ALIRAMABILIS kong nabitawan ang papel at halos mapaupo ako sa sahig dahil sa matinding sakit ng ulo ko, pakiramdam ko ay mahihilo ako kaya pinilit kong bumalik sa upuan at kumuha ng tubig. Pilit ko ring pinapakalma ang sarili ko dahil sa nabasa pero wala pang ilang minuto ay napatayo ako sa upuan dahil nakaramdam ako ng pagduduwal. Malakas kong binuksan at pinto at mahigpit na napahawak sa lababo ng maramdaman kong parang bumabaliktad ang sikmura ko. Kaya matapos ay nagmugmog ako at malalim na huminga, parang tuyong-tuyo ang lalamunan ko. Nang makita ko ang hitsura ko sa salamin ay napailing ako dahil akala mo ay may sakit ako dahil namumutla na naman ako. Pinunasan ko na lang ang bibig ko at ng makalabas ako sa banyo ay halos mapatalon naman ako sa gulat ng makita kong nakatayo si Laxon sa harap ko at may hawak pang isang basong tubig. "Are you okay? May sakit ka ba?" Pag-aalala niya at nilapitan ako para ilapat ang kamay niya sa noo ko at ng maamoy ko ang pabango niya ay hindi k
ALIRANARAMDAMAN ko na lamang na may humila sa akin at mahigpit akong niyakap. Hanggang ngayon ay nakatulala lang ako kaya hindi ko pa rin maramdaman ang nasa paligid ko. Unti-unti akong nabalik sa huwisyo ng mahina akong tapikin ni Kuya sa pisngi at kitang-kita ko ang matinding pag-aalala sa mukha niya, hindi ako makapagsalita dahil sa nasaksihan ko ngayon-ngayon lamang. Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito, ang mga tuhod ko ay nanghihina at mabuti na lamang ay hawak-hawak ako ni Kuya kaya hindi ako nakasalampak sa sahig. Wala ako sa huwisyong napahawak sa tiyan ko dahil akala ko ay katapusan na namin ng anak namin ni Laxon. Hindi ko pa naman nasasabi sa kaniya ay mawawala naman agad ito sa amin dahil sa ginawa ni Raya. Ganoon na ba siya kadesperada na mawala kami sa landas niya makuha lang si Laxon."Alira, nasaktan ka ba? Magsalita ka naman oh. Nadaplisan ka ba? Alira!" Ayun na lamang ang huling narinig ko dahil nilamon na ako ng kadiliman. "Ma, h
ALIRAMATAPOS niyang ibaba ang tawag ay nanghihina akong napaupo sa kama ko at napatulala. Hanggang ngayon ay nagsi-sink in pa rin sa akin ang mga sinabi ni Raya.Baliw na siya, dahil sa pagmamahal niya kay Laxon ay nagkaganito siya. Masyado ang pagpapahirap ang ginagawa niya sa akin, alam kong iniipit niya ako sa mga oras na 'to."Makikipagkita ka sa akin o pareho kayong mamamatay ng anak mo."Napapikit ako ng mariin at napahawak sa ulo ko. Ayokong kainin ng takot pero sa sinabi niya pa lang ay nanginginig na ang buong katawan ko, alam kong kaya niyang gawin iyon. Sa isang pitik niya lamang ay kaya na niyang kumuha ng buhay."A-ano bang kasalanan ko para pahirapan ako ng ganito," naiusal ko na lamang at napahawak sa noo. Kahit ayokong maistress dahil baka makasama ito sa sinapupunan ko ay nai-istress ako dahil kay Raya. Para bang tuwang-tuwa siya na pinaglalaruan ako.Habang nakatulala sa sahig ay muli na naman tumunog ang cellphone ko pero hindi na ito tawag, isa na itong text at al
ALIRAPRESENTNABALIK na lang ako sa huwisyo ng bumulong sa akin si Raya dahilan para manigas ako sa kinatatayuan ko."Ang lakas ng loob mong bumalik ka dito, Alira." Aniya kaya nagsimula na naman manlamig ang kamay ko dahil naalala ko na naman ang ginawang niyang pagbabanta sa nakaraan.Napasinghap na lang ako ng hatakin ako ni Laxon palayo sa kaniya at natulos na lamang ako sa kinatatayuan ko ng hawakan niya ang bewang ko at pinisil na para bang pinapakalma ako nito. Dahil doon ay tumalim ang tingin ni Raya."Why are you here in my house?" Ramdam ko ang gigil sa boses ni Laxon habang ako naman ay pilit na tinatanggal ang kamay niya sa bewang ko pero mas lalo niya pa itong hinigpitan."I just missed you, Laxon. Masama ba ang pagpunta ko dito?" Aniya at awtomatikong natigil ang kamay ko na hawakan muli si Laxon dahil sa narinig ko.Pakiramdam ko ay mangangatal ang tuhod ko sa iba't-ibang senaryo na pumapasok sa isip ko. Dahil doon ay malakas na pwersa ang ginawa ko para tuluyang matan
ALIRAUMIIYAK akong nakaupo sa gilid ng kama habang tulog na tulog si Laxon sa likod ko. Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil bumigay ako kay Laxon, ilang beses may nangyari sa amin ngayon at ngayon lang nagsink-in sa akin ang lahat.Bakit nakalimutan ko na may asawa na si Laxon? Bakit binigay ko kaagad ang sarili ko? Ganoon ko ba siya kamahal para kalimutan kung ano talagang meron sa aming dalawa o ang nasa paligid namin.Paano kapag nalaman 'to ng asawa niya? Ayokong maging pangalawa pero sa ginawa ko pa lamang ay pinaramdam ko na 'yon sa sarili ko. Gusto kong magalit ng sobra para sa sarili ko."Ang tanga-tanga mo, Alira. Bakit nakalimutan mo?" Tahimik kong pag-iyak at napayakap na lang sarili ko dahil sa sobrang pagka-disapoint sa sarili ko. Mabuti na lamang ay suot-suot ko ang t-shirt ni Laxon, alam kong siya mismo ang nagsuot nito sa akin.Habang tahimik naman akong lumuluha ay nagulat na lang ako ng may bumuhat sa akin at pinaharap sa kanya. Nang bumungad sa akin ang nag-aal
ALIRAYAKAP-YAKAP ko lang si Grayson habang nakahiga at tulog pa rin siya. Nang tingnan ko ang oras ay alas-otso pa lang. Nararamdaman kong bumibigat na ang talukap ng mga mata ko pati na rin ang paghinga ko.Akmang ipipikit ko na sana ang mga mata ko ay naramdaman kong gumalaw si Grayson at bumungad sa akin ang itim na itim niyang mga mata. Palihim na lang ako napangiti dahil kamukhang-kamukha siya ni Laxon.Nakita kong papungas-pungas pa siya na para bang hindi siya makapaniwala na ako ang katabi niya kaya tinawag niya ako sa namamalat niyang boses."M-mama ko?" Pinagkatitigan niya pa akong mabuti kaya nginitian ko siya at dinampian ng halik sa noo niya para malaman niyang ako 'to."Mama ko!" Tuluyan na siyang napasigaw at napahalakhak na lang ng dambain niya ako ng yakap at pinaulanan ako ng halik sa mukha. Narinig ko pa ang munti niyang pagtawa."Amoy gatas ang baby ko," pagbibiro ko pero umalis siya sa pagkakayakap sa akin at umupo sa harap ko habang nakanguso at nakakrus ang bra
ALIRANAPAATRAS na lang ako ng magsimula siyang humakbang sa akin, hanggang ang pag-atras ko ay tumigil ng maramdaman ko ang malamig na pader sa likod ko. Nang makita 'yon ni Laxon ay nakita ko ang pag-ngisi niya at halos manlambot ako ng yakapin niya ako ng sobrang higpit dahilan para maamoy ko na naman ang pabango niya.Narinig ko ang malalim niyang paghinga at pagsiksik niya pa sa katawan ko kaya napayakap na ako pabalik sa kanya bilang suporta dahil baka bigla na lang kaming matumbang dalawa."Pagod ka?" Malumanay kong tanong kaya naramdaman ko naman ang pagtango niya kaya hindi ko na mapigilan ang mapasimangot."Dapat ay umuwi at nagpahinga ka na lang, Laxon! Bakit dumiretso ka pa dito sa akin?" Pagalit ngunit nag-aalala kong tanong kaya umalis naman siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ako sa magkabilang pisngi."Ikaw ang pahinga ko, Alira," aniya sa nanlalambing na tono kaya natameme naman ako at napaiwas ng tingin. Naramdaman ko na rin na namula ang pisngi ko kaya narinig
ALIRANANATILING tahimik si Laxon habang nakayakap pa rin sa akin na para bang gusto niyang marinig ang gusto kong sabihin sa limang taon kong nawala kaya nagpatuloy ako."Siguro... siguro kasal na tayo. Siguro nakita ko kung paano mo abutin ang pangarap mong maging Gobernador ng Laguna, ng bayan natin. Alam mo ba nung unang buwan ko sa Amerika gustong-gusto kong umuwi kasi miss na miss na kita. Gustong-gusto na kitang makita, gusto kong bawiin 'yung mga salitang sinabi ko sa'yo para lang hiwalayan mo ako." Napakagat-labi ako ng maalala ko ulit ang mga senaryo na pilit kong kinalimutan.Parang kahapon lang nangyari ang lahat."Pero kapag bumalik ako may kapalit na naman na kukuhanin sa akin at ayokong mapahamak ang buhay nila. Gusto kong magsumbong sa'yo pero natakot ako kay Raya dahil kaya niya talagang kunin ang buhay ng isang tao, makuha ka lang sa akin." Pumiyok ako at hinayaan kong tumulo ang luha ko.Nagsimula na rin manginig ang labi ko ng naalala ko ang mga pagbabantang ginawa
LAXONTHE justice here in the Philippines is totally fuck up. Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin kung paano na baliktad ang sitwasyon sa pagkamatay ng Lolo ko, si Raxon Montemayor na isang taon pa lang naging Gobernador ng Laguna. Kitang-kita ko kung paano nabaliktad lahat, mula sa kung paano siya patayin at kung paano nasabing ibang tao ang tumambang ng bala sa sasakyan nito.Kapag mayaman at may koneksyon ka, mababaliktad mo ang lahat. Puwede mong idamay ang inosenteng taong walang alam sa ginawa mong krimen at kapag mahirap ka naman ay wala kang magagawa kundi tanggapin ang kapalaran na naghihintay sa'yo.Alam ko naman kung sino ang may pakana lahat ng ito. Si Mariano Echavez na ngayon ay siya ang pumalit kay Lolo dahil ito ang Vice Governor, dahil sa nalaman ng mga tao dito sa Laguna ay wala na silang nagawa kundi tanggapin ang kapalaran namin. Galit na galit ako sa tuwing nakikita ko ang kasiyahan sa mga mata niya nong maupo siyang bilang Governor ng lungsod namin.Gusto kong
ALIRA"LAHAT ng airlines ay sarado na, even the water and land transportation. Lahat ng mga pulis ay nakabantay na rin sa iba't-ibang dako ng lugar na pwedeng pagtakasan ng mag-ama and now ayon sa nasagap ko sa team na'to nasa isang bundok daw sila Raya doon nagtatago. Hindi pa sila kumikilos dahil wala pang signal," balita ni Caleb habang kaming mag-iina kasama ang pamilya ni Laxon ay nandito na sa organization.Dito muna kami nila dinala para na rin sa kaligtasan nila at ngayon ay lahat sila ay handa ng puntahan kung saan nagtatago sila Raya, the media is everywhere kaya lahat ng kilos nila Laxon ay pinapanood nila. Nagulat sila sa organization na hindi nila akalain na si Laxon mismo ang namumuno dito.Napayakap naman ako kay Grayson na ngayon ay nakahilig sa akin habang nakaupo kaming dalawa na ngayon ay pinagmamasdan ang Ama niya na nakasuot na ng bulletproof vest at hinahanda na ang mga baril kaya namuo na naman ang kaba at takot sa dibdib ko. Mabilis akong umiwas sa tingin ni La
ALIRA"GRAYSON," naisatinig ko na lamang at mabilis na hahawakan ko sana ang cellphone ko pero napatigil ako nang makarinig ako ng malakas na sigaw sa labas ng opisina ko at ang nagkakagulong mga tao. Kaya kahit nanghihina ay lakas loob akong lumabas at naabutan ko ang secretary ko na namumutla papunta sa akin."Ma'am, 'wag po muna kayong lumabas. Hindi po maganda ang sitwasyon sa labas, may nag-iwan po kasi ng kabaong sa labas ng museum niyo po. Papunta na rin daw po si Governor," paliwanag sa akin ng secretary ko pero hindi ko siya pinakinggan.Kahit ilang beses ng may pumigil sa akin palabas ay hindi nila nagawa dahil sa galit kong reaction. That bitch! Sumosobra na siya, hindi na magandang biro ang ginagawa niya. Paglabas ko ay kusa na akong sumuka ng makita ko ang nasa kabaong, isang nabubulok na bangkay at may picture ko pa dito. Alam kong si Raya na ang may pakana dito dahil nag-iwan ito ng marka.Nang hindi ko na talaga makayanan ay napaduwal na ako sa isang tabi na mabilis na
ALIRAPAKIRAMDAM ko ay namula ang buong mukha ko sa naging tanong ni Grayson nang tingnan ko si Laxon ay namumula na ang tainga nito at napangisi pakiramdam ko ay tuwang-tuwa siya sa naririnig sa anak niya. Kaya awtomatikong sumama ang tingin ko kay Kuya na ngayon ay tahimik na tumatawa, alam kong siya mismo ang nagturo kay Grayson niyon.Nang akmang lalapitan ko na siya ay mabilis siyang umalis sa pwesto niya at tumakbo palayo sa akin at ng akmang tatakbo na yata ako ay mabilis hinuli ni Laxon ang bewang ko pilit na inilalayo kay Kuya na ngayon ay nagtatago kila Mama."Calm down, wife. Nang-iinis lang 'yan." Bulong sa akin ni Laxon kaya kumalma ako at napatingin naman ako kay Papa na tinapik si Laxon sa balikat at kinausap ng mga 'to si Grayson na nanonood lang sa amin."Bata, matagal pa bago mabuo ang kapatid mo pero magkakaroon ka na rin niyan," natatawang saad ni Tito kaya namumula naman akong napakamot sa pisngi ko at nag-apir si Tito at Laxon na ngayon ay tuwang-tuwa sa sinabi k
ALIRAMASAMA kong tiningnan si Laxon ng maibaba niya ako sa bathtub kung saan may maligamgam na tubig at ng tumama ito sa katawan ko ay nakaramdam ako ng kaginhawaan habang itong asawa ko ay pumwesto sa likod ko para maglagay ng shampoo sa buhok ko."I'm sorry, wife. Nanggigigil ako eh, namiss kasi kita." Ramdam ko man ang sinseridad sa boses niya ay may pagka-pilyo pa rin ito kaya lumingon ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin na ikinatawa naman niya."Masakit pa rin ba?" Pagtatanong niya kaya umiling na ako at namula ako ng maalala ko ang nangyari kay gabi, nang makita ni Laxon ang reaksyon ko ay ngumisi siya at pinatakan ako ng ilang halik sa balikat ko bago ipagpatuloy ang ginagawa niya."I love you, Alira."Nang makapagbihis na ako ay naabutan ko si Laxon na may inaayos na mga papeles sa kama namin, kaya lumapit ako sa likod niya at niyakap siya. Naramdaman kong natigilan siya sa ginawa ko pero nagpatuloy siya at naramdaman kong hinalikan niya ang kamay ko bago mag-focus sa gin
ALIRA"GOVERNOR, totoo bang ikaw ang may gawa niyon sa Vice Mayor ng Cabuyao?""Lahat ba ng pinapakita mo ay peke lamang ba para makuha ang simpatya ng mga tao sa oras na nakagawa ka ng kamalian?""Gov, bakit hindi mo masagot ang katanungan namin.""Susuko ka na ba dahil tama ang nasa picture na kumakalat ngayon sa internet?""Anong masasabi mo sa nagsasabi na mas masahol ka pa raw sa mga Echavez?""Gov, sagutin mo kami!"Ito agad ang sumalubong sa amin paglabas namin ng munisipyo. Yakap-yakap ako ni Laxon habang ang mga bodyguard na nakapalibot sa amin ay tinutulak ang mga reporters na dinumog na lang kami. Mabuti na lamang ay iniwan namin sa sasakyan si Grayson kaya hindi ito naipit sa gulo.Napatingin naman ako sa kabilang kalsada na mga taga-suporta ni Laxon ay humihingi ng hustisya at katotohanan dahil mali ang ipinaparatang nila sa asawa ko. Gusto nila ng matibay na ebidensya na si Laxon ang gumawa niyon kaya nandito sila sa harap ng munisipyo para marinig rin ang kanilang opiny
ALIRA"ILANG oras lang ang pagitan ng lakas loob sumugod ang mga alagad ni Mariano sa bahay niyo, nasa playroom kami ni Grayson kasi gusto ngang maglaro ng inaanak ko pinagbigyan ko." panimula ni Kuya nang makaupo siya taimtim naman kaming nakinig."Noong una nagtataka ako bakit biglang tumahimik kaya sumilip ako at nakita ko na lang na may mga lalaking pumasok sa bahay niyo, kaya ang una kong ginawa kinuha si Grayson at piniringan ang mata pero matigas ang ulo ng anak niyo, tinanggal niya rin ang piring kasi sagabal daw sa paningin niya." Pagpapatuloy ni Kuya at nakita kong may sinenyas siya sa katabi.Nagulat pa nga ako dahil may inilapag si Damon na laptop sa harap namin at kuha pa lang ng mga cctv sa iba't-ibang kanto ng lugar lalo na sa highway na tumigil sila Kuya. Nang pindutin ni Laxon ang unang cctv ay sa labas ito ng bahay namin. Makikita mong naging alerto bigla ang mga nakabantay sa labas.Nagulat ako ng mabilis silang nagpalitan ng bala, ang iba sa bantay ay natamaan pero
ALIRANANG mabasa ko 'yon ay mabilis kong tinawagan ang number ni Mama na mabilis naman niyang sinagot. Ramdam na ramdam ko ang kaba at takot sa boses niya ng sagutin niya ito. Naririnig ko rin ang nagkakagulo na boses sa kabilang linya kaya pinakalma ko ang sarili ko."Ma, anong nangyayari diyan? Paanong nawawala si Grayson? Si Kuya ang kasama niya?" Sunod-sunod kong pagtatanong habang hawak-hawak ko ang noo ko at pabalik-balik na naglalakad. Gusto ko sanang labasan si Laxon pero baka alam na rin niya ang nangyari."Wala rin ang ang Kuya mo dito, Alira. Dahil gabi na rin ay balak namin samahan ang dalawa pero pagdating namin dito ay gulo-gulo na ang bahay niyo. Ang mga bodyguard ay nawala rin. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari," paliwanag niya kaya napaupo na lang ako at nagsisimula na rin manlamig ang kamay ko. Wala akong masagot kay Mama kaya binaba ko na ang cellphone at napaisip.Bakit hindi matawagan si Kuya? Ano na ang nangyari sa dalawang 'yon? Ayos lang ba sila?Binuhay
ALIRA"WAIT, anong nangyayari? Why are you... why are you killing them?" Halos bulong na ang sunod kong tanong kaya nang makapagtago kami sa isang gilid ay mabilis akong nilingon ni Laxon at hinaplos ang pisngi ko."I'll tell you everything later, okay? We have to get out here, hindi ka nilang pwedeng makuha sa akin," kahit kalmado siya ay kitang-kita sa mata niya na takot siya sa susunod na mangyayari.Kaya kahit gulat at hindi pa rin maproseso ang nakita ko kanina ay mahigpit akong humawak sa kamay ni Laxon at tumakbo kami sa exit. Tahimik ang paligid habang papalabas kami kaya alertong-alerto si Laxon.Pagbukas ng pintuan ay bumungad sa amin si Enzo na ngayon ay mabilis na itinigil ang kotse sa harap namin ni Laxon kaya mabilis binuksan ng asawa ko ang pinto at maingat akong sinakay.Nang makita ni Enzo na ayos na kami ay mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan palayo sa event. Malakas akong napabuga ng hangin at naramdaman ko naman ang pagyakap sa akin ni Laxon na para bang pinapa