IZZY'S POINT OF VIEW."Babe, how's your first day in school? Na-enjoy mo ba?" tanong ni Karson sa 'kin."Oo, ok naman. Masaya at hindi na puro essay ang ginagawa namin." pagbibiro ko pa.Doon kasi sa driving school na iyon ay wala kaming ginawa kun 'di ang makinig. Minsan nag-eenglish yung instructor namin pero madalas ay nag tatagalog din naman siya kaya mabilis kong naiintindihan ang mga sinasabi niya."Well, that's good to hear, babe. Eh, iyong mga classmates mo? Mababait ba sila?.""Oo. Actually, may kaibigan na agad ako." pagmamalaki ko.Para sa 'kin kasi ay kaibigan na ang turing ko kay Martina. Bagamat ngayon ko lang siya nakikilala ay palagay na talaga ang loob ko sa kaniya. Ang kainaman pa sa kay Martina ay may dala siyang snacks at binibigyan niya kami ni Emmerson.Speaking of Emmerson. Hindi ko na binanggit kay Karson na nagkaroon pa ako ng isa pang kaibigan at lalaki iyon. Alam kong magseselos lang si Karson dahil ayaw na ayaw niyang nakikita na close ako sa ibang lalaki.
Last Updated : 2022-08-18 Read more