Home / Romance / Just a Bride, Not a Wife / Chapter 81 - Chapter 90

All Chapters of Just a Bride, Not a Wife: Chapter 81 - Chapter 90

96 Chapters

Kabanata 81- Acceptance

“Mars, napag-isip isip ko, na kailangan ko ng umuwi sa amin. Nakahanda na akong harapin ang pamilya ko at sabihin sa kanila ang lahat. Doon na rin ako sa amin magpa-prenatal”, wika ni Valerie matapos silang maghapunan ng kanyang kaibigan.“Masyado na rin kasi akong nakapagbigay ng perwisyo sa iyo eh! Hindi ka na nakapagtrabaho dahil sinamahan mo ako rito”, dagdag na sabi niya.“Okay lang naman mars! Walang problema ‘yon! Pero mas mabuti rin naman na umuwi ka sa inyo para lalo kang maaalagaan du’n. Alam ko namang mauunawaan ka ng pamilya mo”, mahinahong tugon ni Faye.Tinanguhan lang niya ito at bahagyang nginitian.“Oo nga pala mars, naubusan na tayo ng stock kaya mamamalengke ako mamaya!”, sabi ni Faye, habang nagtutupi ito ng mga damit.“Uhm, sasama ako mars! Nakaka-bored naman kasi dito sa apartment eh!”“Ok sige, mas mabuti!”, nakangiting tugon ni Faye.*****SA LOOB NG MALL…“Mars, okay lang ba kung pupunta muna tayo sa third floor? Bibili lang ako ng mga maternity dress. Syempre
last updateLast Updated : 2022-10-31
Read more

Kabanata 82- Misinterpretation

Excited na excited si Faye nang sabihin niyang nagyaya si Ivan na mamasyal sila sa mga magagandang tanawin sa Cauayan, Isabela. Alas syete pa lang ng umaga handang-handa na ang mga gamit pati na rin mga baong pagkain. Kaya nang dumating si Ivan para sunduin sila, hindi na sila natagalan pa at nakaalis kaagad sila.Tuwang-tuwa si Faye at panay ang kwento nito sa loob ng sasakyan. Tawa ng tawa naman si Ivan sa mga pagbibiro nito. Akala niya galit pa ito kay Ivan pero kasi kilala naman niya ang kanyang kaibigan. Hindi ito nagtatanim ng galit sa kahit sinuman.Patuloy sa pagkukwentuhan ang dalawa habang siya naman ay matamlay ang pakiramdam, siguro nga dala ito ng kanyang pagbubuntis. Pero kailangan niyang libangin ang sarili niya, tutal naman at uuwi na rin siya sa kanilang probinsya sa makalawa, kaya susulitin na lamang niya ang panahon habang nandito pa sila sa Isabela."Val, okay ka lang ba? Ba't tahimik ka?", nag-aalalang tanong ni Ivan nang mapansin nitong tahimik siya. Nakaupo siya
last updateLast Updated : 2022-11-01
Read more

Kabanata 83- Staying Away

"Val, pwede mo namang sabihin sa akin kung anong problema mo. Makikinig ako Val", buong pag-aalalang sabi ni Ivan. Nakikita naman niya sa mga mata nito ang sincerity at sa tingin niya'y may hinala na rin ito sa tunay niyang kalagayan."Ivan, b---buntis ako, at si Lester ang ama", mahinang wika niya kasabay ng paglaglag ng mga butil ng luha sa kanyang mga mata.Wala siyang narinig na anuman mula rito, kundi ang isang malalim na buntung-hininga. Sinikap niyang pigilan ang kanyang sarili dahil ayaw niyang mapahagulgol sa harap ni Ivan. Tiningnan niya ang lalaki ngunit, nakayuko lang ito na waring may malalim na iniisip. Makaraan ng ilang sandali, nag-angat ito ng tingin at tumitig ito sa kanya."Alam na ba ito ni Lester?", malungkot na tanong nito.Umiling lang siya at huminga ng malalim habang ang mga mata'y nakatutok sa mga batang naglalaro sa playground."Bakit hindi mo naman sinabi sa kanya Val? May karapatan naman siyang malaman ang totoo""Useless na rin kung sasabihin ko sa kanya
last updateLast Updated : 2022-11-02
Read more

Kabanata 84- Press Release

"Damn you Lester!", isang malakas na sampal ang tumama sa mukha niya nang bigla siyang puntahan ni Scarlet sa kanyang opisina. Hindi niya alam kung sino ang nagsabi nito na nasa Maynila na siya. Wala naman siyang sinabihan. Baka may inutusan ang babae para magmanman sa kanya."Sir---sorry po. Bigla na lang po kasi siyang---", paumanhing wika ng kanyang secretary, na noo'y nakasunod kay Scarlet.'It's okay Mrs. Reyes. Iwanan niyo muna kami."Tumalima naman kaagad ito at maingat na isinara ang pinto. "You'll gonna pay for what you have done, Lester!!!", sigaw muli ng babae."Ikaw pa ba ngayon ay may ganang magalit Scarlet? Pagkatapos ng pangba-black mail na ginawa mo sa akin? Now get out, bago ako tuluyang makalimot at mapatulan pa kita. Get out!!!", bulyaw niya rito.Bago umalis ang babae, ay tiningnan muna siya ng matalim na tingin. "Hindi pa tayo tapos Lester!!!"Nang makaalis na si Scarlet, napasuntok siya sa kanyang mesa. Hindi niya akalaing bigla itong susugod at manampal sa kany
last updateLast Updated : 2022-11-05
Read more

Kabanata 85- "Please don't leave me..."

"Mars, mars ,halika nga dito! Bilisan mo!!", natatarantang sigaw ni Faye "Bakit mars? Anong nangyari? Hindi pa ako tapos maghugas ng pinggan!", pasigaw din niyang tugon. Hindi niya maintindihan kung bakit parang natataranta ang boses nito. Hanggang sa hindi na talaga ito nakapagpigil at pinuntahan siya sa kusina. "Mars, halika ka muna! Tingnan mo, nasa TV si Lester, may live interview siya!", sabi nito sabay hila sa kanyang kamay. "Mars, ayaw kong tingnan,masasaktan lang ako! Sigurado akong tungkol lang sa kanilang dalawa ni Scarlet ang sasabihin nu'n kaya hindi ko na kailangang marinig pa". "Hindi mars, hindi niya kasama si Scarlet, halika ka na!", giit nito sa kanya. Wala na siyang magawa kundi sumunod na lamang sa sala, at magkatabi silang naupo sa sofa habang nakaharap sa 40 inches na telebisyon. Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib nang unang tumambad sa kanyang paningin ang gwapong mukha ng lalaking tanging laman ng kanyang puso't isipan. Nakasuot ito ng corporate attire at n
last updateLast Updated : 2022-11-05
Read more

Kabanata 86- Far From Each Other

Hindi na naabutan ni Valerie si Lester dahil nakaalis na ang eroplano papuntang France. Wala siyang magawa kundi umiyak na lamang. Hanggang dito na lamang ba ang kanilang pagmamahalan? Maraming tanong sa isip niya na hindi niya alam ang sagot. Ang alam lang niya ay mahirap mabuhay ng wala ang lalaking pinakamamahal niya.Laglag ang kanyang mga balikat at mabigat ang mga hakbang niya pabalik sa terminal 4 kung saan naghihintay sa kanya si Faye. Patuloy pa rin ang pag-agos ng kanyang mga luha at wala siyang pakialam kahit pagtitinginan pa siya ng mga tao."Mars!!!", sambit ni Faye sa kanya nang makarating na siya sa kinaroroonan nito. Tumayo ito at sinugod siya ng yakap. Palibhasa'y alam na nito na hindi niya naabutan si Lester dahil sa malungkot niyang itsura. Umiyak siya ng umiyak sa balikat ng kanyang kaibigan habang patuloy naman ito sa pag-apuhap sa kanyang likod."Mars, tama na 'yan! Baka mapa'no ka na niyan at maapektuhan pa ang bata sa tiyan mo!", pag-aalalang wika ni Faye."Mar
last updateLast Updated : 2022-11-06
Read more

Kabanata 87

Habang sakay sila ni Faye ng bus papuntang Mindoro, hindi niya maiwasang mag-isip sa magiging reaksyon ng kanyang pamilya tungkol sa kanyang pagdadalang-tao. May pagka konserbatibo pa naman ang kanyang ina dahil lumaki din sa conservative na pamilya. Baka hindi matanggap ng mga magulang niya na magiging dalagang ina siya. Baka mawala ang respeto ng kanyang mga kapatid sa kanya. Samut-saring mga bagay ang kanyang naiisip. Wala naman siyang pakialam sa kung ano man ang sabihin ng ibang tao. Ang mas inaalala niya kung matatanggap ba siya ng kanyang pamilya. Dahil dito, hindi siya mapakali. Balisang-balisa siya kaya hindi siya makatulog. Nilingon niya sa tabi si Faye, pero natutulog pala ito kaya wala siyang makakausap. Kinuha na lamang niya ang kanyang cellphone at nagtingin-tingin sa mga pictures sa kanyang gallery. Hanggang sa nakita niya ang pictures na kinuha niya noon sa tagged post ni Lester. Nanggaling 'yon sa photographer na kumuha ng larawan sa kanila noong time na ginawa ang pe
last updateLast Updated : 2022-11-07
Read more

Kabanata 88- Family Love

"Tay, nay, sorry po. Hindi ko po sinasadya eh!", tuluyan ng nalaglag ang kanyang mga luha. Hindi niya mapigilang umiyak lalo na't kaharap niya ang kanyang pamilya. "So anong ibig mong sabihing umalis 'yong lalaking nakabuntis sa iyo? Tinakasan niya ang kanyang responsibilidad?", galit na wika ng kanyang ama, habang nakakuyom ang mga palad nito. Ang kanyang ina't mga kapatid naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanila. "Tay, hindi naman po kasi alam ni Lester na buntis ako eh! Tay, nay, sorry po patawarin niyo ako kung nagiging kahihiyan ako ng pamilya natin", tuluyan na siyang humahagulgol. Si Faye naman na katabi niya sa upuan ay patuloy lang sa pag-apuhap sa kanyang likod. "Mars, tama na, makakasama 'yan sa baby mo!", sabi nito. "Tay, nay, nagmahal lang naman po ako. Hindi ko naman naisip na mangyari ito. Naging kumplikado lang ang lahat. Wala pong kasalanan si Lester nay!!!" "Diyos ko namang bata ka!", wika ng kanyang ina at sinugod siya ng yakap. Mas lalo tuloy siyang napah
last updateLast Updated : 2022-11-09
Read more

Kabanata 89- The Shocking Truth

Pangatlong araw na ni Lester sa France at nararamdaman na niya ang sobrang pagkabagot. Hindi kasi siya sanay nang walang ginagawa. Bigla niyang naisip ang pagbrika. Bagama't mapagkakatiwalaan naman ang kanyang assistant ngunit hindi pa rin niya maiwasang mag-alala sa kalagayan nito ngayong nasa ibang bansa siya. Upang hindi siya gaanong ma-bored sa hotel sumasama na lamang siya kay Zha zha sa mga modeling rehearsals nito. Kaya tuloy napagkamalan siyang boyfriend ng babae. "Les, okay ka lang ba?", tanong ni Zha zha sa kanya nang mag lunch-break ito. "Okay lang ako Zha, naisip ko lang ang pabrika" "So anong plano mo ngayon, uuwi ka na ba ng Pilipinas?" "Maybe next week Zha. Wala din naman kasi akong magawa dito eh!", matamlay niyang sabi. "O sya, kakain muna tayo Les, nagugutom na ako eh. Babalik pa kami mamayang ala una, kaya doon lang tayo sa malapit na restaurant kakain. Nasa tabi lang naman nitong building kaya lalakarin lang natin", sabi nito sabay hila sa kanyang kamay. "U
last updateLast Updated : 2022-11-12
Read more

Kabanata 90- Expect the Unexpected

Kahit anong pilit niyang maging masaya lagi pa ring may kulang sa buhay niya. Oo nga kasama niya ang kanyang pamilya at tanggap na ng mga ito ang kalagayan niya, ngunit hindi pa rin kumpleto ang kaligayahan niya. Sa kaibuturan ng kanyang puso'y may malaking kahungkagan at iisang tao lang ang tanging makapagpupuno nito---si Lester!"Anak, hindi ka ba maliligo? Tingnan mo ang mga kapatid mo oh! nag-eenjoy habang nagtatampisaw sa tubig na parang mga bata", nakangiting wika ng kanyang ina habang nakatingin ito kina Aises at Bela. "Dito na lamang po ako nay, masaya naman po ako habang tinitingnan ko sila.""Mars!!! Halika nga dito, magswimming tayo!", tawag sa kanya ni Faye, habang tuwang-tuwa ito sa pakikipaghabulan sa kanyang mga kapatid.Ngunit wala talaga siyang gana, matamlay ang kanyang pakiramdam. Paborito pa naman niyang maligo sa dagat. Naalala niya noong nasa elementarya pa lamang siya, umiiyak talaga siya kapag hindi siya nakakaligo sa dagat. Kaya lagi silang nagpi-picnic tuwin
last updateLast Updated : 2022-11-12
Read more
PREV
1
...
5678910
DMCA.com Protection Status