Home / Romance / Nang Namulat Ang Kanyang Mata / Kabanata 2961 - Kabanata 2970

Lahat ng Kabanata ng Nang Namulat Ang Kanyang Mata: Kabanata 2961 - Kabanata 2970

3175 Kabanata

Kabanata 2963

[May nakapunta na ba sa inyo sa cafe na 'to? Ano lasa ng mga cake nila?][Ang alam ko bagong bukas palang yang cafe na yan kaya hindi ko pa rin natgatry pero plano ko ngang dumaan mamaya kasi malapit lang din yan dito sa office natin!][Tara, sabay tayong pumunta para makita natin kung saan bumili ng cake si boss!][Ako rin! Sama rin ako!]...Kinahapunan, bumisida ang ilang sa mga empleyado ng Dream Maker sa Courtney's Cafe.Bukod sa tag, hindi nagsusuot ng uniform ang mga empleyado ng Dream Maker.Dahil medyo malaki ang grupo, kulang ang mga staff ng cafe kaya lumabas si Shelly para tumulong. Nang makita niya ang suot na tag ng mga customer nila, medyo naguguluhan siyang nagtanong, “Galing ba kayo sa Dream Maker?” "Oo! Bumili kais ng dessert yung boss namin kanina dito sa cafe niyo. Nakilala niyo ba siya? Hayden Tate ang pangalan niya! Nandito kami dahil pumunta siya!" sabi ng isa sa mga babaeng empleyado.Hindi alam ni Shelly kung ano ang isasagot niya. Hindi siya makapani
Magbasa pa

Kabanata 2964

Tinanggap ni Shelly ang tiket at napansin na ito ay para sa konsiyerto ng isang kilalang musikero mula sa ibang bansa; madalas niyang pinapatugtog ang musika nito sa kanyang cafe."Ang hirap talagang makakuha ng mga tiket na ito. Sinubukan kong mag-book online pero hindi ako nakakuha," sabi ni Shelly, habang gustong tanggapin ang tiket pero may konting pagkahiya."Hindi naman ganoon kahirap! Pwede akong makakuha ng tiket sa kahit anong gusto ko mula sa mga kaibigan ko," sabi ni Layla ng walang bahid ng pag-aalala.Buong galak na tinanggap ni Shelly ang tiket. "Salamat, Layla! Tatanggapin ko na ito! Talagang gusto ko 'tong musikerong 'to."Nagbuhos si Layla ng tasa ng tsaa at tanong, "Shelly, gusto mo ba ang mga talentadong, artistikong lalaki tulad niya?"Umubo si Shelly habang umiinom ng tsaa at namula. "May kaluluwa ang musika niya, at tuwing naririnig ko ito, nakakalimutan ko ang lahat ng aking mga problema. Mahal siya ng maraming tao.""Oo, alam ko. Ang ibig kong sabihin, kun
Magbasa pa

Kabanata 2965

"At ibebenta mo sa kanya ang mga cake natin?" tanong ni Shelly."Siyempre, hindi! Kung isang lalaki lang yan, puwede mo siyang akitin gamit ang iyong charm at tingnan kung may pagkakataon kang makakuha ng date!" sabi ng staff member. "Hindi mo ba gusto makapag-asawa ng mayaman? Bukas, perpektong pagkakataon yan."Namula si Shelly. "Baka masyado kang maraming nabasang romance novels. Isang concert lang ito, at nagagawa mong palakihin ito.""Ms. Taylor, bihira ka lumabas. Kilala ko ang maraming babae na nakakita ng mga gwapong lalaki sa kalsada at lumapit sa kanila para humingi ng numero. Yung iba nakakuha ng date, at yung iba may mga anak na ngayon," sabi ng staff member.Nakinig si Shelly nang may interes at sinabi, "Sige. Pigilan mo ang iyong imahinasyon. Isa lang ang layunin ko ngayon, at iyon ay magtuon sa cafe para kumita tayo ng sapat para sa mas malaking lugar. Siyempre, kailangan niyo rin ng dagdag na sahod."Nagniningning ang mga mata ng staff member. "Magkakaroon ba tayo
Magbasa pa

Kabanata 2966

Agad na nagkakilala ang dalawa.Nakasuot si Shelly ng isang duckbill cap at mask kaya hindi kita ang kanyang buong mukha, pero kilalang kilala ni Hayden ang kanyang mga mata. Mga matang bilog na bilog at napaka inosente."Mag isa ka lang na manunuod? Ikaw lang ba ang bumili ng ticket mo?" nagdududang tanong ni Hayden."Hindi, binigay sa akin ni Layla ang ticket," nalilito rin si Shelly. "Eh ikaw, binigyan ka rin ba ni Layla ng ticket?"Tumango si Hayden.Biglang nahiya si Shelly nang marwalize niya na mukhang plinano ni Layla ang lahat at natatakot siya na baka magalit si Hayden. Nakita ni Hayden na kumunot ang noo ni Shelly kaya pagkalipas ng ilang segundo ay muli siyang nagsalita."Wag mo ng intindihin—""Mr. Tate—"Sabay silang nagsalita"Sige, ikaw na muna," sabi ni Shelly."Ah, ikaw na muna!" sagot ni Hayden."O sige na nga!" Kumunot ang noo ni Shelly at sabi, "Wag kang magalit kay Layla. Kahit medyo mali yung ginawa niya, sa tingin ko, hindi naman masama ang intensy
Magbasa pa

Kabanata 2967

Wala talagang pumapansin kung anong ginagawa niya sa bahay, o kung ano ang ginagawa niya sa kumpanya. Ang mahalaga lang sa kanila kung hinahawakan ba niya ang anak niya o kung tinutupad niya ang tungkulin bilang isang ama.Dalawang oras mamaya, natapos ang concert, at plano na sanang umuwi ni Shelly nang mapansin niya ang isang babae sa kabilang silya na lumalakad papunta sa entablado. Mukhang kukunan ng litrato kasama ang artist.Gulat na tanong ni Shelly, "Pwede bang pumunta sa stage para magpa-picture kasama yung artist?""Yung nasa harap na row, pwede," sagot ni Hayden."Talaga? Pwede akong pumunta?!" Namulat ang mata ni Shelly sa tuwa.Tumango si Hayden. "Sasamahan kita.""Great! Salamat!" sabi ni Shelly.Lumakad silang dalawa patungo sa entablado, pumila sa likod ng ibang audience na nauna na.Hindi nagtagal, turn na ni Shelly.Binuksan ni Shelly ang kanyang phone at inabot sa staff na tumutulong sa pagkuha ng litrato habang tahimik na nanood si Hayden.Pagkatapos magpa
Magbasa pa

Kabanata 2968

Hindi naintindihan ni Shelly kung ano ang gusto ni Hayden.Hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend o naiinlove, pero dahil sa pagiging maasikaso ni Hayden, na sa tingin niya ay hindi naman normal dito, naramdaman niya na parang gusto nito na magkasama sila ng mas mahaba pang oras."Sabi ko kasi sa nanay ko, magdadala ako ng hapunan," sabi ni Shelly, na medyo nalilito.Tama ang pagkakabasa ni Hayden sa mensaheng tinatago ni Shelly, at nauwi sa konklusyon na wala siyang mahalagang gagawin sa hapon at maaari silang maglibang pa."Alam ko ang magandang restaurant dito sa malapit," sabi ni Hayden.Ngumiti si Shelly at sabi, "Masyado pang maaga para ayusin ang hapunan para sa nanay ko, kahit paano.""Totoo. Ano ang madalas mong ginagawa pag weekend?" si Hayden ay taong walang hilig. Hindi niya alam kung paano makipag-shopping sa isang babae, kaya nagtanong na lamang siya ng opinyon kay Shelly.Sa hindi inaasahan, simple lang din ang buhay ni Shelly."Nasa bahay lang ako pag weekends,"
Magbasa pa

Kabanata 2969

[Wala ka talagang ka-alam alam sa pakikipag date, ano?] text ni Layla.[Eh gusto niya raw na magpashampoo kaya dapat ba pinigilan ko siya?] Sumagot si Hayden.[...Sige na nga! Hahaha! Kayong dalawa, ang weweird niyo parehas!][Kung sinabi mo sa kanya na darating ako, Edi sana nagshampoo siya bago magpunta sa concert.] Komento ni Hayden.[Hahahaha! Okay kasalanan ko na! ‘Di ko naman inasahang mamasyal pa kayo pagkatapos ng concert! Hayden, ayaw mo ng may kasamang babae diba? Bakit ka pumayag?]Wala naman akong problema kay Shelly.][Hahaha!]Nakatitig si Hayden sa message ni Layla at nagmukhang irritated.Makalipas ang ilang minuto, nakatanggap siya ng isa pang message mula rito. [Hayden, dalhin mo siya sa mall pagkatapos. Bumili kayo ng mga damit, skin care products o mga alahas. Kung ano naman ang mga type namin ni Mommy, siguradong type niya rin!] [Nagkakamali ka ng iniisip. Magkaibigan lang kami] Reply ni Hayden.[Hindi naman gumagawa ng anak ang mga mag kaibigan lang. P
Magbasa pa

Kabanata 2970

Hindi inaasahan ni Shelly na magiging ganoon ka-straightforward si Hayden at nagulat siya na agad siyang nabuking nito."Hindi naman sa ganun... Iniisip ko lang na single ka, at single din si Courtney. At saka, hinahangaan ka niya," paliwanag ni Shelly na namumula ang mukha. "Kung may magandang impresyon ka sa kanya, baka pwede kayong mag-subukan... Siyempre, kung ayaw mo kay Courtney, kalimutan mo na lang ang sinabi ko."Bigla na lang napaisip si Hayden.Buo ang loob ng pamilya niya na magkatuluyan sila ni Shelly, habang si Shelly ay nirereto siya kay Courtney."Kung magpapakasal ako sa ibang babae, magkakaroon ng step mother ang anak natin," paalala ni Hayden."Oo! Naisip ko rin 'yun. Kung ksi Courtney naman ang makakatuluyan mo, walang problema sa akin 'yun," sagot ni Shelly na buong katapatan. "Mabait si Courtney sa anak natin."Nanahimik lang si Hayden.Sa gabi, bumalik si Hayden sa bahay, at nagtipon-tipon ang pamilya para tanungin siya tungkol sa date. Ito ang unang pagk
Magbasa pa

Kabanata 2971

Si Layla ay biglang natahimik.Naramdaman niya na iba ang interaksyon sa pagitan ni Hayden at Shelly kumpara sa iba, at hindi siya makapagsimula ng isang payo."Maliligo ako." Tumayo si Hayden mula sa couch at bumalik sa kanyang kwarto.Nang umalis si Hayden, nagsimulang magsalita ang lahat ng malaya."Parang may gusto si Hayden kay Shelly," unang nagsabi si Robert. "Kung hindi siya gusto si Shelly, hindi sana siya gumastos ng hapon kasama siya.""Hahaha! Nahulaan mo, ah? Pero ayaw pa aminin ni Hayden!" Namutawi si Layla. "Hindi ko inaasahan na mahuhulog siya kay Shelly.""Mabagal si Hayden na magkagusto sa iba, at baka hindi niya talaga alam na gusto niya si Shelly. Bigyan natin sila ng mas maraming oras," sabi ni Ivy."Tama si Ivy. Dapat tayong gumawa ng mas maraming pagkakataon para sila'y lumabas nang magkasama," sabi ni Avery. "Kailangan ko ring makipag-usap ulit kay Shelly. Baka ikaw na ang makipag-usap sa kanya, Layla, at himukin siyang huwag matakot.""Ma, ako na lang k
Magbasa pa

Kabanata 2972

Hindi yun naisip ni Shelly at sinabi, "Kalimutan mo na. Ayaw kong istorbohin siya."Nakita kung gaano kagalang-galang si Shelly, kaya gustung-gusto ng receptionist na tulungan siya. "Sandali lang, Ms. Taylor. Tatawag ako para tingnan kung abala si Mr. Tate," sabi ng receptionist at kinuha ang telepono. "Si Mr. Taylor mula sa Courtney's Cafe ay may dala-dalang kimchi para kay Mr. Tate. Pwedeng pakisabi kay Mr. Tate kung pwede siyang pumunta sa taas?"Nahiya si Shelly.Noong una, ayaw niyang magdala ng kahit ano kay Hayden. Pero gumawa ang kanyang ina at dahil nilibre sila ni Hayden ng hapunan noong weekend, ipinilit ng kanyang ina na suklian ang pabor.Hindi iniisip ni Shelly na magkakaroon ng interes ang isang tulad ni Hayden sa kimchi na gawa sa bahay, pero ipinilit ng kanyang ina na ang intensyon ang mahalaga at dapat isukli ang pabor.May konting oras na lumipas, sinabi ng sekretarya ni Hayden, "Pinapapunta ni Mr. Tate si Ms. Taylor sa taas.""Sige." Binaba ng receptionist ang
Magbasa pa
PREV
1
...
295296297298299
...
318
DMCA.com Protection Status