“ANG GAGUWAPO ng mga ka-table natin, ano? Parang mga prince charming na naghihintay lang ng pagsunggab ng mga naggagandahan nilang mga prinsesa,” kinikilig-kilig pang sabi ni Gwen.Narito kami ngayon sa comfort room para mag-retouch ng mga make-up namin dahil unti-unti na kaming nagiging oily. Actually, inaya ko lang talaga rito si Gwen para na rin pasimpleng hanapin sila Ken. Tapos na kasing magkainan sa party pero hindi pa rin sila nakakabalik. Magdadalawang oras na silang wala.Ilang beses kong sinubukang tawagan ang cell phone ni Ken pero hindi naman siya sumasagot. Imposible namang hindi niya napansin ang tawag ko dahil maraming beses kong ginawa iyon. Kung tama si Maureen sa sinabi niya kanina, paniguradong nakikipagsuntukan na nga kung kani-kanino ang mga iyon. Hay naku talaga, parang mga bata!“Sira ka talaga! Anong ‘pagsunggab ng mga prinsesa nila’ ang pinagsasasabi mo riyan? Tayo pa talaga ang lalapit sa kanila, ganoon? Sa ganda nating ito? Gusto mo bang tularan iyong babae n
KASALUKUYANG NASA sala si Ken at nakaupong nag-iisip. Nagbabalik-tanaw siya sa mga pangyayari sa buhay nila noon ni Ciashet at hindi niya mapigilang hindi mapangiti habang inaalala ang kanilang unang naging pagkikita. Malinaw na malinaw pa sa kaniyang isipan ang ala-alang iyon dahil kung noon ay kinaiinisan niya ang araw na nangyari iyon, ngayon naman ay lubos ang pasasalamat niya dahil nakilala niya ang babaeng ito.Ngunit, hindi mailalayo kay Ken ang pagsisisi sa kaniyang puso sa bawat ala-alang mayroon siya kasama si Ciashet. Sa tuwing aalalahanin niya kasi ang mga ito, mas lumilinaw lang sa kaniya kung gaano naging kag*go ang naging pakikitungo niya rito.“What’s the problem, son?”Napalingon si Ken sa lalaking dumating at tumabi sa kaniya. Naninigarilyo ito ngayon at iniabot pa sa kaniya ang pack nito na may lighter pang kasama.“Zup, Dad,” bati niya pagkatapos ay ginawa ang kakaibang handshake nilang dalawa.“Can’t sleep? Don’t tell me na namamahay ka na rito sa mansyon?” Natataw
“HINDI BA trainee pa lang dito iyang Laurice na iyan? Bakit parang may special treatment sa kaniya si Mrs. Lozada?”Kabubukas ko pa lang ng pinto ng unit ng nilinis kong kuwarto nang marinig kong binanggit ng isang babae ang pangalan ko. Hindi ko pa alam ang mga pangalan nila pero sigurado akong pareho kaming sa housekeeping department naka-assign. Hindi na muna ako lumabas ng unit na iyon pero pinanatili kong bukas ang pinto para marinig ko ang sinasabi nila tungkol sa akin.“Oo, trainee pa lang. Paano ba namang hindi bibigyan ng special treatment, malakas ang kapit niya sa anak ni Mr. Van.”“Ay, doon sa guwapong bata? Kaya naman pala. Hindi pa man din nakakatapos ng pag-aaral, landi na kaagad ang inaatupag. At mautak din siya ha, sa mayaman na kumapit para pagka-graduate, deretso sa pagiging mayaman.”Pinigilan ko ang sarili kong lumabas at sugurin ang mga tsismosang iyon. Wala silang alam sa buhay ko kaya wala silang karapatang magsalita laban sa akin.“Kung anak ko ganiyan at malam
"AKALA KO may sakit k—" Hindi na natapos pa ni Karl ang kaniyang sinasabi dahil bigla na siyang sinugod ni Ken at sinuntok siya sa kaniyang mukha. Hindi nakapaghanda sa suntok na ‘yon si Karl kaya naman kamuntikan na siyang mapahiga sa sahig ng ice cream parlor. Hindi pa nakuntento si Ken at talagang lumapit pa siya kay Karl saka naman niya ito kinuwelyuhan. Nahalata niya sa mukha ng kaibigan niya ang pamumutla ng mukha nito gayundin ang galit nitong ekspresyon. "Sinabi ko na sa ‘yong tigilan mo na siya at huwag na huwag nang lalapitan, hindi ba? Bakit isinama mo pa siya rito? Para saan?!" Galit na sigaw pa sa kaniya ng kaibigan. "Humahanap ka lang ba ng tamang oras para makasama mo siya ulit, ha?!" Hindi niya alam kung paanong nalaman ni Ken na nagkasama sila rito ni Ciashet. Ngunit, hindi naman siya nagsisisi na isinama niya roon ang dalaga. "You know what, Dude? You must chill. Wala naman kaming ginawang masama, kumain lang kami ng ice cream at nag-usap. Ikaw pa nga ang topic."
INIS KONG tinungo ang unit ko. Bahala na kung pagalitan ako sa ibaba bukas dahil sa hindi ko natapos linisin ang unit niya. Hindi ko mapagtitiisan ang lugar na 'yon sa ngayon lalo pa at narooon ang lalaking ‘yon at umaaktong walang ginawang kasalanan! Inihagis ko ang katatanggal ko pa lang na gloves sa kung saanman saka padabog na naupo sa sofa. "Bakit ganoon siya?! Akala niya ba ay hindi masakit para sa akin ‘yong sinabi niya kahapon at kung makaasta siya ngayon akala mo kung sinong boyfriend ko?! Isampal ko kaya sa kaniya ‘yong contract na sinasabi niya!" Isinipa-sipa ko pa sa ere ang paa ko dahil sa sobra kong inis ko sa kaniya. Nakakabuwsisit talaga siya! Napatigil ako sa pagmamaktol ko nang marinig kong may nagdo-doorbell sa labas ng pinto ko. Sunod-sunod 'yon at nakakairita sa tainga. Kagyat akong tumayo at sumilip sa peephole. Sinasabi ko na nga ba at siya ang gumagawa no’n. Sinundan pa talaga niya ako rito para lang inisin ako lalo. Hindi ko siya pinagbuksan ng pinto. Wa
"Good morning, beautiful."Naniningkit pa ang mga mata ko buhat sa antok nang imulat ko ang mga ito. Ang seryosong mukha kaagad ni Ken ang bumungad sa akin pati na rin ang pagbati niya gamit ang boses niyang pambagong gising rin. It's a little bit husky and he slightly put a smile on his face kaya naman napangiti na rin ako."Good morning, handsome." bati ko sa kaniya pabalik.Marahan niyang iniangat ang ulo ko at iniunan sa kaliwang balikat niya. Hinaplos pa niya ang buhok ko saka ako hinalikan sa noo."Did you sleep well?"Tumango ako sa kaniya. Inilagay niya ang kaliwang kamay ko sa ibabaw ng tiyan niya. Ang kamay niya namang inuunanan ko ay ipinaikot niya sa likod ng balikat ko samantalang ang isa naman ay nasa bewang ko."Good. I also slept well."Sanay na sanay talaga siyang matulog nang topless. Ni hindi man lang naiilang sa akin ang isang 'to.Well, dahil ito na ang pangatlong beses na nakatabi ko siyang matulog, parang nasasanay na rin akong nakaganito siya. Advantage naman i
"Stacey, tara na sa gymnasium, nandoon daw si Love at naglalaro sila ng mga kaibigan niya. Puntahan natin, dali." Nagmamadaling-aya ni Ciashet sa kaibigan niyang si Stacey. Lunch break nila ngayon at gaya ng palaging ginagawa ni Cia, kaagad niyang inalam ang schedule ngayon ni Ken. At heto nga, nalaman niyang may practice game pala ito ngayon sa gym kasama ang mga kaibigan niya. Hindi pinahalata ni Stacey ang pagkainis niya sa babae. Tumalikod ito nang kaunti kay Cia para hindi nito mapansin ang pag-irap niya. Kaagad ding inayos ni Stacey ang mukha niya para magmukha siyang interesado sa gustong mangyari ni Ciashet. "Wait lang," ngumiti pa siya sa kausap. "Maaabutan naman natin siya." "Bilis na, Staceeeey." Hinila na niya ang braso ni Stacey para sumama na ito roon sa gym. Wala naman na siyang nagawa kundi ang sumunod na lang kahit na labag pa ito sa kalooban niya. "Ibibigay ko na sa kaniya mamaya ‘yong explosion box na ginawa ko, Stacey. Pinaghirapan ko talaga 'yon nang ilang ar
"ANO’NG MERON?" Takang tanong ko sa mga nagkukumpulang mga babae sa quadrangle ng Damryeong. Ang mga babae kasing nasa likurang parte ng kumpulan ay panay ang tingkayad para lang masilip ang kung sinomang naroon. "May mga lalaki raw galing sa Jeoseong. May hinahanap na babae rito sa school." sagot sa akin ng babae mula sa tourism department—nalaman ko dahil sa unipormeng suot niya. Kaagad akong kinabahan. Bakit naman pupunta rito sa Jeoseong ang mga iyon? "Uy, mare!" Pabulong na parang pasigaw na pagtawag sa akin ni Gwen. "Bakit?" Takang tanong ko. "Bakit parang nagpapanic 'yang hitsura mo, may problema ba?" "Halika, bilis!" Hinawakan niya ako sa braso at dali-daling hinila palayo sa senaryong 'yon. "Bakit ba? Kinakabahan naman ako sa’yo." "Ikaw ‘yong hinahanap no’ng mga lalaki roon sa labas. Natatandaan mo ‘yong lalaking kasama mo hanggang sa paglabas ng school na 'yon? Naroon siya." mabilis niyang paliwanag sa akin. Base sa emosyong rumerehistro sa mukha niya, halatang hindi
HANGGANG SA tapat ng unit ni Karl sa Wonder Palace ay inihatid nila ako. Akala mo nga kilala akong tao at kailangan pa talaga ng maraming bodyguards.“Sige na, puwede na ninyo akong iwanan dito . . . kaya ko na,” sabi ko sa kanila nang nasa tapat na kami ng pintuan.“Are you sure na wala kang sugat or anything na gusto mong ipa-check sa doktor? Ayaw mo nang magpa-check para masigurong ayos ka?” nag-aalala pang tanong sa akin ni Karl.Napatawa na lang ako sa labis niyang pag-aalala. Ilang beses niya ba kasi ako kailangang tanungin kung may sugat ako? Bukod sa pagod, wala na akong ibang nararamdaman sa katawan ko.“Huwag na ninyo akong alalahanin. Ang mga sarili ninyo ang asikasuhin ninyo nang makapagpahinga na kayo. Kayo itong puro galos at tama ng bala sa katawan.” sabi ko. Paano ba naman kasi, parang wala man lang silang iniinda sa mga katawan nila. Akala mo mga matatandang may anting-anting!Nagpaalam na silang lahat sa akin at ako naman ay pumasok na sa unit. Kaagad na nahiga ako s
MULING INANYAYAHAN sa labas ang mga taong nakaligtas sa nagdaang Death Hour. Doon kasi ipa-flash sa screen ang mga larawan at pangalan ng mga nasawi sa nasabing event. Bakas sa mukha ng mga natira ang labis na kaba at pangamba lalo na at may mga kakilala, kaibigan, o kagrupo silang hindi pa natatagpuan o nababalitaan. Kung sa umpisa ng annual event na ito ay mababakas mo pa ang pagiging sopistikado ng mga tao gayundin ang magarang ambiance ng paligid, ngayon naman ay wala kang ibang makikita kung hindi ang gulo ng paligid at dama mo ang mabigat na nararamdaman ngayon ng mga kalahok sa nasabing event. Maski nga sa iilang mga table cloth na ibinalik pantakip sa mesa ay may mapapansin ka pang mangilan-ngilang bakas ng dugo. Bagamat naiayos nang muli ang mga mesa at upuan, nagmistula namang ghost town ang paligid sa sobrang tahimik nito. Tanging ang sipol ng hangin nga lamang ang maririnig mo at ang mata ng lahat ay tutok na tutok lamang sa malaking white screen na nasa stage kung saan
“THE DEATH hour will start in 3 minutes,” muling anunsyo matapos na magpaputok nang sunod-sunod. Dali-dali kaming nagsitayo at muling nagsipagtakbuhan. Tatlong minuto na lang at mas gugulo pa sa lugar na ito. Napaka ingay na sa paligid, halos hindi na nga magkarinigan. May ilan ngang umiiyak na dahil sa takot at kaba. Napakaraming mga sibilyan dito. Malaki ang posibilidad na kahit hindi kami miyembro ng anumang gang ay mapapahamak kami rito. “Karl, nasaan ka na!?” sigaw ko pa ulit habang tumatakbo kahit pa alam ko namang malabong marinig niya ako. Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Halos nagkakandapatid-patid na nga rin ako dahil sa napaka habang gown na suot ko pero nagpapatuloy pa rin ako. Hindi ako papayag na dito kami mamamatay ng anak ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nanginginig nga ang mga laman-laman ko—napakalamig maging ng pawis ko. Ang daming masasamang bagay ang pumapasok sa isip ko ngayon. Sinisisi ko pa ang sarili ko dahil hinayaan kong bitiwan ako ni
“WHAT ARE you doing?” takang tanong ko kay Karl. “Talagang ikababaliw mo ang lahat kung patuloy mo silang panonoorin. Kumalma ka riyan,” sagot niya sa akin. Nakahawak sa ulo ko ang kamay niya—nakaalalay. Pero ang atensyon niya ngayon ay naroon na sa nagsasalita sa stage. “Buti pa itong si Karl, sweet. Hindi katulad nitong si Lawrence na walang ibang ginawa kundi mambuwisit sa akin,” rinig kong sabi ni Maureen saka hinampas sa braso ang boyfriend niya. “Darling, I want to pee. Samahan mo ako sa CR, please?” malandi pang pakisuyo ng babaeng intrimitida. Napaarko na naman ang kilay ko. Talaga bang kailangan pa niyang magpasama? Si Ken ba ang gusto niyang magbaba ng panty niya!? “Alright, come on,” walang pag-aalinlangang sagot ni Ken. Napaangat ako ng ulo at napasunod ng tingin sa kanila nang iwanan na nila kami sa puwesto namin. Nakaangkla ang braso ng babae sa kaniya at nakasandal pa sa braso niya ang ulo niyon habang naglalakad. Nakakainis na habang papalayo sila ay muli akong n
“SURE BA kayo sa plano?” tanong ni Harvey sa apat pagkarating na pagkarating nila sa tagpuan ng grupo–sa headquarters. Iniwan na nila sina Ciashet at Karl sa unit nito. Si Ken naman ay nasa sarili niyang unit at naglilibang ng sarili. Si Lawrence naman ay may date kasama ang girlfriend na si Maureen. “Sure na,” sagot ni Kobe. Halata sa mukha niya na hindi naman talaga siya sigurado pero kailangan nilang sumugal para roon sa dalawa. “Si Karl talaga ang kakausapin natin na gumawa niyon?” paninigurong tanong pa ulit ni Harvey. Gusto nilang pag-isipan muna nang maigi ang plano bago nila ito isagawa. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na talagang nagkaroon ng feelings si Karl noon kay Ciashet at hindi naman malabong mangyari iyon ulit ngayon. Baka mas lalo lang hindi maging maganda ang samahan ng dalawang magkaibigan dahil dito. “Siya lang ang may kakayahang gumanap, eh,” sagot muli ni Kobe pagkatapos ay naupo sa maliit na sofa. “At isa pa, hindi ba’t dahil lang din sa pagseselos
“Halika rito, mare, bilisan mo,”Hila-hila ako ngayon ni Gwen dito sa SM Megamall para maglibot-libot. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang bilhin pero lahat na yata ng stores dito ay napasok na namin pero wala pa rin siyang nabibili maski na isa. Konti na nga lang ay iisipin ko nang nagwi-window shopping lang ang isang ito, eh.“Ano ba talaga ang gagawin natin dito, mare? Napapagod na akong maglakad,” reklamo ko pa sa kaniya. Isang buwan pa lang ang baby ko ay parang gusto na akong matagtag nitong kaibigan ko, susme.“Naghahanap kasi ako ng dress para sa magiging date namin ni Kobe. Hindi ba kauuwi lang nila ngayon mula sa Batangas? Bukas lalabas kami kaya kailangan kong maghanda. So please, help me, okay?”“Handang-handa ka naman masyado. Kailangan ba talaga bago ang damit kapag makikipag-date? Saka . . . may label na ba kayo, ha?” tanong ko pa sa kaniya.Saglit siyang napahinto sa paglalakad saka pa nakangusong lumingon sa akin.“Huwag ka ngang manira ng trip diyan, mare. Huwag
NAGISING AKO sa sunod-sunod na doorbell mula sa labas ng pinto ng kuwartong tinutuluyan ko ngayon. Ikatlong araw ko na pero hindi ko pa rin kilala iyong mystery guy na tumutulong sa akin.Nag-inat muna ako ng katawan at saka pa napahikab. Puro tulog lang naman ang ginagawa ko rito pero pakiramdam ko ay palagi pa rin akong pagod.Panay pa rin ang pagtunog ng doorbell. Nagdesisyon na akong bumangon at lumabas ng kuwarto para silipin sa peephole kung sino ang nagdo-doorbell.“Karl?”Kaagad kong binuksan ang pinto at magkasalubong ang kilay ko siyang hinarap.“Masyado pa bang maaga ang pagpunta ko? Mukhang kagigising mo lang, may panis na laway ka pa sa pisngi,” sabi pa nito saka dere-deretsong pumasok sa loob ng unit na tinutuluyan ko.Hindi ako kaagad nakapagsalita. Ni hindi ko na nga napigilan ang pagpasok niya. “Hoy, Karl, ano’ng ginagawa mo rito!? Paano mo nalaman na narito ako!?”Ipinasok niya sa kanan niyang tainga ang kanan niyang hinliliit na para bang naiingayan siya sa akin.“
“WHAT’S WRONG with her? Parang hindi siya iyong nakakainis na babaeng kilala ko. Mukhang natutuhan na niyang mag-isip.” Naguguluhang tanong ni Ken.Hindi na kasi nawala sa isip niya ang hitsura ni Ciashet kanina. Malayong-malayo umano sa Ciashet na kilala niya ang kaharap niya kanina. Kaya nga sobra siyang nanibago habang pinakikinggan niya ang mga sinasabi nito.Nasa ospital ang lahat ng kaibigan niya. Paano ba naman ay ipinatawag niya ang mga ito para ikuwento ang nangyari at pamamaalam ni Ciashet kanina sa kaniya. Dati-rati, sa tuwing sinasabi sa kaniya ng babae na titigilan na niya ito, kinabukasan ay alam niyang nariyan na naman iyon para manggulo.Pero ibang-iba ngayon. Nabakas niya ang kaseryosohan sa desisyon na iyon ni Ciashet.“I told you, King, hindi na siya iyong Ciashet na naaalala mo dahil nga four years ago na iyon! Ewan ko ba sa iyo kung bakit ayaw mong maniwala na mayroon na nga kayong relasyon. Hinanap mo siya, dude, hinanap mo!” Naiinis nang paliwanag sa kaniya ng k
SA ALPEREZ’ ako inihatid ni Karl. Nauna muna naming ibaba si Tita Babs sa bahay nila kanina. Ayoko munang mag-stay doon dahil hindi ko gusto ang ambiance ng bahay nila ngayon dahil sobrang lungkot. Gusto kong baguhin ang mood ko dahil ayokong ipakita kay Ken na nasasaktan ako sa nangyayari sa amin. Gusto kong maging malakas para sa kaniya.Nagluto ako ng oats upang kahit papaano ay mayroon naman akong makain. Pagkatapos ay nag-backread ako sa mga text messages namin ni Ken.Mas lalo lang akong nalungkot sa ginawa ko. Sobra na ang pagka-miss ko sa kaniya.Naupo ako sa couch at saka isinandal doon ang likod at ulo ko. Napatulala na lang ako habang nakatingin sa kisame.“Ano ba talaga ang hindi ko maalala? Ano ba’ng nangyari sa atin dati?” tanong ko pa sa kawalan saka pa napabuntonghininga.Sa kaiisip, bigla kong naalala ang naikuwento sa akin ni Ken noon. Tungkol sa hindi niya magandang pagtrato sa akin, sa madalas niyang pagkabuwisit sa tuwing ginugulo ko siya. Ang sabi niya noon, ilan