Tinulungan si Hyness ng kanyang ina sa kanyang nilalabahan na damit, ang ina na rin niya ang sampay. Gumaan naman ang pakiramdam niya at lagi na siyang nakangiti dahil naging maayos na sila ng kangang ina. "Nay ako na po ang magluluto." Sabi niya sa ina at tinangka na agawin ang kaldero. "Ako na dito, magpahinga kana at samahan mo nalang doon sa Lily." Nakangiti na ani ng kanyang ina. "Per-" "Wala ng pero-pero Nessa." Pagpuputol ng kanyang ina sa kanyang pagtutol. "Ipakilala mo rin yang boyfriend mo sa amin Nessa ha, dapat lang na panagutan ka niya." Nawala ang ngiti sa labi niya dahil sa sinabi ng kanyang ina. Parang may tinik na nagbara bigla sa kanyang lalamunan at hindi agad naka imik."Sumulong kana doon, hindi naman kita pinipilit na ipakilala siya samin." Nakahinga siya ng maluwag dahil sa narinig. Ngumiti naman siya sa kanyang ina ng tumingin ito sa kanya ngunit nauwi ang kanyang ngiti sa isang ngiwi. "Lily, pag laki mo anong gusto mo maging?" Tanong niya sa kapatid na n
Last Updated : 2022-06-24 Read more