Sinungaling. All this time my girlfriend pala siya. See, pare-pareho lang sila. May girlfriend na, pero nagagawa pa ring mababae. Tama lang ang ginawa ko. Tama lang ang desisyon ko na maaga pa lang ay kalimutan ang nangyare. Tama lang na kalimutan 'yun."Manonood kayo ng sine? Sabay na kami, manonood din kami," sambit ni Sir Ian, pero hindi ko na siya tinignan. Hindi ko alam, pero pakiramdam ko ay para akong nawalan ng lakas. Hindi ko narinig ang pagsang-ayon ni Gio, pero nakikita ko na lang na sabay-sabay naming tinungo ang sinehan."Are you okay? Bakit ang tahimik mo ata ngayon?" Napasulyap ako kay Gio nang bulungan niya ako. Nasa loob na kami ngayon, pero hindi pa nag-uumpisa ang palabas. Nakaupo na kami. Sa gitna ang napili naming upuan. Si Gio, Ako, Si Gellie at Sir Ian, ganoon ang arrangement ng upuan namin. "I'm fine," sambit ko sa kanya at tipid na ngumiti."Erold, Hindi mo sinabi na tutuloy ako sa bahay mo? Chester texted me, and he offer that I'm free to stay to your hous
Last Updated : 2022-11-15 Read more