"Mars, mars ,halika nga dito! Bilisan mo!!", natatarantang sigaw ni Faye "Bakit mars? Anong nangyari? Hindi pa ako tapos maghugas ng pinggan!", pasigaw din niyang tugon. Hindi niya maintindihan kung bakit parang natataranta ang boses nito. Hanggang sa hindi na talaga ito nakapagpigil at pinuntahan siya sa kusina. "Mars, halika ka muna! Tingnan mo, nasa TV si Lester, may live interview siya!", sabi nito sabay hila sa kanyang kamay. "Mars, ayaw kong tingnan,masasaktan lang ako! Sigurado akong tungkol lang sa kanilang dalawa ni Scarlet ang sasabihin nu'n kaya hindi ko na kailangang marinig pa". "Hindi mars, hindi niya kasama si Scarlet, halika ka na!", giit nito sa kanya. Wala na siyang magawa kundi sumunod na lamang sa sala, at magkatabi silang naupo sa sofa habang nakaharap sa 40 inches na telebisyon. Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib nang unang tumambad sa kanyang paningin ang gwapong mukha ng lalaking tanging laman ng kanyang puso't isipan. Nakasuot ito ng corporate attire at n
Hindi na naabutan ni Valerie si Lester dahil nakaalis na ang eroplano papuntang France. Wala siyang magawa kundi umiyak na lamang. Hanggang dito na lamang ba ang kanilang pagmamahalan? Maraming tanong sa isip niya na hindi niya alam ang sagot. Ang alam lang niya ay mahirap mabuhay ng wala ang lalaking pinakamamahal niya.Laglag ang kanyang mga balikat at mabigat ang mga hakbang niya pabalik sa terminal 4 kung saan naghihintay sa kanya si Faye. Patuloy pa rin ang pag-agos ng kanyang mga luha at wala siyang pakialam kahit pagtitinginan pa siya ng mga tao."Mars!!!", sambit ni Faye sa kanya nang makarating na siya sa kinaroroonan nito. Tumayo ito at sinugod siya ng yakap. Palibhasa'y alam na nito na hindi niya naabutan si Lester dahil sa malungkot niyang itsura. Umiyak siya ng umiyak sa balikat ng kanyang kaibigan habang patuloy naman ito sa pag-apuhap sa kanyang likod."Mars, tama na 'yan! Baka mapa'no ka na niyan at maapektuhan pa ang bata sa tiyan mo!", pag-aalalang wika ni Faye."Mar
Habang sakay sila ni Faye ng bus papuntang Mindoro, hindi niya maiwasang mag-isip sa magiging reaksyon ng kanyang pamilya tungkol sa kanyang pagdadalang-tao. May pagka konserbatibo pa naman ang kanyang ina dahil lumaki din sa conservative na pamilya. Baka hindi matanggap ng mga magulang niya na magiging dalagang ina siya. Baka mawala ang respeto ng kanyang mga kapatid sa kanya. Samut-saring mga bagay ang kanyang naiisip. Wala naman siyang pakialam sa kung ano man ang sabihin ng ibang tao. Ang mas inaalala niya kung matatanggap ba siya ng kanyang pamilya. Dahil dito, hindi siya mapakali. Balisang-balisa siya kaya hindi siya makatulog. Nilingon niya sa tabi si Faye, pero natutulog pala ito kaya wala siyang makakausap. Kinuha na lamang niya ang kanyang cellphone at nagtingin-tingin sa mga pictures sa kanyang gallery. Hanggang sa nakita niya ang pictures na kinuha niya noon sa tagged post ni Lester. Nanggaling 'yon sa photographer na kumuha ng larawan sa kanila noong time na ginawa ang pe
"Tay, nay, sorry po. Hindi ko po sinasadya eh!", tuluyan ng nalaglag ang kanyang mga luha. Hindi niya mapigilang umiyak lalo na't kaharap niya ang kanyang pamilya. "So anong ibig mong sabihing umalis 'yong lalaking nakabuntis sa iyo? Tinakasan niya ang kanyang responsibilidad?", galit na wika ng kanyang ama, habang nakakuyom ang mga palad nito. Ang kanyang ina't mga kapatid naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanila. "Tay, hindi naman po kasi alam ni Lester na buntis ako eh! Tay, nay, sorry po patawarin niyo ako kung nagiging kahihiyan ako ng pamilya natin", tuluyan na siyang humahagulgol. Si Faye naman na katabi niya sa upuan ay patuloy lang sa pag-apuhap sa kanyang likod. "Mars, tama na, makakasama 'yan sa baby mo!", sabi nito. "Tay, nay, nagmahal lang naman po ako. Hindi ko naman naisip na mangyari ito. Naging kumplikado lang ang lahat. Wala pong kasalanan si Lester nay!!!" "Diyos ko namang bata ka!", wika ng kanyang ina at sinugod siya ng yakap. Mas lalo tuloy siyang napah
Pangatlong araw na ni Lester sa France at nararamdaman na niya ang sobrang pagkabagot. Hindi kasi siya sanay nang walang ginagawa. Bigla niyang naisip ang pagbrika. Bagama't mapagkakatiwalaan naman ang kanyang assistant ngunit hindi pa rin niya maiwasang mag-alala sa kalagayan nito ngayong nasa ibang bansa siya. Upang hindi siya gaanong ma-bored sa hotel sumasama na lamang siya kay Zha zha sa mga modeling rehearsals nito. Kaya tuloy napagkamalan siyang boyfriend ng babae. "Les, okay ka lang ba?", tanong ni Zha zha sa kanya nang mag lunch-break ito. "Okay lang ako Zha, naisip ko lang ang pabrika" "So anong plano mo ngayon, uuwi ka na ba ng Pilipinas?" "Maybe next week Zha. Wala din naman kasi akong magawa dito eh!", matamlay niyang sabi. "O sya, kakain muna tayo Les, nagugutom na ako eh. Babalik pa kami mamayang ala una, kaya doon lang tayo sa malapit na restaurant kakain. Nasa tabi lang naman nitong building kaya lalakarin lang natin", sabi nito sabay hila sa kanyang kamay. "U
Kahit anong pilit niyang maging masaya lagi pa ring may kulang sa buhay niya. Oo nga kasama niya ang kanyang pamilya at tanggap na ng mga ito ang kalagayan niya, ngunit hindi pa rin kumpleto ang kaligayahan niya. Sa kaibuturan ng kanyang puso'y may malaking kahungkagan at iisang tao lang ang tanging makapagpupuno nito---si Lester!"Anak, hindi ka ba maliligo? Tingnan mo ang mga kapatid mo oh! nag-eenjoy habang nagtatampisaw sa tubig na parang mga bata", nakangiting wika ng kanyang ina habang nakatingin ito kina Aises at Bela. "Dito na lamang po ako nay, masaya naman po ako habang tinitingnan ko sila.""Mars!!! Halika nga dito, magswimming tayo!", tawag sa kanya ni Faye, habang tuwang-tuwa ito sa pakikipaghabulan sa kanyang mga kapatid.Ngunit wala talaga siyang gana, matamlay ang kanyang pakiramdam. Paborito pa naman niyang maligo sa dagat. Naalala niya noong nasa elementarya pa lamang siya, umiiyak talaga siya kapag hindi siya nakakaligo sa dagat. Kaya lagi silang nagpi-picnic tuwin
Hindi pa rin siya makapaniwalang kasama na niya ngayon ang lalaking tanging laman ng kanyang puso't isipan. Parang isang panaginip lang ang lahat, kaya kinukurot pa niya ang kanyang pisngi, dahil akala niya nanaginip lamang siya ngunit totoo talaga ang lahat. Hindi niya maipaliwanag ang saya na kanyang nararamdaman habang nakahilig siya sa balikat ni Lester. Nasa ganu'ng tagpo sila nang biglang bumukas ang pinto at tumambad mula doon ang nakangiti niyang mga magulang at kapatid, kasama na rin si Faye."Nay, tay, nandito po si Lester!", mangiyak-ngiyak na sambit niya.Lumapit ang mga ito sa kanila at naupo sa mahabang sopa. "Naku, anak kanina pa nandito 'yan at sinabi na niya ang lahat sa amin", wika ni Aling Melba."Ate, ang gwapo nga po pala ni Kuya Lester!", bulalas ni Aises."Kaya pala iyak ng iyak ka po ate, kasi ang gwapo pala nitong jowa mo. Parang artista!", dagdag na sabi nito saka bumungisngis ng tawa."Aises, ano ka ba! Nakakahiya sa kuya Lester mo!", saway ng kanyang ina.
Pasado alas dyes na ng gabi ngunit nasa roof top pa rin sila ng SJ Mansion Hotel. Nakaupo silang dalawa ni Lester sa mahabang upuan habang nakatingin sa kalawakan. Maraming bituin sa langit na animo'y masayang nagkikislapan na parang sumasabay din sa kaligayahang lumulukob sa kanilang mga puso. Nakahilig siya sa balikat ng lalaki habang buong higpit nitong hawak-hawak ang kanyang mga kamay."Babe?", buong pagsuyong sambit ni Lester."Uhm, ano iyon?", mahina niyang sagot."Napansin ko lang kasi eh. Bakit 'di mo na suot ang kwintas?", tanong nito.Bigla siyang kinabahan sa tanong nito. Oo nga pala ang kwintas! Naiwala niya ito nu'ng pumunta sila ni Faye ng Isabela. Lumakas ang kabog sa kanyang dibdib dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot niya. "Ah..eh..", nauutal niyang tugon."Hey, are you okay? Ba't parang kinakabahan ka?"Hindi pa rin siya makasagot. Iniisip niya na sabihin nalang ang totoo kay Lester. Hindi naman niya talaga sinadyang mawala ito. "Uhm,..ang totoo---kasi--Le
THE FINALE Dumating na rin sa wakas ang araw na pinakahihintay nilang dalawa ni Lester---ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib. Alas kwatro pa lang ng umaga ay nagising na siya, at kahit gustuhin man niyanag matulog ulit, ayaw na talaga niyang dalawin ng antok. Inaamin niyang excited na talaga siyang humarap sa altar at mangako ng habang-buhay na pagmamahal sa lalaking pangarap niyang makasama habang buhay. Isang totoong kasalan na ang magaganap kaya hindi na niya masasabing magiging bride lang siya, ngunit hindi magiging asawa. Kasalukuyan silang nag-stay muna sa hotel kasama ng kanyang pamilya at iba pang kamag-anak na dumating kahapon mula sa iba't ibang probinsya. Ipinag-booked niya ng room ang mga ito dahil hindi naman magkasya sa bahay nila kung doon niya patutulugin. Nasa ibang room ang kanyang mga magulang at ang kasama lang niya sa kwarto ay si Faye. Sa kabilang silid naman nag-stay ang kanyang mga bridesmaids kasama na rito ang kanyang mga kapatid. Kinuha niyang maid of h
Magkahalong saya at excitement ang nararamdaman ni Valerie habang hinihintay niya ang araw ng kanilang kasal ni Lester. Kung pwede nga lang niya hilahin ang mga araw upang dumating na kaagad ang kanilang pag-iisang dibdib.Bagama't naghire sila ng wedding coordinator ngunit nagiging abala pa rin sila dahil nais ng lalaki na magiging enggrande ang kanilang kasal. Kahit ayaw naman niya ng ganu'n pero mapilit naman ito dahil minsan lang daw itong mangyayari sa buhay nila. "Babe, tapos ka na ba at aalis na tayo!", wika ni Lester na naghihintay sa kanya sa labas ng kwarto. "Yes babe, malapit na!""Mars, ready ka na ba?", tanong niya kay Faye."Saglit lang mars ha, at parang may email ako. Wait lang at basahin ko muna", sagot nito. Ngunit, bigla niyang narinig ang pagtili nito na parang nanalo ng lotto."Mars!!! Seryoso ka ba?", sabi nito at sinugod siya ng yakap."Ang alin mars?" "Ito oh!", ipinakita sa kanya ni Faye ang email."Mars, sobrang touch naman ako nito. Isang milyon talaga?"
Pagkatapos ng pag-uusap nila ng kanyang ina ay parang nabunutan siya ng tinik sa puso. Akala niya hindi na darating ang panahong magkakasundo sila ng mommy niya. Worth it naman ang apat na araw niyang pagbabantay sa ospital dahil mabilis naman itong nakakarecover. Salitan silang dalawa ni Ivan sa pag-aalaga sa mommy nila kaya dahil dito'y mas lalong napalapit ang loob niya sa kanyang kapatid."Bro, tapos ka na ba sa daily rounds mo sa mga pasyente?", tanong niya rito nang makitang nakasuot ng uniporme ang kanyang kapatid."Oo bro, katatapos lang. Mamaya na naman ulit. Ang mommy?""Ayun, nakatulog kaya lumabas muna ako", sagot niya."Uhm, by the way bro, pinuntahan mo na ba si Valerie sa probinsya nila?", curios na tanong ni Ivan nang makaupo sila sa mahabang upuan sa labas ng private room ng kanyang ina. "Yes bro, na-meet ko na rin ang pamilya niya. At---inalok ko na siya ng kasal!", masayang sabi niya."That's great bro! I'm happy for the two of you. Please, mahalin at alagaan mo si
Hindi niya maiwasang ngumiti nang una niyang masilayan sa kanyang paggising ang mukha ng lalaking labis niyang minamahal. Mahimbing pa itong natutulog habang yakap-yakap siya nito. Tumingin siya saglit sa orasan at pasado alas dyes na pala ng umaga. Dahan-dahan niyang pinalis ang kamay nito na nakayapos sa kanya at maingat na bumangon. Kumuha siya ng tuwalya at nagtungo sa banyo upang magshower.Pagkaraan ng fifteen minutes, lumabas na siya at nakatapis lamang ng tuwalya. Sinulyapan niya ang lalaki at natutulog pa rin ito.Habang nagbibihis siya'y biglang tumunog ang cellphone nito kaya nagising ito at dali-daling kinuha ang cellphone na iniligay sa ibabaw ng bedside table."Yes bro---""What? Oh, God! Nasaan siya ngayon bro?", narinig niyang sabi nito. Biglang sumeryoso ang mukha ni Lester kaya nag-aalala siya kung sino ang kausap nito sa cellphone."Babe, ano 'yon?", tanong niya nang matapos na itong makipag-usap."Si Ivan. Nasa ospital daw si mommy. Bigla daw itong hinimatay kahapo