NEW FOUND FRIENDSHIP "What's up, man?" Masayang bati ni Jerome Thompson sa kaibigang si Vincent nang magkita sila sa fashion event ni Grace. Vincent arrived early at Los Angeles to catch Grace's fashion event. He has an invitation from the organizers itself kaya naman confident siya. Kahit na hindi siya inanyayahan ng babae, pumunta parin siya para kahit papaano ay masilayan itong muli sa personal. "Same as usual, man. Ikaw kumusta? Masyado ka yatang busy ngayon?" Aniya kay Jerome. Halos hindi niya mahagilap ang lalaki nitong mga nakaraan kaya nga si Isaac na lang ang inutusan niya tungkol kay Mari. Speaking of that woman, sana lang hindi mairita si Tristan sa amazonang ugali ng babaeng iyon. "I have a lot of missions, Vince. Alam mo namang napaka indemand ko na ngayon," pagyayabang pa nito. Naiiling na lang siya. Jerome hasn't changed at all. Mahangin parin ito gaya ng dati noong college pa lamang sila. Dahil nakapagdesisyon si Tristan na iwanan ang Pilipinas para sa abroad mag
DAYDREAMBumaba siya ng sasakyan at namanghang nakatitig sa sobrang cute na cafe na nasa kanyang harapan. Dahil purong salamin ang lugar, kita niya ang kulay pastel sky blue na dingding nito na sinamahan pa ng mga disenyong alapaap."Ang cute," kinikilig niyang papuri sa cafe.Nag-angat siya ng tingin sa signage kung saan nakasulat ang malaking letra na nakapatong parin sa clouds—DayDream Cafe. Nacurious tuloy siya kung sino ang may-ari ng cafe na iyon."Do you like it?"Bumaling ang mga mata niya kay Vincent na nasa kanyang harapan at nakapamulsang nakatitig sa kanya. Nakangiting siyang naglakad patungo sa gawi ng lalaki."Ang ganda. Kilala mo ba ang may-ari niyan?""Yup!""Talaga? Kaibigan mo?""Not quite sure. All I know is that she was infront of me right now," anito habang may makahulugang ngiti sa labi.Napakurap-kurap siya at luminga sa paligid subalit wala siyang ibang makitang tao sa labas bukod sa kanilang dalawa. Hindi siya makapaniwalang tumitig sa lalaki at dahan-dahang i
FRIEND REQUEST"M—may problema po ba?" Nagtataka niyang tanong sa babae.Bumaba ang tingin niya sa basket nitong hawak at kita niya ang panginginig ng mga kamay ng ginang. Sa anyo nito ay para itong nakakita ng multo. Hindi naman siguro siya ganun kapangit para matakot ito hindi ba?"W—wala… Pasensya na ulit," natataranta nitong sambit bago nagmamadaling nilisan ang lugar.Sa pagmamadali ng ginang, naiwan pa nito ang isang supot ng kamatis. Akmang ihahabol niya sa ale ang supot subalit mabilis na itong nakasakay ng traysikel palayo. Napabuntong hininga na lang siya. Napakaweird naman ng babaeng iyon."What happened?" Tanong ni Vincent nang datnan siya sa ganoong ayos."May nakabangga sakin kanina tapos nang makita niya ang mukha ko, takot na takot siyang lumayo. Ano kayang meron?" Kunot noo niyang wika. Kilala ba siya ng babae? Pero wala siyang maalala na nakita na niya ito noon."Are you sure na hindi mo siya kilala? Baka naman inaway mo yun noon at di mo lang matandaan kaya takot na
MARI'S SECRETMatapos nilang magkwentuhan ni Betty nagpaalam ito sa kanya na ihahatid muna sa biyenan nito si Cedes. Naisipan naman niyang ipasyal sa garden ng ospital si Kreios nang magising ito. Tulak tulak niya ang anak gamit ang wheelchair dahil mahina pa ang katawan ng bata galing sa operasyon. "Kailan po tayo uuwi?" Tanong ni Kreios sa kanya pagkarating nila sa garden.Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. "Ayaw mo na ba dito sa ospital?"Malungkot itong tumango. Hinaplos niya ang makintab na buhok ni Kreios at pinigilan ang sariling maluha. Sa mga susunod na araw, unti-unti ng malalagas ang mga iyon kapag nagsimula na ang chemotherapy treatment nito."Huwag kang mag-alala anak. Kapag magaling ka na, aalis na agad tayo dito pero sa ngayon hindi pa pwede dahil hindi ka pa okay.""Matagal pa po ba yun Mama? Miss ko ng maglaro kasama si Cedes tsaka miss ko na rin magschool."Umupo siya sa bench at iniharap sa kanya ang wheelchair ni Kreios. Marahan niyang hinaplos ang pi
AWKWARDKung nakamamatay lang ang tingin, malamang kanina pa siya bumulagta sa harap ni Tristan dahil sa matalim na titig ng kaibigan pagkabigkas niya ng pangalang iyon."Stop mentioning that woman's name here Vincent. Wala siyang kinalaman dito," may diin nitong turan.Balewala niyang nginisihan si Tristan. Wala siyang pakialam kung galit ito ngayon dahil sa pagbanggit niya kay Vivoree na ex-girlfriend nito. Siya man ay naiinis na rin sa lalaki. Kakakilala pa lang nito at ni Mari pero kung makaasta itong si Tristan ay parang ang tagal na nilang magkaibigan at may paconcern-concern pang nalalaman na mas lalo niyang ikinairita.He is the boss and Mari is his employee. Ang mga bagay na tungkol kay Mari ay kargo na niya at walang kinalaman doon si Tristan. Alam niya kung ano ang ginagawa niya. Rain even told him they saw them hugging last Saturday. Their closeness pisses him off big time."Seriously? Are you two fighting when our friend out there needs our support and compassion at this
MARI AND HER MARITES ERATumabi sa kanya si Hera at nagretouch ng make up nito."What is your relationship with Vincent?" Tanong ng babae.Tiningnan niya ito sa pamamagitan ng repleksyon nila sa salamin. Nawala na ang palakaibigan nitong ngiti kanina. Plastik lang pala iyon. Ano pa bang inaasahan niya? "Bakit hindi mo itanong kay Vincent yan," tugon niya. She didn't mean to be rude pero hindi niya kasi alam ang tamang isasagot sa tanong nito. Mas maganda kung kay Vincent mismo manggagaling ang sagot. Baka mamaya ay mali pala ang naging tugon niya kay Hera at magalit sa kanya ang boss niya."I heard you were not rich. You're just a mere owner of a small cafe yet you're always with him based on the rumours I heard. Anong dahilan ng pagdikit mo sa kanya? Do you want him to advertise your cafe for free so you can get high sales? He's one of the sold out king kahit na hindi siya nag-aartista. O baka naman gusto mong maging artista kaya ka dumidikit sa kanya? Am I right?" Pasaring ni Hera.
FLVN GRAND BALLDumating ang araw ng Biyernes. Maaga siyang nagpaalam kay Kreios na may lakad siya. Bukod sa private nurse, ibinilin din niya ang anak kay Betty para kahit paano ay panatag ang kalooban niyang umalis.7 P.M pa ang company event pero maagang dumating ang inihire ni Vincent na makeup artist at stylist upang samahan siya papunta sa spa para sa preparation niya. Nakakapagod pala mapaganda?Ayon kasi sa baklang kasama niya, ganun daw ang ginagawa kapag may malaking event para magmukhang presentable sa lahat. Hindi niya alam kung totoo yun o inuuto lang siya nito para hindi na siya magreklamo pa.Kinagabihan, dumating si Vincent sa condo na tinutuluyan niya. Nakasuot ito ng itim na three piece suit. Alam niyang gwapo ito pero mas humigit yata ngayong gabi. Malinis ang pagkakaayos ng itim nitong buhok. Mas lalo pa itong tumangkad sa suot na slack. Kumikinang rin ang relo ng lalaki na sa tingin niya ay sobrang mamahalin niyon."Is everything ready?" May awtoridad ang boses nit
FLVN GRANDBALL 2Tahimik siya habang nakamasid lang sa mommy ni Vincent. Nagsalin ito ng wine sa dalawang kopita at marahang inilapag sa harapan niya ang isa. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib. Hindi niya alam kung ano ang iniisip ng ginang tungkol sa kanya. Magagalit ba ito? Paglalayuin sila ni Vincent? Aalukin siya ng pera gaya mg napapanood niya sa pelikula. Ang drama naman kung ganun."Relax, Miss Fallorina. I'm not gonna bite you," may ngiti sa labi nitong sambit bago umupo sa harapan niya.Kahit na nakangiti na ang ginang hindi parin nawawala ang kabang nararamdaman niya at hindi iyon maglalaho hangga't hindi niya nalalaman kung ano ang pag-uusapan nila."P—pasensya na po kayo Ma'am," aniya sa mababang tono kahit na hindi niya alam kung ano ba ang inihihingi niya ng tawad.Sumimsim ng kaunting wine si Ma'am Charlotte. Napalunok naman siya at dahan dahan ring tinungga ang laman ng kanyang kopita para kahit papaano ay maibsan ang nararamdaman niyang kaba ngayon."Don't worry Mis
"Himala! What brought you here Vincent? Parang noong nakaraang buwan lang takot na takot kang sumabay samin magbar. Hindi ka na ba under de saya?" Pangbubuska ni Xerxes sa kanya.It was still nine in the evening. Nagpaalam naman siya kay Mari na sasama sa mga kaibigan niya. It's been months mula ng makipagbonding siya sa mga ito. Hindi naman siya pinagabawalan ni Mari but he's just excited to go home lalo na at naghihintay ito sa kanya."Hindi ako under de saya tukmol. 'Tamo darating din ang araw na ikaw naman ang magkukumahog na umuwi dahil may magandang asawang naghihintay sayo pauwi," tugon niya dito.Xerxes chuckled. Sa lahat ng nasa mesa ay mukhang siya at ito lang ang walang problema. Zeus and Tristan are facing crisis on their hearts kaya parang pinagsakluban ang mga mukha nito ng langit at lupa."Tsk. So anong meron at nandito ka ngayon?"He released a deep sigh. "I'm bored. Mari's spending her quality time with her siblings. Hindi siya tumatabi sakin sa pagtulog. And my son w
Nagmamadali siyang umuwi ng villa galing sa construction site kung saan siya isinama ni Tristan. Kung bakit ba kasi walang signal ang lugar na iyon! Hindi niya tuloy nasagot ang tawag ni Mari. Nang makarating siya sa syudad ay tinawagan niya ito pero hindi na ito sumagot pa, maging sa telepono ay ayaw siyang kausapin ng asawa.Kakapasok pa lang niya sa bahay nang bigla na lang may lumipad patungo sa direksyon niya. Mabuti na lang at mabilis siyang nakailag kung hindi ay baka dumugo na ang ilong niya. Tumama iyon sa isa sa mga interior pillar ng bahay. Nakita niyang remote control iyon ng TV nila."Bakit ka umiwas ha?!" Galit na boses ni Mari.Mariin siyang pumikit. His pregnant wife was now in furious. Bahagya ng namula ang magandang mukha nito tanda na naiinis ito sa kanya. Mari is five months pregnant. Kung gaano siya katapang noon, mukhang triple yata ngayon. But he understands that it's her pregnancy hormones kaya siya ganyan."Dahil matatamaan mo'ko. Jagi naman—""Eh kaya nga kit
EPILOGUEMari was staring at her wedding picture. Ilang buwan na ang nakalipas magmula ng magpakasal sila ni Vincent. A night before he confessed his sin to her, nauna na niyang nakausap ang nanay nito.She remembered how Madam Charlotte kneeled and begged for her forgiveness. She told her the story behind what happened. Noong una ay nagalit siya. Wwll, ganun naman talaga ang unang reaksyon ng taong naagrabyado pero kalaunan ay natanggap niya rin. She knew that Vincent isn't a bad person at isa pa, mas gumaan ang pakiramdam niyang ito ang tunay na ama ni Kreios.Nang gabi ding iyon, pormal niyang pinakilala kay Kreios si Vincent bilang tunay nitong ama. Naalala pa niyang grabe ang iyak ng dalawa.Grace came too and told her about Vincent's secret but she knew her too well. She's doing it for her own benefit dahil gusto jitong makuhang muli si Vincent na hindi niya hinayaan. If you let people control your relationship and get swayed, hindi magtatagal ang relasyon ninyo.Hinaplos niya a
UNRAVELING II"Where are you Vincent?" Tanong ng nasa kabilang linya."I'm still at Connoisseur Deluxe Ice," tugon niya kay Isaac.Bumuntong hininga ito ng malalim. "I have all the information you asked me to gather, Vince. I think you need to see this asap. This is very important and very confidencial dude."Frustrated niyang sinuklay ang kanyang buhok. "I know dude. I'm coming." Sa tono ng pananalita ni Isaac, mukhang alam na niya ang nadiskubre nito. It was the information that Grace also had. Tumayo na siya sa mesang pinag-iwanan ni Grace sa kanya. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nanatiling nakaupo doon. All he knew is that she left him after threatening him.Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan patungo sa condo ni Isaac. Hindi siya nag-aksaya ng oras at agad na nagtungo sa loob ng lungga ng kanyang kaibigan."Look at this," inilahad ni Isaac sa kanya ang lahat ng mga files na nakalap nito.Isa isa niya iyong tiningnan. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang iniisip
UNRAVELING"Are you really sure na gusto mong hanapin ang lalaking gumawa nun sa fiance mo? Para saan pa dude? Ayos lang ba yan sa kanya?" Kunot noong tanong ni Isaac sa kanya.Kasalukuyan siyang nasa condong tinutuluyan nito pagkatapos niyang makausap ang kapatid ni Mari. He wanted to know who the bastard did it to Mari. Gusto niyang maging handa kung sakaling darating ang araw na guguluhin sila ng lalaking iyon."Yes dude and please make it a secret for now. I don't wanna upset Mari at baka isipin niyang pinangungunahan ko siya sa mga desisyon niya."Isaac heave a deep sigh. "Okay if that's what you wanted. Pero paano kapag nakilala na natin ang lalaking iyon? What are you gonna do? Are you going to sue him?"Umiling siya. "I'll asked Mari first. Siya ang magdedesisyon niyan kung sakali, dude." It's Mari's battle anyway. Naroon lang siya para sumuporta sa babae kung saka-sakali man.Tinapik ni Isaac ang kanyang balikat. "I will call you right away kapag may impormasyon na ako."Hind
MAN OF THE DAY"Bakit mo nga pala naisipang tanggihan ang marriage proposal ko? Is it the sole reason or meron pang iba?" Tanong ni Vincent sa kanya habang tinutuyo nito ang kanyang buhok.Napasimangot siya. From his eyes, kahit na maglihim siya, alam niyang malalaman at malalaman parin nito dahil pati nga ang pag-iyak niya sa telepono alam ng lalaki. He got his eyes and ears everywhere."Tinakot kasi ako ni Grace," pagtatapat niya.Umangat ang sulok ng labi nito. "I knew it.""Paano mo nalaman?""I traced the phone number who called here nang itawag ni Manang na umiiyak ka. What else did she tell you?" Masuyo nitong tanong."She wants you back."Naiiling nitong ipinagpatuloy ang pagtutuyo ng kanyang mahabang buhok. "She can't have me back. That chapter of my life already ended. You are now my present, my priority and my future. Kayong dalawa ng anak natin."Napangiti siya. Talagang inari na nito si Kreios. Ang swerte nilang dalawa kay Vincent kaya nanganako siya sa sarili niya na gag
KDRAMA VERSIONMariin siyang napapikit. God know how much she longed for this day to happen in her entire life. This is what she exactly wished for pero alam niya sa sarili niyang hindi niya deserve kung anuman ang pagmamahal binibigay nito sa kanya. She was a dirty woman with a dirty past. Vincent's pure love and intention deserves a pure woman.Nagmulat siya ng mga mata. Vincent was still on his knees while waiting for her answer with a big hope in his eyes. Ang sakit! Ayaw niyang tumanggi pero hindi niya rin ito kayang sagutin.Marahan niyang hinawakan ang singsing bago dahan dahang isinara ang kahita. Puno ng pagtataka ang mga mata nito. Malungkot siyang ngumiti."I-I'm...I'm sorry Vince...Pero hindi ako magpapakasal sa iyo."Mula sa pagkakaluhod ay mabilis itong tumayo. Hinawakan nito ang kanyang balikat at marahan siyang pinaharap ng lalaki. "Why? What's wrong? Hindi mo ba nagustuhan ang proposal ko or you still don't wanna get engage? Tell me, hmm?"Walang tigil sa pagpatak ng
UNWIND"Hindi ka ba papasok?" Puna niya nang makita si Vincent na nakapambahay lang at umiinom ng kape sa kusina.Nakangiti itong umiling. Lumapit siya sa lalaki at tumabi dito. Vincent gave her a soft kiss on her temple. "Mamamasyal tayo today," anito na ikinalingon niya."Hindi ka busy?""Nope. I cancelled all my meetings today."Kumunot ang kanyang noo. "At bakit naman?""Because I want to spend time with the both of you today," he grinned as he gave her a peck on her lips."All of a sudden?" Nagtataka niyang tanong. They have a plan this weekend kaya't nalilito siya kung bakit bigla nitong naisip na mamasyal sila."I just thought maybe we could unwind for the time being. Ayaw mo ba?"Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. "Sino bang may ayaw basta ikaw ang kasama ko pero ang inaalala ko lang, paano na yung mga meetings mo? Diba sabi mo noong nakaraan tatapusin mo lahat ng trabaho mo para walang istorbo sa weekend?""Works could wait, Jagi..." Paungol nitong sabi at muli s
NIGHTMAREKahit na nag-aalangan siya, sinunod niya pa rin ang sinasabi sa sulat at nagmaneho patungo sa address na ibinigay ng hindi niya kilalang tao kaysa pumunta ng cafe. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Wala namang ibang nakakaalam ng kanyang sikreto bukod sa kanya at sa pamilya niya. Pati rin si Tristan. Pero naniniwala siyang hindi siya ipagkakanulo ng lalaki dahil hindi ito ganoong klaseng tao.Hindi nagtagal, narating na niya ang isang tagong restaurant na sinasabi nito. Agad siyang bumaba ng kotse at nagtungo sa loob. Halos walang tao sa loob ng restaurant nang makapasok na siya. Inilibot niya ang tingin sa paligid hanggang sa makita na niya ang number eleven na table na sinasabi ng may-ari ng sulat kung saan nasa isang sulok iyon na parte ng restaurant.Mula sa mesa ay may isang taong nakasuot ng itim hoodie jacket at nakatalikod sa gawi niya. Marahil ito ang nagpadala sa kanya ng sulat kaya hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon at agad na nilapitan ang estranghero.Na