Izzy's point of view.Kakatapos ko lang na maligo at naisip ko na gumawa ng empanada para naman may mapaglibangan man lang.Wala kasi akong magawa rito sa mansyon dahil ayaw nila akong pagawain. "Seniorita, nakahanda na po ang lahat ng kakailanganing ingridients sa paggawa ng empanada." wika ni Cristy sabay turo sa may kitchen."S-salamat." naiilang kong sabi. Hindi kasi ako sanay na tawagin ng seniorita. Maya maya pa ay sinimulan ko nang gumawa ng empanada. Pinagsama-sama ko lang ang harina, butter, asukal, asin at kaunting tubig at pagkapos ay pinaghalo-halo ko lang ang mga iyon hanggang sa makuha ko ang tamang consistency. Inirest ko muna ang nasabing dough at nakipag chikahan muna kay Cristy."Cristy, ilang taon ka na rito?""Siguro, wala pang tatlong taon po.""Ahh, eh, kumusta naman ang pagtratrabaho mo rito? Si Lucy, kumusta siya bilang amo?" Gusto ko kasing malaman kung anu-ano ang ginagawa ni Lucy ng sa gayon ay hindi na ako iwanan ni Karson. Alam ko kasi na kahit patay na
Last Updated : 2022-08-13 Read more