ALIRA
ASUL ang kulay ng kalangitan, ang alon ay kalma na para bang pinapahiwatig nito na magiging ayos ang panahon ngayon at ang langit ay nagkukulay kahel na indikasyon na malapit ng sumikat ang araw. Ang hangin ay nagsimula ng lumamig kaya napayakap ako sa braso ko sabay napatingin sa orasan.
Alas-sais na ng umaga. Oras na para gisingin ko na rin ang kaluluwa at isip ko sa dami ng gawain, kailangan ko ng matapos ang lahat para wala na akong ibang aayusin pa kapag nagsimula na ako sa trabaho ko. Napatingin naman ako sa maliit na brasong yumakap sa bewang ko kaya ng tumungo ako kusang lumabas ang ngiti sa labi ko ng makita ko kung sino ito.
“Good morning, Mommy.” Bakas sa boses niya na inaantok pa ang anak ko kaya binuhat ko ito at matunog na hinalikan sa pisngi.
“Good morning too my baby, bakit ang aga mong nagising? Mamaya pa naman tayo uuwi sa condo natin,” saad ko at lumabas na sa kwarto ng rest house na inupahan namin sa kaibigan ko dito sa Batangas.
Isang linggo na ang nakalipas simula ng makauwi kami ng anak ko galing sa Amerika, dito na rin naman kami naninirahan dahil dito na rin naman niya balak pumasok na ng kinder. Noong una ay medyo nahihirapan pa ako dahil baka may makakilala sa amin na ipinagpapasalamat ko na lamang ay wala pa… sa ngayon.
Bukod sa dito na rin kami maninirahan ay dito ko rin naipatayo kasi ang second branch ko ng art museum dalawang taon na ang nakalipas, dati kasi ay iyong assistant ko lamang ang nag-aasikaso ngayon ay ako naman. Gusto ko na rin kasing tutukan ang branch ko dito. Ang art museum na pinatayo ko dito ay puno ng mga paintings na nagawa ko sa limang taon na naninirahan pa ako sa Amerika.
Ito ang ginawa kong hanapbuhay para may makain kami ng anak ko si Grayson Levi, noong una ay mahirap dahil hindi pa naman ako pamilyar sa kalakaran ng buhay sa ibang bansa pero nagsumikap ako dahil kung hindi ay baka parehong wala na kami ng anak ko ngayon.
Mahirap ang limang taon na dinanas ko para marating lamang ito, naalala ko pa noong unang punta ko sa Amerika para magtrabaho halos sumuko na ako dahil sa hirap pero nang maalala kong nagdadalang-tao ako ay para bang binigyan ulit ako nito na magpatuloy at magpursigi pa. Hindi dahil siguro kay Grayson ay baka wala ako ngayon sa mga pangarap ko.
Nabalik na lang ako sa reyalidad ng may humalik muli sa pisngi ko at napatingin naman ako kay Grayson na ngayon ay nakanguso at nakaturo sa gatas niya.
“Mama, milk ko po please,” malambing niyang suyo kaya nanggigil naman ako at magaan siyang kinurot sa pisngi.
"Okay, baby. Please wait Mama here," paalam ko na magiliw naman niyang tinanguan. Nilagay ko siya sa sofa at binuksan ang television para hindi siya mainip kakahintay sa akin.
Nang makita kong komportable siya ay saka na ako kumilos. Ang inuna ko ay ang gatas ni Grayson at ng matapos na ako ay ibinigay ko sa kanya at humiga naman siya habang nanonood.
"Thank you, Mama ko." Malambing niya pasasalamat na nginitian ko naman.
Nagpapasalamat na lamang ako dahil mabait at masunurin ang anak ko. Hindi ko rin siya pinalaking spoiled dahil gusto kong matuto siya na kung ano ang kaya ko munang ibigay ay matuto niya itong i-appreciate.
Ang una ko munang ginawa ay nilinis ang kusina at nag-init lamang ng tinapay. Doon ko na aayusin ang lahat sa condo dahil maaga rin naman kaming aalis ni Grayson dito sa resthouse.
Matapos kong linisin ang dapat ay linisin ay nagtungo naman ako sa kinaroroonan ni Grayson. Tapos na itong uminom ng gatas at tahimik na lamang na nanonood. Kaya umupo ako dito at sinamahan siya.
"Mama ko, you're done na?" Bulol niyang pagtatanong kaya tumango naman ako at saglit na nagpahinga. Napangiti na lamang ako ng yakapin niya ako at humiga sa tiyan.
"Maliligo na rin tayo, baby kasi uuwi na tayo sa condo at makikita ko na si MamaLa." Nakangiting saad ko kaya nagliwanag ang mukha niya at napatalon pa.
"Sige Mama ko, excited na akong makita si MamaLa!" Sigaw niya at napatakbo na ikinangiti ko naman.
"MAMALA!" Boses agad ni Grayson ang bumungad sa amin pagpasok sa condo, nakita kong excited na lumingon si Mama sa amin at tumakbo din ito at sinalubong ang yakap ng anak ko.
Ibinaba ko muna ang gamit ni Grayson sa sofa at ipinasok ko naman ang maleta sa kwarto namin, napangiti na lang ako dahil bago pa kami lumipat dito sa condo ay talagang pinaghandaan ni Mama ang lahat.
Noong una ay tumanggi pa ako dahil baka nakakaistorbo ako sa kaniya pero pinagalitan niya ako dahil ilan taong din akong nawala sa tabi nila at ito na raw ang isa sa paraan para makabawi sa amin ni Grayson. Bago pa kami umuwi dito ay inayos niya na lahat para wala na raw akong iisipin.
"Mamala, sabi ni Mama ikaw daw po muna ang mag-aalaga sa akin ngayon dahil pupunta daw po siya sa art museum niya," pakinig kong saad ng anak ko at ng silipin ko sila ay nakakandong na ito kay Mama na nanonood ng cartoon.
"Oo apo, gawa kasi ng ngayon lang kayo umuwi ni Mama mo dito at titingnan niya kung ano ang nangyayari sa museum niya. Huwag kang mag-alala mamaya ay nandito na rin sj PapaLo at Ninong pogi mo," paliwanag ni Mama kaya tuwang-tuwa na naman ang anak kaya lumabas na ako.
"Nasaan na pala yung dalawa Ma? Sila pa naman ang sobrang excited sa pag-uwi namin pero sila ang laging huling dumating," natatawang saad ko habang inaayos ang bag ko dahil aalis na rin ako para maaga akong makauwi mamaya.
"May biglaang meeting ang Papa at Kuya mo, Lira. Aalis ka na ba?" Pagtatanong niya kaya tumango naman ako at umupo sa tabi nila para magpaalam na kay Grayson na ngayon ay nakatingin na sa akin.
“Baby ko, aalis lang si Mama ha. Babalik din ako bago ka mag-sleep, tabi tayo okay?” Paninigurado ko kaya tumango naman siya at yumakap sa akin kaya hinalikan ko naman siya sa noo at muling binalik siya kay Mama.
“Ma, alis na po ako,” paalam ko kaya sabay silang tumayo ni Grayson para ihatid ako sa pinto na ikinangiti ko naman. Bago ko pa man isara ang pinto ay muli akong humalik sa noo ng anak ko at nagpaalam na.
Habang pababa ang elevator na sinasakyan ko ay tumigil ang mata ko sa isang post tungkol sa governor namin. Nang pindutin ko ang article ay muling bumilis ang tibok ng puso at nakaramdam ako ng kakaiba sa loob ng tiyan ko.
Kahit limang taon na ang nakalipas ay mas lalong naging matured ang mukha niya, ang mga mata niya na dati ay maamong tingnan ngayon ay sobrang bangis at talim na kung tumingin. Kahit limang taon na ay halatang marami na talagang nagbago lalo na ngayon ay nagbalik na ako dito at hindi ko alam ang gagawin kung ano ang mangyayari kapag nagharap muli kaming dalawa.
Pagpasok ko sa kotse ay tinawagan ko muna ang secretary ko bago ako pumunta para alamin kung may mga media bang nakaharang sa entrance, nang malaman kong may barricade naman daw na iniligay para hindi ako mahirapan sa pagpasok mamaya ay medyo nawala ang kabang nararamdaman ko.
Mabuti na lamang at medyo malapit ang museum ko dito sa condo kaya hindi hassle sa traffic at biyahe, kung pagod man ako ay hindi na ako mahihirapang umuwi. Ilang minuto lamang ang itinuon ko sa pagdadrive at nakita ko nga na may mga media na naghihintay sa akin.
Inannounce ba naman ng secretary ko na dito na ako maninirahan sa Pilipinas at expected na ako ang makikita nila sa loob ng museum once na gusto nilang maglibot dito dahil doon ay ito na ang mga reporters para hintayin ako. Ilang beses ko din pinag-isipan kung ilalabas ko ba ang image ko sa mga taong curious kung sino ang nasa likod ng mga painting na kinukuha ng mga sikat na tao.
Dalawang taon na rin ang nakalipas simula ng ipakita ko ang image sa media pero nandoon ang takot sa akin na baka mamaya ay may manghimasok sa personal kong buhay na ipinagasalamat ko na wala dahil naging maayos pa rin naman ang buhay namin simula ng magpakilala ako sa publiko.
Bago bumaba ay sinuot ko muna ang shade ko at tiningnan ang ayos sa sarili ko, tipid akong ngumiti at bumaba na ng sasakyan. Sinalubong agad ako ng isang assistant at guard dito sa labas. Habang naglalakad ako ay kumakaway na lang ako sa mga reporter at hindi na sinasagot ang tanong nila dahil ang iba ay medyo personal na.
Pagpasok sa loob ng museum ay bumungad sa akin ang ilang turista na masaya akong sinalubong at kinausap, nagugulat pa ako dahil ang iba dito ay binigyan pa ako ng regalo lalo na ang mga kabataan na ikinangiti ko naman.
“I want to be like you in the near future, Ma’am,” saad ng batang babae na siguro ay pareho lamang ng edad nila ni Greyson kaya ginulo ko ang kanyang buhok at sumagot.
“You will, little girl. Always trust yourself and don’t give up. Kung para sa’yo ay para sa’yo talaga,” payo ko na ikinangiti naman niya. Kahit gusto ko man batiin at kausapin ang mga taong nandito sa loob ng museum ko ay binulungan na ako ng assistant ko may naghihintay daw sa akin sa loob ng office.
“Ma’am, may isang governor po kasi na naghihintay po sa inyo sa loob ng opisina mo. May pag-uusapan daw po kayong dalawa,” anas niya habang naglalakad kami papunta sa opisina kaya kumunot naman ang noo ko at muli siyang tinanong.
“Governor? Sinong governor?” Pagtatanong ko dahil naalala ko na naman ang ilang governor dito sa Pilipinas na gusto ako ang gawing painter nila sa mga importanteng okasyon na minsan ay tinatanggihan ko muna dahil nasa ibang bansa ako at baka hindi ko maasikaso dahil marami rin ang kumukuha sa akin na taga-ibang bansa. Ngayong nandito na ako ay may pag-asa na sa kanila na ang atensyon ko.
“Ayaw niya pong ipasabi kung sino siya. Naghihintay na po siya sa loob ng opisina mo, Ma’am,” paliwanag naman nitong katabi kaya kahit kinakabahan ay tumango na lamang ako at nagpasalamat na.
Pagpasok ko sa opisina ko ay iba na ang naramdaman ko na ipinagsawalang bahala ko na lamang, nakita kong nakaupo ang naghihintay sa akin at ang bulto nito ay lalaki kaya inayos ko muna ang pananamit ko bago umupo ng hindi muna tumitingin sa kanya.
“Good day, Governor. I’m Alira Rain Gonzales, the owner of this…” Napatigil ako sa pagsasalita at unti-unting humina ang boses ko ng makita ko kung sino ang taong nasa harapan ko. Kanina ay iniisip ko lamang siya pero bakit ngayon ay nasa harapan ko na siya?
Pinaglalaruan ba ako ng tadhana?
Ang taong nasa harapan ko ngayon ay walang iba kundi ang governor ng Laguna, si Laxon Ace Montemayor ang lalaking iniwan ko limang taon na ang nakalipas.
ALIRA"I'M the owner of this art museum," pagtatapos ko sa huling salitang binitawan ko at matapang na tumingin sa mga mata niya. Gusto ko mang basahin kung ano ang emosyon na nakapaloob dito ay hindi ko maggawa. Masyadong malamig kung tumingin ang mga mata niya ngayon. Ibang-iba na nga sa Laxon na nakilala ko. Hindi na siya ang Laxon na iniwan ko sa limang taon na nakalipas. Lahat ng tao ay nagbabago, Alira. Tandaan mo 'yan. Habang pinagmamasdan ko ang mga mata niya ay libo-libong mga alaala at emosyon ang nakikita ko, pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa klase ng pagtitig niya sa akin kaya ako na ang unang umiwas. Hindi ko pinakita ang pagkagulat ng lumabas ang mga emosyon na nakapaloob kanina dito. Kung kanina ay malamig , ngayon ay samu't-sari na ito. "It's a pleasure to see you here in our art museum Governor," dugtong ko pa at palihim naman akong nagpasalamat dahil hindi ako nautal kahit nasa harapan ko siya. Hindi pa rin magsink-in sa akin na sa ganitong paraan kami magk
ALIRA“KAPAG naging Governor na ako at natupad ko ang pangarap ko para sa sarili ko, Lira. Pangarap naman nating dalawa ang tutuparin natin. Just wait for me, baby.” Ramdam ko ang determinasyon at pagmamakaawa sa boses ni Laxon habang nakahiga kaming dalawa sa sofa at nanonood ng t.v. Ngumiti naman ako at tumango. “I will, Laxon. Pursue your dream first, makakapaghintay naman ako,” pagpapagaan ko ng nararamdaman niya kaya naramdaman kong dumampi ang labi niya sa ibabaw ng ulo ko at hinalikan ako. “Magpapakasal tayong dalawa tapos ay ikaw ang magpe-paint or magde-design nitong bahay natin kasi gusto mo ‘yon. Papalibutan rin natin ng bulaklak yung harapan para mas lalong gumanda. Masaya tayong magsasama dito, Lira. Just wait, baby…” Aniya sa malambing boses kaya tumingala ako at tumingin sa mga mata niya. Mabilis ko siyang hinalikan sa labi kaya napangiti siya.“I will, Laxon. Sabay natin tutuparin ‘yon, hindi ako mawawala sa tabi mo.” Pangako ko at niyakap siya pabalik. Akala ko mat
ALIRA"ANONG ginagawa mo dito?" Bakas sa boses ko ang taranta at takot kaya kumunot ang noo niya at nagsalubong ang kilay niya. Ako naman ay napakagat labi dahil baka dumating bigla si Kuya at si Greyson, delikado na. "I'm buying this," pagtukoy niya sa laruan na hawak niya at itinaas pa ito para ipakita sa akin. Kaya napakamot naman ako sa pisngi ko at nagkunwaring tumawa. "Para kanino 'yan?" Pang-uusisa ko pero inaalerto ko ang sarili dahil baka bigla na lamang sumulpot ang dalawang 'yon sa harapan namin. Delikado na talaga. Nakita ko naman mas lalo pang nagtaka ang mukha niya pero sinagot pa rin naman niya. "Para sa inaanak ko, si Raxon." "Raxon?" "Anak ni Bella at Damon, birthday ngayon kaya pupunta ako." Dugtong niya pa kaya napatango na lamang ako."By the way, ikaw? Bakit ka nandito?" Pang-uusisa niya na kaya mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko sa naging tanong niya. Mas lalong lumalala ang panlalamig ko. "Nagpapalamig." Parang tanga kong sagot at tipid na ngumiti. Da
Author's Note: Hi! Nakaraan na ito ni Laxon at Alira, nasa exciting part na tayo. Pero may mas exciting pa, abangan! Enjoy reading!ALIRA"AS you can see, this painting represents the grief of a woman who lost her passion and dreams that she had been chasing for so long." Paliwanag ko habang ipinapakita sa mga judges ang natapos ko na gawa.I looked at it again and was mesmerized by the outcome. I never thought that this painting would be made by me. Tiningnan ko ang bawat linya na ginawa ko, ang nakalagay dito ay isang babae na sumisigaw at maraming mga ibon ang lumalabas sa bibig niya na para bang ito ang mga sakripisyo, oras at mga bagay na ginugol niya makuha lang ang gusto niya. "The birds represent the freedom, hard work, sacrifices of the woman while chasing her dreams and passion but in the end, it didn't work as she had imagined. That's why she's screaming," dagdag ko pang muli kaya napangiti at napatango naman ang mga judges na nasa harapan ko. "That's my girlfriend!" Sig
ALIRA"SHE said yes!" Masayang anunsyo ni Laxon sa harap ng pamilya namin habang nasa loob kami opisina niya ngayon sa munisipyo.Noong una ay sinabi ko munang huwag at gulatin na lang sila pero itong isa ay inutusan na pala na tawagan ang mga magulang dahil sa excitement na nadarama. Hinayaan ko na lamang kaysa makipag-debate pa dito, sa huli ay hindi ako mananalo dito.Nang sabihin 'yon ni Laxon ay nakatitig lang sila sa amin na animo'y nagtataka sa sinasabi nitong isa. Kaya huminga na lamang ako ng malalim at itinaas ang isang kamay ko kung saan nakalagay ang engagement ring na isinusuot sa akin ni Laxon. "We're engaged now," bakas sa boses ko ang magkahalong kaba at excitement nang sabihin ko 'yon sa kanila at nagulat na lang ako ng sumigaw sila at nagyakapan pa. "Sabi ko sa'yo, Pare. Magpo-propose ang anak kong si Laxon kay Rain. Tingnan mo, ayan na oh," saad ng Papa ni Laxon kaya napangiti na lang ako at napahawak sa kamay ni Laxon na ngayon ay nakangiti na rin sa akin. "I lo
ALIRA"HINDI mangyayari ang sinabi niya sa'yo, Alira," saad ni Laxon ng nakahiga na kami sa kama niya. Hindi na niya ako pinauwi dahil gabing-gabi na kaya nag-iwan na lang ako ng message kila Mama."H-hindi ka naman magpapaagaw 'diba?" Puno ng pangamba kong tanong kaya hinalikan niya ako sa gilid ng noo at niyakap. "Hindi. Ang tanga at ang bobo ko naman kung gagawin at hahayaan ko 'yon. Hinintay kita ng limang taon tapos sasayangin at ipagpapalit ko lang sa isang pagkakamali. Sa'yo lang ako, Alira. Sa'yong-sa'yo lang," puno ng determinasyon niyang saad kaya napapikit naman ako para pigilan ang luhang gustong kumawala sa mga mata ko. "I'm sorry if I sounded like I doubted you. Natakot lang ako," pag-amin ko kaya napasinghap na lang ako nang paulanan niya ako ng halik mula sa panga ko hanggang sa gilid ng labi ko. Nagsimula na rin manlamig ang katawan ko. "I understand you, baby. I understand, alam kong natakot ka lang but I will assure you everyday that you will be the woman that I
ALIRAMABILIS kong nabitawan ang papel at halos mapaupo ako sa sahig dahil sa matinding sakit ng ulo ko, pakiramdam ko ay mahihilo ako kaya pinilit kong bumalik sa upuan at kumuha ng tubig. Pilit ko ring pinapakalma ang sarili ko dahil sa nabasa pero wala pang ilang minuto ay napatayo ako sa upuan dahil nakaramdam ako ng pagduduwal. Malakas kong binuksan at pinto at mahigpit na napahawak sa lababo ng maramdaman kong parang bumabaliktad ang sikmura ko. Kaya matapos ay nagmugmog ako at malalim na huminga, parang tuyong-tuyo ang lalamunan ko. Nang makita ko ang hitsura ko sa salamin ay napailing ako dahil akala mo ay may sakit ako dahil namumutla na naman ako. Pinunasan ko na lang ang bibig ko at ng makalabas ako sa banyo ay halos mapatalon naman ako sa gulat ng makita kong nakatayo si Laxon sa harap ko at may hawak pang isang basong tubig. "Are you okay? May sakit ka ba?" Pag-aalala niya at nilapitan ako para ilapat ang kamay niya sa noo ko at ng maamoy ko ang pabango niya ay hindi k
ALIRANARAMDAMAN ko na lamang na may humila sa akin at mahigpit akong niyakap. Hanggang ngayon ay nakatulala lang ako kaya hindi ko pa rin maramdaman ang nasa paligid ko. Unti-unti akong nabalik sa huwisyo ng mahina akong tapikin ni Kuya sa pisngi at kitang-kita ko ang matinding pag-aalala sa mukha niya, hindi ako makapagsalita dahil sa nasaksihan ko ngayon-ngayon lamang. Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito, ang mga tuhod ko ay nanghihina at mabuti na lamang ay hawak-hawak ako ni Kuya kaya hindi ako nakasalampak sa sahig. Wala ako sa huwisyong napahawak sa tiyan ko dahil akala ko ay katapusan na namin ng anak namin ni Laxon. Hindi ko pa naman nasasabi sa kaniya ay mawawala naman agad ito sa amin dahil sa ginawa ni Raya. Ganoon na ba siya kadesperada na mawala kami sa landas niya makuha lang si Laxon."Alira, nasaktan ka ba? Magsalita ka naman oh. Nadaplisan ka ba? Alira!" Ayun na lamang ang huling narinig ko dahil nilamon na ako ng kadiliman. "Ma, h
LAXONTHE justice here in the Philippines is totally fuck up. Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin kung paano na baliktad ang sitwasyon sa pagkamatay ng Lolo ko, si Raxon Montemayor na isang taon pa lang naging Gobernador ng Laguna. Kitang-kita ko kung paano nabaliktad lahat, mula sa kung paano siya patayin at kung paano nasabing ibang tao ang tumambang ng bala sa sasakyan nito.Kapag mayaman at may koneksyon ka, mababaliktad mo ang lahat. Puwede mong idamay ang inosenteng taong walang alam sa ginawa mong krimen at kapag mahirap ka naman ay wala kang magagawa kundi tanggapin ang kapalaran na naghihintay sa'yo.Alam ko naman kung sino ang may pakana lahat ng ito. Si Mariano Echavez na ngayon ay siya ang pumalit kay Lolo dahil ito ang Vice Governor, dahil sa nalaman ng mga tao dito sa Laguna ay wala na silang nagawa kundi tanggapin ang kapalaran namin. Galit na galit ako sa tuwing nakikita ko ang kasiyahan sa mga mata niya nong maupo siyang bilang Governor ng lungsod namin.Gusto kong
ALIRA"LAHAT ng airlines ay sarado na, even the water and land transportation. Lahat ng mga pulis ay nakabantay na rin sa iba't-ibang dako ng lugar na pwedeng pagtakasan ng mag-ama and now ayon sa nasagap ko sa team na'to nasa isang bundok daw sila Raya doon nagtatago. Hindi pa sila kumikilos dahil wala pang signal," balita ni Caleb habang kaming mag-iina kasama ang pamilya ni Laxon ay nandito na sa organization.Dito muna kami nila dinala para na rin sa kaligtasan nila at ngayon ay lahat sila ay handa ng puntahan kung saan nagtatago sila Raya, the media is everywhere kaya lahat ng kilos nila Laxon ay pinapanood nila. Nagulat sila sa organization na hindi nila akalain na si Laxon mismo ang namumuno dito.Napayakap naman ako kay Grayson na ngayon ay nakahilig sa akin habang nakaupo kaming dalawa na ngayon ay pinagmamasdan ang Ama niya na nakasuot na ng bulletproof vest at hinahanda na ang mga baril kaya namuo na naman ang kaba at takot sa dibdib ko. Mabilis akong umiwas sa tingin ni La
ALIRA"GRAYSON," naisatinig ko na lamang at mabilis na hahawakan ko sana ang cellphone ko pero napatigil ako nang makarinig ako ng malakas na sigaw sa labas ng opisina ko at ang nagkakagulong mga tao. Kaya kahit nanghihina ay lakas loob akong lumabas at naabutan ko ang secretary ko na namumutla papunta sa akin."Ma'am, 'wag po muna kayong lumabas. Hindi po maganda ang sitwasyon sa labas, may nag-iwan po kasi ng kabaong sa labas ng museum niyo po. Papunta na rin daw po si Governor," paliwanag sa akin ng secretary ko pero hindi ko siya pinakinggan.Kahit ilang beses ng may pumigil sa akin palabas ay hindi nila nagawa dahil sa galit kong reaction. That bitch! Sumosobra na siya, hindi na magandang biro ang ginagawa niya. Paglabas ko ay kusa na akong sumuka ng makita ko ang nasa kabaong, isang nabubulok na bangkay at may picture ko pa dito. Alam kong si Raya na ang may pakana dito dahil nag-iwan ito ng marka.Nang hindi ko na talaga makayanan ay napaduwal na ako sa isang tabi na mabilis na
ALIRAPAKIRAMDAM ko ay namula ang buong mukha ko sa naging tanong ni Grayson nang tingnan ko si Laxon ay namumula na ang tainga nito at napangisi pakiramdam ko ay tuwang-tuwa siya sa naririnig sa anak niya. Kaya awtomatikong sumama ang tingin ko kay Kuya na ngayon ay tahimik na tumatawa, alam kong siya mismo ang nagturo kay Grayson niyon.Nang akmang lalapitan ko na siya ay mabilis siyang umalis sa pwesto niya at tumakbo palayo sa akin at ng akmang tatakbo na yata ako ay mabilis hinuli ni Laxon ang bewang ko pilit na inilalayo kay Kuya na ngayon ay nagtatago kila Mama."Calm down, wife. Nang-iinis lang 'yan." Bulong sa akin ni Laxon kaya kumalma ako at napatingin naman ako kay Papa na tinapik si Laxon sa balikat at kinausap ng mga 'to si Grayson na nanonood lang sa amin."Bata, matagal pa bago mabuo ang kapatid mo pero magkakaroon ka na rin niyan," natatawang saad ni Tito kaya namumula naman akong napakamot sa pisngi ko at nag-apir si Tito at Laxon na ngayon ay tuwang-tuwa sa sinabi k
ALIRAMASAMA kong tiningnan si Laxon ng maibaba niya ako sa bathtub kung saan may maligamgam na tubig at ng tumama ito sa katawan ko ay nakaramdam ako ng kaginhawaan habang itong asawa ko ay pumwesto sa likod ko para maglagay ng shampoo sa buhok ko."I'm sorry, wife. Nanggigigil ako eh, namiss kasi kita." Ramdam ko man ang sinseridad sa boses niya ay may pagka-pilyo pa rin ito kaya lumingon ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin na ikinatawa naman niya."Masakit pa rin ba?" Pagtatanong niya kaya umiling na ako at namula ako ng maalala ko ang nangyari kay gabi, nang makita ni Laxon ang reaksyon ko ay ngumisi siya at pinatakan ako ng ilang halik sa balikat ko bago ipagpatuloy ang ginagawa niya."I love you, Alira."Nang makapagbihis na ako ay naabutan ko si Laxon na may inaayos na mga papeles sa kama namin, kaya lumapit ako sa likod niya at niyakap siya. Naramdaman kong natigilan siya sa ginawa ko pero nagpatuloy siya at naramdaman kong hinalikan niya ang kamay ko bago mag-focus sa gin
ALIRA"GOVERNOR, totoo bang ikaw ang may gawa niyon sa Vice Mayor ng Cabuyao?""Lahat ba ng pinapakita mo ay peke lamang ba para makuha ang simpatya ng mga tao sa oras na nakagawa ka ng kamalian?""Gov, bakit hindi mo masagot ang katanungan namin.""Susuko ka na ba dahil tama ang nasa picture na kumakalat ngayon sa internet?""Anong masasabi mo sa nagsasabi na mas masahol ka pa raw sa mga Echavez?""Gov, sagutin mo kami!"Ito agad ang sumalubong sa amin paglabas namin ng munisipyo. Yakap-yakap ako ni Laxon habang ang mga bodyguard na nakapalibot sa amin ay tinutulak ang mga reporters na dinumog na lang kami. Mabuti na lamang ay iniwan namin sa sasakyan si Grayson kaya hindi ito naipit sa gulo.Napatingin naman ako sa kabilang kalsada na mga taga-suporta ni Laxon ay humihingi ng hustisya at katotohanan dahil mali ang ipinaparatang nila sa asawa ko. Gusto nila ng matibay na ebidensya na si Laxon ang gumawa niyon kaya nandito sila sa harap ng munisipyo para marinig rin ang kanilang opiny
ALIRA"ILANG oras lang ang pagitan ng lakas loob sumugod ang mga alagad ni Mariano sa bahay niyo, nasa playroom kami ni Grayson kasi gusto ngang maglaro ng inaanak ko pinagbigyan ko." panimula ni Kuya nang makaupo siya taimtim naman kaming nakinig."Noong una nagtataka ako bakit biglang tumahimik kaya sumilip ako at nakita ko na lang na may mga lalaking pumasok sa bahay niyo, kaya ang una kong ginawa kinuha si Grayson at piniringan ang mata pero matigas ang ulo ng anak niyo, tinanggal niya rin ang piring kasi sagabal daw sa paningin niya." Pagpapatuloy ni Kuya at nakita kong may sinenyas siya sa katabi.Nagulat pa nga ako dahil may inilapag si Damon na laptop sa harap namin at kuha pa lang ng mga cctv sa iba't-ibang kanto ng lugar lalo na sa highway na tumigil sila Kuya. Nang pindutin ni Laxon ang unang cctv ay sa labas ito ng bahay namin. Makikita mong naging alerto bigla ang mga nakabantay sa labas.Nagulat ako ng mabilis silang nagpalitan ng bala, ang iba sa bantay ay natamaan pero
ALIRANANG mabasa ko 'yon ay mabilis kong tinawagan ang number ni Mama na mabilis naman niyang sinagot. Ramdam na ramdam ko ang kaba at takot sa boses niya ng sagutin niya ito. Naririnig ko rin ang nagkakagulo na boses sa kabilang linya kaya pinakalma ko ang sarili ko."Ma, anong nangyayari diyan? Paanong nawawala si Grayson? Si Kuya ang kasama niya?" Sunod-sunod kong pagtatanong habang hawak-hawak ko ang noo ko at pabalik-balik na naglalakad. Gusto ko sanang labasan si Laxon pero baka alam na rin niya ang nangyari."Wala rin ang ang Kuya mo dito, Alira. Dahil gabi na rin ay balak namin samahan ang dalawa pero pagdating namin dito ay gulo-gulo na ang bahay niyo. Ang mga bodyguard ay nawala rin. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari," paliwanag niya kaya napaupo na lang ako at nagsisimula na rin manlamig ang kamay ko. Wala akong masagot kay Mama kaya binaba ko na ang cellphone at napaisip.Bakit hindi matawagan si Kuya? Ano na ang nangyari sa dalawang 'yon? Ayos lang ba sila?Binuhay
ALIRA"WAIT, anong nangyayari? Why are you... why are you killing them?" Halos bulong na ang sunod kong tanong kaya nang makapagtago kami sa isang gilid ay mabilis akong nilingon ni Laxon at hinaplos ang pisngi ko."I'll tell you everything later, okay? We have to get out here, hindi ka nilang pwedeng makuha sa akin," kahit kalmado siya ay kitang-kita sa mata niya na takot siya sa susunod na mangyayari.Kaya kahit gulat at hindi pa rin maproseso ang nakita ko kanina ay mahigpit akong humawak sa kamay ni Laxon at tumakbo kami sa exit. Tahimik ang paligid habang papalabas kami kaya alertong-alerto si Laxon.Pagbukas ng pintuan ay bumungad sa amin si Enzo na ngayon ay mabilis na itinigil ang kotse sa harap namin ni Laxon kaya mabilis binuksan ng asawa ko ang pinto at maingat akong sinakay.Nang makita ni Enzo na ayos na kami ay mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan palayo sa event. Malakas akong napabuga ng hangin at naramdaman ko naman ang pagyakap sa akin ni Laxon na para bang pinapa