GRUMPY BOSSSa wari niya ay nakilala din siya ng lalaki base sa tingin nito. Nakaramdam siya ng labis na kaba. Nakita niya itong kasama ni Vincent noong gabing nasaggi ng lalaki ang kanyang bisikleta. Sa katunayan ito pa nga ang umawat at pumagitna sa bangayan nilang dalawa."You look familiar. I think I saw you a few nights ago," anito sa kanya.Hilaw siyang natawa. Mukhang matalas ang memorya ng isang 'to at hindi yata siya makakapagsinungaling kaya hahanap na lang siya ng kasinungalingan kung magtatanong ito sa kanya."Ahhh.. O—oo. Nagkita na tayo noong nakaraang gabi," kunwari ay magiliw niyang sagot."Right! Ikaw yung nakasagutan ni Vincent. Ano nga palang ginagawa mo dito?" Tanong nito."Ahm, m—may binisita ako na…na kaibigan ko. Oo, kaibigan ko nagkasakit kasi kaya yun, pinuntahan ko."Tumango naman ito. Gaya ni Vincent, matangkad din ang lalaki at maputi. Kung itsura ang pagbabasehan, hindi nagkakalayo ang dalawa. Mukha itong may lahing Chinese gaya ng mga nakikita niyang pinap
MAJOR MAKEOVERMatapos ang mahigit kalahating oras na byahe huminto ang sasakyan ni Vincent sa isang malaking building. Agad siyang bumaba at baka sungitan na naman siya ng lalaki. Nang makalabas ay inilibot niya ang tingin sa paligid."Wow, ang ganda," aniya habang pinagmamasdan ang labas ng boutique. Psyche Chic ang pangalan nito."You want to have something like this?" Lumingon siya kay Vincent ng magsalita ito at naglalakad palapit sa kanya.Infairness sobrang gwapo ng lalaki ngayon sa suot nitong dark blue na polo, tinupi nito hanggang siko at pinaresan ng itim na jeans at boots. Mukha itong model sa billboard, idagdag pang sobrang tangkad nito. Ang kinis din ng kutis at daig pa yata siya. Kung hindi lang arrogante ang lalaki ay pwede pa siyang humanga dito.Humalukipkip siya at tiningnan itong maigi "...bakit? Bibigyan mo ba ako ng ganito?"Mayabang na ngumisi si Vincent sa kanya habang pinaglalaruan nito ang susi ng sasakyan. "I told you already that I can give you anything you
DINNER DATEKumportable siyang naupo sa passenger's seat habang hinihintay si Vincent na pumasok. Napakagentlemen kuno ng loko dahil matapos siyang ipagbukas ng pintuan sa sasakyan ay ito pa ang nag asikaso ng mga pinamili nila sa compartment ng kotse. Napatingin siya sa labas ng bintana at nakita ang ilang panauhin na panay kuha ng larawan kay Vincent.So ito pala ang dahilan kaya may pa PDA kuno sila. Maya maya pa ay pumasok na ito sa sasakyan. Lumingon ito sa gawi niya kaya pasimple siyang umiwas ng tingin sa lalaki. Hindi nagtagal ay binabaybay na ulit nila ang matraffic na kalsada. Humilab ang kanyang tiyan kaya nilingon niya ang tahimik na si Vincent."Boss wala po ba kayong planong pakainin ako?" Maktol niya.Nagrereklamo na ang mga bulate niya sa tiyan dahil napagod siya sa pinapagawa nito kanina."You're hungry?""Naman! Di moko pinakain ng tanghalian kaya malamang gutom na gutom na ako," nakasimangot niyang turan."I'm sorry, I'm used to women who don't eat lunch," buntong hi
SECRET KEEPERPinalamigan siya ng kamay habang kaharap ang nakapamulsang lalaki. Kilala niya ito sa mukha subalit hindi sa pangalan. Tandang tanda pa niya na isa ito sa dumampot sa kanya sa pag-uutos ni Vincent noong nakaraan. Nakapagtataka na naririto ngayon ang lalaki sa harapan niya. Pinapasundan kaya siya ng kanyang boss?"S—sino ka? At…anong ginagawa mo dito?" Nahintakutan niyang tanong. Humigpit ang hawak niya sa doorknob ng kwarto ni Kreios dahil sa tensyong nararamdaman."I should be the one asking you that. What are you doing here? You're supposed to be in your condo that Vincent provided you with," malamig nitong tugon.Napalunok siya ng ilang beses at hindi alam ang sasabihin. Aamin ba siya? Pero paano kung bawiin ng mga ito ang pera at pagbayarin pa siya sa nagastos niya? Paano na ang anak niya?"Based on the look in your eyes, I see that the kid lying in there is so important to you. He's your son.."Hindi na siya nakaimik. Masyadong intimidating ang dating ng lalaki. Paki
DON'T FALL INLOVENagmamadali siyang bumalik sa loob. Nagulat naman ang dalawa sa kanyang inasta."Anong nangyari sayo Mari?""Kailangan ko ng umalis. Tinatawag na kasi ako ng boss ko," nakangiwi niyang tugon habang papalapit sa anak."Ang aga pa ah. Ala sais pa lang ng umaga may duty ka na?" Kunot noong puna ni Betty."Ahm…O—oncall kasi yung pagkasecretary ko kaya walang definite na oras ang duty ko."Hindi parin naalis ang pagkakakunot sa noo ni Betty kaya kinabahan siya. "Mayroon palang ganun?""Oo naman no!""Siya, sige, humayo ka na a baka mapagalitan ka na ng boss mo. Ako ng bahala kay Kreios dahil wala naman akong gagawin sa bahay ngayon," anito sa kanya.Nagpaalam na siya sa dalawa bago patakbong lumabas ng ospital. Mabuti na lang at may nagkapark ng taxi sa di kalayuan at hindi na niya kailangan pang maghintay ng matagal."Manong, pwede bang pakibilisan ng konti ang takbo?"Tiningnan siya ng driver sa rearview mirror bago umiling. "Ito na ang pinakamabilis ineng at tsaka nagsi
PUBLIC DISPLAY OF AFFECTION Bumaba sila ni Vincent sa isang sikat na fast food chain para doon mag-agahan. Habang nakaupo siya at hinihintay ang lalaki na nag-oorder pa, hindi parin mawala sa isipan niya ang mga sinabi nito kanina. Para iyong sirang plaka na paulit-ulit sa kanyang pandinig. Nakakabingi. Nawalan tuloy siya ng ganang kumain kahit na amoy na amoy niya ang nakapasarap na aroma ng bagong lutong fried chicken. Nakakuha ng kanyang pansin ang impit ng ilang kababaihan sa kabilang mesa kaya sinundan ng kanyang mga mata kung saan ito nakatingin. The girls are ogling at Vincent, parang kilig na kilig ang mga ito. Binawi niya ang kanyang tingin at ibinaling sa labas subalit napasimangot na lang siya nang makitang mukha parin ni Vincent ang nakita niya na nasa malaking billboard. Nakasuot ito ng kulay blue na tuxedo. Muntik na niyang makalimutang sikat nga pala ang lalaki kaya hindi na rin siya magtataka sa reaksyon ng ibang makakakita dito. Dumating na sa mesa si Vincent kasama
DRIVING LESSONIlang araw na hindi nagparamdam sa kanya si Vincent na ipinagpasalamat niya. Ginugol niya ang lahat ng oras niya sa pagbabantay at pag-aalaga kay Kreios. Nang sumapit ang Sabado ay maaga siyang naghanda sa kanyang sarili. Ayaw niyang malate at baka magalit na naman si Vincent sa kanya at sermonan pa siya nito.Mula sa tinutuluyan niyang condo, pumara siya ng taxi patungong Starline Galore. Ang sabi ni Vincent ay racetrack iyon ng isa sa mga kaibigan niya. Doon na lang daw sila magkikita para sa driving lesson niya. Pagkarating niya sa lugar, agad siyang nagbayad at bumaba na patungong entrance. May dalawang malalaking lalaki ang nakabantay doon."Identification, Miss?" Ani ng isa.Hinugot niya mula sa kanyang bag ang kanyang ID at ibinigay sa lalaki. Tiningnan nitong maigi ang kanyang mukha bago tumango sa kasama."Pasok kayo Ma'am. Naghihintay na si Sir sayo sa loob," anito at binuksan ang maliit na gate.Napangnga siya nang makarating na sa loob. Ngayon lang siya naka
NEW FOUND FRIENDSHIP "What's up, man?" Masayang bati ni Jerome Thompson sa kaibigang si Vincent nang magkita sila sa fashion event ni Grace. Vincent arrived early at Los Angeles to catch Grace's fashion event. He has an invitation from the organizers itself kaya naman confident siya. Kahit na hindi siya inanyayahan ng babae, pumunta parin siya para kahit papaano ay masilayan itong muli sa personal. "Same as usual, man. Ikaw kumusta? Masyado ka yatang busy ngayon?" Aniya kay Jerome. Halos hindi niya mahagilap ang lalaki nitong mga nakaraan kaya nga si Isaac na lang ang inutusan niya tungkol kay Mari. Speaking of that woman, sana lang hindi mairita si Tristan sa amazonang ugali ng babaeng iyon. "I have a lot of missions, Vince. Alam mo namang napaka indemand ko na ngayon," pagyayabang pa nito. Naiiling na lang siya. Jerome hasn't changed at all. Mahangin parin ito gaya ng dati noong college pa lamang sila. Dahil nakapagdesisyon si Tristan na iwanan ang Pilipinas para sa abroad mag
"Himala! What brought you here Vincent? Parang noong nakaraang buwan lang takot na takot kang sumabay samin magbar. Hindi ka na ba under de saya?" Pangbubuska ni Xerxes sa kanya.It was still nine in the evening. Nagpaalam naman siya kay Mari na sasama sa mga kaibigan niya. It's been months mula ng makipagbonding siya sa mga ito. Hindi naman siya pinagabawalan ni Mari but he's just excited to go home lalo na at naghihintay ito sa kanya."Hindi ako under de saya tukmol. 'Tamo darating din ang araw na ikaw naman ang magkukumahog na umuwi dahil may magandang asawang naghihintay sayo pauwi," tugon niya dito.Xerxes chuckled. Sa lahat ng nasa mesa ay mukhang siya at ito lang ang walang problema. Zeus and Tristan are facing crisis on their hearts kaya parang pinagsakluban ang mga mukha nito ng langit at lupa."Tsk. So anong meron at nandito ka ngayon?"He released a deep sigh. "I'm bored. Mari's spending her quality time with her siblings. Hindi siya tumatabi sakin sa pagtulog. And my son w
Nagmamadali siyang umuwi ng villa galing sa construction site kung saan siya isinama ni Tristan. Kung bakit ba kasi walang signal ang lugar na iyon! Hindi niya tuloy nasagot ang tawag ni Mari. Nang makarating siya sa syudad ay tinawagan niya ito pero hindi na ito sumagot pa, maging sa telepono ay ayaw siyang kausapin ng asawa.Kakapasok pa lang niya sa bahay nang bigla na lang may lumipad patungo sa direksyon niya. Mabuti na lang at mabilis siyang nakailag kung hindi ay baka dumugo na ang ilong niya. Tumama iyon sa isa sa mga interior pillar ng bahay. Nakita niyang remote control iyon ng TV nila."Bakit ka umiwas ha?!" Galit na boses ni Mari.Mariin siyang pumikit. His pregnant wife was now in furious. Bahagya ng namula ang magandang mukha nito tanda na naiinis ito sa kanya. Mari is five months pregnant. Kung gaano siya katapang noon, mukhang triple yata ngayon. But he understands that it's her pregnancy hormones kaya siya ganyan."Dahil matatamaan mo'ko. Jagi naman—""Eh kaya nga kit
EPILOGUEMari was staring at her wedding picture. Ilang buwan na ang nakalipas magmula ng magpakasal sila ni Vincent. A night before he confessed his sin to her, nauna na niyang nakausap ang nanay nito.She remembered how Madam Charlotte kneeled and begged for her forgiveness. She told her the story behind what happened. Noong una ay nagalit siya. Wwll, ganun naman talaga ang unang reaksyon ng taong naagrabyado pero kalaunan ay natanggap niya rin. She knew that Vincent isn't a bad person at isa pa, mas gumaan ang pakiramdam niyang ito ang tunay na ama ni Kreios.Nang gabi ding iyon, pormal niyang pinakilala kay Kreios si Vincent bilang tunay nitong ama. Naalala pa niyang grabe ang iyak ng dalawa.Grace came too and told her about Vincent's secret but she knew her too well. She's doing it for her own benefit dahil gusto jitong makuhang muli si Vincent na hindi niya hinayaan. If you let people control your relationship and get swayed, hindi magtatagal ang relasyon ninyo.Hinaplos niya a
UNRAVELING II"Where are you Vincent?" Tanong ng nasa kabilang linya."I'm still at Connoisseur Deluxe Ice," tugon niya kay Isaac.Bumuntong hininga ito ng malalim. "I have all the information you asked me to gather, Vince. I think you need to see this asap. This is very important and very confidencial dude."Frustrated niyang sinuklay ang kanyang buhok. "I know dude. I'm coming." Sa tono ng pananalita ni Isaac, mukhang alam na niya ang nadiskubre nito. It was the information that Grace also had. Tumayo na siya sa mesang pinag-iwanan ni Grace sa kanya. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nanatiling nakaupo doon. All he knew is that she left him after threatening him.Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan patungo sa condo ni Isaac. Hindi siya nag-aksaya ng oras at agad na nagtungo sa loob ng lungga ng kanyang kaibigan."Look at this," inilahad ni Isaac sa kanya ang lahat ng mga files na nakalap nito.Isa isa niya iyong tiningnan. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang iniisip
UNRAVELING"Are you really sure na gusto mong hanapin ang lalaking gumawa nun sa fiance mo? Para saan pa dude? Ayos lang ba yan sa kanya?" Kunot noong tanong ni Isaac sa kanya.Kasalukuyan siyang nasa condong tinutuluyan nito pagkatapos niyang makausap ang kapatid ni Mari. He wanted to know who the bastard did it to Mari. Gusto niyang maging handa kung sakaling darating ang araw na guguluhin sila ng lalaking iyon."Yes dude and please make it a secret for now. I don't wanna upset Mari at baka isipin niyang pinangungunahan ko siya sa mga desisyon niya."Isaac heave a deep sigh. "Okay if that's what you wanted. Pero paano kapag nakilala na natin ang lalaking iyon? What are you gonna do? Are you going to sue him?"Umiling siya. "I'll asked Mari first. Siya ang magdedesisyon niyan kung sakali, dude." It's Mari's battle anyway. Naroon lang siya para sumuporta sa babae kung saka-sakali man.Tinapik ni Isaac ang kanyang balikat. "I will call you right away kapag may impormasyon na ako."Hind
MAN OF THE DAY"Bakit mo nga pala naisipang tanggihan ang marriage proposal ko? Is it the sole reason or meron pang iba?" Tanong ni Vincent sa kanya habang tinutuyo nito ang kanyang buhok.Napasimangot siya. From his eyes, kahit na maglihim siya, alam niyang malalaman at malalaman parin nito dahil pati nga ang pag-iyak niya sa telepono alam ng lalaki. He got his eyes and ears everywhere."Tinakot kasi ako ni Grace," pagtatapat niya.Umangat ang sulok ng labi nito. "I knew it.""Paano mo nalaman?""I traced the phone number who called here nang itawag ni Manang na umiiyak ka. What else did she tell you?" Masuyo nitong tanong."She wants you back."Naiiling nitong ipinagpatuloy ang pagtutuyo ng kanyang mahabang buhok. "She can't have me back. That chapter of my life already ended. You are now my present, my priority and my future. Kayong dalawa ng anak natin."Napangiti siya. Talagang inari na nito si Kreios. Ang swerte nilang dalawa kay Vincent kaya nanganako siya sa sarili niya na gag
KDRAMA VERSIONMariin siyang napapikit. God know how much she longed for this day to happen in her entire life. This is what she exactly wished for pero alam niya sa sarili niyang hindi niya deserve kung anuman ang pagmamahal binibigay nito sa kanya. She was a dirty woman with a dirty past. Vincent's pure love and intention deserves a pure woman.Nagmulat siya ng mga mata. Vincent was still on his knees while waiting for her answer with a big hope in his eyes. Ang sakit! Ayaw niyang tumanggi pero hindi niya rin ito kayang sagutin.Marahan niyang hinawakan ang singsing bago dahan dahang isinara ang kahita. Puno ng pagtataka ang mga mata nito. Malungkot siyang ngumiti."I-I'm...I'm sorry Vince...Pero hindi ako magpapakasal sa iyo."Mula sa pagkakaluhod ay mabilis itong tumayo. Hinawakan nito ang kanyang balikat at marahan siyang pinaharap ng lalaki. "Why? What's wrong? Hindi mo ba nagustuhan ang proposal ko or you still don't wanna get engage? Tell me, hmm?"Walang tigil sa pagpatak ng
UNWIND"Hindi ka ba papasok?" Puna niya nang makita si Vincent na nakapambahay lang at umiinom ng kape sa kusina.Nakangiti itong umiling. Lumapit siya sa lalaki at tumabi dito. Vincent gave her a soft kiss on her temple. "Mamamasyal tayo today," anito na ikinalingon niya."Hindi ka busy?""Nope. I cancelled all my meetings today."Kumunot ang kanyang noo. "At bakit naman?""Because I want to spend time with the both of you today," he grinned as he gave her a peck on her lips."All of a sudden?" Nagtataka niyang tanong. They have a plan this weekend kaya't nalilito siya kung bakit bigla nitong naisip na mamasyal sila."I just thought maybe we could unwind for the time being. Ayaw mo ba?"Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. "Sino bang may ayaw basta ikaw ang kasama ko pero ang inaalala ko lang, paano na yung mga meetings mo? Diba sabi mo noong nakaraan tatapusin mo lahat ng trabaho mo para walang istorbo sa weekend?""Works could wait, Jagi..." Paungol nitong sabi at muli s
NIGHTMAREKahit na nag-aalangan siya, sinunod niya pa rin ang sinasabi sa sulat at nagmaneho patungo sa address na ibinigay ng hindi niya kilalang tao kaysa pumunta ng cafe. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Wala namang ibang nakakaalam ng kanyang sikreto bukod sa kanya at sa pamilya niya. Pati rin si Tristan. Pero naniniwala siyang hindi siya ipagkakanulo ng lalaki dahil hindi ito ganoong klaseng tao.Hindi nagtagal, narating na niya ang isang tagong restaurant na sinasabi nito. Agad siyang bumaba ng kotse at nagtungo sa loob. Halos walang tao sa loob ng restaurant nang makapasok na siya. Inilibot niya ang tingin sa paligid hanggang sa makita na niya ang number eleven na table na sinasabi ng may-ari ng sulat kung saan nasa isang sulok iyon na parte ng restaurant.Mula sa mesa ay may isang taong nakasuot ng itim hoodie jacket at nakatalikod sa gawi niya. Marahil ito ang nagpadala sa kanya ng sulat kaya hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon at agad na nilapitan ang estranghero.Na