NAKAHILIG si Adelyn sa dibdib ni Jacob habang nagsasayaw sila, pero sa hitsura nila nang sandaling iyon ay mas mukha lang silang magkayakap habang umuugoy-ugoy ang mga katawan sa saliw ng musikang nagmumula sa violin ilang dipa ang layo sa kanila.Alam ni Jacob na may mga tanong sa isipan ng asawa nang sandaling iyon, kagaya na lang ng saan siya kumuha ng perang panggastos para lang magawa ang lahat ng iyon. Madaling sabihin na pinag-ipunan niya ang damit, sapatos, at jewelry set, ngunit tiyak niyang nagtataka si Adelyn kung paano niya nagawang bigyan ito ng ganoong klaseng dinner date. Baka nga nag-iisip na rin ito ng kung ano tungkol sa cruise na iyon. Pero nanatiling tahimik si Adelyn. Marahil ay hindi nito gustong i-spoil ang moment nila.Bahagyang idinistansiya ni Jacob ang sarili sa asawa para mapagmasdan ang mukha nito.“Ano na naman?” Kumunot ang noo ng kanyang asawa na ikinangiti niya. Adelyn looked really cute whenever she did that. Nagmumukha itong batang paslit na interesad
Last Updated : 2023-03-10 Read more