"BOSS gising na po is Mrs. Oxford."Kaagad na lumapit ang lalaki sa gawi niya. May pilat ito sa kaliwang pisngi, may tattoo sa leeg na sa tingin niya ay isang dragon. Hindi ganoon kalaki ang pangangatawan nito pero halatang banat ito sa mabibigat na trabaho. Matangkad, at may itsura rin naman pero halatang masamang tao.Hawak nito ang cellphone niya at may kausap sa kabilang linya. Hindi niya alam kung paano siya napunta sa lugar kung nasaan siya, ang naaalala niya lang ay nang may lumapit na lalaki sa kaniya. Nang tanungin niya ang lalaki ay kaagad siya nitong tinakpan ng panyo sa bibig, hanggang doon lang. Ngayo'y heto, nagising siyang naka-upo sa isang silya sa gitna ng isang silid na wala namang laman. Mahigpit na nakatali ang mga paa at kamay niya pati na rin ang baywang niya kaya naman hindi siya makagalaw."Nasa akin ang asawa mo!" Sigaw nito sa kung sino mang kausap nito. "Now listen very carefully Mr. Oxford, kung ayaw mong may mangyaring masama sa asawa mo... Ibigay mo sa ak
Last Updated : 2022-12-11 Read more