Magulo ang isip ko nang makarating sa Black and White Cafe. Tanda ko pa ang mga sinabi ni Joannah sa'kin.
Sabi pa niya, ang FDS Bar ay isang pribadong bar kung saan ang mga mayayaman lamang ang nakakapasok. Kung ano ang nangyayari sa loob ay mananatili lamang sa loob.Ang swerte ko raw at nakapasok ako sa nasabing bar, kasi minsan kapag nag-aayos ako ay mapagkakamalan talaga akong mayaman. Hindi naman sa feeling mayaman ako kung tumindig at mamustora ay sadyang ganoon lang talaga ang imahe nila sa'kin. Kaya pala siguro hindi ako pinalabas ng bar marahil ay napagkamalan nila akong bagong costumer na mayaman.'Yong tumulong sa'kin, sino kaya siya? Hindi ko man lang natanong ang pangalan niya dahil sa pagmamadali. Mukhang mayaman siguro 'yon. Ipinasok pa nga ako sa isang mamahaling hotel.Naku, ngayon lang yata ako nahiya. Sana naging sapat na ang pasasalamat ko sa kanya. Baka hanapin ako nun at pag-bayarin sa perwisyong ginawa ko. Baka nga rin singilin ako nun sa pinang-hotel niya sa'kin at kung ganoon nga ay kukulangin ang ipon ko sa mahal ng hotel na iyon.Bigla na naman tuloy akong namroblema. Mukha naman siyang mayaman pero may mayaman paring naniningil ano.***"Late ka na naman Monina." Nakapameywang na bungad sa'kin ng amo kong si sir Stan."Pasensya na sir. Masakit kasi ang tiyan ko kanina, mabuti nga sir naagapan ko kaagad at uminom ako ng gamot kaya agad din naman nawala," ani ko saka pina-lambot ang mukha."Akala mo naman ay maniniwala ako sa'yo eih nirason mo na 'yan kahapon." Napailing siya sabay talikod sa'kin."Go, mag-simula ka na at marami na ang costumer." Pahabol niyang sabi saka naman ako napa-buntong hinga.Mabuti na lamang at mabait si sir Stan. Sa edad nitong bente-nuwebe ay napaka-responsable na nito sa kanyang napiling business. Tanda ko pa ang sinabi niya sa amin ng mga ka-trabaho ko."Guys, do your job with passion. Mahal ko ang cafe na ito. This is where my heart is and I'm happy and proud na nakapag-tayo ako ng negosyo without the help of my parents. So please, love my cafe as much as I do."Noong oras na iyon, bagohan pa lang ako. We were celebrating the fifth anniversary of the cafe that time. He told us about his story and I was being inspired listening to his words that's why I have planned to stop my studies and let my sister and brother continue thier studying.It was hard for me, ofcourse it's my last year then I'll be graduating college with my chosen course, engineering. But I have to give way.Kapag naka-ipon na ako ng malaki saka ko na ipagpapatuloy ang college. Na-motivate ako nun kay sir Stan. Sabi niya maari tayong tumigil sa karera pero hindi ibig sabihin susuko na tayo.Nakaka-inspired diba?***"Here you go ma'am and sir. Enjoy your date," ani ko saka binigyan sila ng matamis na ngiti matapos kong mailapag ang order nila.Nag-thank you naman sila saka ko tinalikuran para maasikaso ko naman ang order ng iba. Malakas nga ang cafe na ito, dinarayo pa nga ito mula sa iba't-ibang lugar pati nga rin mga taga ibang bansa. Masarap kasi talaga ang servings dito.Araw-araw yata ay wala akong pahinga sa pag-seserve at kung makaka-upo man ay oras lang ng lunch break. Di bale, masaya naman akong makitang nakangiti ang mga tao sa loob ng cafe.***Natapos ang araw na iyon na sobrang pagod ang aking katawan. Ramdam ko 'yon habang papasok ng bahay. Bumungad sa'kin ang matamlay at naka-busangot na mukha ni mama. Wala pa si papa marahil ay nag-iinom na naman iyon.Tantiya ko'y mag-aalas sais na ng gabi pero wala parin ang mga kapatid ko. Baka may project ang mga iyon sa eskwelahan."Magandang gabi ma," bati ko sa kanya.Agad 'kong tinungo ang lamesa upang makahanap ng pagkain."Walang ulam diyan, wala akong pambili. Pambihira natalo na naman ako sa tong its." Ramdam ko ang gigil sa kanyang boses."Ako nalang po ang bibili ng ulam para sa hapunan," ani ko sa kanya."Mabuti pa nga," wika niya sa'kin.Tatalikod na sana ako papuntang kwarto nang biglang may pahabol siyang sinabi sa'kin."Monina, 'yong bill kasi ng kuryente nandito na tsaka si Zemuel nanghihingi ng pam-project eih wala akong maibigay. Baka pwedeng ikaw na muna ang mag-bayad at mag-bigay kay Zemuel?" Pakiusap ni Mama sa'kin."Sige ma, ako ng bahala," ani ko sa mahinang boses saka tuluyang pumasok sa kwarto.Di na naman bago iyon sa'kin. Minsan nga nag-sasabay pa ang lahat ng bayarin sa bahay pero kahit kailan hindi ako nag-reklamo. Nakakapagod kung iisipin, hinihiling ko kung kailan matatapos ang bisyo nilang mama. Hirap na nga nag-bibisyo pa, isang beses lang ako nagalit pero hindi naman nila ako pinakinggan kaya hinayaan ko na lamang sila sa kanilang gawain.Darating ang araw maiisip din nila na hindi tama ang pag-bibisyo. Mamumulat din sila.Kaya ako, kailangan kong tapangan ang loob ko, kailangan kong magsumikap. Mabait naman ang magulang ko, nararamdaman ko naman na mahal nila ako kaya lang mali ang ipinapakita nila sa amin ng mga kapatid ko. Mahal na mahal ko rin sila kaya kahit masakit at nakakapagod, kailangan kong maging masipag para sa kanila at para sa sarili ko.Magulang ko parin sila, nirerespeto ko sila bilang isang magulang na nag-bigay ng buhay sa'kin. Kung bakit ako naririto iyon ay dahil sa kanila. Ayokong mag-tanim ng galit at kamuhian sila dahil hinayaan nila kami, ako na maging ganito. Basta't kumpleto kami ay okay na ako, basta't kasama ko sila sa araw-araw ay magiging masaya na ako. Hangga't hindi nila ako sinasaktan ng pisikal ay walang kaso iyon sa'kin at hangga't hindi sila nanghihingi ng pera sa'kin para iwalwal sa bisyo nila ay walang problema din iyong sa'kin.Maraming mga anak ngayon ang walang mga magulang. Ang iba ay itinaboy o pinalayas, ang iba ay hinahayaan na malulong sa droga at makagawa ng krimen. Ang nakakalungkot ay iyong mga anak na namatayan ng magulang. Wala silang makakasama upang harapin ang bukas at walang mag-aalaga sa kanila kapag nagkaka-sakit.Ako, kahit ganito ang set-up namin ay kuntento na ako. Sinasabayan ko na lamang ang bawat problema sa pamamagitan ng pag-tawa. Ayokong isipin lagi lahat ng mga pag-subok sa buhay ko at baka ma-stress lang ang beauty ko."Alam mo bes, mag-bar kaya ulit tayo"? Suhestyon ni Joannah habang umiinom ng milktea.Andito kasi kami sa park at dahil linggo ngayon ay day-off ko."Ayoko nga at baka di mo na naman ako siputin," ani ko habang nginunguya ang burger.Ang sarap talaga ng burger tsaka milktea. Kaya kada araw ng linggo ay tinitreat ko ang aking sarili sa pagkain katulad nito."Bes, doon tayo sa FDS Bar," wika pa niya habang kumikinang ang mata.Ano kaya ang iniimagine ng bruhang 'to?"Bes, gusto ko makapasok ng high-class na bar at maka-bingwit ng rich hot guy." Para pa siyang kinikilig sa naiisip."Ambisyosa ka talaga bes, hindi na tayo makaka-pasok sa bar na 'yon. Eih, hindi ko nga alam na private bar pala 'yon mabuti na lamang at nalingat ko ang bouncer kaya ako nakapasok doon," litanya ko."Oo nga, pero may chance pa naman para maka-pasok tayo doon," tila nabuhayan ang kanyang boses sa ideyang pumasok sa isip niya."Ano naman?" Tanong ko habang ninanamnam ang sarap ng milktea."Iyong tumulong sa'yo,
Maganda ang gising ko ngayon, epekto siguro ng magandang tulog. Lately kasi, wala naman naging masyadong problema kaya hindi sumasakit ang ulo ko. Nabayaran ko na rin kasi ang bill ng kuryente tsaka nabigyan ko na ng pam-project si Zemuel. Kakasweldo ko lang kasi noong nakaraang araw kaya gumagaan 'yong pakiramdam ko.Syempre hinati ko para sa gastusin sa bahay pati pag-aaral ng mga kapatid ko tsaka 'yong kalahati ay para sa ipon ko.Masaya na naman ang mga magulang ko malamang kasi hindi na sila gagastos masyado sa bahay.Bago ako lumabas ng kwarto ay nag-handa muna ako para sa trabaho. Nag-bihis ako ng aking uniform tsaka di ko muna tinanggal 'yong towel sa ulo ko para mabilis ma-tuyo ang buhok ko, wala kasi akong dryer eih wala pa 'yon sa budget ko kaya tiis-tiis muna sa towel. Nasa sala kasi 'yong salamin namin nakalagay kaya mamaya nalang ako magme-make up pagka-tapos kumain.Nadatnan ko si Shane at Zemuel sa hapag na maganang kumakain."Goodmorning sa pinaka-magandang ate sa bal
"Monina," tawag sa'kin mula sa isang boses lalaki.Napabaling ang atensyon ko sa lalaking tumawag sa'kin, pag-lingon ko'y si sir Stan pala at kalalabas lang mula sa kanyang kotse na naka-park sa gilid ng cafe. Mukhang kararating niya lang siguro at napansin ang mga taong nag-kukumpolan kaya agad siyang tumawid sa kalsada upang puntahan ako."What is happening here?" Tanong niya nang makarating siya sa kinatatayuan ko." Why are they looking at you? May nangyari bang masama?" Dagdag na tanong niya.Hinawakan niya ang braso ko saka napaigik ng mapansing mahapdi ito."Sir Stan," d***g ko dahil sa mahapdi talaga lalo pa't may konting diin ang pagkaka-hawak niya.Agad naman niyang binitawan ang braso ko ng makuha niya ang klase ng tingin ko sa kanya."May nail scratches ka," wika niya. Bumilog ang kanyang mga mata sa gulat.Nakita kong may pag-aalala sa mga mata niya habang nakatingin sa sugat ko."Muntik na kasing nakawin ang bag ko sir kaya hindi ko naman hinayaan na makuha ng magnanakaw
May utang na loob din naman ako sa taong to kaya pagbibigyan ko siya at dapat nga ako ang mag-yaya sa kanya pero siya pa itong nagyaya ng dinner sa'kin. Nakakahiya naman kung tatanggihan ko 'yong tao."Hindi mo man lang ako tinanong kung ayos lang ba sa'kin," pahayag ko saka bumusangot.Ngumuso pa ako ng konti. Napaka-bossy naman nito."Stop that." May diin niyang sabi."Stop that face of yours," ani niya tsaka para siyang may pinipigilan.Agad naman bumalik sa normal ang mukha ko."Ngayon na ba?" Tanong ko sa kanya.Hindi ko alam kung maiilang ba ako sa titig niya. His eyes was really something, it was so dark and deep nasa tuwing gumaganti ako ng titig sa kanya ay parang lalamunin ako ng dilim. Pero hindi man lang ako nakaramdam ng takot sa klase ng tingin niya."Yes." Agad siyang tumalikod sa'kin saka nag-umpisang mag-lakad.He was also unpredictable. Talikuran ba naman ako bigla. Pabago-bago ng mood."Frelan," sigaw niya na ikinakunot ko."What?" Talagang nag-sisigawan na kami dah
Sinubukan 'kong ibalik sa normal ang tibok ng puso ko pero nang bumaba ang tingin ko sa kamay niyang hawak ang pulsohan ko ay mas lalo lamang di ko mapigilan ang pagwawala nito.Hindi na ako umimik pa dahil kahit kontrahin ko siya ng paulit-ulit ay hindi naman siya magpapatalo. Siya dapat ang nasusunod.Nang makarating sa entrance ng restaurant ay may lumapit na isang lalaki. Naka-uniform ito at mukhang trabahante ng restaurant."Good evening sir Dela Sie…" Hindi niya naituloy ang pag-bati nang senyasan siya ni Frelan na huminto.Nakumpirma ko ngang trabahante at isang valet parking attendant ang lalaki ng ibigay ni Frelan ang susi sa kanya."Good evening madame," bati niya sakin nang mapansin niya ako.Ginantihan ko naman siya ng matamis na ngiti."Goodevening din sa'yo," ganting-bati ko."Do you like your job?" Tanong ni Frelan sa lalaki. Hindi iyon normal na tanong sa pandinig ko dahil sa madiin na tono ng boses ni Frelan.Agad itong tumango bilang tugon at kapansin-pansin pa ang pa
Hindi nag-tagal ay dumating ang order namin. Namangha pa ako sa mga pagkaing nasa aking harapan. Maganda ang plating at halata namang hindi basta-basta ang chef ng restaurant.Kaagad din naming sinimulan ang pagkain. Ninanamnam ko pa ang unang subo at bigla akong nanibago sa lasa. Ngayon palang talaga ako makakatikim ng pagkaing mayaman. Masarap naman kaya kalaunan ay na-eenjoy ko na ang pagkain.Tahimik lamang si Frelan at minsa'y nahuhuli ko siyang tumitingin sa'kin."Costumer ka ba ng bar?" biglaang tanong ko."I work as a bartender in FDS Bar," sagot niya.Ang hinhin niyang kumain tsaka ang sexy niyang panoorin habang gumagalaw ang panga niya dulot ng pag-nguya. The way he moves is like he was been trained to eat properly at the table."Cool." Napa-wow pa ako dahil sa nalaman.Ang cool kaya ng mga bartenders. Imagine, they are good in mixing alcohols. Tas marunong din sila mag-tricks katulad ng pagpapalipad ng bote sa ere tas sasaluhin."So, marunong kang mag-palipad ng bote sa er
Alas-diyes na ng gabi at sigurado akong nasa tindahan parin si Joannah ng mga oras na ito. Malapit lang naman ang kanilang tindahan kaya nilakad ko na lang. Hindi naman nakakatakot dahil may mga tao pa naman na palaboy-laboy sa daan. Ang ibang tao pa nga na nadadaanan ko ay medyo kakilala ko na kaya palagay ang loob ko habang naglalakad.Nang makarating sa tapat ng tindahan ay tumigil ako ilang hakbang mula sa tindahan nila. Nakita ko ang bruha na busy sa pagliligpit ng mga tinda dahil oras na ng pagsasarado.Hindi 'ko siya tinawag bagkus ay hinintay ko na mapansin niya ako."Bess," tawag niya sakin saka agad niya akong nilapitan nang mapansin niya ako. Nagulat pa nga siya na makita ako sa kanilang tindahan. Alam niya kasing 'di ko siya madadalaw kapag may trabaho ako at dapat ngayon ay nagpapahinga na ako.Una'y chineck-up niya ako saka kinapa-kapa ang bou 'kong katawan animo'y may hinahanap. Para naman 'tong security guard 'kong makakapa sa'kin."Tumigil ka nga." Hinawakan ko ang k
THIRD PERSON:Si Nestor na lamang ang inaasahan ng kanyang pamilya, may sakit sa baga ang kanyang asawa samantalang ang tatlo niyang anak ay nasa murang edad pa lamang.Sinubukan na niyang mag-apply ng iba't-ibang trabaho ngunit sa karenderya ang kanyang bagsak bilang isang dishwasher. Dalawang-libo ang kanyang sahod kada-buwan ngunit hindi iyon sumapat para sa pang araw-araw na gastusin.Isang araw ay pikit-mata siyang nag-plano ng isang krimen. Ang kanyang unang biktima ay isang hindi katandaang babae, may dala itong mamahaling shoulder bag habang papalabas ng mall. Papuntang parking lot ang babae kaya napalagay ang loob ni Nestor nang makitang walang masyadong tao.Inayos muna ni Nestor ang kanyang sout na lumang sumbrero tsaka mask upang itago ang kanyang mukha. Hinay-hinay siyang lumapit sa babae habang abala ito sa pag-sususi ng kotse. Doon ay agad na isinakatuparan ni Nestor ang masamang binabalak. Agad niyang nahablot ang shoulder bag ng babae saka agad na kumaripas ng takbo p
Masasabi kong isa na siguro ito sa pinakamasayang araw ng buhay 'ko. Pagkatapos namin manguha ng sea shells at nagpahinga ng ilang minuto ay agad kong inaya si Frelan na gumawa ng sand castles. Tatlong sand castles pa nga ang nabuo namin kaya nang mag-sawa ay si Frelan ang sunod kong pinag-tripan. Ipinahiga 'ko siya sa buhanginan saka 'ko siya tinabunan ng maraming buhangin, iyong tipong hindi na makita ang katawan niya at tanging ang kanyang ulo na lang ang hindi natatabunan. Habang ginagawa 'ko iyon sa kanya ay hindi halos maipinta ang kanyang mukha pero hindi naman siya umaangal habang ako'y natatawa. Siguro nga ay pinagtitinginan na ako ng mga tao ngayon dahil sa hindi 'ko ma-control ang lakas ng pagtawa ko pero wala sa kanila ang atensyon 'ko kundi na kay Frelan lang. Sumasakit na nga ang tiyan 'ko sa katatawa eih pero napawi din iyon nang siya naman ang nag-aya na maligo kami ng dagat.Bigla akong nakaramdam ng takot sa isiping pupunta kami sa malalim na parte ng dagat. Aangal na
We are walking out of the hospital as Frelan possessively wrapped his arms around my waist. I have observed that every time we pass a doctor or nurses they immediately bow down their heads.Kapansin-pansin kung paano nila kami titigan lalo na kay Frelan. Ang mga mata nilang may respeto, takot at paghanga habang titig na titig sila kay Frelan. Hindi rin nakatakas sa paningin 'ko lalo na sa mga kababaihan kung paano sila tumingin, may inggit at panghuhusga. Bigla tuloy akong nakaramdam ng pagtataka.Sino ba naman ang hindi maiinggit kung may kasama akong gwapong nilalang, siguro ay maiintindihan 'ko pa iyon pero ang isiping bakit ganoon na lamang sila kung makatingin sa'min lalo na kay Frelan ang siyang mas ikinataka 'ko. Hindi 'ko alam ang dahilan kung bakit ganoon sila kung makatitig na para bang si Frelan ay isang hari na dapat na respetuhin, na dapat katakutan at higit sa lahat ay ang labis na paghanga.I looked up at Frelan but I can't find any emotions from his face instead it was
Nagising ako ng maaga at napansin na wala si Frelan sa tabi 'ko. Inilibot 'ko ang aking paningin ngunit ni anino niya ay hindi 'ko mahagilap. Bumangon ako upang silipin sana ang banyo ngunit biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Frelan.Agad na lumaganap ang panlalaking niyang amoy ngunit hindi iyon masakit sa ilong bagkus ay gusto 'ko na lamang iyon manatili sa ilong 'ko. Napansin kong bago siyang ligo dahil sa mamasa-masa at magulo niyang buhok.He was wearing a beach shorts and white sando that almost drop my jaw because of too much adoration. Ang braso niyang mamutok-mutok ang muscles at ang lapad ng dibdib niya ay lumilitaw. Paniguradong pagpapantasyahan siya ng mga babae sa labas at baka nga siguro ay maging ang mga lalaki ay maiingit sa perpektong katawan ni Frelan, idagdag pa ang kagwapuhan niya na mala-gods.Napansin kong may bitbit siyang kape na nakalagay sa styro-foam at isang box na mukhang ang laman ay tinapay. May tatak pa iyon kung saang store niya nabili at muk
May pangyayari talaga na hindi kapani-paniwala. Katulad nalang sa'kin, muntik na akong malunod at mamatay, alam kong lahat ay may dahilan kung bakit buhay pa ako ngayon. Hindi talaga ako pinapabayaan ng Diyos kahit papaano. Nakakapanghinayang lang ang moment na 'yon, ang mapanood ang mga ibon na malayang lumilipad at naghahanap ng makakain sa dagat habang sinasabayan naman sila ng mga dolphins ay talagang napaka-gandang panoorin.I heaved a sigh. When will I get to watch that beautiful scene again? Kung hindi lamang dumating si Frelan sa buhay 'ko ay hindi ako makakapag-beach. Bukod sa may trabaho ako at siyempre ang gastusin ang mga pangunahing dahilan kung bakit wala pa sa isip 'ko ang mag-relax."Frelan, hindi naman ako lumpo. Kaya 'ko naman kumain ng mag-isa," pagpipigil 'ko kay Frelan.Ramdam 'ko ang kahihiyan at ang pag-init ng pisnge 'ko habang sinusubuan niya ako ng pagkain. Siguro namumula na itong pisnge 'ko ngayon."No." His face was plain and serious.Hindi 'ko na mabilang
Hindi ako makahinga habang pilit akong kumakapa at lumalangoy paitaas. Wala akong makita, ang kadiliman sa ilalim ng dagat ang mas lalong nagpa-tibok ng puso ko at wala akong makitang senyales ng araw sa tuwing tumitingin ako sa taas. Ramdam 'ko ang lamig ng tubig ngunit hindi ito naging hadlang upang tumigil ako sa paglangoy.Kailangan kong makaahon, kailangan kong mailigtas ang sarili 'ko! Kailangan pa ako ng pamilya 'ko! Pilit 'ko itong itinatak sa aking isipan upang hindi ako panghinaan ng loob.Paano nga ba ako napunta dito?Ibinuhos 'ko na ang natitirang lakas sa pag-langoy habang kaya 'ko pa ngunit parang hindi naman ako umaahon paitaas. Hindi 'ko na alam kung ilang oras na akong lumalangoy pero palagay 'ko ay wala namang nangyayari bagkus ay nakaramdam pa ako na may kung ano ang pumipigil sa'kin. Napatingin ako sa aking paa at ganoon na lamang ang pag-tigil ng tibok ng puso 'ko.Ang boung pamilya 'ko, nakahawak sila sa aking dalawang paa. Hindi 'ko makitaan ng anumang emosyon a
Ilang beses na ba akong natitigan ni Frelan pero hindi parin pala ako nasasanay at nakakailang parin talaga."M-mag-bihis ka na nga," utal na wika 'ko sa kanya.Sa tuwing ganyan ang klase ng titig niya panigurado dapat na naman akong kabahan at baka kung saan na naman mapunta ito. Bago niya ako daanan papuntang banyo ay kita 'ko pa ang pagngisi niya.Hindi ako umalis at nag-pasyang hintayin si Frelan sa tapat ng pinto. Maya-maya'y lumabas na siya suot ang isang rashguard na panlalaki.Just wow! Hindi 'ko maiwasang mapatitig sa bou niyang katawan lalo na sa pagitan ng kanyang hita. Umuumbok iyon at mukhang malaki. Malaking-malaki. Bigla 'ko tuloy naramdaman ang pag-init ng aking pisnge.Hala! Ano ba itong iniisip 'ko. Kasi naman ang fit ng rashguard na suot niya, paanong hindi babakat aber. Ang halay 'ko nang mag-isip."I like the way you stare at my body especially…" Sinundan 'ko nang tingin si Frelan sa kung saan dumapo ang kanyang mga mata at mas lalong uminit ang pisnge 'ko nang map
Nagising ako mula sa mahimbing kong pagkakatulog. Magaan naman ang aking pakiramdam nang ako'y magising maliban na lamang sa konting pananakit ng aking kalamnan.Aalis na sana ako sa kama ng bigla na lamang pumasok sa isipan 'ko ang nangyari kanina. Parang kidlat iyon na tumama sa'kin nang unti-unti kong maalala ang bawat kaganapan mula doon sa lalaking tumulong sa'kin hanggang sa nangyari ang hindi dapat. Ewan 'ko ba pero nang maalala 'ko ang ginawa ni Frelan sa'kin kanina ay naramdaman 'ko na lamang ang pisnge 'ko na umiinit.Imagine, he just saw my whole body totally naked and the embarassing part was he ate my sensitive part.Suddenly my eyes widened when I remembered the last thing before I fall asleep. I remembered I was naked so I immediately looked at my body under the sheet. I was relieved when I have my pajamas on and a loose t-shirt.Sino kaya ang nagbihis sa'kin? Is it Frelan? Teka nga, ilang oras ba akong nakatulog.Bumangon ako at umupo sa gilid ng kama pero laking gulat
Hindi 'ko na mabilang kung ilang beses tumama ang kamao ni Frelan sa mukha ng lalaking estranghero. Hindi ako makagalaw, natatakot ako. Ramdam 'ko ang nginig sa aking kalamnan lalo na ang makitang duguan ang mukha ng lalaki. Hindi na ito makapalag dahil sa nanghihina na ito."F-frelan," tawag 'ko sa atensyon niya.Hindi 'ko alam kung mahina ba ang boses 'ko dahil hindi man lang niya ako nililingon. Diyos ko po, makakapatay yata si Frelan. Kailangan 'ko siyang pigilan.Agad akong lumapit sa lalaki upang maharangan 'ko ang kamao ni Frelan. Alam kong walang silbi itong ginagawa 'ko at maaaring sa akin lumapat ang kamao ni Frelan pero wala na akong pakialam.Pikit-mata kong hinintay ang kamao niya habang sumisigaw. "Tama na, please lang!"Ilang segundo ang lumipas ay hindi ako nakaramdam ng anumang sakit. Unti-unti 'kong ibinuka ang aking mata at doon ay nakatagpo 'ko ang itim na itim na mga mata ni Frelan.He's furious. It was written all over his face. His jaw clenched as he looked at
Habang yakap niya ako'y biglang kumalam ang tiyan 'ko. Anong oras na ba at nagkakagulo itong mga bulati 'ko sa tiyan."Frelan," tawag 'ko sa kanya."Hmmm."Kumalas ako sa yakap niya saka 'ko siya hinarap."Pwede ba tayong kumain?" nahihiyang tanong 'ko."Ofcourse, why didn't you tell me that you're already hungry?" He stated with his strict voice."Ngayon lang naman ako nakaramdam ng gutom." I touch his face softly.He's overthinking again. Nagutom lang ako ay nagkakaganyan na siya. How sweet naman."Let's go." Hinila niya ang isang kamay 'ko.Hindi 'ko alam kung saan niya ako dadalhin. Tuloy-tuloy lamang ang lakad namin hanggang sa pumasok kami sa isang restaurant.Nangangamoy pagkain ang loob na mas lalong ikinagutom 'ko. Hindi 'ko mapigilan na mapatingin sa bawat nadadaanan namin kung saan may mga taong enjoy na enjoy sa kanilang pagkain.Huminto kami sa pandalawahang lamesa at kaagad na may lumapit na isang waiter. Agad nitong ibinigay ang menu kay Frelan. Nag-taka pa nga ako kung