. Ayaw mo ba?"Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. "Sino bang may ayaw basta ikaw ang kasama ko pero ang inaalala ko lang, paano na yung mga meetings mo? Diba sabi mo noong nakaraan tatapusin mo lahat ng trabaho mo para walang istorbo sa weekend?""Works could wait, Jagi..." Paungol nitong sabi at muli s

  • For Hire: MISTRESS for the BILLIONAIRE   Chapter 66

    NIGHTMAREKahit na nag-aalangan siya, sinunod niya pa rin ang sinasabi sa sulat at nagmaneho patungo sa address na ibinigay ng hindi niya kilalang tao kaysa pumunta ng cafe. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Wala namang ibang nakakaalam ng kanyang sikreto bukod sa kanya at sa pamilya niya. Pati rin si Tristan. Pero naniniwala siyang hindi siya ipagkakanulo ng lalaki dahil hindi ito ganoong klaseng tao.Hindi nagtagal, narating na niya ang isang tagong restaurant na sinasabi nito. Agad siyang bumaba ng kotse at nagtungo sa loob. Halos walang tao sa loob ng restaurant nang makapasok na siya. Inilibot niya ang tingin sa paligid hanggang sa makita na niya ang number eleven na table na sinasabi ng may-ari ng sulat kung saan nasa isang sulok iyon na parte ng restaurant.Mula sa mesa ay may isang taong nakasuot ng itim hoodie jacket at nakatalikod sa gawi niya. Marahil ito ang nagpadala sa kanya ng sulat kaya hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon at agad na nilapitan ang estranghero.Na

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status