Home / Romance / The Shoemaker / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of The Shoemaker: Chapter 11 - Chapter 20

31 Chapters

Ikasampung Kabanata

"Pasensya ka na. Masyado lang emosyonal si Lilia ngayon. Hanggang sa susunod na linggo pa naman ang lamay bago ilibing si tiya. Puwede kang bumalik dito para makita siya at si Lilia," sabi ni Boyet, ang boyfriend ni Lilia.Tumango na lamang nang marahan si Ruanne. Labis siyang nasaktan at nagulat sa nakikita niya ngayon. Parang kailan lang, nalaman niyang nasa ospital si Ginang Remedios. Ngayon, wala na siya sa ospital. Ngunit wala na rin siya sa mundong ito."Sige. Mauna na ako. May kailangan din kasi akong puntahan. Hindi ko naman inaasahan na ito ang maaabutan ko rito," pagpapaalam ni Ruanne sa kanya."Ayos lang iyon. Siguradong napagod ka rin kay Lilia. Parehas nating hindi inasahan na mahihimatay siya sa sobrang kalungkutan." Napahilod na lamang ng noo si Boyet at bumuga nang malakas na hangin. "Sabi ko naman kasi sa kanya, magpahinga na muna siya ngunit hindi siya nakikinig. Tapos ayun nga, dumagdag pa ang pamilya Lavin na iyan."Hindi naman maiwasan ni Ruanne na ma-curious."Sin
last updateLast Updated : 2022-09-01
Read more

Ikalabing-Isang Kabanata

"Ayon sa intel namin, may away ho mismo sa loob ng pamilya Villamor. Balak nilang palitan ang Don ng pamilya," ani ng janitor.Tumango-tango naman si Pio at tinapik sa balikat ang matanda."Sige lang. Hindi natin kaanib ang pamilyang iyon kaya hindi na dapat tayo mangialam. At kung mapalitan man ang Don, baka mas lalo pa silang humina," sagot ng binata."Ang utos ho ng inyong ama ay bantayan ang kilos ng pamilya Villamor. At mabuti na rin hong makipag-alyansa sa ibang pamilya ang pamilya natin."Agad namang napatawa nang pagak si Pio."Hindi sila banta sa pamilya natin. Kinonsulta niya ba si Demetrio tungkol dito?" tanong ni Pio na agad namang inilingan ng matanda. "Tsk. Tsk. Dapat lagi niyang kinukonsulta ang ating consigliere sa mga bagay-bagay na makakaapekto sa pamilya. Huwag kang mag-alala. Ako na ang kakausap sa kanya."Agad nang umalis si Pio habang nakatungo ang matandang lalaki bilang paggalang sa kanya. Napahinga na lamang nang malalim si Pio. Hindi niya maintindihan sa kany
last updateLast Updated : 2022-09-02
Read more

Ikalabindalawang Kabanata

"Naku, ma'am! Buti nakarating kayo. Akala ko ay naligaw na kayo sa kung saan," salubong ni Manang Celeste kina Ruanne at Pio pagkakitang-pagkakita niya pa lang sa dalawa.Hilaw namang natawa si Ruanne. Halos maligaw na nga silang dalawa ni Pio. Buti na lamang ay may sense of direction ang kasama niya at siya na ang nag-lead ng daan para sa kanya."Pasensya na ho. Nahirapan din ho kaming hanapin itong lugar ninyo dahil ang daming tao sa daan," komento ni Ruanne.Napangiti naman ang matanda."Hay. Buti na lang pala." Bumaling naman si Manang Celeste kay Pio. "Ikaw, ginoo. Kamusta? Maayos naman ba ang lagay mo?"Tipid lamang na ngumiti si Pio at tumango sa matanda."Diyos ko. Mukhang nahihiya pa ang nobyo mo," mapagbirong komento ni Manang Celeste.Nanlaki naman ang mga mata ni Ruanne."H-Ho? Nobyo?"Si Manang Celeste naman ngayon ang naguluhan."Nobyo. Hindi ba't nobyo mo ang napakapoging lalaki na ito? Hindi ba? Aba'y sayang naman kung mapupunta lang sa iba," komento ni Manang Celeste.
last updateLast Updated : 2022-09-03
Read more

Ikalabintatlong Kabanata

"Ma'am! Bakit ngayon lang kayo? Nagsimula na ang ibang palaro," komento ni Manang Sitang pagkadating na pagkadating nina Manang Celeste, Ruanne, at Pio.Napangiti na lamang si Ruanne."Naku, kayo talaga. Siyempre, pinagpahinga ko na muna silang dalawa saka pinakain nang kaunti. Kayo naman, hindi makapaghintay," saway naman ni Manang Celeste sa dalawang kaibigan.Nabaling naman ang tingin nina Manang Sitang at Manang Orang kay Pio. Agad namang ngumiti si Pio at yumuko bilang paggalang sa kanila. Napangiti naman ang dalawang matanda." Ma'am, buti naisama mo ang nobyo mo. Mas marami, mas masaya!" ani Manang Orang.Pilit na ngumiti si Ruanne sa dalawang matanda. Bakit ba kasi kailangang i-point out na nobyo niya ang binata?"Oo nga ho. Buti nakasama kami," sagot na lang ni Ruanne.Napapalakpak na lamang ng isang beses si Manang Sitang."O siya, ano pang hinihintay natin? Makisali na tayo sa ibang palaro. Kayo ba ma'am, anong gusto niyong gawin?"Napakurap-kurap naman si Ruanne."H-Ho? Eh
last updateLast Updated : 2022-09-04
Read more

Ikalabing-apat na Kabanata

"Anong sabi mo? Si Cypher, may girlfriend?" tanong na lamang ng isang matandang lalaki habang humihithit ng tabako. Napangisi na lang ang kanyang kausap. Kahit mismo siya, hindi makapaniwala. "Oo nga, papa. Nakita mismo ng mga mata ko at siya mismo ang nagsabi sa akin. Hindi ko nga alam kung bakit niya naisip ipakilala sa akin iyon eh. I'm sure he knows the situation of our families at ang maaaring mangyari sa babae niya kapag nagsilabasan na ang lahat ng demonyo mula sa lupa," natatawang reply ng binata. Bumuga na lamang ng usok ang matandang lalaki bago bumaling sa kanyang anak. Alam niyang mas excited pa ang anak niya kaysa sa kanya sa mga masasamang planong siya mismo ang gumawa. Wala namang kaso sa kanya iyon. Sa totoo nga ay ipinagmamalaki niya ang sariling anak dahil sa sobrang pagmamana nito mula sa kanya. Ngunit, hindi pa ito ang tamang oras. "Ano't ano pa man iyon, huwag mo muna silang gagalawin. Hindi pa ito ang oras. Once I gave you the instructions, that's when you can
last updateLast Updated : 2022-09-05
Read more

Ikalabinlimang Kabanata

“Ruanne tingnan mo ‘to oh. Dali!” sigaw ni Catalina sa kaibigan.Napairap na lamang si Ruanne at agad na pumunta sa kinaroroonan ng kaibigan. Kanina pa ito nagkukulit at kung anu-anong kinukuwento sa kanya na tsinitsismis ng mga bumibili sa tindahan niya.“Huwag mong sabihing tsismis na naman iyan. O kaya mapagkakakitaan na wala namang katuturan? Sinasabi ko sa iyo Catalina, huwag kang nagpapauto sa mga iyon. Puro madadaling pera lang hanap ng mga iyon,” komento na lang ni Ruanne kahit hindi niya pa alam kung anong sasabihin ng kaibigan.Tinawid ni Ruanne ang mga hilera ng tinda ni Catalina at pumangalumbaba na lang sa counter kung nasaan ang kaibigan. Ibinalandra ni Catalina sa mukha ni Ruanne ang isang papel na nakuha niya mula sa katsismisan niya kahapon. Napataas na lamang ang kilay ni Ruanne na para bang hindi talaga siya interesado sa nakikita niya kahit hindi niya pa naman nababasa.Iwinagayway pa ni Catalina ang papel sa harap ni Ruanne. Hinablot naman ni Ruanne ang papel at tu
last updateLast Updated : 2022-09-06
Read more

Ikalabing-anim na Kabanata

Paikot-ikot ang lapis ni Ruanne sa pagitan ng kanyang mga daliri. Gabing-gabi na pero nasa opisina niya pa rin siya at hindi pa umuuwi sa sariling bahay. Paikot-ikot lamang siya sa kanyang swivel chair habang nakatingin sa kisame. Dapat ay gagawa siya ng panibagong disenyo ngunit hindi iyon ang pumapasok sa isip niya."Ano naman kayang ginagawa ni Lilia roon kanina? Hindi ba't hindi pa tapos ang burol ni Ginang Remedios?" tanong ni Ruanne sa sarili.Napahinga na lamang siya nang malalim at umayos ng upo upang simulan na ang kanyang pagdidisenyo. Ngunit nang makita niya naman ang blangkong papel, pumasok sa isip niya ang event na tinutukoy ni Catalina.Should she design something for the contest? Or should she just become a lowkey fashion designer inside a dangerous city?Sayang naman ang opportunity kung palalampasin niya. At isa pa, hindi niya pa nasisimulan ang plano niyang shoe line para sa tindahan niya. Iyon naman talaga ang initial plan niya— ang magkaroon ng shoe line para sa mg
last updateLast Updated : 2022-09-07
Read more

Ikalabingpitong Kabanata

"A-Ano?"Kusa yatang nagsarado ang mga tenga ni Ruanne na hindi niya naintindihan kung ano ang sinabi ng binata na nasa harapan niya. Rinig na rinig niya naman ito ngunit tila ba hirap na hirap siyang ilahad ang ibig sabihin ng sinabi ng binata.Napahinga na lamang nang malalim si Pio at inulit ang kanyang sinabi."Ang sabi ko, huwag tayong ma-in love sa isa't isa. Hindi ako mahilig sa mga ganoong bagay kaya siguraduhin mo lang na hindi ka mahuhulog sa akin," maliwanag pa sa sikat ng araw na sabi ni Pio.Tila na-stuck pa yata ng ilang segundo ang utak ni Ruanne kung saan. Ngunit kalaunan ay napailing na lamang siya at bumalik sa sariling ulirat." Ruanne? "" Ahh... Ahhh, oo naman. Baka nga ikaw pa ang mahulog sa akin eh," pabirong sabi ni Ruanne.Napangiti na lamang si Pio."Kung ganoon, malinaw na tayo. Tara na. Maghanap na lamang tayo ng pedicab para mabilis tayo."Tumango na lamang si Ruanne bilang tugon sa suhestyon ni Pio. Napahinga na lamang nang malalim ang dalaga bago sumunod
last updateLast Updated : 2022-09-09
Read more

Ikalabingwalong Kabanata

"Demetrio, kailangan ko ng tulong mo." frustrated na sabi ni Pio sa telepono.May bahid pa ng dugo ni Lira ang mga kamay ni Pio. Tumatagaktak ang pawis ni Pio mula sa pagbuhat sa katawan ni Lira papunta sa ospital. Meron lamang isang bala ang tumama sa katawan ni Lira ngunit natitiyak ni Pio na tumama iyon sa kanyang puso. At natitiyak din ni Pio na walang ibang intensyon ang gumawa nito kundi ang patayin lamang siya. Nalintikan na talaga. "Pasensya na, young master. Hindi ako makakarating kung nasaan ka man ngayon. Kasalukuyan kong—""Halt the plan. Huwag mo nang pakialaman si Julian. May mas kailangan tayong alalahanin ngayon," pagputol ni Pio kay Demetrio.Sa kabilang linya naman ay napakunot na lamang ng noo si Demetrio. Napalunok ang matanda bago magtanong sa kanyang amo."Kung ganoon, ano hong maipaglilingkod ko?" tanong ni Demetrio.Puno ng inis at galit na napabuga na lamang ng hininga si Pio. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari. Hindi niya inakalang ganoon ang mangyayari.
last updateLast Updated : 2022-09-11
Read more

Ikalabingsiyam na Kabanata

"Ano... Nandiyan ba si Lilia? Hindi ko pa kasi siya nakikita mula kanina?" tanong na lamang ni Ruanne kay Boyet. Napakamot naman sa ulo ang lalaki. Napahinga ito nang malalim at agad na hinila si Ruanne papalabas ng burol. Nagpunta sila sa isang sulok kung saan medyo madilim at hindi kita ng kahit sino. " Mabuti pa Ruanne, umalis ka na rito. Kaya lang naman kita pinapasok dito dahil wala si Lilia rito. Kaso baka pag bumalik iyon..." "Ano?" "Baka magwala pa iyon dito." Napapikit na lamang si Boyet at napahilod na kangyang noo. Samantala, si Ruanne naman ay gulung-gulo sa pinagsasasabi ni Boyet. Simula kanina nang dumalaw ulit siya ay pansin niya na ang kakaibang kilos ni Boyet. Tila gulat na gulat pa ito nang makita siya kanina. Nagtataka man ay hinayaan niya na lang ang lalaki dahil marami itong ginagawa para sa mga bisita. Ngunit ngayong pababa na ang araw, wala ng mga bisita, ay maaari niya nang kausapin ang binata. Kanina niya pa nga itong nakikita na nakaabang lamang sa pinto
last updateLast Updated : 2022-09-12
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status