Inaayos ko ang aking pagkakahiga dahil ramdam ko pa din ang hapdi ng aking binti, nang makarinig ako ng katok mula sa pintuan. "Hija, kumusta ang lagay mo?" pagtatanong niya. "Ayos lang ho ako Don Griyego, h'wag ho kayong magalala 'di naman po malala at daplis lang." paninigurado ko. "Bakit ka lumalabas at pumupunta sa pamilihan? 'di ba't mayroong mga katulong upang gumawa noon?" dagdag niya pa. "Kaibigan ko po ang kasama ko sa pamimili, madalas kaming magkasama ni Lira." pagsagot ko. Kinakabahan ako at mukhang seryoso ang mukha nito. "Kung ganoon, dapat nagsasama kayo ng mga sibilyan upang makasigurado ang kaligtasan ninyo." mariing saad niya. "Sa susunod po, pasensya na po kung napagalala ko kayo at nakaabala pa sainyo." pagsangayon ko. "Sya sige, mauuna na ako magpagaling ka." pamamaalam niya bago umalis, tipid na ngiti lamang ang ginawad ko bilang sagot. Tila naramdaman ko ang pangungulila sa aking Ama. Kung naririto lamang siya ngayon baka hindi na ito umalis sa aking sil
Last Updated : 2022-09-12 Read more