Home / Romance / The Governor's Identity / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of The Governor's Identity : Chapter 1 - Chapter 10

31 Chapters

Kabanata 1: Alira

ALIRA ASUL ang kulay ng kalangitan, ang alon ay kalma na para bang pinapahiwatig nito na magiging ayos ang panahon ngayon at ang langit ay nagkukulay kahel na indikasyon na malapit ng sumikat ang araw. Ang hangin ay nagsimula ng lumamig kaya napayakap ako sa braso ko sabay napatingin sa orasan. Alas-sais na ng umaga. Oras na para gisingin ko na rin ang kaluluwa at isip ko sa dami ng gawain, kailangan ko ng matapos ang lahat para wala na akong ibang aayusin pa kapag nagsimula na ako sa trabaho ko. Napatingin naman ako sa maliit na brasong yumakap sa bewang ko kaya ng tumungo ako kusang lumabas ang ngiti sa labi ko ng makita ko kung sino ito. “Good morning, Mommy.” Bakas sa boses niya na inaantok pa ang anak ko kaya binuhat ko ito at matunog na hinalikan sa pisngi. “Good morning too my baby, bakit ang aga mong nagising? Mamaya pa naman tayo uuwi sa condo natin,” saad ko at lumabas na sa kwarto ng rest house na inupahan namin sa kaibigan ko dito sa Batangas. Isang linggo na ang n
Read more

Kabanata 2: Welcome Back

ALIRA"I'M the owner of this art museum," pagtatapos ko sa huling salitang binitawan ko at matapang na tumingin sa mga mata niya. Gusto ko mang basahin kung ano ang emosyon na nakapaloob dito ay hindi ko maggawa. Masyadong malamig kung tumingin ang mga mata niya ngayon. Ibang-iba na nga sa Laxon na nakilala ko. Hindi na siya ang Laxon na iniwan ko sa limang taon na nakalipas. Lahat ng tao ay nagbabago, Alira. Tandaan mo 'yan. Habang pinagmamasdan ko ang mga mata niya ay libo-libong mga alaala at emosyon ang nakikita ko, pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa klase ng pagtitig niya sa akin kaya ako na ang unang umiwas. Hindi ko pinakita ang pagkagulat ng lumabas ang mga emosyon na nakapaloob kanina dito. Kung kanina ay malamig , ngayon ay samu't-sari na ito. "It's a pleasure to see you here in our art museum Governor," dugtong ko pa at palihim naman akong nagpasalamat dahil hindi ako nautal kahit nasa harapan ko siya. Hindi pa rin magsink-in sa akin na sa ganitong paraan kami magk
Read more

Kabanata 3: Laxon Ace

ALIRA“KAPAG naging Governor na ako at natupad ko ang pangarap ko para sa sarili ko, Lira. Pangarap naman nating dalawa ang tutuparin natin. Just wait for me, baby.” Ramdam ko ang determinasyon at pagmamakaawa sa boses ni Laxon habang nakahiga kaming dalawa sa sofa at nanonood ng t.v. Ngumiti naman ako at tumango. “I will, Laxon. Pursue your dream first, makakapaghintay naman ako,” pagpapagaan ko ng nararamdaman niya kaya naramdaman kong dumampi ang labi niya sa ibabaw ng ulo ko at hinalikan ako. “Magpapakasal tayong dalawa tapos ay ikaw ang magpe-paint or magde-design nitong bahay natin kasi gusto mo ‘yon. Papalibutan rin natin ng bulaklak yung harapan para mas lalong gumanda. Masaya tayong magsasama dito, Lira. Just wait, baby…” Aniya sa malambing boses kaya tumingala ako at tumingin sa mga mata niya. Mabilis ko siyang hinalikan sa labi kaya napangiti siya.“I will, Laxon. Sabay natin tutuparin ‘yon, hindi ako mawawala sa tabi mo.” Pangako ko at niyakap siya pabalik. Akala ko mat
Read more

Kabanata 4: Raya De Guzman

ALIRA"ANONG ginagawa mo dito?" Bakas sa boses ko ang taranta at takot kaya kumunot ang noo niya at nagsalubong ang kilay niya. Ako naman ay napakagat labi dahil baka dumating bigla si Kuya at si Greyson, delikado na. "I'm buying this," pagtukoy niya sa laruan na hawak niya at itinaas pa ito para ipakita sa akin. Kaya napakamot naman ako sa pisngi ko at nagkunwaring tumawa. "Para kanino 'yan?" Pang-uusisa ko pero inaalerto ko ang sarili dahil baka bigla na lamang sumulpot ang dalawang 'yon sa harapan namin. Delikado na talaga. Nakita ko naman mas lalo pang nagtaka ang mukha niya pero sinagot pa rin naman niya. "Para sa inaanak ko, si Raxon." "Raxon?" "Anak ni Bella at Damon, birthday ngayon kaya pupunta ako." Dugtong niya pa kaya napatango na lamang ako."By the way, ikaw? Bakit ka nandito?" Pang-uusisa niya na kaya mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko sa naging tanong niya. Mas lalong lumalala ang panlalamig ko. "Nagpapalamig." Parang tanga kong sagot at tipid na ngumiti. Da
Read more

Kabanata 5: Ang Nakaraan

Author's Note: Hi! Nakaraan na ito ni Laxon at Alira, nasa exciting part na tayo. Pero may mas exciting pa, abangan! Enjoy reading!ALIRA"AS you can see, this painting represents the grief of a woman who lost her passion and dreams that she had been chasing for so long." Paliwanag ko habang ipinapakita sa mga judges ang natapos ko na gawa.I looked at it again and was mesmerized by the outcome. I never thought that this painting would be made by me. Tiningnan ko ang bawat linya na ginawa ko, ang nakalagay dito ay isang babae na sumisigaw at maraming mga ibon ang lumalabas sa bibig niya na para bang ito ang mga sakripisyo, oras at mga bagay na ginugol niya makuha lang ang gusto niya. "The birds represent the freedom, hard work, sacrifices of the woman while chasing her dreams and passion but in the end, it didn't work as she had imagined. That's why she's screaming," dagdag ko pang muli kaya napangiti at napatango naman ang mga judges na nasa harapan ko. "That's my girlfriend!" Sig
Read more

Kabanata 6: Fiance

ALIRA"SHE said yes!" Masayang anunsyo ni Laxon sa harap ng pamilya namin habang nasa loob kami opisina niya ngayon sa munisipyo.Noong una ay sinabi ko munang huwag at gulatin na lang sila pero itong isa ay inutusan na pala na tawagan ang mga magulang dahil sa excitement na nadarama. Hinayaan ko na lamang kaysa makipag-debate pa dito, sa huli ay hindi ako mananalo dito.Nang sabihin 'yon ni Laxon ay nakatitig lang sila sa amin na animo'y nagtataka sa sinasabi nitong isa. Kaya huminga na lamang ako ng malalim at itinaas ang isang kamay ko kung saan nakalagay ang engagement ring na isinusuot sa akin ni Laxon. "We're engaged now," bakas sa boses ko ang magkahalong kaba at excitement nang sabihin ko 'yon sa kanila at nagulat na lang ako ng sumigaw sila at nagyakapan pa. "Sabi ko sa'yo, Pare. Magpo-propose ang anak kong si Laxon kay Rain. Tingnan mo, ayan na oh," saad ng Papa ni Laxon kaya napangiti na lang ako at napahawak sa kamay ni Laxon na ngayon ay nakangiti na rin sa akin. "I lo
Read more

Kabanata 7: Letter

ALIRA"HINDI mangyayari ang sinabi niya sa'yo, Alira," saad ni Laxon ng nakahiga na kami sa kama niya. Hindi na niya ako pinauwi dahil gabing-gabi na kaya nag-iwan na lang ako ng message kila Mama."H-hindi ka naman magpapaagaw 'diba?" Puno ng pangamba kong tanong kaya hinalikan niya ako sa gilid ng noo at niyakap. "Hindi. Ang tanga at ang bobo ko naman kung gagawin at hahayaan ko 'yon. Hinintay kita ng limang taon tapos sasayangin at ipagpapalit ko lang sa isang pagkakamali. Sa'yo lang ako, Alira. Sa'yong-sa'yo lang," puno ng determinasyon niyang saad kaya napapikit naman ako para pigilan ang luhang gustong kumawala sa mga mata ko. "I'm sorry if I sounded like I doubted you. Natakot lang ako," pag-amin ko kaya napasinghap na lang ako nang paulanan niya ako ng halik mula sa panga ko hanggang sa gilid ng labi ko. Nagsimula na rin manlamig ang katawan ko. "I understand you, baby. I understand, alam kong natakot ka lang but I will assure you everyday that you will be the woman that I
Read more

Kabanata 8: The Call

ALIRAMABILIS kong nabitawan ang papel at halos mapaupo ako sa sahig dahil sa matinding sakit ng ulo ko, pakiramdam ko ay mahihilo ako kaya pinilit kong bumalik sa upuan at kumuha ng tubig. Pilit ko ring pinapakalma ang sarili ko dahil sa nabasa pero wala pang ilang minuto ay napatayo ako sa upuan dahil nakaramdam ako ng pagduduwal. Malakas kong binuksan at pinto at mahigpit na napahawak sa lababo ng maramdaman kong parang bumabaliktad ang sikmura ko. Kaya matapos ay nagmugmog ako at malalim na huminga, parang tuyong-tuyo ang lalamunan ko. Nang makita ko ang hitsura ko sa salamin ay napailing ako dahil akala mo ay may sakit ako dahil namumutla na naman ako. Pinunasan ko na lang ang bibig ko at ng makalabas ako sa banyo ay halos mapatalon naman ako sa gulat ng makita kong nakatayo si Laxon sa harap ko at may hawak pang isang basong tubig. "Are you okay? May sakit ka ba?" Pag-aalala niya at nilapitan ako para ilapat ang kamay niya sa noo ko at ng maamoy ko ang pabango niya ay hindi k
Read more

Kabanata 9: Meet Me

ALIRANARAMDAMAN ko na lamang na may humila sa akin at mahigpit akong niyakap. Hanggang ngayon ay nakatulala lang ako kaya hindi ko pa rin maramdaman ang nasa paligid ko. Unti-unti akong nabalik sa huwisyo ng mahina akong tapikin ni Kuya sa pisngi at kitang-kita ko ang matinding pag-aalala sa mukha niya, hindi ako makapagsalita dahil sa nasaksihan ko ngayon-ngayon lamang. Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito, ang mga tuhod ko ay nanghihina at mabuti na lamang ay hawak-hawak ako ni Kuya kaya hindi ako nakasalampak sa sahig. Wala ako sa huwisyong napahawak sa tiyan ko dahil akala ko ay katapusan na namin ng anak namin ni Laxon. Hindi ko pa naman nasasabi sa kaniya ay mawawala naman agad ito sa amin dahil sa ginawa ni Raya. Ganoon na ba siya kadesperada na mawala kami sa landas niya makuha lang si Laxon."Alira, nasaktan ka ba? Magsalita ka naman oh. Nadaplisan ka ba? Alira!" Ayun na lamang ang huling narinig ko dahil nilamon na ako ng kadiliman. "Ma, h
Read more

Kabanata 10: Runaway

ALIRAMATAPOS niyang ibaba ang tawag ay nanghihina akong napaupo sa kama ko at napatulala. Hanggang ngayon ay nagsi-sink in pa rin sa akin ang mga sinabi ni Raya.Baliw na siya, dahil sa pagmamahal niya kay Laxon ay nagkaganito siya. Masyado ang pagpapahirap ang ginagawa niya sa akin, alam kong iniipit niya ako sa mga oras na 'to."Makikipagkita ka sa akin o pareho kayong mamamatay ng anak mo."Napapikit ako ng mariin at napahawak sa ulo ko. Ayokong kainin ng takot pero sa sinabi niya pa lang ay nanginginig na ang buong katawan ko, alam kong kaya niyang gawin iyon. Sa isang pitik niya lamang ay kaya na niyang kumuha ng buhay."A-ano bang kasalanan ko para pahirapan ako ng ganito," naiusal ko na lamang at napahawak sa noo. Kahit ayokong maistress dahil baka makasama ito sa sinapupunan ko ay nai-istress ako dahil kay Raya. Para bang tuwang-tuwa siya na pinaglalaruan ako.Habang nakatulala sa sahig ay muli na naman tumunog ang cellphone ko pero hindi na ito tawag, isa na itong text at al
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status