Mula sa orphanage hanggang sa condominium, tahimik lang si Athena. Kahit pa noong kinuha ko si Franky sa penthouse, ang tanging reaksyon niya lang ay pagsinghap, pero halata pa rin ang tuwa sa mga ngiti ng mata at labi niya. Nang makita niya rin ang kwarto niya na puno ng stufftoy, sumayaw lang siya sa gitna ng kwarto kasama si Franky at yumakap sa akin.Nagtataka ako dahil hindi siya nagsasalita.Tahimik lang din kami ni Trisha.This is awkward—not the kind of homecoming I expected to celebrate for my daughter.Kaya kahit hirap din ako sa pag-adjust sa pagbabago na ito, sinubukan kong maging masigla para kay Athena.Mabilisang plano—um-order ako ng cake, nagluto ng carbonarra, at nag-set ng light dinner habang abala sina Trisha at Athena sa kwarto ng bata.Mukha namang pareho rin kami ng anak ko sa taste sa pagkain dahil sarap na sarap siya sa carbonara. Pasayaw-sayaw pa siya habang kumakain. Makalat din siya kumain, at hindi pa
Magbasa pa