MAAGANG gumising si Adelyn at naghanda para sa pagdalaw niya kay Nanay Larissa. Gusto niyang magtagal-tagal doon para mas marami silang oras na mag-usap. Paglabas niya ng bahay eksakto namang pagdating ng sasakyan. Bumaba mula sa driver’s seat si Jacob at iniabot sa kanya ang susi.“I’ve cleaned the mess,” ngingiti-ngiting sabi nito.Dinala ni Jacob ang kotse sa auto shop kung saan ito dating nagtatrabaho at ipinalinis ang nasukahan nito. Nag-o-ooffer din kasi ng carwash doon at madalas nililibre na ng boss dahil malapit ito kay Jacob. Mukhang madaling-araw pa lang umalis na ito dahil naibalik nito kaagad ang kotse.“Mabuti naman naibalik mo kaagad ang sasakyan. Balak ko pa naman sana magbiyahe na lang papunta kina Nanay Larissa.”“Ihahatid na kita roon, tutal naman kukunin ko sa bahay ni Zyrus ang motor ko,” anito pagkatapos ay binawi na sa kanya ang susi.Hindi naman tumanggi pa si Adelyn. Mabilis siyang nagtungo sa gawi ng passenger seat at lumulan doon.“Bakit nga pala bigla mo na
“JACOB!”Nilingon ni Jacob ang direksyion na pinanggalingan ng tinig at nakita niya si Lilibeth na tumatakbo mula sa elevator.“Are you leaving already?” tanong nito nang magpang-abot sila.“Oo. Natapos ko na rin naman kaagad ang pagpirma sa mga kailangang pirmahan. Bakit may ipapagawa ka pa ba?”“Ah, gano’n ba?” Sumagap ito ng hininga, mukhang hiningal sa ginawang pagtakbo kani-kanina lang. “Wala naman na akong ibang ipapagawa. Gusto ko lang sanang humingi ng pasensiya sa nagawa ko.”Kaagad na nangunot ang noo ni Jacob. “Pasensiya sa nagawa mong ano?”“Noong tumawag ako na si Adelyn ang nakasagot.”Lumalim ang kunot sa kanyang noo.“What happened, Lilibeth?” Hinawakan niya ang braso nito.“Well, it’s not really my fault, Jacob. Noong tinawagan kita hindi ko alam na hindi pala talaga ikaw ang kausap ko sa kabilang linya. Malay ko ba, hindi naman nagsalita kaagad ang asawa mo,” paliwanag nito.Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Jacob sa braso nito.“Please, Lilibeth, `wag ka nang m
EXCITED si Jacob na madala si Adelyn sa mansiyon kung na magiging bago nilang tahanan na mag-asawa. Kaya naman dali-dali siyang umuwi. Pasipul-sipol pa siya nang makarating sa bahay. Nakaparada na sa labas ang sasakyan kaya nasisiguro ni Jacob na nakauwi na si Adelyn galing kina Nanay Larissa.Kaagad niya itong tinawag nang makapasok sa bahay.“Adelyn… where are you, love?” magiliw na tawag niya rito.Sumulpot naman ito kaagad mula sa kusina na may hawak na isang basong tubig.“Ano iyon?” nakakunot ang noong tanong nito.Nakangiting lumapit si Jacob sa asawa at hinawakan ang kamay nito.“Pagod ka na ba?”Lumagok ito ng tubig na hindi nag-aalis ng tingin sa kanya pagkatapos ay umiling.“Nakapagpahinga naman na ako pagkagaling kina Nanay. Ang totoo niyan kakagising ko lang. Bakit?”“Hayun!” Kinuha niya mula rito ang baso at ipinatong na lang iyon sa kalapit nilang estante. “Come with me.”Hinila niya ang asawa palabas ng bahay.“Sandali.” Bigla itong tumigil.Bumaling si Jacob paharap di
KAAGAD na nag-empake si Jacob nang makabalik silang mag-asawa ng apartment habang si Adelyn naman ay hindi muna kaagad nakaporma dahil okupado ang isip niya. Maraming tumatakbo roon nang sandaling iyon, mga bagay na hindi niya alam kung paano sisimulang sabihin sa asawa. Kaya naman tangay-sunod lang siya sa mga sinasabi nito kahit na alam niyang mali na hayaan si Jacob na isiping okay lang ang lahat sa kanya.“Love,” mayamaya ay tawag sa kanya ng asawa nang mapansin nitong nakaupo lang siya sa gilid ng kama at pinapanood ito sa ginagawa. “Ano na? Hindi ka pa ba mag-eempake?”“I-iniisip ko pa kung anu-ano ang mga dadalhin ko.”Binitiwan ni Jacob ang hawak nitong damit at nilapitan siya. He framed her face with his hands and looked at her eyes.“Alam kong nabigla ka,” anito sa malambing na tinig.“Y-yeah.” Humugot siya ng isang malalim na hininga at hinawakan ang palapulsuhan nito. “Puro ka na lang kasi sorpresa. Can you please slow down a little, Jacob? O siguro kung may natitira ka pa
MASAYA si Adelyn sa pagdating ng mga kaibigan nila ni Jacob. Nakatulong ang pagkaaliw niya kasama ang mga ito para panandaliang makalimutan ang mga bagay na bumabagabag sa kanya. At least, she didn’t have to think about it for the time being. Kung maaari nga lang na pakiusapan niya ang mga itong huwag na lang munang magsiuwi. Pero siyempre, hindi naman iyong maaari dahil may kanya-kanya na ring pamilya ang mga kaibigan niya. Ang ilan pa nga sa mga ito ay may inaasikaso na ring mga anak na nagsisipag-aral na. “Aba, at talagang iniwan na tayo rito ng mga tukmol na iyon, ha.” Nagbaling ng tingin si Adelyn sa kaibigan niyang si Marie nang magsalita ito. Halos ilang oras na rin nang makatapos silang sabay-sabay na kumain ng hapunan. Niyaya ni Jacob ang mga asa-asawa ng mga ito na magpunta sa game room para maglaro ng billiard. “Boys will always be boys,” sabi naman ni Jackielyn. “Magpasalamat na lang tayo na hindi sila nagba-barhopping sa mga oras na ito at nagte-table ng mga babae.” “
KAAGAD na sinalubong si Jacob ng kanyang asawa pagpasok pa lang niya ng mansiyon. Kapwa sila walang pasok sa trabaho nang araw na iyon, ngunit umalis siya ng bahay dahil may kinailangan siyang asikasuhin. “Hey,” bati niya sa asawa. Ginawaran niya ito ng halik sa mga labi. “Where have you been?” tanong nito habang titig na titig sa kanya. Sa hitsura ni Adelyn nang sandaling iyon parang biglang gustong kabahan ni Jacob. Tila ba may kung ano siyang nababanaag sa mga mata ng kanyang asawa, pero ayaw naman nitong sabihin kung ano iyon. “I’m sorry kung hindi na ako nakapagpaalam kanina noong umalis ako. Tulog na tulog ka kasi at nag-alangan naman ako na gisingin ka—” “Jacob… ang tinatanong ko kung saan ka galing. Hindi ako naghahanap ng paliwanag kung bakit ka umalis.” Napapikit na lang siya nang mariin kapagdaka ay nagmulat. “M-may inayos lang akong importante sa office,” kalmado pa ring tugon niya. “Ah…” tumatango-tangong sabi ni Adelyn. Pero ramdam niyang tila hindi ito naniniwala
NAPANGANGA na lang si Adelyn nang makarating sila sa greenhouse ni Don Juan. Napakaaliwalas doon at magaganda ang mga tanim nitong bulaklak. Some of the flowers were in full bloom. Nilapitan niya ang aisle ng mga pulang rosas at inamoy-amoy iyon. Ilang sandali pa at katabi na niya ang matanda na may dalang gunting. Ginupit nito ang isang stem at iniabot sa kanya ang roses. Sa sobrang excitement ni Adelyn nakalimutan na niya ang tungkol sa mga tinik noon at natusok siya. “Ouch…” Bigla niyang nabitiwan ang rose na kaagad namang pinulot ni Jacob. “Are you hurt?” Inabot nito ang kamay niya. May kaunting dugo sa daliri niya dahil sa pagkakatusok. “Oh, I’m so sorry, Adelyn. I should’ve removed the thorns,” dispensan naman ni Don Juan. “It’s okay. Kasalanan ko rin naman dahil hindi ako nag-ingat,” tugon niya. “It’s just a prick. Malayo naman po ito sa bituka.” “Jacob, bumalik ka muna sa mansiyon at ikuha mo si Adelyn ng kahit bondage man lang,” utos ni Don Juan sa kanyang asawa. Ibina
ADELYN rolled to her husband’s side of the bed just to find out that he wasn’t there. Bigla siyang napamulat at kaagad na iniwan ang kama para hanapin ito. Una niyang sinilip ang banyo, pero wala roon si Jacob. Isinunod niya naman ang walk-in closet, subalit bigo pa rin siyang matagpuan doon ang kanyang asawa. Bigla niyang naisip na baka nag-jogging ito sa labas. Mabilis siyang nagsuot ng kanyang night robe at bumaba. Hindi pa siya nakakarating sa dulo ng hagdan ay nasalubong na niya ang kasambahay nilang si Mylene na may bitbit na tray ng almusal para sa kanya. May kasama pa iyong long-stemmed na pulang rosas, na sa malamang ay pakana ng kanyang asawa. “Magandang umaga po, Ma’am,” nakangiting bati sa kanya ni Mylene. “Ibinilin po ni Sir Jacob na dalhan na lang kayo ng agahan sa kuwarto. Sa baba na po ba kayo kakain?” “Oo, sa baba na lang, Mylene. Salamat.” Mabilis namang pumaling patalikod ang kasambahay at dinala ang tray sa dining area. Sinundan niya ito at nang makaupo ay nagtan
“KUMUSTA ka naman, Marie?” tanong kaagad ni Adelyn sa kaibigan nang dumating ito sa kanilang farmhouse para sa reunion.Mas maaga itong dumating kysa sa iba dahil na rin sinabihan niya ito nang sa ganoon ay may makatulong siya sa pag-aayos.“I’m fine now,” nakangiting tugon nito.Her friend wasn’t lying. Bakas naman sa mukha nito na mas maayos na nga ang lagay nito mula noong huli silang magkita.“I’m glad to hear that.”“Inaayos na namin ang annulment. It’s a bit tough for me and the kids, pero kinakaya ko.”“`Wag kang mag-alala… nandito lang kami para sumuporta sa `yo. Sabihin mo lang kung kailangan mo ng tulong.”“Thank you.”“Halika na sa loob at nang makapag-design na tayo.” Iginiya niya ito papasok sa loob. “At sabi ni Jackielyn on the way na sila ni Caroline, pero hindi na natin sila mahihintay dahil baka magahol na tayo sa oras. Baka mamaya isa-isa nang magdatingan ang iba.”“Pero hindi mo nabanggit sa amin na may ganito kalaking property na pala kayo ng asawa mo,” ani Marie n
NAKATAYO si Adelyn sa harap ng gate ng bahay na ipinamana sa kanya ng lola niyang si Donya Maria. Nakatirik ang bahay na iyon sa isang bahagi ng sampung ektaryang lupain. It was a farm located in Quezon province. May mga nagsasaka roon na tauhan ng kanyang lola isang mag-anak na nagsisilbing caretaker sa lugar.Mayamaya ay lumapit sa kanya si Jacob pagkatapos nitong makausap ang mag-anak na caretaker.“Hey.” He wrapped an arm around her waist. “Nakausap ko na ang mag-anak na caretaker. Sinabi ko na rin sa kanila na wala naman tayong balak na palitan sila.”Nagbaling siya ng tingin dito.“Am I dreaming, Jacob?” Dinala niya ang kamay nito sa kanyang pisngi. “Tampalin mo nga ako.”Ginawa naman nito habang tumatawa ngunit mahina lang iyon.“You still can’t believe it, huh?”“Ang hirap paniwalaan.”Just like that binigyan siya ng ganoong kalaking property ng kanyang lola na walang dahilan. Pero gaya nga ng sabi ng kanyang asawa, kulang pa iyon bilang kabayaran sa lahat ng oportunidad na na
ABALA si Adelyn sa trabaho kaya hindi niya napapansing ilang beses na palang nagba-vibrate ang kanyang cellphone. Kung hindi pa nasabi sa kanya ni Lovely na may tumatawag ay hindi pa niya masasagot iyon.Napakunot ang noo niya nang makitang galing sa isang unknown number ang tawag. Hindi niya sana iyon sasagutin kaya lang ay ilang beses na pala iyong nag-missed call sa kanya nang magkakasunod kaya naisip niya baka mamaya ay may emergency. Hindi tuloy niya naiwasang hindi kabahan.Kinakabog ang dibdib ni Adelyn nang sa wakas ay sagutin niya ang tawag.“Hello, who’s this?” kaagad na tanong niya nang dumamtay ang aparato sa kanyang tenga.“Hi, is this Adelyn Wilson-Cortez?” tanong ng boses lalaki sa kabilang linya. Base sa assessment niya sa timbre ng boses nito, halos kasing edaran ito ng kanyang ama.Mas lalo tuloy kinabog ang dibdib niya.“Y-yes, ako nga. Sino ito at ano ang kailangan mo sa akin?”Sumenyas siya sa mga kasama at lumabas muna ng opisina. Nagtungo si Adelyn sa may fire e
NAGMAMADALI si Jacob na matapos ang mga pinipirmahan niya para makababa na at sabayang kumain ng pananghalian ang kanyang asawa. Subalit kung kailan iilang pahina na lang ang kailangan niyang pirmahan, bigla namang bumukas ang pinto at sinabihan siya ng sekretarya niyang may dumating na bisita.Wala na siyang nagawa nang pumasok doon ang dati niyang kaklaseng si Christine.“O-oh, Christine.” Bigla siyang napatayo. “What are you doing here? Paano mo nalamang dito ako nagtatrabaho?” nakakunot ang noong tanong niya.“Grabe ka naman sa akin, Jacob. What do you think of me? Of course, I did my research.” Hindi pa man niya ito inaanyayahang maupo ay naupo na ito sa visitor’s chair sa harapn ng kanyang mesa. “Siyempre tinanong ko ang closest friends mo kung saan kita matatagpuan. Nabanggit ni Zyrus sa akin na dito ka nagtatrabaho. At nabanggit din pala ni Zyrus na dito na rin pala nagtatrabaho ang asawa mo. I thought doon siya nagtatrabaho sa family firm nila, but it turned out isinama mo na
WALA na ang lola ni Adelyn nang bumalik si Jacob sa sala dala ang tray ng mga inumin at pagkain. Ang kanyang asawa na lang ang naiwan doon, tulala.“Nakaalis na kaagad ang lola mo, hindi man lang umabot itong dala ko.” Ibinaba niya ang tray sa mesita at tinabihan ang asawa. “What happened? Bakit natulala ka na diyan, hmm?”Dahan-dahang nagbaling ng tingin sa kanya si Adelyn.“Jacob…”“Yes?” Dinampot niya ang tasa ng kapeng para sana sa lola nito at humigop.“G-gusto ni Lola na bumalik ako sa firm…”Muntik na niyang maibuga ang iniinom na kape.“What? That’s—”“Pero sinabi niya sa aking hindi ko naman kailangang mag-breach ng contract sa El Nuevo. Since outsource worker pa lang naman ako, ang sabi niya tapusin ko na lang muna ang project at saka ako bumalik.”Jacob heaved a deep sigh.“Pababalikin ka niya sa firm na iyon. Pagkatapos?”Nai-imagine na kaagad niya kung paano na naman ito pahihirapan ni Neil sa oras na bumalik ito sa firm. Nasisiguro rin ni Jacob na hindi nito tatantanan a
ANG nakangiting mukha kaagad ni Jacob ang sumalubong kay Adelyn nang magmulat siya ng mga mata nang umagang iyon. Hindi natupad ang sinabi nitong pipiliting makauwi nang maaga para masabayan siyang maghapunan. Malalim na ang gabi nang dumating ang asawa niya at natutulog na siya noon. Naalimpungatan lang siya nang tumabi si Jacob sa kanya sa kama at ilang sandali lang ang lumipas at nakatulog na uli siya.Idinantay niya ang palad sa pisngi nito.“Hinintay kita kagabi, pero hindi ka naman dumating…” nakalabing saad niya.“I’m sorry…” Ipinaikot ni Jacob ang braso sa baywang niya at kinabig siya nito palapit. “Naipit na ako sa traffic noong rush hour kaya hindi na ako umabot sa hapunan. Maaga ka yatang nakatulog kagabi.”“Hm…” Isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. Her husband always slept half-naked, so she could always feel his warmth and sniff his scent.“Let me make it up to you, hmm?” ani Jacob habang pinapasadahan ng haplos ang likod niya. “Let’s talk a bath together—” Ngunit hin
WALANG sinayang na sandali si Jacob, umalis siya kaagad para makausap ang ama ni Adelyn nang makompirma niya kung ano ba talaga ang katotohanan. Pero dahil hind inga ito sumasagot sa mga tawag niya, hindi niya alam kung saan ito makikita. Para makasiguro, inuna na lang niyang puntahan building na pag-aari ng pamilya nito at hinanap ito sa opisina.“Hi,” bati niya sa receptionist. Bagaman asawa siya ni Adelyn hindi pa rin siya basta-basta nakakapasok doon dahil na rin sa kagagawan ng lola nito.“Yes, Sir?” nakangiting tugon sa kanya ng receptionist.“Nandiyan ba si Papa?” Bahagya siyang napangiwi nang marinig ang sarili na tinatawag itong ganoon. Hindi siya sanay dahil bibihirang pagkakataon na i-address niya ng ganoon ang kanyang father-in-law. “Baka p’wedeng pakitawagan ang office niya at pakisabing gusto siyang makausap ng manugang niya. Please, importante lang.”“Ah, wait a minute, Sir.”Kaagad naman nitong tinawagan ang opisina ng biyenan niya gamit ang intercom. Sinabi ng recepti
HINDI umuwi sa bahay si Adelyn nang nagdaang gabi dahil sinamahan nito ang kaibigan. Wala namang kaso iyon kay Jacob dahil alam naman niya kung nasaan ang asawa. Umaga na nang umuwi ito, eksaktong namang kadarating lang din niya galing sa pagja-jogging. Binigyan lang niya ito nang isang mabilis na hlik bilang pagbati dahil amoy pawis siya.Magkasabay naman silang pumanhik nito sa kanilang silid.“How’s Marie?” tanong niya nang makapasok sila sa banyo.Binuksan kaagad ni Adelyn ang gripo sa bathtub.“She caught her husband cheeting on her,” tugon nito habang naghuhubad ng gown.He helped him get rid of it.“That’s… foul. Kung titingnan mo mukhang ang ganda naman ng pagsasama nilang mag-asawa.” Npabuntong-hininga na lang si Jacob.“Matagal na pala niyang pinagdududahan si John.” Naglublob ang asawa niya sa bathtub.He decided to join her instead of going to the shower.“I guess a woman’s instinct is always right.”Bigla tuloy siyang kinabahan. Pinagdududahan na rin kaya siya ni Adelyn?
PUMASOK si Adelyn sa loob ng mansiyon para magpunta sa powder room, at nang sa ganoon ay makaiwas na rin sa kanyang pinsan. Subalit sa kasamaang-palad nakasalubong naman niya ang fiancée ni Neil. Hindi na siya magtataka kung bakit naroon ito. They always come in pair.“Oh, hi, cousin!” nakangising bati sa kanya ni Veronica.Pakiramdam ni Adelyn mas lalong sumama ang timpla niya nang sandaling iyon. The audacity of this woman to call her that when they weren’t even close. Hindi pa nga ito naikakasal sa pinsan niya kaya wala pa itong karapatang tawagin siya noon.“Hi, Veronica,” walang ganang bati niya rito.Nilagpasan na niya ang babae, pero nakakailang hakbang pa lang si Adelyn nang maramdaman niya ang paghawak nito sa kanyang braso.“Sandali lang, Adelyn. Bakit naman aalis ka na kaagad ni hindi pa tayo nakakapag-usap.”Nagbaba siya ng tingin sa kamay nitong nakahawak sa braso niya pagkatapos ay sa mukha nito.“I’m going to the powder room—”“Mas importante pa ba ang pagpunta mo sa po