Lutang pa rin at tila hindi siya makapaniwala habang marahan niyang iginuguhit si Xavier sa malaking canvas. Nakaupo ito sa kama ng patagilid habang ang braso nito ay umaalalay sa ulo nito at nakatingin sa kaniya. Kinikindatan din siya nito sa tuwing sumisilip siya habang ipinipinta niya ang lalaki. Ganoon pa man, napakalakas pa rin ng kabog ng dibdib niya at paulit-ulit na nag e-echo sa isip niya ang sinabi nito kanina. "I love you, Avi.""Siguraduhin mong guwapo ako d'yan sa ginagawa mo, kung hindi-""Kung hindi ay ano?" Inirapan niya ito. "Baka nakakalimutan mo, naka-ilan ka na sa akin! Mahal ang talent fee ko Mr. Oxford." Ngumisi siya, mahal ang talent fee niya pero para kay Xavier ay libre ang naging serbisyo niya."Don't worry Mrs. Oxford, I will pay you big time. May bonus pang kasama," nakangiti namang sagot nito.Napapailing na lang siya at nagpatuloy na sa ginagawa. Mabilis niya lang na napangalahati ang ginagawa niya dahil inspired siya ngayon. Isa pa, maganda rin para sa
Last Updated : 2022-11-08 Read more