"Mukhang napuyat ka," bungad kaagad ng kaniyang ama ng makita siyang papalapit sa mga ito. "Ngayon ang alis natin papuntang Baguio... are you ready?" "Yes, Dad," sagot niya bago yumuko.Lihim niyang itinago ang kaniyang ngiti sa kaisipang hindi napansin ng ama niya na hindi siya si Very, kun'di ang kararating lang nitong anak na si Avi. "How are you, sis? May boyfriend ka na ba? Kung wala pa, mayroon sana-""That's enough Avi," putol ng kanilang ama sa kambal niyang si Very. "Kararating mo palang ay kung anu-ano na ang binabalak mo. Ngayon palang ay ihahanda ko na ang sarili ko sa sakit ng ulo na matatamo ko na naman sa'yo."Napairap na lang ang kambal niyang si Very sa paninermon sa kaniya ng ama nila. Habang siya naman ay gusto ng pumalakpak dahil sa husay ni Very sa pag-akting. Kahit ang pananalita at ang pag-ikot ng mata niya sa tuwing naiinis siya ay kuhang-kuha nito.Tahimik nilang tinapos ang agahan bago nag kaniya-kaniya ng paalam. Si Very ay nagpaalam na mag sa-shopping daw,
Last Updated : 2022-09-01 Read more