LIANE'S RESTOIyon ang pangalang nakalagay sa medyo kalawangin nang karatula sa isang mumurahing karenderya na iyon na nasa tagong bahagi ng medyo magulong eskinita malapit sa Emilio Highway. Maingay ang paligid dahil sa mga batang naglalaro habang nagkukumpulan naman sa harap ng maliit na tindahan sa hindi kalayuan ang ilang kababaihan. Typical na tanawin sa Pilipinas lalo na sa mga lugar na kagaya nito.Nang ibaling naman ni Cougar ang kanyang paningin sa kabilang bahagi ay nakita niya ang ilang kalalakihan na nakaupo habang nakaharap sa mesang may nakapatong na alak sa ibabaw. Walang suot na pang-itaas ang mga ito at masayang nagkakantahan samantalang ang ilang kabataang babae naman ay abala sa pagsayaw sa harap ng camera sa gilid ng kalsada. Napailing na lamang siya dahil sa kanyang mga nakita. Mabilis na bumaba si Cougar mula sa dala niyang motorbike. Hinubad din niya ang suot na helmet at bitbit iyon na naglakad siya palapit sa karenderya. Hinawi niya ng mga daliri ang may kaha
"THEY ALL LOOK NORMAL, aren't they, Bob?" Nangi-ngiting turan ng katabi ni Cougar na si Emman, ang head bodyguard ni Lion Guerrero.Bobby ang pangalang gamit ni Cougar sa loob ng Octagon. Isang linggo na rin ang nakakalipas simula nang makapasok siya sa loob ng teritoryo ng mga Guerrero. General Gallego pulled some strings para kung sakaling i-track ni Crimson Guerrero ang background niya ay wala itong makita. Ang pampitong anak kasi ni Lion Guerrero ang head ng intelligence ng Octagon. Malaki rin ang hinala nila ni General Gallego na sangkot ang lalaki sa nangyaring hacking sa system ng NBI na naglalaman ng mga confidential files noong nakaraang taon. At isa iyon sa kailangan niyang alamin.Mahinang tumango si Cougar. Magaan ang araw na iyon para sa kanilang lahat dahil naging maayos ang transaction ni August sa kausap nitong representative ng isang mafia organization na nagmula sa China. Si August Guerrero naman ang humahawak sa malawakang drug deals ng Octagon. Sa likod ng kagalan
"You guys, ready?"Boses iyon ni Kimhan na ang kausap ay ang isang bodyguard na isasama nito sa isang private beach sa labas ng Quezon. Mayroon kasi itong kausap na mga Russians na sinadya pang pumunta sa Pilipinas para sa deal na gagawin. Malaking transaction ang mangyayari dahil hindi birong halaga ang kapalit ng gintong Buddha na nakuha pa ni Kimhan sa isang malaking bidding event sa London noong nakaraang buwan."Yes, Young Master!" seryoso at walang piyok na tugon ng siyam na lalaking sumaludo pa kay Kimhan.Tumango-tango si Kimhan bago mahinang tinapik ang balikat ng isa sa mga ito."Remember, there's no room for any kind of failure," paalala niya rito. "Am I clear, Olie?" turan ni Kimhan sa lalaking siyang head bodyguard sa team niya.Kanya-kanya kasi sila ng team dahil magkaka-iba din ang expertise nilang magkakapatid. At bawat isa sa kanila ay mayroong head bodyguard na siya namang namamahala sa iba pang bodyguards na hawak ng mga ito. Ang ama nilang si Lion Guerrero ang siyan
Nang dumating sina Adrielle sa lugar ay kaagad silang naghiwa-hiwalay ng dalawa niyang kapatid. It was an old and abandoned steel mill, owened by one of their business associates.Inayos ni Adrielle ang suot na earpiece sa kanyang tainga bago mabilis na tumakbo sa isang bahagi ng malawak na solar. May mga nadaanan siyang lumang sasakyan na kinakalawang na. Ginawa na rin kasi iyong tambakan ng may-ari kaya bukod sa mga nakakalat na bakal ay mayroon ding iilang container van na hindi ginagamit kaya iniwan at pinabayaan na lang din doon. Pagliko niya sa isang bahagi ay mayroong dalawang armadong lalaki na nakatayo roon. Pareho pang nagulat ang dalawa dahil sa biglaang pagsulpot ni Adrielle sa harapan ng mga ito.Sandaling tumigil sa pagtakbo si Adrielle bago nakangiting binati ang dalawang lalaki. "Oh, hey there, fellas," bati niya sa mga ito bago tila walang anumang umigkas ang isang kamay para bigyan ng mabilisang upper cut ang isa sa dalawang banyaga saka siya umikot para naman bigyan
Tatlong mahina at sunod-sunod na katok ang pinakawalan ni Adrielle bago niya dahan-dahang itinulak ang pinto ng silid na kinaroroonan ni Crimson. May sariling maliit na hospital ang Octagon na naroon lang din sa ekta-ektaryang lupa ng ama nilang si Lion Guerrero. Magkahiwalay ang silid na ginagamit nina Crimson at Kimhan na parehong naka-confine sa hospital maging si Bob.Sumilip muna sa loob si Adrielle bago tuluyang pumasok nang makitang gising si Crimson. Nakasandal ito sa pinagpatong-patong na unan habang nakapatong sa bandang tiyan ang laptop nito. Kaagad na nalukot ang mukha niya dahil sa kanyang nakita."Hey," malambot ang tinig na bati ni Adrielle kay Crimson na kaagad na nag-angat ng paningin nang marinig ang kanyang boses. Mula sa monitor ng kaharap na laptop ay tumutok ang mga mata nito sa kanya. Isang malawak na ngiti ang kaagad na gumuhit mula sa mga labi nito bago hinubad ang suot na salamin."El," nakangiting usal ni Crimson kay Adrielle. "Come," aniya rito na bahagya pa
MULA sa silid ni Crimson ay sambakol ang mukhang tumuloy si Adrielle sa kuwarto na ginagamit ni Kimhan. Halos magkatabi lang naman ang dalawang silid kaya kaagad din siyang nakalipat. Salubong ang mga kilay na itinulak niya ang pinto, ni hindi na siya nag-abalang kumatok.Mula sa binabasang libro ay nag-angat naman ng paningin si Kimhan at kaagad na salitang umalsa ang mga kilay nang makita ang anyo ng bunsong kapatid. Mukhang anumang sandali ay maghahamon na ito ng away. "What's up?" tanong ni Kimhan kay Adrielle pagkaraang maipatong sa katabing maliit na mesa ang hawak na libro. "Bakit para kang makikipagdigma? Nasaan ang giyera?" dugtong pa niya.Umikot ang mga mata ni Adrielle paitaas bago sinulyapan ang bahagi ng katawan ni Kimhan na may tama ng baril. Oo, kahit may tama ito ng baril sa tagiliran dahil pinag-initan ito ng isang Russian na kasama ng dapat ay ka-deal nito pero nagawa pa rin nitong makipagbarilan sa mga kalaban nang dumating sila sa lumang gusali."Thank God, buh
MAHIGIT dalawang linggo na rin ang matuling lumipas at kahit paano ay maayos na rin ang pakiramdam ni Cougar. Ilang araw lang din naman kasi ang itinagal niya sa hospital ng Octagon. Bukod kasi sa hindi siya sanay na nagtatagal sa loob ng isang hospital ay kailangan pa niyang mag-report kay General Gallego tungkol sa nangyari. At kanina lang ay kaagad siyang nakatanggap ng tawag mula sa dating deputy director. Tinatanong siya nito kung kailan ang susunod na transaction ng mga Guerrero pero dahil sa sunod-sunod na pagkaka-bulilyaso ng mga deal ng Octagon ay dama niya ang biglaang pag-lie low ng mga ito. Kung mayroon mang naka-planong gawain ay tanging ang mga matatagal nang tauhan ni Señor Lion ang nakaka-alam.Dumukot ng sigarilyo si Cougar mula sa hawak niyang pakete at sinindihan iyon gamit ang lighter. Ilang ulit siyang gumithit ng usok pagkuwa'y paunti-untii iyong pinakawalan sa hangin. Pasado alas-singko na rin ng hapon at kasalukuyan siyang nasa ilalim ng punong kaimito at nagpa
INFANTA, QUEZON POLICE STATIONKabadong tinapik-tapik ng Chief of Police na si Alfonso Lorenzo ang gilid ng kanyang mesa habang nakatanaw sa labas ng bintana ng kanyang opisina na nasa ikalawang palapag ng police station ng Infanta. Nakaharap sa isang bahagi ng parking area ang kanyang opisina kaya kitang-kita niya ang pamilyar na kulay itim na pick-up truck na pumarada sa ilalim ng punong mangga. Alam niyang sinadya ng driver niyon na doon mag-park. Marami pang space sa parking lot dahil week-end kaya wala gaanong tao at mga sasakyan.Nakarinig ng dalawang magkakasunod na katok mula sa pinto si Chief Lorenzo kaya bahagya siyang napapitlag."Tuloy," aniyang ang mga mata ay hindi pa rin inaalis sa labas ng bintana.Bumukas ang pinto sa driver's side ng pick-up at mula roon ay bumababa ang lalaking kahit may kalayuan ay alam ni Chief Lorenzo na seryoso ang anyo nito. Mas lalo tuloy nadoble ang kaba sa kanyang dibdib. Kumunot ang noo niya nang makitang bumukas maging ang pinto ng pick-up
PAGDATING SA ISANG may kahabaan ngunit madiolim na kalsada sa bahaging iyon ng Malate ay bumaba na si Adrielle. “You stay here and wait for my signal, d’you understand?” bilin niya kay Zin na kaagad namang tumango.“Okay,” sagot naman ng lalaki sa kanya. Hindi niya p’wedeng salungatin ang bilin ni Adrielle kahit pa gusto niya itong tulungan na mailoigtas si Anya. Mas malaki ang maitutulong niya kung mananatili siya sa loob ng sasakyan at ituro na lamang dito ang tamang daan para mas madali nitong matunton ang kaibigan niya.Malaki ang abandonadong hotel na pinagdalhankay Anya. Marami ring guwardiyang nakakalat sa loob at labas ng hotel. Mayroon ding mga CCTV pero wala namang imposible sa kagaya niyang Blade. And he wouldn’t be one of Neon’s Blade for nothing…“I’ll go ahead,"Hindi na hinintay ni Adrielle ang magiging sagot ni Zen dahil kaagad na siyang tumalikod pagkatapos niyang isukbit sa kanang balikat ang dala niyang maliit na backpack.Lakad-takbob ang ginawa ni Adrielle papun
“ZEN…”“I’m on it, Neon,” kaagad namang tugon ni Zen mula sa kabilang linya. Isa si Zen sa limang Blades ni Neon. “Okay, good.” tumatango-tangong turan niya sa kausap habang ang mga mata ay seryosong nakatutok sa kaharap na laptop. May sinusundan silang lead tungkol sa bagong location ni Anya. Alam ni Adrielle na kung sino man ang nasa likod ng lahat ng ito ay nakikipaglaro sa kanya. Someone is luring her to a rat’s hole!“Are you sure about this, Neon?” tanong ni Zen pagkaraan ng ilang saglit, pagkatapos niyang maipadala sa babae ang files na kailangan nito.Walang nakuhang tugon si Zen mula kay Adrielle na kasalukuyan namang abala sa pagbabasa ng report na ipinadala ng lalaki.Ilang saglit pa ay muling nagsalita si Adrielle. “I’ll get Anya…” walang emosyong usal niya bago ibinaling ang pansin sa isa pang laptop na nasa kanyang harapan.Mabilis na tumipa ng sagot si Adrielle para sa email na kanyang natanggap at nang maipadala iyon ay kaagad siyang tumayo. Kasalukuyang nasa kanila
PAGKAGALING sa opisina ng kanyang Papa ay kaagad na dumiretso si Adrielle sa basement kung saan naroon at tiyak niyang naghihintay sa kanya si Crimson. Pagkababa niya sa basement ay natuon ang pansin ni Adrielle sa pet bed na nakalagay sa paanan ni Crimson. Abalang-abala ito sa kung ano mang tinitingnan sa kaharap na monitor habang si Pixie naman ay tulog na tulog. Muntik nang matawa si Adrielle nang makita niya ang kapirasong hiwa ng mansanas na nakasubo pa rin sa nahihimbing na biik. "Crim," tawag-pansin niya sa kapatid bago lumapit sa nakasaradong refrigerator. Binuksan niya iyon at kumuha ng mansanas. Mabilis namang lumingon si Crimson at napakunot ang noo nang makita ang hawak ni Adrielle. "Ibalik mo 'yan!" nakasimangot na aniya sa bunsong kapatid. Umirap naman si Adrielle bago tila walang anumang kinagat ang hawak na prutas pagkatapos niya iyong punasan gamit ang laylayan ng suot niyang sando. "Masamang magdamot sa kapatid." Sabi ni Adrielle habang ngumunguya. Umismid si
NAKATAYO si Cougar sa rooftop ng mansion ng mga Guerrero kasama si Raksha nang mula sa malayo ay matanaw niya ang paparating na itim na motorbike. Sinenyasan niya ang head bodyguard ni Azure na naging malapit na rin sa kanya na iabot nito sa kanya ang hawak nitong binocular. Walang salitang ibinigay ni Raksha kay Cougar ang binocular. May kausap ito sa cellphone kaya hindi na ito nagtanong sa kaibigan. Mabilis na itinapat ni Cougar sa kanyang mga mata ang hawak na binocular para tingnan kung sino ang paparating. Kumunot ang noo niya nang makilala ang pamilyar na motorbike na minsan na niyang nakita. "Allie..." tiim ang anyo na usal ni Cougar habang hindi pa rin inaalis ang binocular sa kanyang mga mata. Narinig naman iyon ni Raksha na nagkataong tapos nang makipag-usap. Kumunot ang noo ng bodyguard ni Azure nang marinig nito ang hindi pamilyar na pangalan mula kay Cougar. Ipinasok niya sa bulsa ng suot ng pantalon ang hawak na cellphone bago walang salitang kinuha ang binocular mul
"TURN ON THE TELEVISION and go to WCK news channel, hurry!" Iyon ang mga salitang kaagad na bumungad kay August nang sagutin niya ang tawag ni Trigger na kasalukuyan namang nasa Manila. Resident doctor ang lalaki sa isang kilalang hospital sa lungsod. Sa susunod na araw pa ang balik nito sa Quezon pagkatapos ng tatlong araw na duty sa hospital. Kumunot ang noo ni August dahil sa labis na pagtataka ngunit kaagadi ding sinenyasan si Brixx na buksan ang malaking television. Naroon siya sa training ground kasama ang isang bodyguards. Naroon din sina Kimhan, Azure at Russet pati abg bodyguard ni Adrielle na si Cougar na kahapon lang nakabalik mula sa Palawan dala ang biik na sinasabi nitong alaga daw ng boss nito. "Go to WCK News, Silva," utos ni August sa kanyang head bodyguard na kaagad namang sumunod.["Isa pong bangkay ng naaagnas na ng hindi kilalang babae ang hindi sinasadyang natagpuan ng isang residente ng Baryo Sapang-Bato sa bakanteng lupa na ito na siyang ginagawang tambakan n
"WHERE ARE YOU?" mahina ang boses tanong ni Adrielle sa kanyang kausap mula sa hawak niyang cellphone. Pasado alas diyes na ng gabi at tahimik na ang buong paligid. Tanging huni na lamang ng mga kuliglig ang maririnig sa paligid at ang panaka-nakang ingay na nagmumula sa tunog ng kuwago na nasa kalayuan. Alas otso pa lang kanina ay nagpahinga na si Nanay Tilde dahil inatake ng rayuma ang matandang babae. Si Codie naman ay kay Eunice natulog samantalang ang talaga niyang si Pexie ay iniwan niya sa kanyang silid na mahimbing na rin ang tulog. Si Cougar naman ay nasa kuwadra dahil nanganak ang isa sa anim na kabayong talaga ng lalaki.Walang sagot na narinig si Adrielle mula sa kausap pero naagaw ang pansin niya ng tatlong beses na pagpatay-sindi ng ilaw mula sa hindi kalayuan. "Okay, I'm coming..." aniya sa kausap bago nagmamadaling naglakad palayo sa farmhouse. Dumating sa Pilipinas ang isa pa sa limang Blades na hawak niya para tulungan siyang mahanap si Anya. Nalaman din niya mula
"SI ALLIE ho, Nanay Tilde?" Tanong ng bagong dating na si Cougar.Alas singko pa lang ay nasa manggahan na si Cougar para tulungan ang ilan sa kanyang mga magsasaka na nag-spray ng pesticide sa namumulaklak na mga mangga. Pagkatapos ay pumunta naman siya sa niyugan para bisitahin ang mga nagko-kopra bago siya tumuloy sa palayan para tingnan kung maayos ba ang tubo.Nabili niya ng farm halos pitong taon na ang nakakaraan gamit ang mga naipon niya tapos nagloan na rin siya sa bangko para may pangdagdag siya. Then after two years ay nadagdagan iyon nang ibenta sa kanya ang katabing lupa at yun nga ang niyugan. Nagmigrate na sa America ang pamilya ng dating may-ari ng lupa kaya napunta iyon kay Cougar. Sunod niyang nabilli ay ang katabing lupa naman. Bakante iyon noong nabili niya tapos pagkaraan ng isang taon ay pinataniman niya ng mga mangga. Hindi alam ng Dad niya dati na nakabili siya ng lupa sa dulong bahagi ng Palawan pero nang magkaroon ng problema ang isang agent ng Falcon Survei
NAPIKIT si Adrielle nang makita niyang dahan-dahang bumababa ang mukha ni Cougar palapit sa kanya. Dama din niya ang mainit nitong hininga na tumatama sa kanyang balat at nagbigay iyon sa kanya ng nakakakiliting pakiramdam. Kumuyom ang magkabila niyang mga kamay na nakatukod sa kama at bahagya ring lumalim ang kanyang paghinga. Alam niya kung ano ang gustong gawin ng lalaki pero hindi na siya makagalaw. Pakiramdam ni Adrielle ay bigla siyang na-paralize lalo na nang tuluyang lumapat ang mainit at may kalambutang mga labi ni Cougar sa mga labi niya.Mas lalo pang humigpit ang kapit niya sa bedsheet at isang mahinang ungol din ang pilit na kumawala mula sa loob ng bibig niya.It was her first kiss, for goodness' sake! Sa edad niyang bente-kuwatro ay hindi pa niya naranasang magka-boyfriend dahil umiikot lang naman ang buhay niya sa training at mga misyon. Wala ring nagkakalakas ng loob na manligaw sa kanya dahil intimidating daw ang dating niya. At si Cougar—siya pa lang ang kaisa-isang
ALAS OTSO na ng gabi pero buhay na buhay pa rin ang mga tauhan ni Cougar sa farm. Naglagay sila ng mga mesa na pinagdugtong-dugtong sa labas ng farmhouse at doon nagkasiyahan. Bumaha ng mga anak at pulutan habang nagkakantahan. "Miss El, kanta ka po," tawag ng asawa ng isa sa mga tauhan ni Cougar. Napatigil sa akmang pagtungga ng hawak na beer si Adrielle nang marinig niya ang sinabi na iyon ng babae. Sandali siyang natigilan bago ngumiwi."No, please..." Tanggi niya habang mahinang iwinawasiwas ang kamay. "Hindi ako marunong kumanta." nakangiwing dugtong pa niya. Napangiti ang babae bago inabot ang hawak na microphone kay Adrielle. "Kami rin naman, Miss El pero kita mo naman, sige pa rin kami sa pagkanta. Tayo-tayo lang naman ang nandito." Pangungulit nito sabay kuha ng song book kung saan nakalista ang mga kanta na p'wedeng pagpilian. Napakamot sa ulo si Adrielle sabay abot ng microphone. Mukhang hindi rin naman siya titigilan ng babae kaya pagbibigyan na lang niya. Isa pa ay bak