CHAPTER 87 Simple lang ang birthday ni Tita Joana kahit pa ang yaman-yaman ng pamilya nito. Bukod sa pamilya, tanging malalapit lamang na kaibigan ang imbitado sa rest house ng mga Revamonte. “Quin, huwag sa malalim,” pasigaw niyang paalala sa anak nang sumama ito kay Killian. Nakasuot ang salbabida sa baywang ng bata na naka-brief lang. “I’ll handle him, Ate,” ngisi sa kanya ni Killian bago binuhat nito sa Quintano at parang sakong isinablay sa balikat nito. “Ingatan mo ang baby ko, Killian.” Hindi ito sumagot bagkus ay sinaluduhan lang siya bago nagtatakbo patungo sa tubig. “Ate Amy, aren’t you gonna join us?” Nagh ubad si Nadya ng suot nitong cover up bago malaki ang ngiting nagtatakbo ito patungo sa dagat. Naeenganyong hinawakan niya ang laylayan ng suot niyang maluwag na damit. Subalit, bago pa man niya iyon tuluyang mahila paalis sa katawan ay may humila na niyon pababa. “Ako n
Last Updated : 2022-12-13 Read more