"Alam mo bes, mag-bar kaya ulit tayo"? Suhestyon ni Joannah habang umiinom ng milktea.Andito kasi kami sa park at dahil linggo ngayon ay day-off ko."Ayoko nga at baka di mo na naman ako siputin," ani ko habang nginunguya ang burger.Ang sarap talaga ng burger tsaka milktea. Kaya kada araw ng linggo ay tinitreat ko ang aking sarili sa pagkain katulad nito."Bes, doon tayo sa FDS Bar," wika pa niya habang kumikinang ang mata.Ano kaya ang iniimagine ng bruhang 'to?"Bes, gusto ko makapasok ng high-class na bar at maka-bingwit ng rich hot guy." Para pa siyang kinikilig sa naiisip."Ambisyosa ka talaga bes, hindi na tayo makaka-pasok sa bar na 'yon. Eih, hindi ko nga alam na private bar pala 'yon mabuti na lamang at nalingat ko ang bouncer kaya ako nakapasok doon," litanya ko."Oo nga, pero may chance pa naman para maka-pasok tayo doon," tila nabuhayan ang kanyang boses sa ideyang pumasok sa isip niya."Ano naman?" Tanong ko habang ninanamnam ang sarap ng milktea."Iyong tumulong sa'yo,
Last Updated : 2022-08-16 Read more