Home / Romance / Just a Bride, Not a Wife / Chapter 71 - Chapter 80

All Chapters of Just a Bride, Not a Wife: Chapter 71 - Chapter 80

96 Chapters

Kabanata 71-

Laking pasalamat niya nang sabihin ng doktor na ligtas na sa panganib si Ivan. At kahit maraming dugo ang nawala ngunit buti na lang at naabunuhan kaagad. Narinig niya ang pag-uusap ng doktor at ni Madam Elena dahil hindi pa siya umalis sa kanyang kinauupuan hangga't hindi niya nalalaman ang totoong kalagayan ng lalaki. Pagkatapos niyang malaman ang sitwasyon ng lalaki, nagmamadali siyang umalis kasi ayaw niyang magkita na naman sila ni Madam Elena. Baka may sasabihin itong hindi maganda sa kanya, at hindi siya makapagpigil. Sapat ng nalaman niyang ligtas na sa panganib si Ivan at kung may masama pang nangyari dito, hindi niya talaga mapapatawad ang kanyang sarili. Palabas na siya ng ospital nang bigla niyang masalubong si Lester sa may pintuan. Halatang nagulat ito nang makita siya. "Lerie? Nandito ka pala! Galing ka ba doon sa ER?", seryosong tanong nito. Sa tingin niya, hindi naman ito nagagalit. Alalang-alala nga lang ito para sa kanyang kapatid. "Oo, Les, Naroon na rin ang mo
last updateLast Updated : 2022-10-23
Read more

Kabanata 72

Kasalukuyang nasa opisina si Lester at abala sa pagpirma ng mga dokumento. Medyo masakit pa nga ang ulo niya dahil pasado alas kwatro na ng umaga ng makalabas siya ng ospital. Nang biglang mag-ring ang telepono niya. Ang PA niya ang tumawag para ipaalam sa kanya na nasa labas ng opisina si Scarlet at nais nitong makausap siya. "Sige, papasukin mo", sagot niya, saka ibinaba ang telepono. Hindi niya alam kung anong sadya ng babae at pinuntahan pa siya nito sa pabrika. Pagkaraan ng ilang sandali, pumasok na si Scarlet at napakaseryoso ng mukha nito. "O, Scarlet! Please take your seat", kaswal niyang sabi. "Anong sadya natin at napadalaw ka?" "Lester---", tumikhim ito at inalis ang bara sa lalamunan. "Buntis ako, at ikaw ang ama", seryoso nitong turan. Nanlaki ang mga mata niya sa kanyang narinig. Hindi siya nakasagot dahil sa isip niya, paanong siya ang ama gayong wala namang nangyari sa kanila ng babae. "You must be kidding Scarlet. If this is a joke, then I am not happy anymo
last updateLast Updated : 2022-10-24
Read more

Kabanata 73

Isang linggo na ang nakalipas, nang huli silang magkita ni Lester. Napakabigat man at napakalungkot sa pakiramdam ang paghihiwalay nilang dalawa, ngunit kailangan niyang tanggapin ang katotohanang hindi talaga sila para sa isa't isa. Lalo na ngayong napabalita na ang nalalapit na kasal nito kay Scarlet. Alam na rin ng lahat ng mga kamag-anak at mga kakilala nito na hindi sila tunay na mag-asawa dahil sa public post nito sa Facebook, tatlong araw na ang nakalipas. Ngunit sinabi nito doon sa post, na wala siyang kasalanan dahil ito ang namilit sa kanya para tanggapin ang kasunduan.Kaya mas lalo niyang napagtanto na wala na talagang pagkakataon pa para sa kanila ni Lester na magkasama. Tatlong araw din niyang iniyakan ang paghihiwalay nilang dalawa at dahil sa labis na kalungkutan, hindi siya pumasok sa trabaho. Hindi naman siya maiwan-iwan ni Faye kaya nagleave din ang kanyang kaibigan para samahan siya.Inaamin niyang hindi niya ganu'n kadaling kalimutan si Lester. Pero kakayanin niya
last updateLast Updated : 2022-10-25
Read more

Kabanata 74- The Blackmail

Hindi makapaniwala si Valerie sa resulta ng pregnancy test dahil higit pa ito sa kanyang inaasahan. Naisip niya noong huling may nangyari sa kanila ni Lester, hindi pala sila gumamit nu'n ng anumang proteksyon. Basta na lang nakalimutan nilang pareho nu'ng time na iyon.Dumaloy ang mga luha sa kanyang mga mata at ang tanging naisip niya ay umuwi ng probinsya. Pero paano niya sasabihin sa mga magulang niya na nagdadalang-tao siya? Tiyak niyang magtatanong ang mga iyon kung sino ang ama ng ipinagbubuntis niya."Hindi naman ang paglayo ang solusyon sa problema mo mars eh! Ba't hindi mo sabihin kay Lester ang lahat?", wika ni Faye. "Para ano pa mars? Ikakasal na sila ni Scarlet! Sa tingin mo kaya magbabago ang lahat kung sasabihin ko sa kanya?", emosyonal niyang tugon."But at least sinabi mo mars!"Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Habang nakaupo siya sa gilid ng kanyang kama, si Faye naman ay lakad ng lakad na para bang hindi mapakali. Alam niyang nag-aalala
last updateLast Updated : 2022-10-26
Read more

Kabanata 75- A Shocking Reality

Biglang nanghina ang tuhod ni Valerie nang malaman niya ang resulta ng pregnancy test. It's positive, buntis siya! Bigla siyang nawalan ng lakas kaya napaupo siya sa labas ng pintuan ng comfort room. Hindi niya maiwasang magiging emosyonal dahil sa kanyang kalagayan. Bakit ngayon pa niya nalaman ang lahat kung kailan naghiwalay na sila ni Lester? "Mars, ano ang gagawin ko!!!", humihikbing sabi niya."Eh ano pa mars, sabihin mo kay Lester na buntis ka!", tugon ni Faye, at saka inalalayan siya nitong tumayo."Pero buntis din si Scarlet at ikakasal na sila mars!!!""Eh ano ngayon? I'm sure ikaw naman ang pipiliin ni Lester eh, lalo na pag nalaman niyang dinadala mo ang anak niya", wika ni Faye."Ayokong sabihin mars, ayokong magkakagulo pa sila kaya uuwi na lang ako sa probinsya namin.""Bakit kung uuwi ka ba sa tingin mo hindi ka magkakaproblema? Anong sasabihin mo sa pamilya mo aber? Natural magtatanong talaga ang mga iyon kung sinong ama ng batang dinadala mo! So, anong sasabihin mo?
last updateLast Updated : 2022-10-27
Read more

Kabanata 76- The Truth Will Set You Free

Hindi mapakali si Lester habang papalapit ang kanilang kasal ni Scarlet. Napapagod na siya sa pagpapanggap na gustong-gusto niya ang gagawing kasalan. Ginawa lang naman niya 'yon para hindi maghinala ang babae sa tunay niyang plano. Sana nga lang may balita na tungkol sa pinaiimbestigahan niya. Malakas talaga ang kutob niya na fabricated at manipulated lang ang image doon sa pictures. Napaka-imposible naman ang ipinagbibintang sa kanya ni Scarlet. Sigurado siyang hindi siya nalasing nu'ng time na iyon, katunayan nga nito, nagawa pa niyang makapagdrive nu'n at makauwi ng mansyon. Isinandal niya saglit ang kanyang likod sa swivel chair sa opisina, habang hinihilot-hilot niya ang kanyang sentido. Katatapos lang din ng kanilang board meeting kaya pagod na pagod ang kanyang utak sa mga bagay na may kaugnayan sa pagpapatakbo ng pabrika. Akala niya madi-dismiss na siya sa pagiging CEO pagkatapos malaman ng board na hindi sila totoong mag-asawa ni Valerie. Ngunit dahil daw sa magpapakasal na
last updateLast Updated : 2022-10-28
Read more

Kabanata 77-Final Decision

Buo na ang pasya ni Valerie na magpakalayo-layo at tanggapin nalang ang katotohanan na kailanma'y wala ng pagkakataon pa para sa kanilang dalawa ni Lester. Bukas na ang araw ng kasal nito at ni Scarlet kaya hindi na niya ito mapipigilan pa.Bumangon siya at nag-impake. Ngunit hindi niya maiwasang maging emosyonal dahil naaawa siya sa kanyang kalagayan. Tumigil siya saglit at masuyong hinaplos ang kanyang tiyan. Hindi pa naman halata na buntis siya at tanging si Faye lang ang nakakaalam ng sitwasyon."Anak, nagpapasalamat ako na dumating ka sa buhay ko. Ikaw ang bunga ng pagmamahalan namin ng daddy mo. Ngunit pasensya na at hindi kita mabigyan ng isang buong pamilya."Tigmak na sa luha ang kanyang mga mata. Hanggang sa hindi na niya mapigilang mapahikbi. "Anak, mahal na mahal kita katulad ng pagmamahal ko sa daddy mo. Kaya please, kumapit ka lang ha! H'wag kang mag-alala, kakayanin ko ang lahat para sa iyo anak. Sa ngayon kailangan lang nating umalis at magpakalayo-layo muna. Sana main
last updateLast Updated : 2022-10-29
Read more

Kabanata 78- A New Life in the Province

"Mars, sa wakas andito na tayo sa Isabela!", usal ni Faye nang makababa na sila ng bus. "Akin na 'yang bag mo mars!"'Okay lang mars, ako na ang magdadala nito", tugon niya."Hindi ako na, alam kong mabigat 'yan!', giit nito.Hindi na lamang siya pumalag pa dahil talagang mapilit itong kaibigan niya. Pagkatapos pumara sila ng traysikel at sinabi ni Faye sa mamang drayber na doon sila ibaba sa De Silva Apartment. Tinawagan na ito kanina ng kanyang kaibigan upang kumuha ng unit na mauupahan kaya di-deretso na lamang sila doon. Buti nalang at naisipan nitong tumawag muna sa may-ari ng apartment at nakapagreserve sila ng isang unit.Pagkaraan ng ilang minuto, nakarating na sila sa nasabing apartment. Agad silang nag doorbell sa malaking gate ng building. Maya't maya'y pinagbuksan sila ng ginang na sa tingin niya ito 'yong babaeng nakausap ni Faye sa cellphone kanina."Good morning po, ako po 'yong tumawag kanina. My name is Faye Landero", panimulang sabi ng kanyang kaibigan."Okay po. Na
last updateLast Updated : 2022-10-29
Read more

Kabanata 79- The Runaway Groom

"Hindi ko ma-imagine ang reaksyon ng mommy mo Les, kapag nalaman niyang umalis ka ngayon", pagbubukas ng usapan ni Zha zha, habang binaybay nila ang daan papuntang Isabela.Hindi siya umimik. Nakapokus lang ang mga mata niya sa pagmamaneho ng sasakyan. “Kung noon ikaw ang iniwan ni Scarlet, kung kailan malapit na ang kasal ninyo, ngayon ikaw naman ang nang-iiwan. At ang masaklap pa, bukas na ang kasal. Hindi ko ma-ang picture out ang mukha ng bruhang babaeng ‘yon kapag nalaman niyang nilayasan mo siya! Well, lintik lang naman ang walang ganti!”, nang-uuyam na sambit ni Zha zha at bahagya pang itinaas nito ang isang kilay.“Hindi naman ako gumanti Zha, siya naman itong nam-blackmail sa akin. She will suffer the dose of her own medicine. Now alam ko na kung bakit ganu’n na lang ang pagpursige niyang pikutin ako”, aniya.“Bakit Les, ano pala ang dahilan? Bukod sa gusto niyang ipaangkin sa iyo ang batang dinadala niya?”“Sinabi sa akin ni ate Jenny na palubog na ang negosyo nila at baon
last updateLast Updated : 2022-10-30
Read more

Kabanata 80- Diskusyon

Nakapangalumbaba si Valerie sa ibabaw ng malambot na kama sa apartment na kanilang tinutuluyan ni Faye. Maaga siyang nagising dahil bigla na namang sumagi sa isipan niya ang pagpapakasal ni Lester kay Scarlet. Hindi man niya alam ang oras ng kasal dahil ayaw na niyang alamin pa iyon, basta't ngayong araw na ito, tuluyan ng mawala sa kanya ang lalaking pinakamamahal niya. Inaamin niyang sa kaibuturan ng kanyang puso, lihim siyang umaasa na sana hindi matutuloy ang kasal ng dalawa at siya ang piliin ng lalaki. Ngunit sabi naman ng kanyang utak, ipagpaubaya na lamang niya si Lester sa babaeng mahal nito.Muling siyang nahiga at pilit na ipinikit ang kanyang mga mata. Kung maari nga lang matulog siya buong araw upang makakalimutan niya saglit ang kalungkutang kanyang nararamdaman. Ngunit kahit anong pilit niyang makatulog ulit, ayaw na talaga siyang dalawin ng antok. Bumangon siya at lumabas ng kwarto. Nagtungo siya sa kusina upang magtimpla ng gatas. Inubos ang isang swak ng bearbrand a
last updateLast Updated : 2022-10-31
Read more
PREV
1
...
5678910
DMCA.com Protection Status