"Besssssss," tawag sa'kin ng bruha kong kaibigan na siyang nagpa-tigil sa'kin sa pag-susuklay ng aking mahabang buhok.
"Ano na naman?" Binigyan ko siya ng busangot na mukha pero hindi man lang natinag ang pag-aalala na naka-tatak sa mukha niya."Jusko, sinabihan na kita diyan sa boyfriend mo na hiwalayan mo na. Ayaw mo pang maniwala sa'kin na niloloko ka lang ng gag*ng 'yon!" Mariin ang kanyang pagkakasabi na animo'y parang si mama kung maka-sermon sa'kin.Ito talagang babaeng to. Napailig ako saka nag-salita."Joannah, mahal ako Klint tsaka mahal ko rin siya. Ilang beses na niya iyon napatunayan at ramdam na ramdam ko 'yon tsaka ilang beses mo na ba itong sinabi sa'kin at nakakarind….."Tinakpan niya ang bibig ko na siyang pumutol sa aking madamdaming litanya. Imagine, with feelings pa 'yon tas sisirain niya ang pag-momoment ko.Isa pa, totoo naman talaga na mahal ako ni Klint. The way he kissed me, the way he text me goodmorning and goodnight with a sweet messages. Nakakakilig kaya. Hindi niya rin nalilimutan i-date ako kahit isang beses lamang sa isang linggo. Syempre naiintindihan ko 'yon kasi teacher siya tsaka ako ay busy rin sa pagiging waitress.Minsan rin siyang pumasyal dito sa bahay na ikina-gusto ng magulang ko. Dinadalhan niya ng mga pagkain ang nga kapatid ko tas pinaiinom niya rin ng alak si papa. Kaya botong-boto pamilya ko sa kanya at ito lang talagang bruha kong kaibigan ang kontrabida sa lovelife ko.Paano nga ba kami nagka-kilala. Syempre, sa cafe na pinag-tatrabahuan ko. Busy siya 'nun sa kanyang laptop nang aksidente kong nasagi ang upuan na malapit sa table niya na siyang ikanamudmod ko sa mainit na kape na natapon sa sahig. Syempre nakagawa ako ng ingay na ikinadistract ng lahat, kaya ayon tinulungan niya akong tumayo. Mabuti na lamang at pinaki-usapan niya ang may-ari ng cafe para hindi ako tanggalin.Grabe, ang gwapo at ang bait niya kaya ayon nagka-kilala kami tas sinong mag-aakalang mahuhulog pala ang loob namin sa isa't-isa.Hanggang ngayon, kinikilig parin ako sa mga alaalang 'yon."Tingnan mo nga ito at nang matauhan ka," ani nito saka kinalikot ang kanyang cellphone.Tila tumigil ang mundo ko nang makita ang mga litrato ng nobyo ko kasama ang isang babae. Masaklap pa'y kapwa guro at iisa lang ang paaralan nila. Halata naman sa mga litrato na hindi gawa-gawa. Klarong-klaro kung paano mag-lampungan ang dalawa sa ilalim ng puno kung saan walang masyadong estudyante. Syempre alam ko ang paaralan kung saan nag-tuturo si Klint nang minsa'y ipasyal niya ako roon at isa pa, diyan din nag-aaral ang kapatid kong si Zemuel."Paano ko nga ba na-picturan ang dalawa. Hinatid ko kasi si Boboy tapos ayun, pauwi nasana ako nang masagi ko ang dalawa na nag-lalampungan. Syempre nagulat ako at hindi muna nakalagaw pero hindi ko naman nakalimutan kunan sila ng litrato at isampal sa'yo ang katotohanan," litanya niya.Para akong walang narinig sa sinabi ni Joannah. Marami pa siyang sinabi ngunit tila nabingi ako. Natulala ako saka biglang tumulo ang isang butil na luha sa'king pisnge. Walang hiya, naloko ako. Niloko ako ni Klint.Malelate na ako sa trabaho at heto ako nag-eemote pa. Ang sakit, sana sinabi niya na lang na ayaw na niya. Na may iba na siyang mahal. Matatanggap ko pa 'yon kaysa naman ganito, pinag-sabay niya kami ng kabit niya. O baka nga ako pa ang kabit.Tila yata natapakan ang ego ko sa ginawa ni Klint. Ano? Ganun na ba ang tingin niya sa'kin, na madali akong maloko. Ang baba ng tingin niya sa'kin. Pwes, matitikman niya ang bagsik ni Monina at kahit mahal ko siya ay mas nanaig ang galit ko ngayon sa kanya."Oh, ano na bes? Sugurin na ba natin? Ay, wag sa school at nakakawala ng respeto 'yon. Abangan na lang kaya natin pagkatapos ng klase sa parking lot?" Dada ni Joannah."Sige at isusurprise ko siya. Chupi ka na nga at papasok pa 'ko sa trabaho." Tinaboy ko siya saka pinahiran ko ang natirang luha sa aking pisnge."Wow, salamat hah. Kung di ba naman dahil sa'kin ay edi sana tanga ka parin hanggang ngayon," wika niya.Ngayon ko lang na-realized. Ang swerte ko na magkaroon ng kaibigan katulad ni Joannah. She's my bestfreind and she was like a sister of mine. Nagkakasundo kami sa maraming bagay at isa pa, hindi namin hinahayaan ang isa't-isa na maiwan sa anuman problema.Agad ko siyang niyakap."Salamat bes," ani ko sa mahinang boses."Pasensya na at hindi ako agad naniwala sa'yo," dagdag ko pa na mas lalong ikinahigpit ng yakap namin sa isa't-isa.Malas man ako sa lovelife eih swerte naman ako sa aking kaibigan.***Lumipas ang mga oras at heto kami ngayon nag-aabang sa parking lot ng paaralan. Alas-sinko na kaya siguradong anumang oras ay narito na si Klint. Hindi nga kami nagka-mali.Hindi na kami nagulat ni Joannah na may kaakbay itong babae. Ito nga ang babae sa litrato at talaga naman nag-lalandian pa ang dalawa habang patungo sa kotse ni Klint."Hi, Klint." Walang alinlangan ay sinorpresa ko siya ng isang suntok.Narinig ko pa ang pag-singhap ng kasama niyang haliparot. Tila mawawalan ako ng respeto sa ganitong klaseng tao. Guro pa naman. Bad influence kamo."Buti nga sayo!" Pinandilatan siya ni Joannah pagkatapos ay nag-walk out agad kami.Na-satisfied yata ako sa suntok na iyon. Narinig ko pa si Klint na tinatawag ang pangalan ko and hell no, hindi na ako lilingon."Bes, pano bayan. Bar tayo mamaya?"Walang-alinlangan akong tumango sa kanya na agad naman niyang ikinapalakpak. Kailangan ko yatang iwash out lahat ng alaala ni Klint. Kainis na lalaking 'yon!Sayang ang panahon, akala ko pa naman totoo siya. Minahal ko pa naman ang g*go pero siguro mababaw lang ang pag-mamahal namin sa isa't-isa. Hindi naman gaanong nasaktan ang puso ko, ito lang kasing ego ko ang natapakan. I felt so betrayed by him and it sucks.It hurts when you trust someone and just simply broke it. Klint was good at convincing that he was a man that you could trust for. It hurts to know that there's someone betraying you from behind. Imagine, your sleeping peacefully while your boyfriend was doing something that could hurt you. It was like I was being played and I'm so dumbed that I didn't even notice that. He didn't even think to consider my feelings and now I started to wonder if I am not enough.Isang pulang dapit na hapit na hapit sa katawan ko na mas nag-palitaw sa makurba kong katawan. Lumilitaw rin ang kaputian ko na ewan ko ba kung saan ko ito namana eih hindi naman maputi ang magulang ko. Tinanong ko si mama eih sabi niya pinaglihi niya daw ako sa Amerikano. Sabi naman ni Joannah para daw akong si Snow White.Nag-light make up lang ako since ayoko ng makapal na make-up tsaka hinayaan ko lang na nakalugay ang mataas kong buhok. Nag-suot ako ng heels na hanggang four inches.Nang matanto na walang tao sa bahay ay hindi na ako nag-abala pang hanapin sila mama at papa nang makapagpaalam sana muna ako. Panigurado ay nandoon na naman sa sugalan si mama tsaka si papa ay nag-iinom na naman iyon kasama ang kanyang mga barkada. Ang mga kapatid ko naman panigurado din nasa computer shop ang mga iyon.Ganito naman lagi at nakakapagod kung iisipin. Alam naman ni papa na sapat lang ang kinikita niya sa construction pero heto sila't winawaldas sa maling paraan. Nalulong na sa bisyo at
Nagising ako na may mabigat na karamdaman. Napahilot ako sa aking noo nang makaramdam ng matinding sakit. Hang-over nga naman.Teka, nasaan ako?Bigla akong kinabahan dahil ngayon ko lang napagtantong hindi ko kwarto ito. Ipinalibot ko ang aking paningin at nakuha ko pang mamangha sa klase ng kwartong kinasasadlakan ko. Napaka-ganda ng pagkaka-ayos ng mga gamit, lahat ay puti. Pati bedsheets at pillow case ay puti rin. Ang kurtina na humaharang sa nag-iisang bintana ay puti."Nandito tayo sa motel." Bumilog ang aking mata sa aking narinig mula sa isang boses lalakiNapagawi ako sa kanya na naka-dekuwatrong upo sa isang mamahaling couch, malapit lamang ito sa kamang kinalalagyan ko. Ang kaba na nararamdaman ko ay mas lalo lamang nadagdagan."Anong ginawa mo sa'kin?" Tila tarantang tanong ko.Sh*t, anong kababalaghan ba ang ginawa ko habang ako'y nag-lalasing sa bar na iyon. Tila nahalata niya ang pagka-taranta ko."Wala," sagot niya. Wala ako nakikitang kahit anong emosyon sa mukha niy
Magulo ang isip ko nang makarating sa Black and White Cafe. Tanda ko pa ang mga sinabi ni Joannah sa'kin.Sabi pa niya, ang FDS Bar ay isang pribadong bar kung saan ang mga mayayaman lamang ang nakakapasok. Kung ano ang nangyayari sa loob ay mananatili lamang sa loob.Ang swerte ko raw at nakapasok ako sa nasabing bar, kasi minsan kapag nag-aayos ako ay mapagkakamalan talaga akong mayaman. Hindi naman sa feeling mayaman ako kung tumindig at mamustora ay sadyang ganoon lang talaga ang imahe nila sa'kin. Kaya pala siguro hindi ako pinalabas ng bar marahil ay napagkamalan nila akong bagong costumer na mayaman.'Yong tumulong sa'kin, sino kaya siya? Hindi ko man lang natanong ang pangalan niya dahil sa pagmamadali. Mukhang mayaman siguro 'yon. Ipinasok pa nga ako sa isang mamahaling hotel.Naku, ngayon lang yata ako nahiya. Sana naging sapat na ang pasasalamat ko sa kanya. Baka hanapin ako nun at pag-bayarin sa perwisyong ginawa ko. Baka nga rin singilin ako nun sa pinang-hotel niya sa'ki
"Alam mo bes, mag-bar kaya ulit tayo"? Suhestyon ni Joannah habang umiinom ng milktea.Andito kasi kami sa park at dahil linggo ngayon ay day-off ko."Ayoko nga at baka di mo na naman ako siputin," ani ko habang nginunguya ang burger.Ang sarap talaga ng burger tsaka milktea. Kaya kada araw ng linggo ay tinitreat ko ang aking sarili sa pagkain katulad nito."Bes, doon tayo sa FDS Bar," wika pa niya habang kumikinang ang mata.Ano kaya ang iniimagine ng bruhang 'to?"Bes, gusto ko makapasok ng high-class na bar at maka-bingwit ng rich hot guy." Para pa siyang kinikilig sa naiisip."Ambisyosa ka talaga bes, hindi na tayo makaka-pasok sa bar na 'yon. Eih, hindi ko nga alam na private bar pala 'yon mabuti na lamang at nalingat ko ang bouncer kaya ako nakapasok doon," litanya ko."Oo nga, pero may chance pa naman para maka-pasok tayo doon," tila nabuhayan ang kanyang boses sa ideyang pumasok sa isip niya."Ano naman?" Tanong ko habang ninanamnam ang sarap ng milktea."Iyong tumulong sa'yo,
Maganda ang gising ko ngayon, epekto siguro ng magandang tulog. Lately kasi, wala naman naging masyadong problema kaya hindi sumasakit ang ulo ko. Nabayaran ko na rin kasi ang bill ng kuryente tsaka nabigyan ko na ng pam-project si Zemuel. Kakasweldo ko lang kasi noong nakaraang araw kaya gumagaan 'yong pakiramdam ko.Syempre hinati ko para sa gastusin sa bahay pati pag-aaral ng mga kapatid ko tsaka 'yong kalahati ay para sa ipon ko.Masaya na naman ang mga magulang ko malamang kasi hindi na sila gagastos masyado sa bahay.Bago ako lumabas ng kwarto ay nag-handa muna ako para sa trabaho. Nag-bihis ako ng aking uniform tsaka di ko muna tinanggal 'yong towel sa ulo ko para mabilis ma-tuyo ang buhok ko, wala kasi akong dryer eih wala pa 'yon sa budget ko kaya tiis-tiis muna sa towel. Nasa sala kasi 'yong salamin namin nakalagay kaya mamaya nalang ako magme-make up pagka-tapos kumain.Nadatnan ko si Shane at Zemuel sa hapag na maganang kumakain."Goodmorning sa pinaka-magandang ate sa bal
"Monina," tawag sa'kin mula sa isang boses lalaki.Napabaling ang atensyon ko sa lalaking tumawag sa'kin, pag-lingon ko'y si sir Stan pala at kalalabas lang mula sa kanyang kotse na naka-park sa gilid ng cafe. Mukhang kararating niya lang siguro at napansin ang mga taong nag-kukumpolan kaya agad siyang tumawid sa kalsada upang puntahan ako."What is happening here?" Tanong niya nang makarating siya sa kinatatayuan ko." Why are they looking at you? May nangyari bang masama?" Dagdag na tanong niya.Hinawakan niya ang braso ko saka napaigik ng mapansing mahapdi ito."Sir Stan," d***g ko dahil sa mahapdi talaga lalo pa't may konting diin ang pagkaka-hawak niya.Agad naman niyang binitawan ang braso ko ng makuha niya ang klase ng tingin ko sa kanya."May nail scratches ka," wika niya. Bumilog ang kanyang mga mata sa gulat.Nakita kong may pag-aalala sa mga mata niya habang nakatingin sa sugat ko."Muntik na kasing nakawin ang bag ko sir kaya hindi ko naman hinayaan na makuha ng magnanakaw
May utang na loob din naman ako sa taong to kaya pagbibigyan ko siya at dapat nga ako ang mag-yaya sa kanya pero siya pa itong nagyaya ng dinner sa'kin. Nakakahiya naman kung tatanggihan ko 'yong tao."Hindi mo man lang ako tinanong kung ayos lang ba sa'kin," pahayag ko saka bumusangot.Ngumuso pa ako ng konti. Napaka-bossy naman nito."Stop that." May diin niyang sabi."Stop that face of yours," ani niya tsaka para siyang may pinipigilan.Agad naman bumalik sa normal ang mukha ko."Ngayon na ba?" Tanong ko sa kanya.Hindi ko alam kung maiilang ba ako sa titig niya. His eyes was really something, it was so dark and deep nasa tuwing gumaganti ako ng titig sa kanya ay parang lalamunin ako ng dilim. Pero hindi man lang ako nakaramdam ng takot sa klase ng tingin niya."Yes." Agad siyang tumalikod sa'kin saka nag-umpisang mag-lakad.He was also unpredictable. Talikuran ba naman ako bigla. Pabago-bago ng mood."Frelan," sigaw niya na ikinakunot ko."What?" Talagang nag-sisigawan na kami dah
Sinubukan 'kong ibalik sa normal ang tibok ng puso ko pero nang bumaba ang tingin ko sa kamay niyang hawak ang pulsohan ko ay mas lalo lamang di ko mapigilan ang pagwawala nito.Hindi na ako umimik pa dahil kahit kontrahin ko siya ng paulit-ulit ay hindi naman siya magpapatalo. Siya dapat ang nasusunod.Nang makarating sa entrance ng restaurant ay may lumapit na isang lalaki. Naka-uniform ito at mukhang trabahante ng restaurant."Good evening sir Dela Sie…" Hindi niya naituloy ang pag-bati nang senyasan siya ni Frelan na huminto.Nakumpirma ko ngang trabahante at isang valet parking attendant ang lalaki ng ibigay ni Frelan ang susi sa kanya."Good evening madame," bati niya sakin nang mapansin niya ako.Ginantihan ko naman siya ng matamis na ngiti."Goodevening din sa'yo," ganting-bati ko."Do you like your job?" Tanong ni Frelan sa lalaki. Hindi iyon normal na tanong sa pandinig ko dahil sa madiin na tono ng boses ni Frelan.Agad itong tumango bilang tugon at kapansin-pansin pa ang pa
Masasabi kong isa na siguro ito sa pinakamasayang araw ng buhay 'ko. Pagkatapos namin manguha ng sea shells at nagpahinga ng ilang minuto ay agad kong inaya si Frelan na gumawa ng sand castles. Tatlong sand castles pa nga ang nabuo namin kaya nang mag-sawa ay si Frelan ang sunod kong pinag-tripan. Ipinahiga 'ko siya sa buhanginan saka 'ko siya tinabunan ng maraming buhangin, iyong tipong hindi na makita ang katawan niya at tanging ang kanyang ulo na lang ang hindi natatabunan. Habang ginagawa 'ko iyon sa kanya ay hindi halos maipinta ang kanyang mukha pero hindi naman siya umaangal habang ako'y natatawa. Siguro nga ay pinagtitinginan na ako ng mga tao ngayon dahil sa hindi 'ko ma-control ang lakas ng pagtawa ko pero wala sa kanila ang atensyon 'ko kundi na kay Frelan lang. Sumasakit na nga ang tiyan 'ko sa katatawa eih pero napawi din iyon nang siya naman ang nag-aya na maligo kami ng dagat.Bigla akong nakaramdam ng takot sa isiping pupunta kami sa malalim na parte ng dagat. Aangal na
We are walking out of the hospital as Frelan possessively wrapped his arms around my waist. I have observed that every time we pass a doctor or nurses they immediately bow down their heads.Kapansin-pansin kung paano nila kami titigan lalo na kay Frelan. Ang mga mata nilang may respeto, takot at paghanga habang titig na titig sila kay Frelan. Hindi rin nakatakas sa paningin 'ko lalo na sa mga kababaihan kung paano sila tumingin, may inggit at panghuhusga. Bigla tuloy akong nakaramdam ng pagtataka.Sino ba naman ang hindi maiinggit kung may kasama akong gwapong nilalang, siguro ay maiintindihan 'ko pa iyon pero ang isiping bakit ganoon na lamang sila kung makatingin sa'min lalo na kay Frelan ang siyang mas ikinataka 'ko. Hindi 'ko alam ang dahilan kung bakit ganoon sila kung makatitig na para bang si Frelan ay isang hari na dapat na respetuhin, na dapat katakutan at higit sa lahat ay ang labis na paghanga.I looked up at Frelan but I can't find any emotions from his face instead it was
Nagising ako ng maaga at napansin na wala si Frelan sa tabi 'ko. Inilibot 'ko ang aking paningin ngunit ni anino niya ay hindi 'ko mahagilap. Bumangon ako upang silipin sana ang banyo ngunit biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Frelan.Agad na lumaganap ang panlalaking niyang amoy ngunit hindi iyon masakit sa ilong bagkus ay gusto 'ko na lamang iyon manatili sa ilong 'ko. Napansin kong bago siyang ligo dahil sa mamasa-masa at magulo niyang buhok.He was wearing a beach shorts and white sando that almost drop my jaw because of too much adoration. Ang braso niyang mamutok-mutok ang muscles at ang lapad ng dibdib niya ay lumilitaw. Paniguradong pagpapantasyahan siya ng mga babae sa labas at baka nga siguro ay maging ang mga lalaki ay maiingit sa perpektong katawan ni Frelan, idagdag pa ang kagwapuhan niya na mala-gods.Napansin kong may bitbit siyang kape na nakalagay sa styro-foam at isang box na mukhang ang laman ay tinapay. May tatak pa iyon kung saang store niya nabili at muk
May pangyayari talaga na hindi kapani-paniwala. Katulad nalang sa'kin, muntik na akong malunod at mamatay, alam kong lahat ay may dahilan kung bakit buhay pa ako ngayon. Hindi talaga ako pinapabayaan ng Diyos kahit papaano. Nakakapanghinayang lang ang moment na 'yon, ang mapanood ang mga ibon na malayang lumilipad at naghahanap ng makakain sa dagat habang sinasabayan naman sila ng mga dolphins ay talagang napaka-gandang panoorin.I heaved a sigh. When will I get to watch that beautiful scene again? Kung hindi lamang dumating si Frelan sa buhay 'ko ay hindi ako makakapag-beach. Bukod sa may trabaho ako at siyempre ang gastusin ang mga pangunahing dahilan kung bakit wala pa sa isip 'ko ang mag-relax."Frelan, hindi naman ako lumpo. Kaya 'ko naman kumain ng mag-isa," pagpipigil 'ko kay Frelan.Ramdam 'ko ang kahihiyan at ang pag-init ng pisnge 'ko habang sinusubuan niya ako ng pagkain. Siguro namumula na itong pisnge 'ko ngayon."No." His face was plain and serious.Hindi 'ko na mabilang
Hindi ako makahinga habang pilit akong kumakapa at lumalangoy paitaas. Wala akong makita, ang kadiliman sa ilalim ng dagat ang mas lalong nagpa-tibok ng puso ko at wala akong makitang senyales ng araw sa tuwing tumitingin ako sa taas. Ramdam 'ko ang lamig ng tubig ngunit hindi ito naging hadlang upang tumigil ako sa paglangoy.Kailangan kong makaahon, kailangan kong mailigtas ang sarili 'ko! Kailangan pa ako ng pamilya 'ko! Pilit 'ko itong itinatak sa aking isipan upang hindi ako panghinaan ng loob.Paano nga ba ako napunta dito?Ibinuhos 'ko na ang natitirang lakas sa pag-langoy habang kaya 'ko pa ngunit parang hindi naman ako umaahon paitaas. Hindi 'ko na alam kung ilang oras na akong lumalangoy pero palagay 'ko ay wala namang nangyayari bagkus ay nakaramdam pa ako na may kung ano ang pumipigil sa'kin. Napatingin ako sa aking paa at ganoon na lamang ang pag-tigil ng tibok ng puso 'ko.Ang boung pamilya 'ko, nakahawak sila sa aking dalawang paa. Hindi 'ko makitaan ng anumang emosyon a
Ilang beses na ba akong natitigan ni Frelan pero hindi parin pala ako nasasanay at nakakailang parin talaga."M-mag-bihis ka na nga," utal na wika 'ko sa kanya.Sa tuwing ganyan ang klase ng titig niya panigurado dapat na naman akong kabahan at baka kung saan na naman mapunta ito. Bago niya ako daanan papuntang banyo ay kita 'ko pa ang pagngisi niya.Hindi ako umalis at nag-pasyang hintayin si Frelan sa tapat ng pinto. Maya-maya'y lumabas na siya suot ang isang rashguard na panlalaki.Just wow! Hindi 'ko maiwasang mapatitig sa bou niyang katawan lalo na sa pagitan ng kanyang hita. Umuumbok iyon at mukhang malaki. Malaking-malaki. Bigla 'ko tuloy naramdaman ang pag-init ng aking pisnge.Hala! Ano ba itong iniisip 'ko. Kasi naman ang fit ng rashguard na suot niya, paanong hindi babakat aber. Ang halay 'ko nang mag-isip."I like the way you stare at my body especially…" Sinundan 'ko nang tingin si Frelan sa kung saan dumapo ang kanyang mga mata at mas lalong uminit ang pisnge 'ko nang map
Nagising ako mula sa mahimbing kong pagkakatulog. Magaan naman ang aking pakiramdam nang ako'y magising maliban na lamang sa konting pananakit ng aking kalamnan.Aalis na sana ako sa kama ng bigla na lamang pumasok sa isipan 'ko ang nangyari kanina. Parang kidlat iyon na tumama sa'kin nang unti-unti kong maalala ang bawat kaganapan mula doon sa lalaking tumulong sa'kin hanggang sa nangyari ang hindi dapat. Ewan 'ko ba pero nang maalala 'ko ang ginawa ni Frelan sa'kin kanina ay naramdaman 'ko na lamang ang pisnge 'ko na umiinit.Imagine, he just saw my whole body totally naked and the embarassing part was he ate my sensitive part.Suddenly my eyes widened when I remembered the last thing before I fall asleep. I remembered I was naked so I immediately looked at my body under the sheet. I was relieved when I have my pajamas on and a loose t-shirt.Sino kaya ang nagbihis sa'kin? Is it Frelan? Teka nga, ilang oras ba akong nakatulog.Bumangon ako at umupo sa gilid ng kama pero laking gulat
Hindi 'ko na mabilang kung ilang beses tumama ang kamao ni Frelan sa mukha ng lalaking estranghero. Hindi ako makagalaw, natatakot ako. Ramdam 'ko ang nginig sa aking kalamnan lalo na ang makitang duguan ang mukha ng lalaki. Hindi na ito makapalag dahil sa nanghihina na ito."F-frelan," tawag 'ko sa atensyon niya.Hindi 'ko alam kung mahina ba ang boses 'ko dahil hindi man lang niya ako nililingon. Diyos ko po, makakapatay yata si Frelan. Kailangan 'ko siyang pigilan.Agad akong lumapit sa lalaki upang maharangan 'ko ang kamao ni Frelan. Alam kong walang silbi itong ginagawa 'ko at maaaring sa akin lumapat ang kamao ni Frelan pero wala na akong pakialam.Pikit-mata kong hinintay ang kamao niya habang sumisigaw. "Tama na, please lang!"Ilang segundo ang lumipas ay hindi ako nakaramdam ng anumang sakit. Unti-unti 'kong ibinuka ang aking mata at doon ay nakatagpo 'ko ang itim na itim na mga mata ni Frelan.He's furious. It was written all over his face. His jaw clenched as he looked at
Habang yakap niya ako'y biglang kumalam ang tiyan 'ko. Anong oras na ba at nagkakagulo itong mga bulati 'ko sa tiyan."Frelan," tawag 'ko sa kanya."Hmmm."Kumalas ako sa yakap niya saka 'ko siya hinarap."Pwede ba tayong kumain?" nahihiyang tanong 'ko."Ofcourse, why didn't you tell me that you're already hungry?" He stated with his strict voice."Ngayon lang naman ako nakaramdam ng gutom." I touch his face softly.He's overthinking again. Nagutom lang ako ay nagkakaganyan na siya. How sweet naman."Let's go." Hinila niya ang isang kamay 'ko.Hindi 'ko alam kung saan niya ako dadalhin. Tuloy-tuloy lamang ang lakad namin hanggang sa pumasok kami sa isang restaurant.Nangangamoy pagkain ang loob na mas lalong ikinagutom 'ko. Hindi 'ko mapigilan na mapatingin sa bawat nadadaanan namin kung saan may mga taong enjoy na enjoy sa kanilang pagkain.Huminto kami sa pandalawahang lamesa at kaagad na may lumapit na isang waiter. Agad nitong ibinigay ang menu kay Frelan. Nag-taka pa nga ako kung