“WAKE up, sleepy head!”Adelyn groaned when Jacob pulled the curtains to the side.“Come on, it’s Saturday.” Nagtalukbong ito ng kumot. “Wala namang pasok sa trabaho kaya hindi natin kailangang gumising nang maaga—Jacob!”Nakasimangot ito nang hilahin niya pababa ang kumot.“What?” nakangiting tanong niya.“I’m naked,” Adelyn mouthed.“And so am I,” sabi naman niya.“It’s cold!”Nakipaghilahan ito ng kumot sa kanya. They were playing that little tug of war, making them laugh.“A warm bath will help you ease the cold. Bumangon ka na dahil may kikitain tayo.”“Sino?” nakakunot ang noong tanong nito.“Ang tatapos sa problema natin,” nakangiting turan niya.Nagtungo na si Jacob sa banyo at tumapat sa shower. Mayamaya pa naramdaman niyang yumakap si Adelyn sa kanya mula sa likuran.“Ah, Adelyn… this isn’t a good idea when we’re in a rush.”Inabot nito ang sabon at nagsimula nang maligo.“Don’t worry, maliligo lang naman tayo.”Napailing na lang si Jacob. She was teasing him. Malamang na gum
NASA gitna ng isang importanteng meeting si Jacob, pero wala roon ang isip niya. Ni hindi nga niya naiintindihan kung ano ba ang mga sinasabi ni Lilibeth sa unahan nang sandaling iyon. Lipad ang utak niya sa kaiisip kung nagdududa na ba si Adelyn sa kanya. Hindi niya inaasahan ang komprontasyon nito sa pagtulong sa kanila ni Anton nang utusan niya itong magpaggap isang linggo na ang nakakaraan. Isa pa, napapansin niya na mula noon ay naging madalas na ang pagtatanong ni Adelyn tungkol sa mga bagay-bagay na dati ay hindi naman nito ginagawa.“Jacob?” Lilibeth slammed her hand on the table, making him flinch. “Jacob, are you with me?”Naipilig niya ang ulo pagkatapos ay nilingon ito.“Y-yeah.” Tumikhim siya at umayos sa pagkakaupo.“Kung gano’n, ano ang masasabi mo?” Pinagsalikop ni Lilibeth ang mga kamay sa ibabaw ng mesa.“Masasabi about what?”Tumaas ang kilay ng babae sa sinabi niyang iyon.“See? You’re not with me,” umiiling na saad nito.“I’m sorry.” Humugot siya ng isang malalim n
NAGBIBIHIS si Jacob nang pumasok si Adelyn sa kanilang silid. Nauna na itong magbihis sa kanya at bumaba na sa kusina para ayusin ang mga dadalhin nilang pagkain sa mansiyon ng lola nito. Nagpatawag na naman kasi ng family dinner ang matanda at nagpresinta ang asawa niyang magdadala sila ng pagkain dahil gusto nitong i-celebrate ang pregnancy nito kasama ang pamilya. Hindi sana gusto iyon ni Jacob, pero hindi naman siya makahindi dahil ayaw niyang magdamdam pa si Adelyn sa kanya.Nilapitan siya ni Adelyn at tinulungan sa pagbobotones ng long sleeve polo niya. Hindi ito nagsasalita habang ginagawa iyon, pero nararamdaman niyang may gustong sabihin ang asawa.Hinuli ni Jacob ang mga kamay nito at magkasunod na hinalikan ang mga iyon. “What’s the matter?”“Sa tingin mo… maging maganda kaya ang reaksiyon nila kapag nalaman nilang may paparating na bagong miyembro ang pamilya natin?” May tila lungkot sa tinig ni Adelyn at alam niya kung bakit.“Kung gano’n… nag-aalala ka pala sa sasabihin n
WALANG kahit sino man kina Jacob at Adelyn ang umiimik habang nasa biyahe sila pauwi. Ngunit dama niya ang tensiyon sa pagitan nilang mag-asawa. At mukhang nagtitimpi lang talaga si Jacob dahil nang sa wakas ay makarating sila sa bahay, inilabas nito ang galit. Nagulat na lang si Adelyn nang bigla nitong suntukin ang pinto ng kanilang apartment.“I’m sorry, Adelyn…” anito nang bumaling sa kanya. “Hindi ko na kayang kimkimin.”Naiintindihan naman niya ang pinanggagalingan nito. Siya na ang nagbukas ng pinto dahil baka kung ano na naman ang magawa nito.Pabagsak na naupo si Jacob sa sofa habang siya naman ay tinungo ang medicine cabinet para kunin ang first-aid kit. Pabalik na si Adelyn sa sala nang maramdamang nanginginig siya.“Oh, God…” she muttered as she tried to calm herself down.Naitukod na lang niya ang isang kamay sa pader para kumuha ng suporta. Tila naman naramdaman ni Jacob na may nangyayari sa kanya. Mayamaya pa naroon na ito sa kanyang tabi at umaalalay.“What’s wrong?” na
NAGULAT pa ang kaibigan ni Jacob nang ihimpil niya ang motorsiklo sa tapat ng bahay nito. Kaagad namang bumangon si Zyrus mula sa pagkakahiga nito sa bench sa may garden at isinara ang binabasang libro bago nito tinungo ang mababang gate at pinagbuksan siya.“Dude, long time no see,” ani Zyrus na nakipagbungguang siko pa sa kanya.Ipinasok niya ang motor at sumama rito papasok sa loob ng bahay.“Kumusta na? Ang tagal na nating hindi nagkikita. Parang kasal n’yo pa yata ni Adelyn mula noong huli tayong nagkita, ah!” Iginiya siya ng kaibigan sa minibar nito sa isang sulok ng bahay. “Nabanggit sa akin ni Emil na napasyal ka raw sa bistro niya kamakailan. Hindi ko naman inaasahan na ako naman ang papasyalan mo ngayon.”Ngumiti lang si Jacob at pinanood ito sa pagsasalin ng alak sa mga baso.“Napasyal ka. Anong balita?”Inabot niya ang isang baso at sinimsim ang laman noong whisky.“Heto.” Humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga. “Muntik na kaming mag-away ni Adelyn.”Pero kung siy
NAPABUNTONG-hininga na lang si Adelyn nang magsuka si Jacob sa loob ng sasakyan. Pero hindi naman niya magawang pagalitan ito nang sandaling iyon. Para ano pa gayung mukhang wala naman ito sa huwisyo. Bukas na lang siguro kapag inutusan niya itong maglinis ng sasakyan. After a few moments, Adelyn drove the car back home.Habang nasa biyahe natutulog lang si Jacob. Mukhang ang sarap ng tulog nito at kahit pa nga halos mahulog na sa pagkakaupo sa backseat ang mokong hindi man lang ito nagigising.“Jacob,” gising niya rito nang sa wakas ay makarating na sila ng bahay. “We’re home…”Bumaba siya mula sa driver’s seat at pinuntahan ang asawa sa likod. Tinapik-tapik niya ang pisngi nito. Nagising naman si Jacob at nakangiting tumingin sa kanya.“Adelyn…” Kakabigin pa sana siya nito para halikan, ngunit mabilis siyang umiwas.“No kissing until you’re clean,” aniya rito. Hinila niya palabas si Jacob.Mukha namang mas nasa huwisyo na ngayon ang asawa niya dahil nagagawa na nitong maglakad mag-is
MAAGANG gumising si Adelyn at naghanda para sa pagdalaw niya kay Nanay Larissa. Gusto niyang magtagal-tagal doon para mas marami silang oras na mag-usap. Paglabas niya ng bahay eksakto namang pagdating ng sasakyan. Bumaba mula sa driver’s seat si Jacob at iniabot sa kanya ang susi.“I’ve cleaned the mess,” ngingiti-ngiting sabi nito.Dinala ni Jacob ang kotse sa auto shop kung saan ito dating nagtatrabaho at ipinalinis ang nasukahan nito. Nag-o-ooffer din kasi ng carwash doon at madalas nililibre na ng boss dahil malapit ito kay Jacob. Mukhang madaling-araw pa lang umalis na ito dahil naibalik nito kaagad ang kotse.“Mabuti naman naibalik mo kaagad ang sasakyan. Balak ko pa naman sana magbiyahe na lang papunta kina Nanay Larissa.”“Ihahatid na kita roon, tutal naman kukunin ko sa bahay ni Zyrus ang motor ko,” anito pagkatapos ay binawi na sa kanya ang susi.Hindi naman tumanggi pa si Adelyn. Mabilis siyang nagtungo sa gawi ng passenger seat at lumulan doon.“Bakit nga pala bigla mo na
“JACOB!”Nilingon ni Jacob ang direksyion na pinanggalingan ng tinig at nakita niya si Lilibeth na tumatakbo mula sa elevator.“Are you leaving already?” tanong nito nang magpang-abot sila.“Oo. Natapos ko na rin naman kaagad ang pagpirma sa mga kailangang pirmahan. Bakit may ipapagawa ka pa ba?”“Ah, gano’n ba?” Sumagap ito ng hininga, mukhang hiningal sa ginawang pagtakbo kani-kanina lang. “Wala naman na akong ibang ipapagawa. Gusto ko lang sanang humingi ng pasensiya sa nagawa ko.”Kaagad na nangunot ang noo ni Jacob. “Pasensiya sa nagawa mong ano?”“Noong tumawag ako na si Adelyn ang nakasagot.”Lumalim ang kunot sa kanyang noo.“What happened, Lilibeth?” Hinawakan niya ang braso nito.“Well, it’s not really my fault, Jacob. Noong tinawagan kita hindi ko alam na hindi pala talaga ikaw ang kausap ko sa kabilang linya. Malay ko ba, hindi naman nagsalita kaagad ang asawa mo,” paliwanag nito.Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Jacob sa braso nito.“Please, Lilibeth, `wag ka nang m
“KUMUSTA ka naman, Marie?” tanong kaagad ni Adelyn sa kaibigan nang dumating ito sa kanilang farmhouse para sa reunion.Mas maaga itong dumating kysa sa iba dahil na rin sinabihan niya ito nang sa ganoon ay may makatulong siya sa pag-aayos.“I’m fine now,” nakangiting tugon nito.Her friend wasn’t lying. Bakas naman sa mukha nito na mas maayos na nga ang lagay nito mula noong huli silang magkita.“I’m glad to hear that.”“Inaayos na namin ang annulment. It’s a bit tough for me and the kids, pero kinakaya ko.”“`Wag kang mag-alala… nandito lang kami para sumuporta sa `yo. Sabihin mo lang kung kailangan mo ng tulong.”“Thank you.”“Halika na sa loob at nang makapag-design na tayo.” Iginiya niya ito papasok sa loob. “At sabi ni Jackielyn on the way na sila ni Caroline, pero hindi na natin sila mahihintay dahil baka magahol na tayo sa oras. Baka mamaya isa-isa nang magdatingan ang iba.”“Pero hindi mo nabanggit sa amin na may ganito kalaking property na pala kayo ng asawa mo,” ani Marie n
NAKATAYO si Adelyn sa harap ng gate ng bahay na ipinamana sa kanya ng lola niyang si Donya Maria. Nakatirik ang bahay na iyon sa isang bahagi ng sampung ektaryang lupain. It was a farm located in Quezon province. May mga nagsasaka roon na tauhan ng kanyang lola isang mag-anak na nagsisilbing caretaker sa lugar.Mayamaya ay lumapit sa kanya si Jacob pagkatapos nitong makausap ang mag-anak na caretaker.“Hey.” He wrapped an arm around her waist. “Nakausap ko na ang mag-anak na caretaker. Sinabi ko na rin sa kanila na wala naman tayong balak na palitan sila.”Nagbaling siya ng tingin dito.“Am I dreaming, Jacob?” Dinala niya ang kamay nito sa kanyang pisngi. “Tampalin mo nga ako.”Ginawa naman nito habang tumatawa ngunit mahina lang iyon.“You still can’t believe it, huh?”“Ang hirap paniwalaan.”Just like that binigyan siya ng ganoong kalaking property ng kanyang lola na walang dahilan. Pero gaya nga ng sabi ng kanyang asawa, kulang pa iyon bilang kabayaran sa lahat ng oportunidad na na
ABALA si Adelyn sa trabaho kaya hindi niya napapansing ilang beses na palang nagba-vibrate ang kanyang cellphone. Kung hindi pa nasabi sa kanya ni Lovely na may tumatawag ay hindi pa niya masasagot iyon.Napakunot ang noo niya nang makitang galing sa isang unknown number ang tawag. Hindi niya sana iyon sasagutin kaya lang ay ilang beses na pala iyong nag-missed call sa kanya nang magkakasunod kaya naisip niya baka mamaya ay may emergency. Hindi tuloy niya naiwasang hindi kabahan.Kinakabog ang dibdib ni Adelyn nang sa wakas ay sagutin niya ang tawag.“Hello, who’s this?” kaagad na tanong niya nang dumamtay ang aparato sa kanyang tenga.“Hi, is this Adelyn Wilson-Cortez?” tanong ng boses lalaki sa kabilang linya. Base sa assessment niya sa timbre ng boses nito, halos kasing edaran ito ng kanyang ama.Mas lalo tuloy kinabog ang dibdib niya.“Y-yes, ako nga. Sino ito at ano ang kailangan mo sa akin?”Sumenyas siya sa mga kasama at lumabas muna ng opisina. Nagtungo si Adelyn sa may fire e
NAGMAMADALI si Jacob na matapos ang mga pinipirmahan niya para makababa na at sabayang kumain ng pananghalian ang kanyang asawa. Subalit kung kailan iilang pahina na lang ang kailangan niyang pirmahan, bigla namang bumukas ang pinto at sinabihan siya ng sekretarya niyang may dumating na bisita.Wala na siyang nagawa nang pumasok doon ang dati niyang kaklaseng si Christine.“O-oh, Christine.” Bigla siyang napatayo. “What are you doing here? Paano mo nalamang dito ako nagtatrabaho?” nakakunot ang noong tanong niya.“Grabe ka naman sa akin, Jacob. What do you think of me? Of course, I did my research.” Hindi pa man niya ito inaanyayahang maupo ay naupo na ito sa visitor’s chair sa harapn ng kanyang mesa. “Siyempre tinanong ko ang closest friends mo kung saan kita matatagpuan. Nabanggit ni Zyrus sa akin na dito ka nagtatrabaho. At nabanggit din pala ni Zyrus na dito na rin pala nagtatrabaho ang asawa mo. I thought doon siya nagtatrabaho sa family firm nila, but it turned out isinama mo na
WALA na ang lola ni Adelyn nang bumalik si Jacob sa sala dala ang tray ng mga inumin at pagkain. Ang kanyang asawa na lang ang naiwan doon, tulala.“Nakaalis na kaagad ang lola mo, hindi man lang umabot itong dala ko.” Ibinaba niya ang tray sa mesita at tinabihan ang asawa. “What happened? Bakit natulala ka na diyan, hmm?”Dahan-dahang nagbaling ng tingin sa kanya si Adelyn.“Jacob…”“Yes?” Dinampot niya ang tasa ng kapeng para sana sa lola nito at humigop.“G-gusto ni Lola na bumalik ako sa firm…”Muntik na niyang maibuga ang iniinom na kape.“What? That’s—”“Pero sinabi niya sa aking hindi ko naman kailangang mag-breach ng contract sa El Nuevo. Since outsource worker pa lang naman ako, ang sabi niya tapusin ko na lang muna ang project at saka ako bumalik.”Jacob heaved a deep sigh.“Pababalikin ka niya sa firm na iyon. Pagkatapos?”Nai-imagine na kaagad niya kung paano na naman ito pahihirapan ni Neil sa oras na bumalik ito sa firm. Nasisiguro rin ni Jacob na hindi nito tatantanan a
ANG nakangiting mukha kaagad ni Jacob ang sumalubong kay Adelyn nang magmulat siya ng mga mata nang umagang iyon. Hindi natupad ang sinabi nitong pipiliting makauwi nang maaga para masabayan siyang maghapunan. Malalim na ang gabi nang dumating ang asawa niya at natutulog na siya noon. Naalimpungatan lang siya nang tumabi si Jacob sa kanya sa kama at ilang sandali lang ang lumipas at nakatulog na uli siya.Idinantay niya ang palad sa pisngi nito.“Hinintay kita kagabi, pero hindi ka naman dumating…” nakalabing saad niya.“I’m sorry…” Ipinaikot ni Jacob ang braso sa baywang niya at kinabig siya nito palapit. “Naipit na ako sa traffic noong rush hour kaya hindi na ako umabot sa hapunan. Maaga ka yatang nakatulog kagabi.”“Hm…” Isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. Her husband always slept half-naked, so she could always feel his warmth and sniff his scent.“Let me make it up to you, hmm?” ani Jacob habang pinapasadahan ng haplos ang likod niya. “Let’s talk a bath together—” Ngunit hin
WALANG sinayang na sandali si Jacob, umalis siya kaagad para makausap ang ama ni Adelyn nang makompirma niya kung ano ba talaga ang katotohanan. Pero dahil hind inga ito sumasagot sa mga tawag niya, hindi niya alam kung saan ito makikita. Para makasiguro, inuna na lang niyang puntahan building na pag-aari ng pamilya nito at hinanap ito sa opisina.“Hi,” bati niya sa receptionist. Bagaman asawa siya ni Adelyn hindi pa rin siya basta-basta nakakapasok doon dahil na rin sa kagagawan ng lola nito.“Yes, Sir?” nakangiting tugon sa kanya ng receptionist.“Nandiyan ba si Papa?” Bahagya siyang napangiwi nang marinig ang sarili na tinatawag itong ganoon. Hindi siya sanay dahil bibihirang pagkakataon na i-address niya ng ganoon ang kanyang father-in-law. “Baka p’wedeng pakitawagan ang office niya at pakisabing gusto siyang makausap ng manugang niya. Please, importante lang.”“Ah, wait a minute, Sir.”Kaagad naman nitong tinawagan ang opisina ng biyenan niya gamit ang intercom. Sinabi ng recepti
HINDI umuwi sa bahay si Adelyn nang nagdaang gabi dahil sinamahan nito ang kaibigan. Wala namang kaso iyon kay Jacob dahil alam naman niya kung nasaan ang asawa. Umaga na nang umuwi ito, eksaktong namang kadarating lang din niya galing sa pagja-jogging. Binigyan lang niya ito nang isang mabilis na hlik bilang pagbati dahil amoy pawis siya.Magkasabay naman silang pumanhik nito sa kanilang silid.“How’s Marie?” tanong niya nang makapasok sila sa banyo.Binuksan kaagad ni Adelyn ang gripo sa bathtub.“She caught her husband cheeting on her,” tugon nito habang naghuhubad ng gown.He helped him get rid of it.“That’s… foul. Kung titingnan mo mukhang ang ganda naman ng pagsasama nilang mag-asawa.” Npabuntong-hininga na lang si Jacob.“Matagal na pala niyang pinagdududahan si John.” Naglublob ang asawa niya sa bathtub.He decided to join her instead of going to the shower.“I guess a woman’s instinct is always right.”Bigla tuloy siyang kinabahan. Pinagdududahan na rin kaya siya ni Adelyn?
PUMASOK si Adelyn sa loob ng mansiyon para magpunta sa powder room, at nang sa ganoon ay makaiwas na rin sa kanyang pinsan. Subalit sa kasamaang-palad nakasalubong naman niya ang fiancée ni Neil. Hindi na siya magtataka kung bakit naroon ito. They always come in pair.“Oh, hi, cousin!” nakangising bati sa kanya ni Veronica.Pakiramdam ni Adelyn mas lalong sumama ang timpla niya nang sandaling iyon. The audacity of this woman to call her that when they weren’t even close. Hindi pa nga ito naikakasal sa pinsan niya kaya wala pa itong karapatang tawagin siya noon.“Hi, Veronica,” walang ganang bati niya rito.Nilagpasan na niya ang babae, pero nakakailang hakbang pa lang si Adelyn nang maramdaman niya ang paghawak nito sa kanyang braso.“Sandali lang, Adelyn. Bakit naman aalis ka na kaagad ni hindi pa tayo nakakapag-usap.”Nagbaba siya ng tingin sa kamay nitong nakahawak sa braso niya pagkatapos ay sa mukha nito.“I’m going to the powder room—”“Mas importante pa ba ang pagpunta mo sa po