All Chapters of She's Mine (Battle of the Gangsters): Chapter 11 - Chapter 20

49 Chapters

Kabanata 11

“IT’S TOO early, papasok ka na kaagad?” tanong sa akin ni Ken nang magkasabay kami sa elevator.Papunta na ako ngayon sa San Carlos University para ihatid itong letseng papel na ito. It’s just seven o’clock in the morning at alam niyang ten o’clock pa ang klase ko.“Oo eh,” sagot ko sa kaniya. “May dadaanan din kasi ako.”“Saan?” Nakapamulsang tanong niya. Hindi siya sa akin nakatingin kundi sa pababang numero sa elevator tanda na bumababa na kami ng floor. Nakaitim siyang sweatshirt at pants na pinartneran ng puting low cut converse shoes. May suot din siyang itim na cap. Batay sa ayos niya ngayon, mukhang hindi sa coffee shop ang punta niya.“Basta . . . school stuff,” simple kong sagot na sinabayan ko pa ng pagngiti.Ayoko nang malaman pa niyang sa San Carlos University ako pupunta dahil baka wala siyang ideya tungkol sa school na iyon pagkatapos ay bigla siyang sumugod. Baka mabugbog pa siya. Ano namang magiging laban niya kung sakali?“Do you want me to accompany you? Off ko ngayo
last updateLast Updated : 2022-11-06
Read more

Kabanata 12

“HI, SIR, good afternoon po,” pagbati ko nang makapasok ako sa Principal’s office. Naupo ako sa upuan katapat ng desk niya. Kasalukuyan siyang may binabasang papel ngayon at ni hindi man lang ako nilingon kahit na sandali.“Ano ang pakay mo rito?” masungit pa niyang tanong sa akin. Matapos ay tinitigan pa ako mula ulo hanggang paa.Inilagay ko sa table niya iyong papel para sa mga magpa-practice teaching.“Ipinabibigay po ng Dean ng University de Santiago.”Tumango lang siya sa akin pagkatapos ay inilagay ang iniabot kong folder sa ibabaw ng iba pa niyang papeles na nasa ibabaw ng mesa niya. Tumayo siya at lumapit sa mga kumpol din ng mga files na nakalagay sa drawer hindi malayo sa mesa niya. May kinuha siyang isang green na folder at iniabot iyon sa akin.“Ibigay mo naman ito sa Dean ninyo at bumalik ka rito para sa magiging sagot niya.”I just smiled at him bitterly. Asa ka pang babalik ako sa impyernong ito.Inilagay ko na iyong folder sa loob ng bag ko at pagkatapos ay nagpaalam n
last updateLast Updated : 2022-11-14
Read more

Kabanata 13

“KEN, SINO iyang kausap mo?”Kalalabas ko lang mula sa isang kuwarto matapos kong magpalit ng damit nang mapansin kong may kausap sa cell phone niya si Ken. Napansin ko kasing medyo seryoso iyong mukha nito habang may kinakausap sa kabilang linya. Nilingon niya ako sandali saka pinatay ang tawag.“Nothing,” saad pa niya pagkatapos ay mabilisang inilagay sa bulsa ng kaniyang sweat pants ang cell phone niya.“Ganoon ba?” Lumapit ako sa kaniya habang inaayos pa ang pagkakatuck ng puting t-shirt sa paldang suot ko. “Papasok na ako maya-maya. May pinaaabot din kasi iyong principal ng San Carlos sa Dean ng educ . . . baka importante.”“Papasok ka nang ganiyan ang suot mo? Papayagan ka ba ng mga guwardiya?”“Oo?” may pag-aalinlangang sagot ko. “ . . . maiintindihan naman siguro nila kung bakit ganito ang kinahinatnan ko. Hindi ko naman ginusto ito.” Naupo ako sa kulay itim na sofa na naroon malapit sa likuran ni Ken. Nakatalikod siya sa akin ngayon.“Ikaw ang bahala,” simpleng sagot niya sa a
last updateLast Updated : 2022-11-22
Read more

Kabanata 14

KANINA PA akong naghihintay kay Ken dito sa tapat ng unit niya. Kating-kati na akong malaman ang katotohanan. Hindi ko alam kung matatanggap ba iyon ng sistema ko pero sa ngayon ay hindi ko muna iyon iniisip. Gusto kong magtapat sa akin si Ken tungkol sa nakaraan naming dalawa. Gusto kong maalala siya at ang mga bagay na pinagsaluhan naming dalawa noon.Alas nuebe na ng gabi pero hindi pa rin siya umuuwi. Hindi ko alam kung ano iyong business na tinutukoy niya kanina pero masyado naman yata siyang ginabi ngayon at parang kataka-taka na. Ilang beses ko siyang tinawagan at tinext pero wala siyang reply maski na isa.Sa totoo lang, hindi ko alam kung dapat ba akong magalit sa kaniya o hindi. Naguguluhan ako . . . bakit hindi niya sinasabi sa akin kung ano ang hindi ko naaalala? Bakit ayaw niyang sabihin iyong tungkol sa nakaraang mayroon kaming dalawa? May itinatago ba siya kaya ayaw niyang sabihin sa akin? May mga bagay ba or pangyayari sa nakaraang iyon ang ayaw niyang malaman ko?“Why
last updateLast Updated : 2022-11-28
Read more

Kabanata 15

“ALVAREZ!”Patakbo siyang umiiyak papalapit kay Ken. Medyo magulo na ang buhok nito at pawisan na rin. Nakakunot lang ang noo ng lalaki habang nakatingin sa kaniya. Nakasuksok na ang earphones sa tainga niya ngunit rinig na rinig pa rin nito ang sigaw ng babae sa kaniya.“Another drama,” sabi pa niya sa kaniyang sarili nang may kasama pang pag-iling na tila ba pagod na pagod na siya sa ganitong senaryo ng buhay niya.Halos lahat ng estudyante ay nakatingin kay Ciashet pero bakas sa kaniyang mukha na wala siyang pakialam sa iniisip ng mga ito tungkol sa kaniya. Ano pa bang ikahihiya niya? Kalat na kalat na sa buong campus nila na pinikot niya lamang si Ken para maging boyfriend niya ito. Isang malaking desperada ang tingin sa kaniya ngayon ng mga tao.Pero . . . hindi lang iyon ang kinaiiyak niya. Kalat na rin kasi na gumawa ng kasunduan si Ken at ibinigay ito sa kaibigan niyang si Karl. Nakasaad sa papel na iyon na ipinauubaya na niya si Ciashet sa kaibigan para hindi na siya guluhin n
last updateLast Updated : 2022-11-30
Read more

Kabanata 16

APAT NA araw na mula nang huli kaming magkausap at magkita ni Ken. Hindi ko sinasagot ang mga tawag niya, hindi ako nagrereply sa mga texts niya, at hindi ko rin hinahayaang magkatagpo kaming dalawa. Hindi pa rin kasi maalis sa isip ko iyong halik ni Ken. First kiss ko iyon! I mean, iyon iyong unang kiss na naalala ko except iyong kay Karl.At isa pa, iniisip ko rin kasi kung bakit at paano nawala sa isip ko si Ken at ang mga kaibigan niya. Ang ibang detalye sa pagkabata ko ay naalala ko. Kung hindi nga lang nabanggit ni Ken ang tungkol sa nakaraan namin ay iisipin kong wala naman akong ganitong sitwasyon.Hindi rin malinaw sa akin kung bakit kilala ng Phoenix na iyon ang mama at papa ko. Hindi kaya may kinalaman sila sa pagkamatay nila? Pero imposible iyon. Ang sabi ni Tita Gloria, namatay sa car accident ang mga magulang ko.Hinilot ko ang sentido ko at pinakatitigan ang kisame ng kwarto ko. Alas nuebe na kasi ng umaga pero nakahilata pa rin ako rito sa kuwarto ko. Ilang araw nang pi
last updateLast Updated : 2023-01-05
Read more

Kabanata 17

TAMA SI Ken sa desisyon niyang saka na lumabas ng sasakyan kapag wala na gaanong makakakita sa amin dahil iyon nga ang siyang nangyari nang magtungo na kami sa kasiyahan. Busy na kasi ang mga tao dahil nagsimula na ang party sa tulong ng Masters of Ceremony.Nililibot ko ang tingin ko sa paligid. Hindi na kataka-takang sobrang ganda ng mansyon ng mga Alvarez dahil pareho silang successful sa kani-kanilang mga business. Malapit sa pool ang venue ng party ni Tita at mahahalata mong mayayaman ang mga bisita dahil sa naggagandahang suot ng mga ito. Pati pagkilos ay talagang sobrang ayos.Nagpatianod lang ako kay Ken sa kung saang puwesto niya ba ako gustong dalhin. Obvious na ayaw ni Ken sa masyadong maraming tao dahil napansin kong sa medyo tagong bahagi siya ng venue nagpunta. Kanina ngang ipinatatawag siya para sa entrance ng Mommy niya ay talagang hindi siya sumama.Napunta kami sa tapat ng magkatabi na dalawang malaking pabilog na mesa. Nakita ko roon sila Karl, Lawrence, at Coach Kob
last updateLast Updated : 2023-01-06
Read more

Kabanata 18

“ANG GAGUWAPO ng mga ka-table natin, ano? Parang mga prince charming na naghihintay lang ng pagsunggab ng mga naggagandahan nilang mga prinsesa,” kinikilig-kilig pang sabi ni Gwen.Narito kami ngayon sa comfort room para mag-retouch ng mga make-up namin dahil unti-unti na kaming nagiging oily. Actually, inaya ko lang talaga rito si Gwen para na rin pasimpleng hanapin sila Ken. Tapos na kasing magkainan sa party pero hindi pa rin sila nakakabalik. Magdadalawang oras na silang wala.Ilang beses kong sinubukang tawagan ang cell phone ni Ken pero hindi naman siya sumasagot. Imposible namang hindi niya napansin ang tawag ko dahil maraming beses kong ginawa iyon. Kung tama si Maureen sa sinabi niya kanina, paniguradong nakikipagsuntukan na nga kung kani-kanino ang mga iyon. Hay naku talaga, parang mga bata!“Sira ka talaga! Anong ‘pagsunggab ng mga prinsesa nila’ ang pinagsasasabi mo riyan? Tayo pa talaga ang lalapit sa kanila, ganoon? Sa ganda nating ito? Gusto mo bang tularan iyong babae n
last updateLast Updated : 2023-01-07
Read more

Kabanata 19

KASALUKUYANG NASA sala si Ken at nakaupong nag-iisip. Nagbabalik-tanaw siya sa mga pangyayari sa buhay nila noon ni Ciashet at hindi niya mapigilang hindi mapangiti habang inaalala ang kanilang unang naging pagkikita. Malinaw na malinaw pa sa kaniyang isipan ang ala-alang iyon dahil kung noon ay kinaiinisan niya ang araw na nangyari iyon, ngayon naman ay lubos ang pasasalamat niya dahil nakilala niya ang babaeng ito.Ngunit, hindi mailalayo kay Ken ang pagsisisi sa kaniyang puso sa bawat ala-alang mayroon siya kasama si Ciashet. Sa tuwing aalalahanin niya kasi ang mga ito, mas lumilinaw lang sa kaniya kung gaano naging kag*go ang naging pakikitungo niya rito.“What’s the problem, son?”Napalingon si Ken sa lalaking dumating at tumabi sa kaniya. Naninigarilyo ito ngayon at iniabot pa sa kaniya ang pack nito na may lighter pang kasama.“Zup, Dad,” bati niya pagkatapos ay ginawa ang kakaibang handshake nilang dalawa.“Can’t sleep? Don’t tell me na namamahay ka na rito sa mansyon?” Natataw
last updateLast Updated : 2023-01-08
Read more

Kabanata 20

“HINDI BA trainee pa lang dito iyang Laurice na iyan? Bakit parang may special treatment sa kaniya si Mrs. Lozada?”Kabubukas ko pa lang ng pinto ng unit ng nilinis kong kuwarto nang marinig kong binanggit ng isang babae ang pangalan ko. Hindi ko pa alam ang mga pangalan nila pero sigurado akong pareho kaming sa housekeeping department naka-assign. Hindi na muna ako lumabas ng unit na iyon pero pinanatili kong bukas ang pinto para marinig ko ang sinasabi nila tungkol sa akin.“Oo, trainee pa lang. Paano ba namang hindi bibigyan ng special treatment, malakas ang kapit niya sa anak ni Mr. Van.”“Ay, doon sa guwapong bata? Kaya naman pala. Hindi pa man din nakakatapos ng pag-aaral, landi na kaagad ang inaatupag. At mautak din siya ha, sa mayaman na kumapit para pagka-graduate, deretso sa pagiging mayaman.”Pinigilan ko ang sarili kong lumabas at sugurin ang mga tsismosang iyon. Wala silang alam sa buhay ko kaya wala silang karapatang magsalita laban sa akin.“Kung anak ko ganiyan at malam
last updateLast Updated : 2023-01-09
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status