“Mhm,” Sagot ni Avery. “Ah. Medyo under-developed kasi yung baby mo.” Natigilan ng sandali ang doktor bago ito nagpatuloy, “Nabanggit mo na hindi ka nakapag pacheck up sa schedule mo two weeks ago diba?”“Oo. Bakit?” Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Avery habang naghihintay sa sagot ng doktor. Kung hindi na talaga kinaya ng baby niya, ano pa nga bang magagawa niya? Kailangang niyang tanggapin anumang mangyari.“Dala mo ba yung sonogram mo noong huli mong check up?” Ibinaba ng doktor ang ultrasound sensor at binigyan si Avery ng tissue. Kinuha ni Avery ang tissue. Pagkatapos, kinuha ang sonogram na nasa loob ng kanyang bag at ibinigay sa doktor. Tinignan ito ng maigi ng doktor bago ito magpatuloy, “Medyo mabagal ang pagdevelop ng baby mo, pero kung ikukumpara sa nakaraan, lumaki naman siya. Kung gusto mong mabuhay ang batang ‘to, kailangan mong alagaan ang sarili mo. Wag kang masyadong magpapakapagod at kumain ka ng mga masusustansyang pagkain. Okay pa sa ngayon ang bata kay
Huling Na-update : 2024-10-29 Magbasa pa