Home / Romance / You Are My Savior / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of You Are My Savior: Chapter 11 - Chapter 20

56 Chapters

Ang Galit Ni Leo

Rhianna'sPOV"Leo, ikaw daw magtuturo sakin?" tanong ko nang makalapit ako sa kaniya. Paglabas ko ng Head Quarters ay nakasalubong ko si Brandon at sinabi sakin na si Leo na daw ang magtuturo sakin. Lumingon sakin si Leo saka ibinalik ang tingin sa baril na hawak. "Sa susunod nalang kita tuturuan." wika niya at tumalikod siya papuntang Head Quarters. Nasaktan ako sa sinabi niya. Dahil ba sa hindi ako nagpaalam sa kanya kaya ayaw niya na akong turuan? Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang aking mga luha. Pinahid ko iyon ng palad ko. Hindi niya ako dapat makitang ganito. Hindi ko ipapakita sa kanya na mahina ako. "Hi Leo, tara mag-ensayo tayo." wika ng isang tinig sa aking likuran. Boses pa lang, alam kong si Carmela ang nagsalita. Lumingon ako at nakita na palapit sa kinaroroonan ko sina Alexandra, Harold, Carmela at si Leo. Umalis ako sa kinatatayuan ko. Pupunta nalang ako sa Head Quarters at doon muna mananatili. Nang matapat ako sa kanila. Kinuha ni Alexandra ang kamay ko.
last updateLast Updated : 2022-06-01
Read more

Ang Pagtunton

Lumipas ang isang linggong pagsasanay at natutunan ko ang paghawak ng baril. Si Leo ang nagturo sakin sa loob ng isang linggo. Ayos na din sila ni Brandon. Minabuti namin na hindi na ipaalam kay Agent Jerald ang nangyari. Pauwi na kami ni Leo galing sa pagsasanay sa Head Quarters. Nilalakbay namin ang daan pauwi, nang may mamataan akong sasakyan na kanina pa kami sinusundan. Bigla akong kinabahan."Leo, napapansin mo yung sasakyan na sumusunod sa atin?" tanong ko sa kanya. Lumingon siya sakin."Oo, kanina ko pa napapansin." Kinuha niya ang cellphone na nakalapatong sa dashboard. Nag-dial siya at inilagay iyon sa kaniyang tainga. Ilang segundo din ang lumipas bago siya nagsalita. Marahil sinagot ng kung sinuman ang kaniyang tawag."May sumusunod samin Harold. Nasa panganib lami. Pakiback-apan kami. Salamat." wika niya at agad na pinatay ang tawag at ibinalik ang cellphone sa dashboard."Anong gagawin natin ngayon Leo?" tanong ko. Kinakabahan ako sa maaaring mangyari. Hindi kaya galama
last updateLast Updated : 2022-06-02
Read more

Ang Paglipat

Namamayani ang katahimikan ng gabi. Tanging ang tunog ng aming kobyertos ang maririnig ng mga pagkakataong yun. Walang sinuman ang gustong magsalita samin. Bumuntong-hininga si Leo. Napatingin ako sa kaniya."Ang lalim nun ah." biro ko sa kanya. Tumingin siya sakin. Ibinalik ko agad ang atensyon sa pagkain bang magtama ang aming mata. Hindi ko parin kayang magtagal sa titig niya. Pakiramdam ko mawawalan ako ng malay."I'm want to say sorry sa nangyari kanina. Hindi ko sinasadya. Nadala lang ako." wika niya. Bakit parang napakasakit na marinig ang mga katagang iyon sa kaniya. Na hindi bukal sa kaniya ang paghalik niya sakin. Parang may punyal na sumaksak sa aking dibdib. Napakasakit. Napalunok ako. Hindi ko dapat ipahalata sa kaniya na naaapektuhan ako sa sinabi niya. Ayaw kong isipin niya na may gusto ako sa kaniya. Baka mapahiya lang ako."Ayos lang yun. Nadala din ako." wika ko at agad na tumayo para ligpitin ang aking pinagkainan. Tumayo na rin si Leo."Ireready ko lang mga gamit
last updateLast Updated : 2022-06-02
Read more

Pagpapaubaya

Isang ingay ang nagpagising sakin. Iminulat ko ang aking mga mata at sinundan kung saan nanggagaling ang ingay na yun. Dinala ako ng aking mga paa sa kusina. Nakita kong naghahanda ng pagkain si Carmela. Tumingin sakin si Carmela at binigyan ako ng matamis na ngiti."Good Morning Rhianna." bati niya sakin. Ayaw ko naman maging bastos kaya sasagot ako."Good Morning din Carmela." ganting-bati ko at umupo sa bakanteng upuan sa mesa. Tiningnan ko si Carmela habang naghihiwa ng mga gulay. Chapsoy ang lulutuin niya."Gusto mo bang tulungan na kita? Para mas mapadali ka." wika ko. Tiningnan siya nito mula sa ginagawa."No need ako na." wika niya at tsaka nagtungo sa kalan para magluto. Hindi ko maiwasang manliit sa sarili ko. Mas bagay talaga si Carmela kay Leo."Gising ka na pala Rhianna." wika ni Leo na papalapit sakin. Tiningala ko siya. Bagong ligo siya. Napakagwapo niya sa suot na plain white t-shirt at gray na short. Tumango ako."Saan punta mo?" tanong ko sa kaniya."Mamamalengke kam
last updateLast Updated : 2022-06-03
Read more

Partner

Rhianna'sPOVNandito kami sa silid kung saan ginagawa ang pagpupulong dahil sa susunod na araw na ang gagawin naming pagliligtas sa aking Ina at Kapatid. May pinadala na tauhan para icheck ang lugar at nakita niya na nandun pa ang aking Ina at Kapatid dahil nandun pa ang mga tagapagbantay. Pinagplanuhan namin mga dapat gawin. Syempre sinabi ko sa kanila kung saang bahagi ng bahay ang ligtas at hindi sila makikita ng mga tagapagbantay."Kailangan may kanya-kanyang partner ang bawat isa. Para mas mapabilis ang trabaho at hindi mapansin ng mga tagapagbantay ang ating presensya." wika ni Leo habang nakaharap sa kanila."Pwede tayo ang magpartner Leo?" wika ni Carmela at may kasama pang pagtaas ng kamay. Nagtaas naman ng kamay si Brandon."Kami naman ni Faith at Rhianna ang magkasama." wika niya. Napansin ko na kinuyom ni Leo ang kaniyang kamao. Subalit nawala rin iyon. Galit ba siya? Hindi ko nalang pinansin iyon."Okay. Ako at si Carmela ang magkaparehas. Brandon, Faith at Rhianna. Har
last updateLast Updated : 2022-06-03
Read more

Ang Pagligtas

Nakahanda na kami para sa gagawin naming pagligtas sa aking Kapatid at Ina. Nandito kami sa Head Quarters ngayon at pinag-uusapan kung paano ang gagawin. Nang mapag-usapan na lahat ay sumakay na ako sa kotse ni Leo. Tinahak na namin ang daan patungo sa kinaroroonan ng mansiyon. Tatlong sasakyan ang gamit namin. Bale bawat sasakyan isang kapareha. Habang daan di ko maiwasan na kabahan. Napahawak ako sa dibdib ko. Magiging matagumpay ba ang pagligtas namin? Sana walang mapahamak samin."Ayos ka lang?" tanong sakin ni Leo."Oo, ayos lang ako. Huwag mo akong alalahanin." wika ko. Tiningnan ko si Leo. Mababanaag sa kaniyang mga mata ang pag-aalala."Makakaya natin to Rhianna. Magtiwala ka lang." --Narating na namin ang daan kung saan ako nakita ni Leo na sugatan at humihingi ng tulong. Bumaba na kami at tinahak ang daan papasok sa kakahuyan. Nauna sina Brandon, Carmela at Faith. Sumunod sina Harold at Alexandra. Kami na ni Leo ang susunod. Bumuntong-hininga muna ako para mawala yung kab
last updateLast Updated : 2022-06-04
Read more

Tukso

Narating na namin ang Head Quarters at agad na lumabas ng sasakyan sina Alexandra at Carmela. Pumunta sila sa backseat kung saan naroon Sina Brandon at Leo. Tinungo nila ang Head Quarters habang akay-akay ni Alexandra si Brandon samantalang akay naman ni Carmela si Leo. Pumasok sila sa loob.Lumabas na ako ng sasakyan. Lumabas narin sina Mama at Ylona mula sa backseat. Pumasok kami sa loob ng Head Quarters kasama sina Faith at Harold. Nang makarating kami sa loob ay pinaupo ko sina Mama at Ylona sa sofa. Marahil nasa silid sina Leo at Brandon kasama sina Carmela at Alexandra para gamutin ang sugat nila."Malaki ang tama ni Leo. Sa tingin mo kaya iyon ni Alexandra?" tanong ni Faith kay Harold. Nakatayo sila sa gilid sa tabi ng bintana."Kaya niya yun. Magaling si Alexandra." wika ni Harold at tiningnan ako napatingin narin sakin si Faith."Paumanhin sa nangyari. Nang dahil sa pagliligtas niyo kay Mama at kay Ylona ay napahamak sila Brandon at Leo." wika ko. Pakiramdam ko kasalanan ko k
last updateLast Updated : 2022-06-04
Read more

Pagbitaw Sa Tungkulin

Gumising ako bandang alas-sais ng umaga. Agad akong nagtungo sa kusina subalit natigilan ako nang marinig kong nag-uusap sina Mama at Leo. Napangiti ako, nagiging palagay na ang loob nila sa isa't-isa. Inilang hakbang ko ang kusina. Nang makapasok ako ay nahinto sila sa pag-uusap at tiningnan ako."Gising ka na pala iha. Halika magkape ka muna." wika ni Mama. Ngumiti ako at lumapit sa mesa para magtimpla ng kape. Tumalikod na si Mama at inabala niya ang sarili sa pagluluto. Nang makapagtimpla ako ay naupo ako sa upuang katapat ni Leo. Hindi ko siya matingnan dahil naalala ko ang nangyari kagabi. Ang halik na pinagsaluhan namin."Sinabi ni Agent Jerald na hindi na tayo pwede magtungo pa sa Head Quarters. Siguradong alam na daw nang kalaban na doon tayo nagpupunta." wika niya. Tiningnan ko siya mula sa akmang paghigop ng kape. Nahuli ko siyang nakatitig sakin. Pakiramdam ko matutunaw ako sa mga titig niya. Agad akong nagbaba ng tingin."Saan tayo pwede magpulong ngayon?" tanong ko na h
last updateLast Updated : 2022-06-05
Read more

Hawak-Kamay

- Rhianna'sPOVIlang oras na ang lumipas mula nang umalis si Leo. Nagtungo siya kina Brandon para sa isang pagpupulong kasama si Carmela. Hindi ko maiwasan makaramdam ng paninibugho. Naiinis ako! Oo alam ko na na nagmamalasakit siya sakin pero katunayan lang iyon na wala siyang tiwala sakin! Pero hindi ko maiwasan makaramdam ng saya sa aking damdamin dahil sa pagmamalasakit niya sakin.Napagpasyahan kong magluto nalang ng hapunan para kahit papaano may pinagkakaabalahan ako. Patapos na ako sa pagluluto ng maulingan ko ang mga yabag na papalapit sakin."Rhianna." wika niya. Halos nanlambot ako sa aking kinatatayuan dahil sa pagbigkas niya sa aking pangalan. Kaysarap dinggin ng tinig niya. Pakiwari ko nawala yung inis na nararamdaman ko kanina. Lumingon ako sa kaniya. Nakatingin lang siya sakin. Nagbaba ako ng tingin dahil diko kayang salubungin ang mga titig niya. Lumapit siya sakin. Bumuntong-hininga muna siya bago nagsalita."Galit ka ba?" tanong niya habang papalapit siya sakin.
last updateLast Updated : 2022-06-05
Read more

And Nararamdaman

Rhianna's Point Of ViewNarito ako sa aking kwarto at nagbibihis. Naghahanda na kami ni Leonardo para magpunta sa Head Quarters dahil doon kami magkikita-kita para sa gagawing paghuli sa mga nasa likod ng gagawing transakyon ngayon. Hindi ko maiwasang kabahan sa gagawin namin. Sana maging ligtas kami. Sana walang mapahamak samin. Kinuha ko ang baril na nasa mesa na nasa tabi ng aking kama at isinukbit iyon sa aking tagiliran. Nang makalabas ako ay nakita ko si Leonardo na papalabas na ng kaniyang silid. Hindi ko mapigilang humanga sa kaniya. Mas guwagwapo siya habang tumatagal. Halata sa suot nito ang kakisigang taglay. Gaano kaya kasarap na makulong sa mga braso nito. Ipinilig ko ang ulo sa mga isiping iyon."Let's go?" tanong niya sakin. Ngumiti ako sa kaniya at tumango."Let's go." wika ko. Bago ko pa man maigalaw ang mga paa ko para maglakad. Kinuha niya ang kamay ko at pinagsiklop iyon. Hindi ko maiwasang kiligin sa ginawa niya. Kahit ganito lang ayos na sakin. Basta maramdama
last updateLast Updated : 2022-06-07
Read more
PREV
123456
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status