Lahat ng Kabanata ng GUERRERO LEGACY 1: ADRIELLE GUERRERO: Kabanata 1 - Kabanata 10

46 Kabanata

PROLOGUE

"YOU'RE HERE..." Kunot ang noong puna ng bagong dating na si Kimhan sa lalaking bagot na nakaupo sa pang-isahang sofa sa isang bahagi ng malawak na salas ng mansion ni Senyor Lion Guerrero. Si Crimson Guerrero, ang bunso sa pitong bastardo ni Senyor Lion Guerrero. Hindi sumagot si Crimson. Nanatilli lang na nakatutok ang mga mata nito sa laptop na nakapatonng sa mga hita nito. Ilang sandali pa ay halos magkasabay naman na dumating ang pang-lima na si Azure at ang pang-anim na si Russet. Sabay namang dumating ang kambal na sina Dalton at Trigger."Ano 'to, surprise meeting ng mga bastardo ni Guerrero?" halos magkadikit ang mga kilay na untag ni Dalton bago humalukipkip. Nagkibt naman ng balikat ang kakambal nitong si Trigger. "Might be..." Maikling sagot nito bago dinukot ang pakete ng sigarilyo mula sa panglikod na bulsa ng suot nitong luma at butas sa magkabilang tuhod na pantalon. Kinapa nito ang isa pang bulsa ngunit nang marahil ay mapagtanto nitong wala roon ang hinahanap ay
last updateHuling Na-update : 2022-08-02
Magbasa pa

POISON IVY

"BILIS, ADRIELLE, TAKBO!"Humalo ang sigaw na iyon ng binatilyong si Reaper sa maingay na lansangan ng Recto Avenue sa Sampaloc, Manila. Dinig sa paligid ang sigawan ng mga tinderang nagtitinda ng kung anu-ano sa gilid ng malawak na kalsada maging ang hiyaw ng ilang kalalakihang nagtatawag ng mga pasaherong sasakay sa mga jeep na mahabang nakapila sa tabi ng daan na biyaheng Caloocan. Sinundan ang mga ingay na iyon ng malakas na tunog ng paparating na tren habang makikita naman ang isang dalagitang nakasuot ng maluwag na T-shirt at pinutol na pantalong maong na mabilis na tumatakbo paakyat sa underpass na nasa tapat ng isang malaking establisyemento. Pabaliktad na nakasuot sa ulo nito ang luma at medyo butas-butas nang sumbrero na kulay itim. Pasado alas-otso na ng gabi at buhay na buhay pa rin ang bahaging iyon ng Manila."Salo, Reaper!" Sigaw naman ng dalagita sa binatilyo bago niya hinagis dito ang hawak na kuwentas na nahablot niya sa isang estudyante. Ang dahilan kung bakit mabil
last updateHuling Na-update : 2022-08-02
Magbasa pa

UNEXPECTED MISSION

LIANE'S RESTOIyon ang pangalang nakalagay sa medyo kalawangin nang karatula sa isang mumurahing karenderya na iyon na nasa tagong bahagi ng medyo magulong eskinita malapit sa Emilio Highway. Maingay ang paligid dahil sa mga batang naglalaro habang nagkukumpulan naman sa harap ng maliit na tindahan sa hindi kalayuan ang ilang kababaihan. Typical na tanawin sa Pilipinas lalo na sa mga lugar na kagaya nito.Nang ibaling naman ni Cougar ang kanyang paningin sa kabilang bahagi ay nakita niya ang ilang kalalakihan na nakaupo habang nakaharap sa mesang may nakapatong na alak sa ibabaw. Walang suot na pang-itaas ang mga ito at masayang nagkakantahan samantalang ang ilang kabataang babae naman ay abala sa pagsayaw sa harap ng camera sa gilid ng kalsada. Napailing na lamang siya dahil sa kanyang mga nakita. Mabilis na bumaba si Cougar mula sa dala niyang motorbike. Hinubad din niya ang suot na helmet at bitbit iyon na naglakad siya palapit sa karenderya. Hinawi niya ng mga daliri ang may kaha
last updateHuling Na-update : 2022-08-02
Magbasa pa

HER PERSONAL BODYGUARD

"THEY ALL LOOK NORMAL, aren't they, Bob?" Nangi-ngiting turan ng katabi ni Cougar na si Emman, ang head bodyguard ni Lion Guerrero.Bobby ang pangalang gamit ni Cougar sa loob ng Octagon. Isang linggo na rin ang nakakalipas simula nang makapasok siya sa loob ng teritoryo ng mga Guerrero. General Gallego pulled some strings para kung sakaling i-track ni Crimson Guerrero ang background niya ay wala itong makita. Ang pampitong anak kasi ni Lion Guerrero ang head ng intelligence ng Octagon. Malaki rin ang hinala nila ni General Gallego na sangkot ang lalaki sa nangyaring hacking sa system ng NBI na naglalaman ng mga confidential files noong nakaraang taon. At isa iyon sa kailangan niyang alamin.Mahinang tumango si Cougar. Magaan ang araw na iyon para sa kanilang lahat dahil naging maayos ang transaction ni August sa kausap nitong representative ng isang mafia organization na nagmula sa China. Si August Guerrero naman ang humahawak sa malawakang drug deals ng Octagon. Sa likod ng kagalan
last updateHuling Na-update : 2022-08-04
Magbasa pa

GOLDEN BUDDHA

"You guys, ready?"Boses iyon ni Kimhan na ang kausap ay ang isang bodyguard na isasama nito sa isang private beach sa labas ng Quezon. Mayroon kasi itong kausap na mga Russians na sinadya pang pumunta sa Pilipinas para sa deal na gagawin. Malaking transaction ang mangyayari dahil hindi birong halaga ang kapalit ng gintong Buddha na nakuha pa ni Kimhan sa isang malaking bidding event sa London noong nakaraang buwan."Yes, Young Master!" seryoso at walang piyok na tugon ng siyam na lalaking sumaludo pa kay Kimhan.Tumango-tango si Kimhan bago mahinang tinapik ang balikat ng isa sa mga ito."Remember, there's no room for any kind of failure," paalala niya rito. "Am I clear, Olie?" turan ni Kimhan sa lalaking siyang head bodyguard sa team niya.Kanya-kanya kasi sila ng team dahil magkaka-iba din ang expertise nilang magkakapatid. At bawat isa sa kanila ay mayroong head bodyguard na siya namang namamahala sa iba pang bodyguards na hawak ng mga ito. Ang ama nilang si Lion Guerrero ang siyan
last updateHuling Na-update : 2022-08-09
Magbasa pa

SAVE HER

Nang dumating sina Adrielle sa lugar ay kaagad silang naghiwa-hiwalay ng dalawa niyang kapatid. It was an old and abandoned steel mill, owened by one of their business associates.Inayos ni Adrielle ang suot na earpiece sa kanyang tainga bago mabilis na tumakbo sa isang bahagi ng malawak na solar. May mga nadaanan siyang lumang sasakyan na kinakalawang na. Ginawa na rin kasi iyong tambakan ng may-ari kaya bukod sa mga nakakalat na bakal ay mayroon ding iilang container van na hindi ginagamit kaya iniwan at pinabayaan na lang din doon. Pagliko niya sa isang bahagi ay mayroong dalawang armadong lalaki na nakatayo roon. Pareho pang nagulat ang dalawa dahil sa biglaang pagsulpot ni Adrielle sa harapan ng mga ito.Sandaling tumigil sa pagtakbo si Adrielle bago nakangiting binati ang dalawang lalaki. "Oh, hey there, fellas," bati niya sa mga ito bago tila walang anumang umigkas ang isang kamay para bigyan ng mabilisang upper cut ang isa sa dalawang banyaga saka siya umikot para naman bigyan
last updateHuling Na-update : 2022-08-10
Magbasa pa

HER OTHER SIDE

Tatlong mahina at sunod-sunod na katok ang pinakawalan ni Adrielle bago niya dahan-dahang itinulak ang pinto ng silid na kinaroroonan ni Crimson. May sariling maliit na hospital ang Octagon na naroon lang din sa ekta-ektaryang lupa ng ama nilang si Lion Guerrero. Magkahiwalay ang silid na ginagamit nina Crimson at Kimhan na parehong naka-confine sa hospital maging si Bob.Sumilip muna sa loob si Adrielle bago tuluyang pumasok nang makitang gising si Crimson. Nakasandal ito sa pinagpatong-patong na unan habang nakapatong sa bandang tiyan ang laptop nito. Kaagad na nalukot ang mukha niya dahil sa kanyang nakita."Hey," malambot ang tinig na bati ni Adrielle kay Crimson na kaagad na nag-angat ng paningin nang marinig ang kanyang boses. Mula sa monitor ng kaharap na laptop ay tumutok ang mga mata nito sa kanya. Isang malawak na ngiti ang kaagad na gumuhit mula sa mga labi nito bago hinubad ang suot na salamin."El," nakangiting usal ni Crimson kay Adrielle. "Come," aniya rito na bahagya pa
last updateHuling Na-update : 2022-08-11
Magbasa pa

REMEMBER THE NAME

MULA sa silid ni Crimson ay sambakol ang mukhang tumuloy si Adrielle sa kuwarto na ginagamit ni Kimhan. Halos magkatabi lang naman ang dalawang silid kaya kaagad din siyang nakalipat. Salubong ang mga kilay na itinulak niya ang pinto, ni hindi na siya nag-abalang kumatok.Mula sa binabasang libro ay nag-angat naman ng paningin si Kimhan at kaagad na salitang umalsa ang mga kilay nang makita ang anyo ng bunsong kapatid. Mukhang anumang sandali ay maghahamon na ito ng away. "What's up?" tanong ni Kimhan kay Adrielle pagkaraang maipatong sa katabing maliit na mesa ang hawak na libro. "Bakit para kang makikipagdigma? Nasaan ang giyera?" dugtong pa niya.Umikot ang mga mata ni Adrielle paitaas bago sinulyapan ang bahagi ng katawan ni Kimhan na may tama ng baril. Oo, kahit may tama ito ng baril sa tagiliran dahil pinag-initan ito ng isang Russian na kasama ng dapat ay ka-deal nito pero nagawa pa rin nitong makipagbarilan sa mga kalaban nang dumating sila sa lumang gusali."Thank God, buh
last updateHuling Na-update : 2022-08-11
Magbasa pa

NEON

MAHIGIT dalawang linggo na rin ang matuling lumipas at kahit paano ay maayos na rin ang pakiramdam ni Cougar. Ilang araw lang din naman kasi ang itinagal niya sa hospital ng Octagon. Bukod kasi sa hindi siya sanay na nagtatagal sa loob ng isang hospital ay kailangan pa niyang mag-report kay General Gallego tungkol sa nangyari. At kanina lang ay kaagad siyang nakatanggap ng tawag mula sa dating deputy director. Tinatanong siya nito kung kailan ang susunod na transaction ng mga Guerrero pero dahil sa sunod-sunod na pagkaka-bulilyaso ng mga deal ng Octagon ay dama niya ang biglaang pag-lie low ng mga ito. Kung mayroon mang naka-planong gawain ay tanging ang mga matatagal nang tauhan ni Señor Lion ang nakaka-alam.Dumukot ng sigarilyo si Cougar mula sa hawak niyang pakete at sinindihan iyon gamit ang lighter. Ilang ulit siyang gumithit ng usok pagkuwa'y paunti-untii iyong pinakawalan sa hangin. Pasado alas-singko na rin ng hapon at kasalukuyan siyang nasa ilalim ng punong kaimito at nagpa
last updateHuling Na-update : 2022-08-13
Magbasa pa

VISIT

INFANTA, QUEZON POLICE STATIONKabadong tinapik-tapik ng Chief of Police na si Alfonso Lorenzo ang gilid ng kanyang mesa habang nakatanaw sa labas ng bintana ng kanyang opisina na nasa ikalawang palapag ng police station ng Infanta. Nakaharap sa isang bahagi ng parking area ang kanyang opisina kaya kitang-kita niya ang pamilyar na kulay itim na pick-up truck na pumarada sa ilalim ng punong mangga. Alam niyang sinadya ng driver niyon na doon mag-park. Marami pang space sa parking lot dahil week-end kaya wala gaanong tao at mga sasakyan.Nakarinig ng dalawang magkakasunod na katok mula sa pinto si Chief Lorenzo kaya bahagya siyang napapitlag."Tuloy," aniyang ang mga mata ay hindi pa rin inaalis sa labas ng bintana.Bumukas ang pinto sa driver's side ng pick-up at mula roon ay bumababa ang lalaking kahit may kalayuan ay alam ni Chief Lorenzo na seryoso ang anyo nito. Mas lalo tuloy nadoble ang kaba sa kanyang dibdib. Kumunot ang noo niya nang makitang bumukas maging ang pinto ng pick-up
last updateHuling Na-update : 2022-08-13
Magbasa pa
PREV
12345
DMCA.com Protection Status